NATIGILAN si Nicholo sa sinabi ni Katarine. Saka ilang siya natauhan nang tuluyan nang lumabas si Katarine sa pantry. “You know that I can't do that, don't you?” sa wakas ay sambit niya na nakapagpatigil sa paglalakad ni Katarine. “Alam mong hindi ko kayang iwan si Vanessa—” Marahas na humarap ang dalaga at saka siya tinitigan, hilam pa rin ng luha ang mga mata nito. “That's why I said that. Dahil kahit ilang beses kong gustuhin na ibalik 'yong nakaraan… ‘yong tayong dalawa na nagkikita nang palihim at nakikipagtaguan. 'Yong mga sandaling ipinararamdam mo sa akin na ako lang… alam ko, hindi mo siya kayang iwan. You are man enough to say that to my face. Even if I said that I will fight for you, I know, you will never hurt her unless she gives you a reason to do so…” pag-amin nito. Hum

