Chapter 8
I wasn't usually quiet. Truth is, I was friendly and noisy, not until it happened. Bawat section sa dating paaralan ko simula noong elementarya hanggang senior high namin, may kakilala o kaibigan ako. They even entitled me as Miss Congeniality because of that.
Pati ako ay naninibago sa pakikitungo sa mga taong nasa paligid ko. Oo, may attitude ako, pero sa mga taong attitude din sa akin. Kapag mabait ka, mabait din ako sa 'yo. That was how it works on me. Pero noon iyon, hindi ngayon.
Nagbabago ang mga tao sa iisang dahilan: nasaktan. Pero ang pagbabagong iyon ay maaaring para sa ikasasama natin o puwede ring sa ikabubuti natin. But I'd rather choose the latter. I want to change myself not for the worse, but for the better.
Sabi ko sa aking sarili, kung magiging bukas ulit ako sa ibang tao, sisiguraduhin kong hindi ako magtitiwala ulit nang lubos. Ayokong maulit ang nangyari sa nakaraan. I trusted but then I was fooled and cheated.
Kaya ngayon, hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman at gawin. I'm trying to accept Claudia's friends as my acquaintances, at least, but... this isn't what I'm expecting.
"Ate! Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Claudia.
Kumurap-kurap ako nang ilang beses. I tried to process everything until my face heated on fire. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakapatong kay Zain na ngayon ay nakahiga at natulala rin sa nangyari.
Just... oh, my Lord. We accidentally kissed! Paano siya napunta sa likuran ko? Kanina lang ay naroon siya sa malayo at nakikipaglampungan sa kapatid ko, ah?
"Hadassah! Ayos ka lang?" Lumapit din sa akin si Xayvion.
Lumingon ako sa likod niya at nakitang palayo na ang lalaking kumausap sa akin kanina.
"What's happening here?" tanong ni Zed kasunod ang iba pang kaibigan niya.
Umiling ako at lumapit kay Claudia. Ang kanyang tingin ay palipat-lipat sa akin at kay Zain na ngayon ay nakatayo na at pinapagpagan ang sarili dahil sa duming dumikit sa kanya.
"Tapos na kayong mag-picture?" tanong ko sa isang normal na tono.
"Oh, anong nangyayari dito? Magpapahinga pa ba kayo nang mas matagal o diretso na tayo sa Canigin?" tanong ng aming tour guide na lumapit din sa amin.
Napapikit ako nang mariin. Hindi na ako ngayon makatingin kahit kanino, lalong lalo na kay Zain! Sa kaiisip ko sa nangyari, ilang beses akong nadulas sa medyo basang lupa at natusok ng mga matutulis na batong inakyatan namin. Kairita. Ang dami ko tuloy sugat sa braso at ang hapdi pa.
Dinadaluhan naman agad ako ni Claudia pero minsan ay nasasama ko siya. Si Mark, Zed, o 'di kaya'y si Xayvion naman ang tumutulong sa akin sa tuwing napapasama si Claudia sa pagkahulog ko.
"Dahan-dahan lang. Mas okay na ang mabagal basta ligtas kaysa nagmamadali tayo. Mamaya mahulog ka pa riyan sa bangin," ani Mark.
Tumango ako. Hawak niya ang kamay kong may gloves at inaalalayan na dahil kanina pa ako nagiging lampa.
"Sorry po. Uh, pwede namang mauna kayo nang kaunti sa akin. May kasabay naman ako—"
"Sinasabi mo riyan? We won't leave you here alone, Hadassah," Xayvion interrupted me from behind.
Iritado ko siyang nilingon. Akala niya ba ay hindi ko napansin ang pasimpleng pagpisil niya kanina sa pang-upo ko habang umaakyat ako sa may malaking bato? Tinutulungan lang daw ako, e, nangmamanyak naman na!
"Shut up." Umirap ako.
Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako madudulas kanina! Hindi sana mangyayari iyong hindi dapat nangyari! Kainis!
"Oh, 'wag ka namang manggigil sa kamay ko, Miss," natatawang sabi ni Mark.
