“LET'S get out of here. Let's walk by the beach,” yaya ni Nicholo kay Katarine pagkatapos nilang mag-dinner. They were just stealing glances at each other while eating at nagkasya na lang sila sa isang tanong, isang sagot na usapan. Kaya naman nagpasya siyang yayain na lang ang dalaga na maglakad-lakad sa tabing-dagat para mas makapag-usap sila nang maayos. Maybe that way, Katarine will be more willing to open up and talk to him. Pinangunutan siya ng noo ni Katarine at alanganing tumawa. “Sa beach? Sa suot kong ‘to? Okay ka lang?” hindi makapaniwang tanong nito. “Why not? It'll be more romantic,” nakangiting saad niya saka nag-excuse sa dalaga bago siya tumayo at lumapit sa reception. Hindi na tuloy niya napansin ang ginawang paglunok at kaagad na pamumula ng mukha ni Katarine dahil s

