Chapter 26

3634 Words
Chapter 26 "Good morning, everyone!" maligayang bati ni Claudia nang pumasok siya sa hapagkainan na bahagya ko pang ikinagulat. "Good morning, hija. Mabuti naman at sumabay ka nang kumain sa amin ngayon." We're already on our usual seat at siya na lang ang hinihintay. Matapos niyang halikan sa pisngi ang magulang namin ay hinila niya na ang upuan sa tabi ko bago naupo roon, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi. I'm surprised but glad that she's back to her normal mood. "Tss. Nakausap mo lang 'yong lalaki diyan sa kabilang bahay kahapon, ganda na ulit ng ngiti natin, ah," puna ni Kuya habang nakasimangot sa tabi ni Mommy. Hindi naman natinag sa pagngiti si Claudia. "Kaius, 'wag mo nang sirain ang araw ng kapatid mo. Lead the prayer," ani Daddy. Napakamot si Kuya sa ulo pero nang titigan ni Daddy ay agad din namang yumuko para magdasal. After the short prayer, my twin started to talk about the gifts our parents gave us. Hindi ko alam kung pareho ba kami ng natanggap o magkaiba dahil hindi ko pa binubuksan 'yong akin. Ang alam ko lang ay ang regalo ni Kuya na titulo ng lupa ng rest house na pinagawa niya. "Gusto niyong puntahan 'yong rest house? Puwede naman this coming Saturday?" Kuya suggested. "Really? Gusto ko nang makita 'yon! Ikaw ba, Ate? Gusto mong pumunta roon ngayong Sabado?" Nilingon ako ni Claudia habang nakangiti. "Uhm... okay lang din sa akin. Wala naman akong gagawin. Ayos lang po ba, Mommy, Daddy?" Mommy smiled. "It's fine with me. Kasama niyo naman si Kaius." Ngumisi si Kuya. "Ikaw, Papa?" "Wala ka bang trabaho sa araw na iyan?" "Wala naman, Pa. Maluwag ang schedule ko tuwing weekend." Tumango si Daddy. "Okay. Huwag mong hahayaang mapahamak ang mga kapatid mo kapag pumunta kayo roon." Pumalakpak siya Claudia. "Thank you po! Pero uhm... ayos lang din po ba na isama rin ang mga kaibigan namin ni Ate?" Wait, what? Kaibigan namin? As far as I know, I don't have friends anymore. Hindi naman mawawala agad ang sama ng loob ko sa kanila dahil sa ginawa nila sa akin pero hindi ako natutuwang bigla na lang silang nawala. Biglaan at parang sobra naman yata ang nangyari sa kanila. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka sa nangyari pero kung patuloy ko namang iisipin iyon, lalong hindi ako makakapag-move forward mula sa nangyari. But is there really a certain reason why they betrayed me? Sino ba ang talagang nagplanong gawin iyon at lahat silang kaibigan ko ay kasabwat? Because honestly, wala talaga akong maalala na ginawang hindi maganda sa kanila para gawin iyon. Para mapahiya, siraan, at pandirihan ako ng mga tao. "Huwag na kaya?" ani Kuya na nakasimangot agad. "Ayaw ko ngang makasama 'yong mukhang bouncer mong kaibigan." "Bouncer? Who?" singit ni Mommy na salubong na rin ang kilay. I pouted my lips. Bigla ay gusto kong humagikgik pero pinigilan ko. "Kuya Kaius naman, e. Bakit ba parang galit na galit ka kay Zain? Nagtaas ng kilay si Daddy. "Si Zain? He's a good man and a good friend to your sister, Kaius. Kaedaran mo rin siya. Hindi ba kayo magkasundo?" Sumundot ako ng hotdog gamit ang tinidor bago kinagatan iyon. "Paano kami magkakasundo ng taong iyon, e, ang yabang niya?" Umubo ako. "Mayabang..." Ubo ulit. "Ka..." Isa pa. "Rin..." Dalawang magkasunod na ubo. "Naman." Iritado akong nilingon ni Kuya Kaius. I shot my brow up and continued eating. "You probably just misunderstood him, Kaius," Mommy said. "If only you get to know him better, you'll see his good side. He's been really a good friend to Claudia." "Oo nga, Kuya," nakalabing saad ni Claudia. Nanlaki ang butas ng ilong ko. Siguro nga ay mabait iyon kay Claudia at sa kanya lang. We won't appreciate his 'kindness' because he never showed it to us. "Kung magsasama ka ng kaibigan, kahit 'yong mga babae na lang. Wala pa rin akong tiwala sa lalaking 'yon," malamig na sabi ni Kuya. "Okay..." Tumango ang kapatid ko. "Aayain ko sina Reah at Toni, ha, Kuya?" Kuya nodded his head and turned to me. "Ikaw? Baka may yayayain ka ring kaibigan mo? Sa school?" Tumikhim ako at umiling. "I'm not really close with them so..." Nagkibit ako ng balikat. "Okay lang na 'yong mga kaibigan na lang ni Claudia ang kasama." "It's alright, hija. You can bond with Clau's friends, too," ani Mommy. "Oo nga, Ate. Hindi mo pa sila masyadong nakakasama simula nang dumating ka rito pero gagawa ako ng paraan para makapag-bonding tayong lahat." She smiled sweetly. Ngumiti lang ako. There's no harm in... trying? Right? Maybe it's about time to start anew and build rapport with people closed to my family. Mommy told me not to cage myself from the past because if I continue to do that, I might not be able to see good things He would offer to me in this lifetime. Kung hindi ko titingnan ang posibleng magandang hinaharap, baka mas lalo kong pagsisihan. Baka mas lalo lang akong masaktan. But then, I'll always remind myself not to trust too much because too much can also harm me. Hinatid kami ni Kuya sa unibersidad tulad ng dati. Kumaway ako sa kanila mula sa bintana bago tinalikuran ang sasakyan. Malapit na ako sa gate nang may humablot sa braso ko. Basa at magulo ang buhok ni Echo nang tingnan ko siya. Mabilis naman ang pag-angat-baba ng kanyang balikat at bahagyang nakaparte ang labi na para bang hinihingal. Bago pa ako makapagsalita ay hinila niya na ako patungo sa waiting shed. "Eona... let's talk." "My class will start soon, Echo. Okay lang ba mamayang uwian na lang?" His lips met. "Saan? Dito? I'll wait you here later, then." Tumango ako. "You know my sched, right? Hindi ba alanganin ang uwi ko sa sched mo? We can move it-" Pumikit siya at umiling. His grip on my arm tightened. "Hindi. Darating ako bago ang uwian mo. 'Wag kang aalis." "Okay." Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Uhm, mauna na ako? Ingat ka pagpasok." Hindi pa niya inalis ang kamay sa braso ko nang muli siyang nagsalita. "We're okay... right?" He sounded like he was ready to beg if I'd answer no. I returned my eyes on him and smiled widely. "Oo naman. You're so paranoid, Echo. Wala namang rason para hindi tayo maging okay, 'di ba?" He blinked repeatedly before licking his bottom lip. Lumuwang na ang hawak niya sa akin habang unti-unti siyang tumango. The corner of his lips curved for a smirk. "Yeah. But I didn't like your text last night. Anong thank you sa sperm? Hindi ako sperm donor lang, Eona. Don't make it sound like that." "Hindi naman ganoon ang gusto kong sabihin." "You could have said, 'thank you for the extraordinary and remarkable made love, Echo. When's our next session?' Ganoon!" Napalingon ako sa paligid bago tinampal ng daliri ang bibig niya. "Sira ka ba? Baka may makarinig!" His upper set of white teeth showed when he emitted a laugh. Umirap ako. May hinugot siya sa kanyang bulsa at inilahad sa akin ang isang bracelet. "Sorry. I don't really like wrapping my gift for someone. Baka magmukhang basura lang kapag binalot ko. Here's my first gift for you. 'Yong pangalawa... after nine months na lang." Uminit ang pisngi ko at inipit ang labi sa pagitan ng mga ngipin. I held out my wrist for him. Nang maisuot niya na sa akin iyon ay saka ko lang pinakatitigan. The beads are crystal clear. "Baka sabihin nang makakita nito, masyado akong banal." I chuckled. "You are holy for me, though. My holy Eona..." Ngumisi ako. "Thank you for this, Echo." "Huwag mong iwawala 'yan, ah? Mahal 'yan kahit simple lang." Tumawa siya. "Pero mas maganda kung pareho kayong hindi mawawala dahil pareho ko kayong mahal." Ngumuso ako. "Hindi naman ako mawawala," sabi ko sa mahinang boses. Tuluyan niya na akong hinayaang makapasok nang payapa. Habang nasa klase ay hawak-hawak at tinititigan ko ang bigay ni Echo. For other people, it might be just a simple rosary bracelet but for me, it has a great impact and value. Wala pa akong nakilala na nagbigay ng rosary bracelet bilang regalo sa kaarawan ng isang tao. I wonder if there are other people who would rather give this kind of gift on someone they love than those expensive ones? Hindi ko alam pero parang kakaiba sa pakiramdam na mabigyan ng ganito. Para bang... ibinibigay ni Echo ang pagmamahal niya sa akin kasama ang Panginoon. At the same time, it's as if he still wants me to realize that His love for us will always prevail. That no matter how difficult we are going through in life, He is always there for us. That even when we cannot see Him, we can still feel His presence as long as we have faith. That as long as we have faith on Him, there's always hope for everything. Ang mga tao, kapag nawawalan na ng pag-asa sa buhay, sa Kanya lumalapit. Akala mo ay sinong mga relihiyoso bigla sa tuwing kailangan Siya. Pero kahit pa nakalilimutan Siya ng iba, sa Kanya pa rin tayo humihingi ng tulong. Sa Kanya pa rin tayo humuhugot ng pag-asa. At kahit ano pang kasalanan natin, pinatatawad Niya tayo. Ganoon Niya tayo kamahal. Mommy was right. This world has so much beautiful things to offer as long as we have Him in our life. Hindi dahil may nangyaring masama sa 'yo o may ginawa kang hindi maganda mula sa nakaraan, wala ka nang magandang hinaharap. "Miss Mercado?" Napatalon ako sa kinauupuan at nag-angat ng ulo sa harap. My prof was calling me to answer her question. At least it wasn't that hard. Nasagot ko naman kaya bumalik na ako sa pagtitig sa bracelet. Nilingon ko si Xayvion nang kalabitin niya ako. I sighed and wore back the bracelet on my wrist. Nakalimutan kong kaklase ko nga pala siya sa subject na ito. "What?" May ipinatong siyang isang itim at maliit na box sa desk ko. "Nakausap ko na si Claudia kung bakit hindi ako nakapunta noong birthday niyo. Nagsabi na rin ako kay Tita na pupunta ako mamaya sa bahay niyo para ibigay nang personal kay Claudia ang regalo ko sa kanya. Iyan naman ang regalo ko sa 'yo." Ang nakakunot kong noo ay napawi nang hawakan ang kahon. I was about to open it when he held my hand. I glared at him and retrieved my hand. He chuckled silently. "Mamaya mo na buksan kapag hindi ko na nakikita, puwede ba?" "Look away or just close your eyes." "Ayoko nga." Humalukipkip siya. I arched my brow and shrugged my shoulders before holding the box again. Akma ko na itong bubuksan ulit nang mahinang umungol ng pagtutol si Xayvion at muling hinawakan ang kamay ko. "Will you stop holding my hand?" asik ko pero sa mababang boses pa rin upang hindi mapansin ng iba. "Mamaya na nga kasi. Kulit naman nito. Sige ka, hahawakan ko lalo 'yang kamay mo." He even smirked. "Fine." I rolled my eyes and gave up on opening the box. Ipinasok ko na lang iyon sa bag at nakinig na sa propesor. Sa gilid ng mata ay may mapansin akong bahagyang lumingon sa direksyon namin. Sanay naman na ako dahil ang katabi ko ay isang modelo. Buti nga at hindi na ako inaatake ng kung sinong may gusto sa lalaking ito. Nang natapos ang klase at palabas na ay may biglang pumasok na mga tanong sa utak ko. Hinarangan ko si Xayvion nang akma siyang daraan palabas ng row namin. Napalunok ako. "May next class ka na ba?" Tumaas ang makapal niyang kilay at nagpakita ng ngisi. "Since when did you become curious with me, Miss Mercado?" I almost snorted in front of him because of his distinct sarcasm on his voice. "May mga itatanong lang ako sa 'yo. It's about Claudia." He took a glance on his wrist watch first. "Sige. Saan mo gustong mag-usap tayo?" Pinigilan kong ngumisi. Sinabi kong doon na lang kami mag-usap sa kubo na madalas kong tambayan. Habang naglalakad ay maraming bumabati sa kanya at balak pa sanang makipag-usap nang matagal pero itinuturo niya ako at magpapaalam na agad. Nang malapit na kami sa kubo ay napatingin ako sa mga naglalaro sa soccer field. "Aisa," tawag ni Xayvion nang napansing tumigil pa ako sa paglalakad. "Sorry." Mabuti na lang at walang tao sa kubo nang dumating kami roon. Magkaharap kami at ang nakapagitan sa aming dalawa ay ang mesang gawa sa kahoy. Humalukipkip siya at sumandal sa haligi ng kubo. "Anong tungkol kay Claudia ang itatanong mo?" Tumikhim ako. "Well... do you know that she has... leukemia? Tumango siya. "Sinabi niya sa 'yo?" I asked and he nodded again. Wow. Bakit sa ibang tao ay sinabi niya iyon pero sa akin ay hindi? Pero ano bang karapatan kong mangwestiyon ngayon kung ang ipinakikita ko sa kanya ay ang pagkawalang pakialam sa mga nangyayari sa kanya? "Since when did you become friends with her?" "Elementary. Grade 6 kami noon..." "Sinong una niyang nakilala sa inyong mga kaibigan niya?" "Si Zain ang una niyang nakilala dahil kapitbahay ninyo," mabilis niyang sagot. Si Zain? Ah, siguro kaya siya ang best friend ni Claudia. But... why did Zain say that if it's not because of Echo, he wouldn't have met her? Ibig sabihin, mas nauna pa talagang nakilala ni Claudia si Echo? Pero bakit parang hindi sila magkakilala noong ipinakilala ko si Echo sa kapatid ko? "Pero sa school, ako ang una niyang naging kaibigan. She was being bullied by her classmates and was always alone when I met her. I was a transferee that time. Then the next year, Toni and Reah transferred on the same school." Natigilan ako sa sinabi niya. Binu-bully si Claudia noon? What the hell? "Did you just befriend her because you... pity her?" Nagsalubong ang kilay niya. "Ano? Hindi ganoon 'yon, Hadassah. She was too kind and gentle that I had this urge to protect her and keep her always safe and happy. Kinaibigan ko si Claudia dahil gusto ko at hindi dahil lang sa naaawa ako." "Thank you for being with her, then. Kayong mga kaibigan niya. Baka kung hindi kayo dumating sa buhay niya- " "Don't thank us in behalf of her, Hadassah," he cut me off. "I know she can fight for herself but she was just afraid to do so. She just needed a little push to be brave enough and to stand on her own feet, and there's nothing wrong with that." "Still, isa kayo sa mga dahilan kung bakit masaya siya ngayon. She conquered her fear with your help." He shrugged his shoulders. "People who are being objected in any form of abuse need our support. Hindi niya ipinapaalam sa magulang niyo ang tungkol sa nangyayari sa kanya sa loob ng eskuwelahan at mukhang wala ring alam ang mga guro namin noon sa nangyayaring pambubuyo sa kanya. We were there to support her but she was still the one who faced them all." I smiled, thinking that if I ever saw her being bullied by anyone, I'll be ready to have a cat fight. "Ano pa ang itatanong mo?" "Ah..." Tumikhim ako at napakamot sa batok. "Did you know... Kliff Jericho Rivera?" He jutted out his lower lip. "I don't know him." "Oh." Bumagsak ang balikat ko. "Zain said something that if it's not for Echo, he wouldn't meet Claudia." "Echo?" Halos magdikit na ang kilay niya. "Ah, wait... iyan ba 'yong kaibigan ni Savi Fujita?" "Yeah!" Napahampas siya sa mesa at nag-snap ng daliri. "Naalala ko na siya. We're not friend, though. Bakit bigla mo namang ipinasok sa usapan ang lalaking 'yan?" Naalala niya kaya na itong Echo rin ang nakita namin noon sa bundok? Iyong muntik niya nang sugurin? "Well, uhm, I just happen to know him as well. Anyway, do you also know that Zain's working?" Nanliit ang mata niya sa akin na para bang nananantiya. "May alam ka, 'no?" "So you know?" "Alam ko pero iba ang alam ng mga kaibigan namin." Umigting ang kanyang panga. "Pareho sila ng naging trabaho ng kapatid ko noon," mahinang saad niya. I was confused at first until I remembered what Clau had told me before. Ang tinutukoy ba niyang kapatid ay 'yong fiance ni Savi Fujita? Former escort ang fiance niya? And I wonder if she knows about it? Okay, so, ano ba ang pakialam ko sa kanila. We're not even close and I doubt if they even know me. "Is it hard to work as... escort?" "Bakit? Balak mo?" agresibong tanong niya. "Huwag mo nang subukan, Aisa. Their boss is a manipulative b***h. Nakilala ko na iyan noon. Iniisip ko nga kung bakit pumasok pa sa trabahong iyan si Zain, e, hindi naman sila naghihirap." Napailing pa siya. Halos masamid ako sa sariling laway dahil sa sinabi niya. Binabalaan niya na ako ngayon pa kung kailan nakapirma na ako sa isang kontrata. Sabagay, wala naman siyang alam at mas mabuti na iyon. "Teka nga, ang sabi mo ay tungkol kay Claudia ang mga tanong mo pero bakit tungkol sa ibang tao na ang tinatanong mo? Don't get too curious about Zain's life, Hadassah. Or if you want to be involved with him, go straight to him. Huwag sa akin." Sunod-sunod ang iling ko. "No. I'm not really curious." "How did you even know about his work, then?" he pressed earnestly. Naging malikot na ang mga mata ko. Grabe naman. Hindi ko napaghandaan 'to! Why did I even bring up about Zain's work?! "May klase na pala ako," I said in abrupt. Tumayo na ako at isinabit ang bag sa kaliwang balikat bago siya tiningnan. "Ikaw? May klase ka pa yata. Uh... salamat pala sa pagsagot sa mga tanong ko. Una na ako, ah? Bye!" Nagmamadali akong lumabas ng kubo. "Wait lang!" Hindi ko na pinansin ang pagsigaw niya at mas binilisan na lang ang lakad. My real objective is to ask him about Echo. Pero ayos na rin na may nalaman ako tungkol kay Claudia sa nangyari sa kanya noon. Hindi ko rin maiwasan makaramdam ng bigat sa dibdib dahil sa nalaman. I received a text message from Echo after my last subject. Binasa ko iyon at sinabi niya lang na nasa labas na siya ng bahay. I typed in a text to my parents, telling that I might be late on going home. Nagtipa na rin ako ng reply para kay Echo. To: Kliff Jericho Palabas na ako. From: Kliff Jericho abangan na kita sa labas ng gate. Suminghap ako at napailing. To: Kliff Jericho Wag na! Puntahan na lang kita diyan. Hindi na siya nag-reply pa kaya binilisan ko na ang paglakad para makalabas na. Dumiretso ako sa tagpuan namin habang tumitingin-tingin sa paligid. Buti na lang talaga at wala masyadong dumaraan na estudyante rito. Itim na shirt na ngayon ang suot niya. Tumatama naman sa ilong ko ang pabango niya. "Saan tayo mag-uusap? Dito na lang?" Ngumuso siya. "Sa bahay na. Nagluto si Mama ng hapunan." "Oh. Okay!" Ngumiti ako nang tipid sa kanya. He slouched a bit to reach for my hand. Tumindig ang balahibo ko sa matinding kuryenteng dumaloy mula sa kamay ko hanggang sa aking batok. His intense eyes twinkled as he stared at my wrist where the bracelet is. "Let's go na..." Tumango siya at nagsimula na kaming maglakad patungo sa bahay niya. Madilim na ang langit pero maliwanag naman ang saan dahil sa streetlights. The moon isn't peeking out yet. "Nagpaalam ka na ba sa magulang mo na late kang uuwi o ako na lang ang magsasabi?" "I already texted them." "Anong sabi mo?" "I'll go home later than expected because of..." Lumabi ako. "Practice." Umiling siya at napabuntong hininga. Pinisil-pisil niya ang hinlalaki ko. "This is why I don't want us to keep a secret from your family. Nagsisinungaling ka habang ako ang kasama mo. Baka mas lalo akong ayawan ng pamilya mo niyan. Sabihin, bad influence pa ako." "I'm sorry. Wala naman din silang sinabi na ayaw ka nila. Ayaw lang nila na may manligaw sa akin at pumasok ako sa isang relasyon." "Kahit na." Gumalaw ang panga niya. "Gusto kong alam nila kapag kasama mo ako. I want to assure them that you are safe with me. That they can trust their daughter with me." Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya, but at the same time, parang kinukurot din ng maliliit ito. "We can't stay like this any longer, Eona. I'll be a father soon. Ilang linggo mula ngayon, siguradong malalaman na nila na nagdadalang tao ka. Mas magandang alam nila na may taong mananagot sa magiging anak natin." Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. "Gusto kong malaman nila na seryoso ako sa 'yo at handa akong tanggapin ang responsibilidad bilang nobyo mo at bilang magiging ama ng batang dadalhin mo." My lips quivered and my vision was shrouded by tears. He brought his face on the side of my face. He brushed off the tear on my cheek. "Alam kong gago ako noon, Eona, pero hindi ibig sabihin no'n ay habang buhay na akong magiging ganoon. Patutunayan ko sa mga magulang mo, sa buong pamilya mo, sa 'yo at sa magiging anak natin... na karapat-dapat ako para sa 'yo. You deserve the best in this world, Eona... but I'm willing to be both the worst and best of myself for you to deserve me, too..." Kinagat ko ang aking labi. Naninikip ang dibdib ko sa kapipigil na humikbi. Yumuko siya at kinuha ang dalawa kong kamay. "I know this is not the right time and place to ask this but Eona..." His voice broke. "Will you let me be the man to spend the next days and nights with you and our future child?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD