NAPAMAANG si Katarine habang hawak niya sa magkabilang kamay niya ang sandals niya, nang tumigil sa paglalakad si Nicholo. “Wait,” sambit ng binata at saka nito ibinaba ang hawak nitong pares ng sapatos sa buhanginan. Pansumandali rin nitong binitiwan ang kamay niya bago hinubad ang suot nitong suit pagdaka’y isinampay iyon sa balikat niya. “Lumalamig na, baka magkasakit ka,” bulong nito habang inaayos ang pagkakasuot ng suit sa kaniya at saka muling kinuha ang sapatos sa buhanginan at muli ring ginagap ang kamay niya. “Thank you,” nakangiting anas niya bago sumabay sa paglalakad ng binata. Medyo nilalamig na nga siya dahil sa malamig na hangin na humahalik sa exposed na balat niya. “I missed this…” mayamaya ay sambit ng binata. Napalingon siya rito samantalang patuloy pa rin ang pag

