Chapter 9

3285 Words
Chapter 9 Bandang alas sais nang mapagpasyahan kong mag-jogging. Nakarating na ang parents namin at nagpapahinga sa kanilang kwarto. Naabutan ko namang naglalaro ng Monopoly sa sala sina Claudia at Zain. "Clau, I'm going to jog. Kapag wala pa ako bago mag-dinner, mauna na kayo. Tell that to our parents, alright?" Tumayo si Claudia sa pagkakaupo sa sahig. Mabilis na pasada ng tingin sa aking suot ang ginawa ni Zain. Nagtaas siya ng kilay bago ibinalik ang tingin sa nilalaro na nakapatong sa coffee table namin. "Sure, Ate! Dito ka lang sa loob ng subdivision, ah? 'Wag masyadong papagabi baka—" Mom, is that you? "Yeah, yeah. Ilang beses na akong nag-jog dito, Clau, so don't worry about me." "Ah, sige..." "Anyway, can I borrow your Mp3 player again? With airpods, too." I smiled. "Sure! Wait here... teka lang, Zain." Nilingon niya ang kaibigan bago umakyat sa kanyang kwarto. My smile wiped out when I looked at Zain, who was now walking towards me. Suminghap ako at balak sanang pumunta ng kusina para maiwasan siya pero bago pa mangyari iyon, nahuli na niya ang braso ko. I jumped! Literally! Gumalaw ang kanyang panga nang makita ang reaksyon ko. "Uhm... I'm going to get some water. Excuse me..." Sinubukan kong bawiin ang braso sa kanya pero hinigpitan niya iyon. Afraid that he would hurt me again in our house, my hands started to shake. "Ayaw mo bang nandito ako?" bulong niya na nagpatindig ng balahibo ko sa batok. "W-well..." I can't answer! Totoo, ayaw kong nandito siya dahil naiilang at naaalibadbaran ako kapag nandyan siya. Kaya lang... pumayag na ako, e. Babawiin ko pa ba? Kapag tinanong kung bakit, ano naman ang sasabihin ko? "If you don't want me here, then, I'd rather stay with my father than seeing you afraid and disgusted... with me." Nanlaki ang mga mata ko. Magsasalita na sana ako nang marinig ang boses ni Claudia. Gamit ang kaliwang kamay, tinulak ko sa dibdib si Zain at mabilis na lumayo sa kanya. Mabuti na lang at binitiwan na nga niya ang braso ko. "Akala ko umalis ka na, Ate," ani Claudia sabay lahad ng gadget at airpods na itim. "Thanks! Balik ko rin mamaya pag-uwi." Nilagay ko sa bulsa ng suot kong dri-fit pants ang gadget pagkakuha sa kanya nito. Kumaway ako at nagpaalam na nang hindi tinitingnan pabalik si Zain. Sa labas ng bahay, nag-stretching na muna ako para hindi mabigla ang katawan. Though, physically active naman na ako kaya hindi madalas mangyari iyon sa akin. Before, I'd always get muscle cramps every after I jog. Tinuruan lang ako ni Kuya Kaius maging active sa ganito noong high school na. Sinuot ko ang airpods sa tainga at nagsimulang maglakad. Hanggang sa unti-unti, nag-jog na ako nang tuluyan paikot sa subdivision. Tumigil lang ako nang marating ang covered court sa amin para magpahinga saglit. Bahagya akong hinihingal nang umupo sa isa sa mga benches doon. May ilang naglalaro pa ng basketball doon. Mukhang pailaw lang ng mga tambay at hindi mga player ng mismong lugar namin. Tinanggal ko na ang airpods na suot at nilapag muna iyon sa tabi ko. "Water?" Nakahawak pa ako sa magkabilang tuhod nang may isang kulay pulang tumbler ang lumitaw sa harapan ko. Nilingon ko ang nagmamay-ari nito at natigilan nang makita si Xayvion. My lips slighly parted when I saw him only wearing a black jersey short and a pair of Jordan shoes! Wala sa sariling kinuha ko ang dala niyang tubigan at ininuman iyon. Nanatili naman ang tingin ko sa medyo pawisan niyang dibdib na may... isa... dalawa... Napapikit ako at tinigil ang pagbibilang sa walo. Kuya Kaius just have six! Okay. Why am I comparing them, anyway? Not worth it. Really. Nang marinig ang halakhak niya ay halos mabuga ko na ang iniinom ko. My cheeks immediately heated. God! Why the hell am I gawking at his body, anyway? It's not as if his body