PAGLABAS ni Katarine mula sa cottage nila ni Gracue ay siyang dating naman ni Nathali na takang-taka sa hitsura niya. Dahil sa pagdidilim ng paningin ay hindi na niya napansin ang babae kung hindi pa ito humarang sa daraanan nila ng pamangkin. “Whoah, whoah, whoah! What's happening here? Why do looked like that? Susugod ka sa giyera?” awat nito sa kaniya nang magtangka siyang lampasan lang ito. Hinawakan din nito si Gracie para pigilin sa pagsunod sa kaniya nang ‘di pa rin siya nagpaawat. “W-Wala,” kaila niya saka siya humugot nang malalim na buntong-hininga upang kalmahin ang sarili. “We saw my dad with another woman, Aunt Nathalie,” sumbong naman kaagad ni Gracie sa tiya. “Wait… are you talking about that handsome fellow that was in the police who used to—” mahabang litanya nito na