Uminit ang pisngi ko at agad nang tinanggal ang pagkakahawak sa kanya.
"Sorry. Naba-badtrip lang ako."
"Tara na nga. Mamaya sa may stopover, gamutin natin 'yang mga sugat mo sa braso."
Mabuti na lang talaga at may pagkaing dala ang mga kaibigan ni Claudia at iyong matatamis. Mas nakaka-energize kasi lalo kapag iyon ang kinakain sa mga ganitong physical activity.
Huling bundok na 'yong inaakyat namin ngayon nang tumigil ulit kami. May dalang first aid kit ang tour guide kaya iyon ang ginamit namin. Tinulungan ako ni Claudia linisin ang galos ko sa braso gamit ang alcohol at bulak.
Ngumiwi ako sa hapdi nang idampi niya iyon.
"Wala bang betadine? Ang hapdi!" reklamo ko habang hinihipan ang sugat.
Napapunas ako sa pawis na namumuo sa noo at leeg ko. Lahat ng tubig na ininom ko kanina ay naging pawis na.
"Wala, e," si Claudia. "Zain! Pakikuha naman ng pamaypay ko sa bag. Pakipaypayan si Ate Aisa at pinagpapawisan na!"
Mabilis pa sa asong sumunod sa amo ang hudyo. Lumapit siya sa amin at pinaypayan si Claudia. Seryoso ang kanyang mukha habang ginagawa iyon.
Bakit si Claudia ang pinapaypayan niya? Ako nga raw, e!
Okay, Aisa. Anong sinasabi mo riyan?
"Zain, si Ate muna ang paypayan mo," seryosong sabi ng kambal ko habang dinadampian ang braso ko ng bulak.
Lumingon sa akin si Zain. Kuminang ang hikaw niya nang tumama ang sikat ng araw rito.
"Okay..." masunurin niyang saad bago ako pinaypayan.
Ayan! Masunurin naman pala. Ngumisi ako pero nawala rin nang lingunin niya ulit si Claudia para tanungin kung may dala ba siyang towel. Baka raw kasi basa na ang likod nito ng pawis.
Wow! Mom, is that you?
"Si Ate baka pawis na rin. Ayos lang ako."
"May towel ako sa bag," sabi ko bigla.
Tinatanong ka, Aisa?
Napatingin sa akin si Zain at nagtaas ng kilay. Ibang sugat naman ngayon ang ginagamot ni Claudia.
"Where's your bag? I'll get it," he said.
Nginuso ko ang bag na nasa tabi ko lang naman. Tumigil siya sa pagpaypay para kunin sa bag ko ang sinasabing towel. Nang mailabas niya iyon ay hinarap niya ako.
"Tapos na!" Ngumiti si Claudia at tumayo na para ayusin ang kit.
"Turn around," sabi ni Zain.
"Huh?" naguguluhang tanong ni Claudia.
"Turn around, Aisa. Pupunasan ko ang likod mo."
Narinig ko ang mahinang hagikgik ni Claudia sa tabi ko. What was that?
Naguguluhan man, tinalikuran ko siya. Nanigas ako sa kinatatayuan nang maramdamang may humawak sa laylayan ng suot kong tank top. Pinasok niya ang kamay roon kasama ang towel bago ako pinunasan sa likod. Beads of cold sweat started to form again when I felt the currents linked down to my spine.
"You're not wearing a bra?" he asked roughly.
"U-uh—" I tried to speak but he cut me off.
"Tss..." pagsusuplado niya ulit.
Mabilis niyang tinanggal ang kamay sa loob ng damit ko matapos niyang ilagay roon ang towel. Hindi pa nga ako nakakapagsalita, nilayasan na ako agad. May foam naman kasi itong suot ko kaya hindi na ako nag-abala pang magsuot ng bra. May extra naman ako sa bag na sports bra tulad ng kay Claudia para mamaya kapag naligo kami.
I wonder what's wrong with that guy. Paiba-iba ng mood at ugali. One moment, he'd be cold and violent, the next moment, he'd be gentle and thoughtful at the very least, but he would always end up being rude!
I'm trying to understand him, alright. Simula noong gabing nakita ko siyang nakatalikod, hubad, at puno ng mahahabang peklat ang kanyang likod, sinabi ko sa aking sarili na susubukan kong intindihin siya.
Those long line of scars are evidence of violence, kahit hindi ko na itanong pa. Maybe that's the reason why he's sometimes violent, too. Naisip ko tuloy kung minsan ba ay nasaktan na niya ang kapatid ko. I don't know what would I feel or do if ever I'd learn that he had hurt her.
Magla-lunch na noong natapos kami sa pag-akyat sa Trilogy. Kumain kami saglit at nagpahinga bago tinahak ang daan naman ngayon papunta sa Waray Dam. Wala na ang tour guide namin kaya kaming pito na lang talaga ang magkakasama.
"Hay, sa wakas! Gusto ko nang maligo!" sabi ni Toni sabay hubad agad ng kanyang pang-itaas na damit.
Sumunod sa kanya si Reah sa paghuhubad ng damit at shorts. Ang mga gamit namin ay nasa cottage na nirentahan namin. Naupo muna ako sa isang kawayang upuan at pinanood ang ilan sa kanila na naliligo na ngayon.
"Hindi ka maliligo, Ate Ais?" tanong ni Claudia.
Naka-sports bra na lang siya at shorts. Nagpalit sila kanina ng damit doon sa may banyo rito na may bayad kapag gumamit.
"Mamaya na lang. Dito muna ako."
Tumango siya at nilingon sina Xayvion at Zain na parehong nakaupo rin sa katapat kong upuan. Naka-sleeveless shirt silang itim pareho at board shorts. Malayo ang tingin ni Xayvion habang pinaglalaruan ang kanyang ibabang labi habang si Zain naman ay parang agilang nanonood sa amin.
"Zain? 'Di ka pa maliligo?" Claudia asked him.
Umiling siya at nanatili na ang malalalim na tingin sa akin.
Bakit ganyan siya makatingin? Inaano ko ba 'to? Mamaya magulat na lang ako, sapakin niya ako bigla. Quota na ako!
"Ikaw, Xayvion? Ligo tayo!" mas maligayang anyaya ni Claudia sa tahimik din na kaibigan.
Pinanood ko ang kapatid kong hinawakan ang braso ni Xayvion noong hindi siya nito pinansin at bahagyang hinila. Bahagya pang nakaawang ang bibig niya nang lingunin si Claudia. Sa huli, dumapo ang tingin niya sa akin.
"You're not gonna swim?" Ngumisi siya sa sariling tanong.
Umirap ako at inismiran siya.
"Tara, Xayvion! Mamaya na magsu-swimming si Ate saka Zain."
Xayvion was still smirking. "Mamaya na rin ako..."
"Huh? B-bakit?" dismayadong tanong ni Claudia.
"Oo nga, Xayvion. Bakit hindi ka sumama sa kanila?" I raised my brow.
He pouted his lips and turned to Zain. May binulong siya rito bago tumango ang kausap niya. Nang sa wakas ay tumayo si Xayvion, halos kaladkarin na siya ni Claudia papunta sa dam.
"Let's go!"
"Alright... wait... be careful," rinig kong natatawang sabi niya kay Claudia.
Now, what? I'm left with this... guy. Pinakita ko sa kanya ang pagbusangot ng mukha ko dahil nanatili siyang nakatingin sa akin. Bahagyang nakayuko ang ulo niya kaya pailalim niya ako kung titigan.
Hindi tuloy ako mapakali sa puwesto ko. I wonder what he's thinking right now? Baka mamaya, naiisip niya pa rin 'yong halik! Kairita talaga. Baka sabihin nagustuhan ko kasi hindi ako nagreklamo. Should I confront him now that we're alone? Baka sabihin niya naman na masyado akong apektado roon?
Ano ba 'yan! Nakaka-stress!
Tumayo ako at hinagilap ang bag ko. Hindi pa ako nagbibihis simula noong nakababa kami sa bundok kaya magpapalit na lang muna ako. Nang mapatingin ako sa kanya, pinapanood niya pa rin ako! Bahagya nang nakaangat ang gilid ng kanyang labi.
"Anong problema mo? Why are you staring at me?" hindi ko napigilang ibulalas iyon.
Sinarado ko na ang zipper ng bag ko habang dala ang pamalit na damit.
"You..." he said.
My brows tied into a knot. "Anong ako?"
"You... are my problem."
Suminghap ako at halos matawa sa sinabi niya. Grabe! Ako pa ang problema niya? What did I even do to him?
Tumayo siya kaya napaatras ako. Kumabog agad ang dibdib ko habang palapit siya sa akin. Don't tell me he's gonna hurt me again? Isang sigaw ko lang...
"You know what? Para kang problema na tinubuan ng katawan at mukha."
WHAT?!
Napahawak ako sa dibdib ko. That was a very offensive remark! Problemang tinubuan ng katawan at mukha! How dare he called me that way!
Nanginginig ang mga kamay ko nang harangan siya para hindi na makalapit pa. Ngayong malapit siya ay kitang-kita na ang agwat ng tangkad naming dalawa. Ang lapad ng katawan niya ay halos doble ng sa akin! He was like a freaking handsome bouncer or some macho dancer!
Oh, shiz! What the heck am I saying here? Handsome bouncer? Macho dancer? The hell!
"H-how dare you—"
Tuluyan nang dumikit ang nanginginig kong kamay sa kanyang matigas na dibdib. Mabilis kong binawi iyon nang bumaba ang tingin niya roon.
"L-lumayo ka nga sa akin. A-ano ba..." I ordered him shakily.
I heard his chuckle. Deep and very manly. Tumingala ako at sinalubong ang mapupungay niyang mga mata.
"Before, I like your sister. Now... I don't know if it's still her that I like."
Nalaglag ang panga ko sa sahig at walang pumulot nito. Luluwa na rin yata ang mga mata ko dahil sa hindi inaasahang sinabi niya.
"Baby, I'm sorry for hurting you..."
Nanikip na ang dibdib ko sa sumunod niyang sinabi. I don't know what has gotten into his mind. Gusto niya ang kapatid ko, alright. I can see that... really. Tapos sasabihin niya ngayon na hindi na siya sigurado? Anong gusto niyang iparating? May iba na siyang gusto? Ano namang pakialam ko roon?
And why would he call me 'baby'? So darn corny! Magso-sorry lang, e... I chuckled inwardly. Marunong naman pala mag-sorry!
Tinago ko sa mahinang pagtawa ang kaba ko. Umatras ako palayo sa kanya pero hinawakan niya agad ang siko ko.
"Hadassah..."
"A-apology accepted. Uh... magpapalit lang ako."
Tumango siya at napahawak sa kanyang kaliwang tainga na bahagyang namumula.
"A-Alright... I'm sorry." He sighed deeply. "Please, wear a bra this time."
Piinipigilan ko ang paghinga hanggang sa makarating ako ng palikuran para makapagpalit. Napahawak ako sa dibdib kong halos sumabog na sa sobrang lakas ng kalampag nito. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako... natatakot o ano.
Pumikit ako at inalala ang sinabi niya noong gabing pumasok siya sa aking kwarto.
"Soon, you'd get to see the whole me. Whole... yet broken."
Kung tahimik na ako simula pa kanina, halos walang salita na ang lumalabas sa bibig ko hanggang sa magsawa sila sa pagligo sa dam. Ni hindi ko na tuluyang na-enjoy iyon dahil sa dami ng pumapasok sa isipan ko.
I still can't believe that the rough and mysterious Zain actually apologized to me. Iyon nga ba ang hindi makapagpatulog sa akin? No... everything that he'd said to me was very confusing. Why the sudden change of heart?
Isang linggo bago magpasukan, naabutan ko sa sala si Kuya ngayong madaling araw. Hindi ulit ako makatulog kaya naisipan kong magtimpla ng gatas. Kuya Kaius was on the sofa, lying uncomfortably there.
Nilapitan ko siya at tinapik sa pisngi para gisingin. He grunted and smacked my hand away from him. Malayo pa lang kanina, naamoy ko na siya. Ngayong malapit na malapit ako sa kanya, sigurado na akong amoy alak siya!
