PALABAS pa lamang si Rachel mula sa isang ward ay natanaw na niya si James. Abala ito sa pakikipag-usap sa kasama niyang nurse on-duty at ilang babaeng volunteer nurses na naroroon. “Hello, Rachel,” bati nito sa kanya nang makita siya. Hindi niya ito pinansin. Nagtuluy-tuloy lamang siya sa loob ng nurses’ station at ibinaba ang dala niyang mga gamit. Naiinis siya rito dahil pakiramdam niya ay nagpapa-cute na naman ito sa kanya. Napatingin siya sa relo. Oras na pala ng palitan ng duty, kaya naman nagkakagulo na ang mga volunteers sa station nila. Lalo siyang napasimangot nang sumulyap siya kay James at makita itong bumalik sa pakikipag-usap sa mga volunteer nurses. At ang mga babaeng nurses naman ay halata niyang may crush sa binata. Second duty na niya da

