
Dahil sa namayapang kapatid ay inako ni Anastacia ang pag-aalaga sa kanyang pamangkin na si Newton. Since wala na rin silang magulang ng ate Prianne niya ay siya na lamang ang tanging inaasahan ni Newton dahil kasamang nasawi ang daddy nito sa aksidente.
At the age of 21 she become a mother of Newton. Isang taon na rin na nasa custody niya ang pamangkin tapos isang araw ay makatangap siya ng letter mula sa abogado ni Jackson ang kuya ni Nathaniel at umaapela sa custody ni Newton.
Handa siyang ipaglaban ang pamangkin dahil nangako siya sa ate niya na aalagaan niya itong mabuti bago ito malagutan ng hininga. Dadaan muna sa bangkay niya si Jackson bago niya isuko si Newton.
She doesn't like him the first day she met him in her eldest sister's wedding. Kumulo agad ang dugo niya sa ugali nito, isinumpa niya pang kahit ito nalang ang natitirang lalaki sa mundo ay hinding hindi niya ito papatulan.
But then fate has its own way to stumble her life. Paanong nangyari na isa sa kondisyon pala ng kapatid nito ay ang pakasalan niya si Jackson para sa custody ni Newton??
Will she give up Newton? Or marry the man she hates the most?
