NAPATIGIL si Nicholo sa paghakbang ng balak sana niyang pagpasok sa kusina nang marinig niya ang sinasabi ni Katarine kay Dylan. "I think, I'm falling in love with my ex." Kagyat na tumigil sa pagsasalita ang dalaga at saka nagpakawala ng hininga. "You need to ask him to leave before I become the person I hate." Napakunot-noo siya at saka napatiim-bagang bago muling inaya pabalik sa study room si Gracie na siyang nag-aya sa kaniya na sumunod sa tiyahin at kay Dylan. "Mommy Kata and Uncle Dylan has something to talk about, Gracie. Let's just wait for them to come back here, okay?" dahilan niya nang magtanong ang bata kung bakit sila bumalik sa study room. "But, daddy—" Magrereklamo pa sana si Gracie nang biglang tumunog ang cellphone niya. "One minute, baby. Just sit down here, Gracie,