looks good... well... kind of. "Thank you?" Tumawa siya ulit matapos sabihin iyon nang ibalik ko sa kanya ang tubigan. "Thanks," I sarcastically said and rolled my eyes. Naupo siya sa tabi ko. I inhaled his scent, thinking on how many ways how would I kind of annoy him. Aasarin ko sanang mabaho kaya lang, mukhang ako itong kailangang maligo agad. Kung amoy pawis man siya, grabeng pawis naman iyon at amoy pabango. Umusog ako nang kaunti palayo sa kanya. Tumingin siya sa akin habang umiinom sa tubigang ininuman ko. "Hey, wala ka man lang bang proper hygiene? Ininuman ko kaya 'yan. Sana man lang pinunasan mo o kaya binuksan mo ang takip." He arched his brow, eyes full of amusement. "LC ka talaga, ano? Don't worry, I don't care if I don't have proper hygiene, you say." Kumunot ang noo ko. "What's LC?" He chuckled. "LC pero hindi alam ang ibig sabihin?" "Ewan ko sa 'yo! Hindi mo ba alam na pwedeng makakuha ng virus sa laway ng isang tao?" Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang ngisi ngunit sa huli, humalakhak din. "Damn this girl. Why do you always talk about virus when we're talking about our saliva?" Lumapit siya sa akin kaya lumayo ako. He looked at the space in between us before he moved again sidewards. "Bakit ka layo nang layo? Ganoon ba ako kabaho?" natatawa pa rin niyang tanong sabay taas ng braso at amoy sa kili-kili niyang walang buhok. "Ew! You're so gross!" sabi ko habang pinipisil ang ilong. "Napakaarte! Oh, amuyin mo! Puwede ka pang tumira dito!" Nilapit niya pa sa akin ang kili-kili niya. Sa sobrang lapit niya at sa kagustuhan kong makalayo, naitukod ko na ang siko sa bench na inuupuan at muntik pang mahulog dahil wala iyong sandalan. Napatili ako at agad napakapit sa braso ni Xayvion. "s**t!" he cursed. "Ouch! My elbow!" Napangiwi ako sa kirot. Naniningkit pa ang mga mata ko habang iniinda iyon nang mapagtanto ang ayos naming dalawa. Nakaliyad ako sa ere na halos mapahiga na kung hindi lang nasa likod ko ang braso niya para suportahan ako. Naipit din ang dibdib ko sa dibdib niya at halos magpalitan na kami ng mukha! His shadowed eyes were drowsy as he looked down on me. Pahirapan pa akong nilunok ang nakabara sa lalamunan nang bumaba pa ang tingin niya sa labi ko... pababa sa aking leeg. "A-ano ba!" Bahagya ko siyang itinulak sa dibdib. Wrong move! Nakatingin naman siya ngayon sa kamay kong nakadikit sa matigas at medyo pawis niyang dibdib. He lips reddened even more when he licked them. My heart started to hammer inside my chest. Umangat ang sulok ng kanyang labi bago niya hinawakan ang pulso ko at hinila. Napaupo ako nang maayos at mabilis pa sa alas kwatrong lumayo sa kanya. "Pervert!" I accused. Lumingon siya sa akin, seryoso na ang mukha at hindi nagsasalita. "You did that on purpose, didn't you? Ang sakit sa siko!" I added while massaging my pained elbow. "Hindi ko sasadyaing masaktan ka, Hadassah," malamig niyang sambit. Humaba ang nguso ko at iniwasan ang tingin niya. Hindi ako sanay na seryoso siya at malamig ang tono. Tumayo ako at hinawi ang bangs na bahagyang humaharang sa aking mata. "I'll go now. Thanks for the water," sabi ko bago siya tinalikuran. "Hatid na kita sa inyo," he said. "No, thanks. Kaya kong umuwi mag-isa." Umirap ako at naglakad na pero hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako. Nilingon ko siya at nakitang mariing nakatikom ang labi niya. "Hintayin mo ako rito. Kukunin ko lang ang damit ko roon." Tinuro niya ang kabilang side ng court. "Huwag na nga-" "I said wait here, Hadassah!" maawtoridad niyang pagputol sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Bago pa ako makapagsalita ulit, tinalikuran niya na ako at mabilis na tumakbo sa gilid ng court para kunin ang damit niya. Balak ko sanang sundin siya, kaya lang ay nakita kong nilapitan siya ng ibang nakahubad na naglalaro doon at kinausap. Kumulo agad ang dugo ko at tinalikuran sila. I won't wait for him and that's final! Ano siya, VIP? I was jogging away from the court when I heard him calling out my whole name. Mas lalo lang akong nairita dahil binubulgar niya pa ang buong pangalan ko. "Hey! I told you to wait!" Nilingon ko siya na ngayon ay sinasabayan na ang pag-jog ko. Nakasuot na siya ngayon ng grey shirt na sobrang hapit sa katawan niya. I scratched the bridge of my nose. Nakakainis ang bango niya! Nahihiya talaga akong lumapit at baka naaamoy niya na akong amoy pawis. Tumakbo na ako nang tuluyan para maiwan siya pero palagi akong maaabutan. My goodness. Bakit ba kailangan pa niyang sumunod sa akin? Dito lang naman ang bahay namin! I won't be lost. "Why are you running?" lito niyang tanong kahit ginagaya naman ako. Hindi ko siya sinagot. "Sabihin mo sa akin next time kapag mag-jog ka ng gabi. Delikado, baka mamaya may mga tambay na nag-aabang." "Bakit ko sasabihin sa 'yo? Daddy kita?" I asked sarcastically. "Puwede rin. Pero mas ayos kung boyfriend para hindi incest." Tumawa siya nang malakas. I stopped running and so did he. Tumatawa pa siya kahit pa ang talim na ng titig ko sa kanya. My eyes squinted as I looked at him. "Do you like me?" seryoso kong tanong. Unti-unting napawi ang tawa niya pero ang gilid ng labi ay bahagyang nakaangat pa rin. Kinagat niya ang ibabang labi at nagpamaywang sa harapan ko. "Ano ngayon kung gusto kita? Bawal? Masama?" Uminit agad ang pisngi ko sa sinabi niya. Goodness! Hindi ba siya marunong magdahan-dahan? Walang patumpik-tumpik pa kapag nagsasalita lagi? "I don't like you," nasabi ko na lang. He chuckled. "It's okay. Eventually, you'll like me, too..." Ngayon pati tainga ko ay nag-iinit na. "Asa ka naman, 'no? Ikaw? Magugustuhan ko? Pangit mo!" Mas lalo siyang natawa kaya sinuntok ko na ang tiyan niya. "Ouch!" natatawa niyang reklamo habang sapo ang kanyang tiyan. "Hilig mo manakit! Hindi nga kita sinasaktan, e." "Napaka... agh! Ewan ko sa 'yo! Diyan ka na nga!" Umismid ako at nagsimula ulit tumakbo. "Hintayin mo ako, baby damulag!" sigaw niya habang tumatawa. Mabilis ang paghinga ko nang makarating sa bahay. Malamang umuwi na rin ang Xayvion na 'yon dahil hindi ko na siya kinausap pa kahit sumusunod siya kanina. Ang dami laging sinasabi ng lalaking iyon. "I'm home!" I announced as I walked inside our house. Wala na sa sala sina Clau at Zain. Siguro kumakain na sila? Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa aking noo gamit ang likod ng palad. "Ma'am, nasa hapag na po sila. Dumiretso na raw po kayo roon," ani Beth na kagagaling lang yata sa kusina. "Pakisabi na mamaya na lang ako kakain. Pahinga lang ako tapos maliligo. I smell sweat," I told her. Tumango naman siya kaya agad na akong pumunta sa kwarto. Nagpahinga muna ako saglit para mahimasmasan bago naligo. Nagsuot ako ng puting v-neck shirt na manipis at pink na dolphin shorts para presko. After I blow dried my hair, I went down to eat my dinner. Wala na roon sa hapag sina Mommy at Daddy habang nagliligpit naman ang kasambahay namin ng pinagkainan nila. Clau and Zain were still there, though. Parehong kumakain ng saging habang tumatawa ang kapatid ko. Clau stopped laughing when she saw me. "Ate, kain ka na. Sinigang ang ulam!" she cheekily informed me. Tumango ako. Naghanda naman agad ng plato at kubyertos sina Eliza at Beth habang umuupo ako sa may kabisera, kung saan madalas umupo si Daddy sa tuwing kakain. "Ate, we'll watch some movie. Dito lang sa sala. Nood ka rin," ani Claudia. "Hmm... okay," sabi ko na lang para hindi na humaba ang usapan. "Iyong music player at airpods ko pala, Ate Ais?" Nabulunan ako sa tanong niya. Ang lakas ng ubo ko habang nagmamadali siyang iabot sa akin ang baso ng tubig. My