Pinalobo ko ang aking pisngi bago bumuga ng hangin. What's wrong with him? Lately, I noticed that he'd always go home late. Kung hindi matamlay, lasing naman tulad ngayon.
"Kuya!"
"Hmm..." Nagsalubong ang kilay niya pero nakapikit pa rin.
"May sunog! Kuya! Sunog!" buong lakas kong sigaw sa tapat ng tainga niya.
Napabalikwas siya ng bangon. Dilat ang namumula at namumungay na mga mata.
"s**t! f**k! Damn! Saan ang sunog? f**k!" sunud-sunod niyang mura habang nililibot ang tingin sa paligid.
Pinigilan kong humalakhak noong una pero hindi ko rin kinaya. Napahiga pa ako sa sofa habang tinatawanan ang kapatid kong namumula na ang buong mukha. Nang mapagtanto niyang wala namang sunog, napasipa siya sa ere at sinamaan ako ng tingin.
"What was that, Aisa?!" singhal niya.
I smiled cutely at him. "Sorry, Kuya! Mamaya madatnan ka na naman dito ni Mommy, e. Ginigising lang kita..."
"And you think that's the best way to wake me up?" Naningkit ang mga mata niya.
Tumango ako habang nakangisi na parang aso. "Oo naman! Kita mo ngayon, gising na gising ka."
Umirap siya at naupo sa tabi ko. Umayos ako ng upo sa tabi niya at hinarap siya.
"Kuya, if you have a problem, you know I'm always here, 'di ba?"
Patagilid niya akong tiningnan bago bumuntong hininga.
"Rest, Aisa. Don't mind me..."
"But you have a problem—"
"Wala, Aisa. Don't overthink. Just... sleep," he said huskily.
Saglit kaming natahimik. I know my brother for almost ten years. Alam ko kapag masaya siya o malungkot, kung may problema o sadyang pagod lang. He is as transparent as I am.
O baka sa aming dalawa lang iyon dahil magkapatid kami? I don't know. Basta ang alam ko ngayon, may problema siya. Personal or not, still a problem.
"Kuya, if you have a problem, I hope it isn't connected with me," I told him mindlessly.
Mabilis ang paglingon niya sa akin. Umawang ang labi niya bago napailing. Pagod akong ngumisi nang maisip na baka nga konektado sa akin ang pinoproblema niya. That maybe, he's still working with my case. Hindi ko na kasi masyadong pinagtuunan iyon ng pansin. Maliban na lang kung sila na mismo ang magsabi sa akin kung kakailanganin na ako para sa kaso.
Naisip ko tuloy, ano na ang nangyayari sa mga tinuring kong kaibigan? Nakonsensiya kaya sila sa ginawa nila? O baka naman hanggang ngayon, ako pa rin ang pulutan sa inuman nila?
How disgusting! Nagtitindigan ang mga balahibo ko sa katawan sa tuwing maiisip ko ang mga panahong hinahalikan ko ang walang hiyang Eljie na iyon. Nandidiri ako pati sa sarili ko.
Pinatulan ko ba talaga 'yon?
Tinanghali ako ng gising sa umagang iyon. Kumikirot ang ulo ko habang naglalakad sa hagdan. Tulad ng dati, bumungad sa akin ang mukha ni Claudia. Dad's probably working and Mom's still going in the university for those who are taking summer classes.
"Tinanghali ka, Ate Aisa. May pagkain na sa kusina. Kumain ka muna."
Tinanguan ko lang si Claudia na nasa sala at nanonood.
"Ah, A-ate..."
"Oh?" Nilingon ko siya dahil hinawakan ako sa braso.
Sa likuran niya, nakita ko si Zain na nakaupo sa single couch. Legs widely spread and arms crossed against his chest. His shadowed eyes were settled on me.
"Wala kasing work si Zain ngayon saka... uh, nasa kanila ang father niya. Medyo hindi kasi sila magkasundo kaya sana... ayos lang na rito muna siya pansamantala?"
Say what?!
Teka, teka. Ang dami niyang sinabi pero iyong huling sinabi niya lang yata ang narinig ko. Paanong dito muna siya pansamantala? Matutulog siya rito, ganoon? No way!
I grabbed her arm and dragged her towards the kitchen. Napahilamos ako sa mukha at tinuro ang labas ng kusina, tinutukoy ang lokasyon ng lalaki niya.
"Claudia, hindi pwede 'yang gusto mo!"
Napatalon siya.
"Teka, Ate, kasi... ano..."
"Patutulugin mo 'yan dito? Claudia? Baliw ka na ba? Hindi ba ang sabi ko, magsabi ka sa akin kapag papapasukin mo ang lalaking 'yan? Hindi ka na nga nagpaalam, gusto mo pang patulugin dito 'yan? Are you kidding me?"
"Ate Aisa, calm down, please. Our parents know about Zain's bad relationship with his father—"
"Anong pakialam ko kung hindi sila ayos ng tatay niya?"
Namilog ang mga mata niya.
"Ate! Don't be so heartless!"
I looked at her unbelievably. I am now heartless? Wow! Edi sana ay patay na ako kung heartless ako! Leche!
"Kawawa si Zain sa tatay niya, Ate. May history siya ng violence sa tatay niya. Sa tatay niya, Ate! Alam din iyon nina Mommy at Daddy kaya pumapayag sila kung minsang nandiyan ang tatay niya at ayaw niyang matulog sa kanila, pumapayag silang dito muna siya magpalipas ng gabi. Please, Ate... hayaan muna natin si Zain dito..." Hinawakan niya ang kanang kamay ko.
Umiling ako at nag-iwas ng tingin.
"At saan mo siya patutulugin, ha? Our rooms are all occupied..."
"Uhm... hindi ba nasabi ni Kuya sa 'yo, Ate? Nasa Isabela siya for a week..."
"Ano?!"
Wala rito si Kuya for one week? Bakit? Hindi man lang siya nagsabi sa akin! Magkausap kami kaninang madaling araw tapos hindi man lang niya nabanggit sa akin?
"Do our parents know that Zain would stay here?"
"Yes, Ate Ais..."
"Then... fine! Just tell him to behave, alright?"
Umaliwalas ang mukha ni Claudia. Bumuntong hininga ako. Lakas mangonsensiya nitong babaeng 'to.
"He's always behave here!" Ngumiti siya nang malapad.
Behave sa 'yo kasi tuta mo iyon, Clau!
"Teka... bakit hindi siya makitulog sa ibang kaibigan niyo? Sa pinsan niya? O kaya kay Xayvion?"
Napawi ang ngiti niya sa tanong kong iyon.
"Nahihiya si Zain sa parents ni Zed. Ayaw niya rin kina Xayvion dahil 'yong kapatid niyang babae, patay na patay sa kanya."
"Babae? Kaedad niya?"
Umiling siya. "Mas bata ang kapatid ni Xayvion ng pitong taon."
"So, the girl's probably just... ten? Child abuse nga naman!" Humalakhak ako sa nasabi.
Grabe naman pala ang pagmumukhang iyon, nakasungkit pa ng bata!
"Huh? Ate, hindi. Odette's already fifteen. Zain's... twenty-two."
What? Twenty-two?! He's that old! I can't believe this! I thought he's still studying? Ano ba talaga? Paano sila nagkakilala ni Claudia kung mas matanda siya ng limang taon? Hindi halata, ah? Pero... he looked really matured, though. Parang si Kuya Kaius.
"Then why aren't you calling him Kuya?"
She chuckled at my question. "He doesn't want to be called that way. Pero... ikaw, Ate. You can call him that if you want to."
"At bakit ko siya tatawaging ganoon? He's not my brother!"
Nagkibit siya ng balikat. "Oo nga naman, Ate. Bakit mo pa ako tinanong kung ganoon?"
My eyes narrowed at her.
"Joke lang!" Nag-peace sign siya at ngumiti. "Sige, Ate! Kain ka na muna rito tapos maligo ka na at magpalit, ha? Kita ko mula rito 'yong nips mo, e," she said playfully as she walked out of the kitchen.