gosh! Her airpods! s**t! Hindi ko naalala. Iyong music player niya lang yata ang nasa bulsa ko kanina. Naiwan yata roon sa court! "Uh... nasa drawer ko 'yong gadget... I think I—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ay umalingawngaw na ang tunog ng aming doorbell. Lumingon si Claudia sa kasambahay para sabihang pagbuksan kung sino man iyon. Saved by the bell! "Baka bisita mo 'yan, Claudia," sabi ko kunwari para mawala ang isip niya sa earpods. "Huh? Pero wala naman akong inaasahang bisita." "Ever heard of unexpected visitor?" I raised my brow. Zain's hawk like eyes were on me, though. Para bang alam niya na agad na naiwala ko ang gamit ng kapatid ko. Tumikhim ako at sumubo ng kanin. "Magandang gabi!" maligayang bati ng taong kapapasok lang sa aming kusina. For the second time, I choked! Nahampas ko na ang aking dibdib dahil sa grabeng pag-ubo. Kulang na lang ay isuka ko na ang mga laman-loob ko sa kauubo. "Oh!" Tumawa si Xayvion habang inaabutan ako ni Claudia ng tubig. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa sobrang pag-ubo. I wiped the tears away from my eyes and shot him my deadliest glare. Ano na naman ang ginagawa ng isang 'to rito? Mukhang bagong ligo rin dahil basa pa ang buhok at umaalingasaw ang amoy ng kanyang sabon. "Dahan-dahan lang kasi, Ate. Okay na?" wika ni Claudia habang nakatayo na sa gilid ko at hinihimas ang aking likod. "I'm fine!" "What are you doing here?" Zain asked Xayvion sternly. Mukhang saka lang din napansin ni Xayvion ang lalaking kasama namin noong nagsalita ito. Nabura ang ngiti sa mga labi niya at umigting ang panga. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Xayvion retorted. Zain's lips tugged upwards. "Quality time with the twin, of course," he said mockingly. "Zain!" tawag ni Claudia, hindi yata nagustuhan ang sinabi nito. "Damn you," Xayvion cussed grimly. I rolled my eyes. "Please, no cussing while I'm eating. Anyway, kumain ka na ba? If not, then, join me." I ain't really that rude. Umaliwalas ang kanyang mukha at agad naupo sa kaliwang upuan na nasa tabi ko. "Sakto pala. 'Di pa ako kumakain!" he told me enthusiastically. Talaga lang, ha. Akala ko pa naman ay tatanggi siya. "Uh, Ate Beth, pakihanda po ng plato si Xayvion," ani Claudia. "Tsss." Tumayo si Zain at hinarap ang kapatid ko. "Sala lang ako, Clau." Ngumisi ang lintik na lalaki sa tabi ko. "Oh, Claudia, nagpaparinig na ang bestfriend mo. Samahan mo raw..." Lihim kong kinurot ang braso niya kaya natigilan sa pinagsasabi. Nangamatis ang pisngi ni Claudia habang nakatingin kay Xayvion. "H-huh?" gulantang na tanong ni Claudia. Humalakhak si Xayvion habang nakatingin sa akin. "Claudia, samahan mo ang bisita mo..." I said, taking my eyes away from Xayvion. "Sinong bisita?" she asked, confused. "Si Zain! Sino pa ba?" iritado kong tanong. "Ang sungit," bulong ni Xayvion sa tabi ko habang nakangisi. She pouted as she looked at Xayvion. Nakaalis na ang supladong si Zain habang nandito pa si Claudia, lito sa kung anong gagawin. "Oh... so... ikaw pala ang pinuntahan ni... Xayvion," mahina at mabagal niyang sinabi. Tinitigan ko ang aking kapatid na bahagyang ngumiti bago tumayo. She left the kitchen as well as our house helpers quietly. Nang wala na sila sa paningin ko, humalakhak na nang tuluyan ang katabi ko. "You know what, why don't you start eating so you can now go?" Ngumiti siya. "Kararating ko lang, pinapalayas mo na ako agad?" Uminom ako ng tubig dahil tapos na sa pagkain. Siya, nangalahati na agad ang kinakain. Sumandal ako sa upuan at humalukipkip. Tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa aking plato. "Tapos ka na? May kanin pa sa plato mo," puna niya. "Why are you here?" "Tumawag 'yong tropa ko na naglalaro kanina sa may court. May nakita raw silang itim na airpods doon sa puwesto natin kanina. Tapos ka na kumain?" Namilog ang mga mata ko. I leaned closer to him. "Really? That's mine! I mean, kay Claudia. Nasaan na?" Umalon ang kanyang adam's apple habang tinititigan ako pabalik. Uminit ang pisngi ko nang mapagtanto kung gaano ako kalapit sa kanya. "S-sorry." Lumayo ako agad. He looked away and scratched the back of his neck. May kinuha siya sa bulsa ng kanyang suot na shorts at nilahad ang palad niya kung saan nakalagay ang airpods. Akmang kukunin ko iyon nang ilayo niya sa akin ang kamay. He smirked. "Ganoon na lang 'yon? Kukunin mo na lang basta?" Nagsalubong ang kilay ko. "Huh? Hindi ba pumunta ka rito para ibigay 'yan? Now, give it to me." Sinubukan kong hulihin ang kamay niya pero iniwas niya ulit. Tumawa siya at hinawakan ang pulso kong sumusubok kunin ang airpods mula sa kanya. "Nope. I'll give it to you in one condition," he said playfully. "Ano na naman?!" "Anong 'ano na naman'? Ngayon nga lang ako humingi ng kapalit!" Umikot ang bilog sa mga mata ko. "Fine. Ano 'yon? Huwag mo akong pahirapan at hindi akin 'yan." "Ibibigay ko sa 'yo ito kapalit ng phone number mo." "Wala ako no'n," agap ko. Umabot na yata hanggang langit ang kilay niya, halatang hindi naniniwala sa sinabi ko. But it was the truth. Bago kami umalis ni Kuya Kaius sa Pangasinan ay kinumpiska niya na ang phone ko. Siguro ay itinapon niya na rin upang hindi makarating sa akin ang bali-balita tungkol sa kumalat na video. Hindi na rin ako nagpumilit na bumili ng bagong phone. But I think I will need it eventually. Lalo na ngayong magpapasukan. For school purposes and any updates. Bumuntong hininga si Xayvion at binuka ang palad ko bago niya inilapag doon ang itim na airpods. "Fine. Even if I don't believe you..." Tumayo siya matapos uminom ng tubig. "Salamat sa hapunan. Pakisabi na lang kina Tita na dumaan ako rito... I'll go now." Tumango siya at tinalikuran ako. Napatayo rin ako at agad siyang hinawakan sa braso para pigilan. "Teka... wala talaga akong phone—" "I understand that you don't want to give your number, Hadassah. You really don't have to lie," bagsak ang balikat niyang sinabi bago tinanggal ang pagkakahawak ng aking kamay sa kanyang braso. Naiwan akong nakatanga roon at hindi mahagilap ang mga salitang gustong sabihin. I didn't lie! Why would he think that way? And... why do I care if he believes me or not, anyway? Wait, did I say my thanks to him? Padarag kong niligpit ang pinggan na pinagkainan namin nang pumasok sina Eliza at Beth. Hinayaan ko na silang magligpit doon bago ako umalis. "Claudia, here's your airpods. Bukas ko na lang ibibigay ang music player mo," sabi ko pagkaabot sa kanya no'n sa sala. "Umalis na si Xayvion, Ate? Nasa banyo ako kanina, e. Hindi mo hinatid?" Hindi ko na sinagot ang tanong niya. I was a bit occupied that I didn't even glance at Zain even when I saw his stares from my peripheral vision. Ang bagal ng paglakad ko paakyat sa ikalawang palapag. Pipihitin ko na sana ang seradura ng pinto sa kwarto ko nang matigilan at maalala ang bigo at malungkot na mukha ni Xayvion bago siya umalis. Sa huli, umikot ako para tahakin ang daan papunta sa kwarto ng magulang namin. I knocked three times before twisting the doorknob. Nilingon ako ni Mommy na nakaupo sa study table nila. Si Daddy naman ay busy sa kanyang bible pero nang makitang pumasok ako, tinanggal niya ang kanyang salamin at bahagyang kinusot ang mata. "Oh, hija. Do you need anything?" Mom asked. Shoot. Am I really gonna ask them? Humugot ako ng hininga habang naglalakad palapit sa kama nila. "Mommy... I just wanna ask if I can borrow some money..." "For what, Aisa?" si Dad naman ang nagtanong. Kinagat ko ang aking labi habang pinaglalaruan ang mga daliri. "I'll buy a new... phone po."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD