Chapter 25

3710 Words
Chapter 25 Kulay kahel na ang langit nang makapasok kami sa subdivision. Nag-Grab na ako dahil galing pang Quezon City at hindi ko na rin kaya pang maglakad-lakad o tumayo nang matagal dahil nanginginig ang binti ko. Kumikirot lang din ang gitna ko sa tuwing iginagalaw ko ang binti. I feel like I'm gonna be immobile for days after that damnation pleasure I just had. Baka pagbagsak ko muli sa kama, hindi na ako makabangon sa sobrang sakit ng katawan ko. I finger-combed my hair as I searched for my scrunchie. Napapikit ako nang maalalang tinanggal pala iyon kanina at hindi ko na nakuha pa bago umalis ng kuwarto sa hotel. Hindi bale na nga, my hair could look untidy yet kinda natural since it's wavy. Matapos magbayad sa driver ay lumabas na ako ng sasakyan. Bahagya akong nakangiwi habang patungo sa gate nang biglang bumukas iyon at bumungad si Zain. I straightened my back and raised my brow at him. Ano na naman ang ginagawa nito rito? Ah, he surely visited Claudia. Siguro ay ayos na rin iyon at baka sakaling may masabi itong si Zain sa kambal ko na magpapagana sa kanya. "Saan ka galing?" Nakakunot ang noo niya at humakbang palapit sa akin. Kumikinang ang hikaw niya nang bahagyang itinagilid ang ulo habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. I coughed to clear my throat and pressed my thighs together. "Are you my father? Hindi mo na kailangang malaman," I said and looked away from him. Lalagpasan ko na sana siya nang hulihin niya ang braso ko. I flinched at his touch and aggressively revoked my arm from him. Imbes na lumayo ay mas lumapit pa siya sa akin at niyuko ako. Ang madilim niyang mga mata ay bumaba sa aking leeg at agad nagsalubong ang kilay. I stepped away from him at once. Umangat ang tingin niya sa akin at gumalaw ang panga. "You smell like you just had sex." Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi niya. My lips parted and I was about to refute when he continued with his annoyed smirk. "I bet that guy didn't earn only your trust but your virginity as well." My throat went dry. How dare him say that? And how did he even conclude so fast that I just had s*x? Kinagat ko nang mariin ang labi habang nag-iinit ang sulok ng mga mata. "Anong pakialam mo? Kung mangingialam ka na lang din, sa kapatid ko na lang. Tutal, diyan ka magaling, hindi ba? 'Yong kapatid ko lang naman ang mahalaga, 'di ba? Kaya nga imbes na ang kapatid ko ang ipagkaluno mo sa pagiging escort..." My teeth gritted. Tears slid down my cheeks as I kept my flaming eyes on him. "Ako ang pinagagawa mo, 'di ba? Ginamit niyo pa ang tungkol sa eskandalo ko, e. Ganyan ba talaga ang sistema niyo, ha? Kailangan niyo ba talagang mamilit ng tao para lang paluguran ang mga kliyente niyo at kumita ng pera?" Tumagal ang nakakalunod niyang tingin sa akin hanggang sa bumaba iyon para iwasan ang mga mata ko. Ngayon, napipi na siya? Guilty siya? Dapat lang. Naaawa? Hindi ko kailangan. "Sana masaya na kayo ngayon. I already signed the contract in exchange for my sister's life to be at stake. I don't even know why do I need to meet up with this certain client. Para kong binente ang sarili at kaluluwa." I chuckled without humor. "Pero okay lang kasi kakilala ko naman pala. Okay lang na ako na ako ang mapahamak at masira dahil sira naman na ako. Okay lang. That is really, really okay, Zain." "Hadassah, I'm sorry. Hindi ko naman hahayaang mapahamak ka sa taong iyon," aniya sa tila nanghihinang boses. My heart sank deeper. "So are you saying that there's really a chance that my life would be at risk?" Pumikit siya at marahang umiling. "No. What I mean is, I'll talk to him and make sure that he won't do anything to harm you or take advantage—" "Oh, no, no, no." Sunod-sunod ang iling ko sa kanya at sinundan ng pekeng halakhak. "Don't try to be a damn hero by doing that, Zain. Don't waste your effort on me. 'Wag na tayong maglokohan dito. Ikaw ang may gustong mag-escort ako at nasa akin na ang desisyon na gawin ito kaya huwag mo nang linisin pa ang sarili mo. Kung ayaw mo talaga ako o si Claudia na mapahamak, dapat una pa lang ay ginawan mo na ng paraan para hindi kami madawit sa nakasusukang trabaho mo." His lips pursed into a thin line. "Kauusapin ko si Maeby. Kung hindi pa napipirmahan ng kliyente ang exclusive contract ninyo, puwede ka pang mag-back out. It won't be effective if the client hasn't signed yet." Namilog ang mga mata ko. I was tempted to ask if it was true but then, Maeby's still holding her alas against me. I still couldn't back out that easily. "No need." Iniwas ko ang tingin sa kanya. "My decision is already final. I'm doing my job as an escort. Isang gabi lang naman..." "What the f**k, Eona?" My core throbbed as I heard Echo's bellow from somewhere. Ang mga mata ni Zain ay lumagpas mula sa akin. Dahan-dahan akong umikot para lang makita ang magkasalubong na kilay at namumulang mukha ni Echo. Ilang metro sa kanyang likuran ay namataan ko ang pamilyar na Honda. The wild and dirty scene of what happened almost an hour ago came across my mind. It was just a fleeting moment but my body suddenly heated at the memory when I saw him. Damn, idagdag pa ang magulo niya pang buhok! Malalaki ang hakbang ni Echo palapit sa amin habang ako ay nanatiling nakatuod sa lupa. Before I could even move an inch, his fist landed on Zain's face. "Echo!" sigaw ko at agad hinuli ang braso niya para pigilan siya sa pag-amba muli ng suntok. Napaatras si Zain at napayuko habang sapo ang parte ng mukhang sinuntok ni Echo. I pulled my boyfriend away from the former. "Tangina ka. Anong kagaguhan ang pinagagawa mo sa girlfriend ko?" Echo's veins on neck almost popped out. Nanginginig ang kanyang braso sa ilalim ng mga kamay ko. He's definitely stronger than me and in just one push on me, I'd definitely fly away from him. Pero hindi niya ginawa. Ramdam kong gusto niyang sumugod pa pero pinipigilan niya. Nagtaas ng kilay si Zain nang harapin muli si Echo. He even had the guts to smirk like he was mocking Echo despite of the punch he received. "Bakit, Jericho? Kunwari ka pang walang alam dito? Hindi ba't ikaw ang dahilan kung bakit nakilala ko si Claudia at ngayon ay nadadawit din si Hadassah? At ano? Ikinahihiya mo na bang kamag-anak mo si Maeby na siyang amo ko sa trabahong ito?" Nanghahamong sambit ni Zain. What did Zain just say? Dahil kay Echo kaya nakilala ni Zain si Claudia? Does that mean, he met her first and knew her all along? At kamag-anak niya si Maeby Villamento? Natigilan ako at mabagal na tiningala si Echo. Kitang-kita ang butil ng pawis sa gilid ng kanyang mukha at ang paulit-ulit na paggalaw ng kanyang panga. "Tss..." Zain turned his back on us and began walking away. I slowly unclasped my hands on Echo's arm. Yumuko siya at nilingon ako. Siya naman ngayon ang humawak sa magkabilang braso ko. His eyes were already pleading guilty even without saying anything. "Eona, magpapaliwanag ako..." How ironic that he was the one who overheard my conversation with Zain and that I should be the one to explain what's going on because that's what I supposed to do, but look at him. Siya pa ang magpapaliwanag dahil may nalaman ako tungkol sa kanya. My lips curved. "Okay, Echo. I'll let you explain. But please, not now? Pagod ako..." Literal na pagod ang katawan ko dahil sa nangyari sa amin kanina pero ngayon, mas pagod nang mag-isip ang utak ko. I just wanna slump myself on bed, bury my head underneath the pillows, cover my body with the soft fabric of my bedsheets, and if possible, just sleep forever so I would have nothing to ponder anymore. But the last one is absurd. I can't just die easily. Hindi ko pa nga alam kung anong purpose ko talaga sa mundong ito, e. Maybe once I already know and fulfill it, I'll be ready. "Sige," napapaos na sabi niya. Dumulas ang mga kamay niya pababa sa aking mga kamay. He brought my hands to his lips while his eyes remained on me. The warmth of his touch and breath against my skin can still create a turbulence inside my chest. "Gusto kong itanong kung bakit bigla ka na lang umalis kanina at iniwan ako pero mas gusto kong magkaliwanagan muna tayo tungkol kay Maeby at sa pinag-usapan niyo." I nodded my head. I'll let him explain everything to me first so I won't have any regret later on if ever. Mabilis kong binawi ang mga kamay sa kanya nang bumukas ang gate at bumulaga si Kuya Kaius. Topless at nakakunot ang noo niya. Agad na nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Echo ang kanyang mata. "May narinig akong nagsisigawan kanina rito. Kayo ba 'yon?" Hindi ko na tinapunan ng tingin si Echo at dumiretso na sa may gate. Bahagya kong tinulak papasok si Kuya para makadaan at makapasok sa loob. "Hindi, Kuya. Iba 'yon. Pasok na." "Hindi, e. Parang boses nitong bugok na 'to ang narinig ko—" Hinampas ko siya sa braso. He jolted and glared at me. "Hindi nga sabi. Mali ka ng narinig. Halika na nga kasi sa loob!" "Bakit ka naninigaw?" Hinila ko siya sa braso kahit na nagpapabigat pa bago sinara ang gate nang hindi pa rin tinitingnan si Echo. Tinalikuran ko si Kuya at narinig naman agad ang mga yabag niya habang sinusundan ako papasok sa loob. "Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap! Basta ang sabi lang ay umalis ka. Sinong kasama mo? Ang lalaking iyon? Kayo na ba? Ha? Aisa!" Iritado akong bumuga ng hangin. He was throwing his questions consecutively. Padabog na ang lakad ko kaya naman kumikirot muli ang p********e ko. "Hadassah, kinakausap kita!" sigaw ni Kuya na mukhang galit na talaga. Napatalon pa si Eliza na kalalabas lang ng kusina nang makita kami. "Sina Mommy at Daddy?" "Nasa kuwarto po, Ma'am. Ganoon din po si Ma'am Claudia. M-maghahanda na po ba ako ng kakainin niyo?" "Huwag na po muna. Ako na lang po ang bahala mamaya. Pakisabi na lang po kina Mommy kapag bumaba sila na nakauwi na ako at magpapahinga na lang muna. Salamat." "Sige po, Ma'am." Papunta na sana ako sa hagdanan nang muli ko siyang nilingon. "Noong pumunta po rito si Zain, dito sila sa sala ni Claudia nag-usap?" "Siyempre, dito sa sala. Saan ba ang gusto mo, Aisa? Sa kuwarto ni Clau? You think I'll let that?" sarkastikong singit ng kapatid ko. I rolled my eyes at him. Hanggang kuwarto ay sinundan niya talaga ako. How can I rest peacefully? Hinarap ko siya nang maisara niya ang pinto ng aking kuwarto. "Kuya, please. Iidlip muna ako!" Lumapit siya sa akin at yumuko. His sniffs were audible to my ear. Hindi pa nakuntento at hinawi ang buhok ko. My eyes widened when he stared at my neck with squinting eyes. "What the hell, Hadassah?" eskandalosong sigaw niya at dumilim ang tingin sa akin. Napalayo ako agad sa kanya. What now? "You smell like men's damn perfume! And... the hickey on the side of your neck..." Kumunot ang noo niya at umigting ang panga. "Did you make out with that damm college boy, Hadassah?" Napalunok ako. Itinago ko ang nanlalamig at namamawis na mga kamay sa aking likuran. What hickey? I'm not ignorant with that, though. Pero... nag-iwan talaga ng kiss mark si Echo sa leeg ko? Ni hindi ko napansing ginawa niya sa akin iyon! Grabe naman din itong si Kuya kung makaamoy sa akin at talagang nakakita pa ng ebidensiya sa bakas ng nangyari kanina. Hinawakan ko ang leeg at kunwaring kinamot. "I didn't make out with him, Kuya. Kanina pa nga 'to nangangati, e. Siguro kinagat ng lamok. Ayan, namantal." Nagtaas siya ng kilay, halatang hindi naniniwala. I looked away from him and scratched the bridge of my nose. "Why? Would you rather think that I made out with someone than I got bitten by a mosquito?" Darn. Talagang pinanindigan ko pa ang kasinungalingan ko, ha? If Echo's sperm—just a damn lucky sperm—successfully fertilizes my egg, he would find out that I did more than what he's thinking now. That boom, in just one month or so, the symptoms will show and in nine months, madadagdagan na naman ng isa ang populasyon ng bansa. "Then why do you smell men's scent?" he still pressed. I sighed. "Kuya, kasama ko si Echo kanina. We... used his car kaya dumikit na rin ang amoy niya sa akin." Another lie. Hindi naman ganoon katapang ang pabango ni Echo pero bakit may bakas pa rin siya ng amoy sa akin? Sa katawan ko? O baka naman bangaw 'tong si Kuya at ang lakas ng pang-amoy. "Nanliligaw na ba iyon?" "No, Kuya. Please, I'll just take a nap. Pagod talaga ako." "Saan ba kayo galing? Anong ginawa niyo at pagod ka?" "Sa impyerno. Nakipaglaro kami kay Satanas. Hayaan mo at sa susunod ay isasama kita, Kuya." "Hadassah Leona Mercado!" Ngumisi ako. Para na akong patatayin ng tingin niya kaya tinulak-tulak ko siya sa braso para palabasin sa kuwarto. Nang tuluyan ko nang nabuksan ang pinto ay mas ipinagtulakan ko pa siya kahit sinasaway niya na ako. I locked my door when I finally succeeded on pushing him out of my room. Yumuko ako at idinikit ang tuktok ng ulo sa pinto bago pumikit. Wala na akong naririnig na reklamo mula kay Kuya sa labas kaya ngayon, bumalik na lahat sa isipan ko ang samu't saring problema. I knocked my head against the door lightly before deciding to take a shower first. The warm water helped me ease the pain on my body but my thoughts are still restless. I couldn't reflect on what has happened to me. Hindi ko na alam kung ano ang una kong iisipin. I changed to my usual pajamas and blow dried my hair after cleaning myself. Kinuha ko ang phone mula sa dalang bag at binuksan iyon. I sent Echo a text message before I left him in our room at La Mirasol and I know that it probably drove him mad. Sunod-sunod na texts at missed calls ang pumasok nang tuluyang nabuhay ang phone ko. Karamihan ay galing kay Echo. Akala ko ay mahimbing na ang tulog niya nang umalis ako pero wala pang kalahating oras nang nakarating ako rito ay dumating na rin siya. And was he texting me while driving? From: Echolokoy can I call, please. nasa bahay na ako. kain ka na. but if you don't want to talk rn, bukas na lang. i'll explain everything i have to. i want to do it asap. baka mag-conclude ka pa agad ng kung ano at bigla mo na lang akong iwan. di pwede sa akin yun. eona, okay tayo ha? okay tayo. saka yung baby natin, ha. sigurado na ako diyan. sigurado na ako sa inyo kaya wag kang mag-alala at pananagutan kita. one call away lang ako lagi para sayo. 522, eona. Those were his last messages before I took a nap. Kahit kaninang umaga pa ang huli kong kain, hindi ako ginugutom ngayon. Busog na busog na ako sa mga problema and that's not even healthy. Ang idlip ko ay inabot ng mahigit tatlong oras at nang nagising ay saka lang naramdaman ang gutom. Humagilap ako ng pony tail sa drawer at itinali ang buhok bago nagpasyang bumaba. Nakapatay na ang ilaw sa sala pero bukas pa rin nasa kusina. Magaan ang hakbang ko para hindi makagawa ng ingay. Kung hindi sina Eliza at Beth ang naroon sa kusina, baka si Kuya. Pero laking gulat ko nang maabutan si Mommy na nakatulala habang nakaupo sa tapat ng mesa. Sa harap niya ay isang tasa. Kumunot ang noo ko at naalala ang unang kita ko sa kanya na ganito rin ang ayos. "Mommy," tawag ko at naglakad tungo sa kanya. "Mukhang malalim po ang iniisip niyo, ah." I pulled the chair on her left and sat down. Kumurap siya at nilingon ako. A small smile crept on her lips. "Ang sabi ni Eliza ay hindi ka pa raw kumakain simula nang dumating ka. Pinabalik ko na sila sa kanilang kuwarto at sinabing ako na ang maghihintay sa 'yo na magising. Ipaghahanda muna kita ng pagkain." Tumayo siya at nagsimulang kumuha ng plato. Tinitigan ko ang kanyang likod at mas lalong kumunot ang noo. I wonder what she was thinking deeply? Is it about Claudia? Should I check her later? Hindi ko pa siya nakakausap ngayong araw. "Thank you, Mommy." Ngumiti ako nang ilapag niya sa harap ko ang pagkain. Naupo muli siya sa tabi ko. She smiled and reached for my hair. Marahan niyang hinaplos iyon. "Anong nangyari sa lakad mo kanina? Hindi sana talaga ako papayag dahil baka mapahamak ka pero dahil pumayag naman na ang Daddy mo, I guess he knew you were with your new good friend of yours. Did you enjoy your date?" Uminit ang pisngi ko at napasubo bigla. Date? She already concluded that it was a date without even knowing whom I was with? Pero date nga bang maitatawag iyon kung dinala ko lang sa isang hotel si Echo at nakipag-s*x para lang magkaroon ng anak? Thinking about it somehow made me regret my decision. I won't deny that there really is a small percentage of regret inside me. Pero pinili ko 'to, e. Ako ang nagpumilit. At kung mabubuntis man ako at mabibigyan ko si Claudia ng anak tulad ng pangarap niya, that's the one thing I would never regret. "I enjoyed what happened today, Mommy. But it wasn't a date." "If you say so." Nanatili ang ngiti sa labi niya. "Are you happy with this guy?" "Mom." Ngumuso ako. She giggled. "Okay, okay. I won't talk about him anymore but whenever you feel like you need to to open up anything, don't hesitate to tell it to me. Maaaring husgahan kayo ng ibang tao sa nagawa ninyo noon pero hinding-hindi ko gagawin sa inyo ang bagay na 'yon. Maaaring talikuran kayo ng ibang tao pero mananatili akong nasa tabi ninyo lagi. You know I won't leave you, right?" Nag-init ang sulok ng mga mata ko at bahagyang tumango. Nalasahan ko ang alat ng sariling luha habang nakatitig sa plato. Ang mainit niyang kamay ay hinawakan ang kamay kong nakahawak sa kubyertos. "Hangga't maaari, gusto kong malaman ang mga nangyayari sa 'yo, Aisa. I've failed to be a mother the day you decided to leave us years ago and now that you're finally staying here with us, I want to be by your side. Always." Umiling ako habang nanlalabo ang mata. "No, Mommy. You didn't fail us to be a mother. I... was the one who failed as a daughter and a sister. Sinaktan ko si Claudia noong bata kami at imbes na pagbayaran ang ginawa, umalis ako. Tinakbuhan ko ang problema. At ngayon, bumalik ako dahil may nagawa na naman akong mas malaki pang problema. Ganito na lang po ba ako lagi, Mommy? Kapag may problema, tatakasan ko na lang?" Nabasag ang boses ko sa huling sinabi. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at bahagyang hinila para paharapin ako sa kanya. Sinapo niya ang kaliwang pisngi ko at pinunasan ang lumandas na luha roon gamit ang kanyang daliri. "Aisa, makinig ka sa akin. Yes, we commit mistakes, make irrational decisions and perform impulsive actions, and then regret it later on. We repent for our sins and we forgive ourselves for doing it. He will forgive us, so you should also forgive yourself, Aisa. Do not imprison yourself from the past because life isn't a jail. You have to keep in mind that this world is still too beautiful to waste your time blaming yourself or being lonely when you could have been enjoying what life has to offer." Yumuko ako at humikbi, hiyang-hiya dahil alam kong malaki talaga ang nagawa kong kasalanan. Her words struck my heart like arrows with mother's love. If only she knows that I did something... worst. Naramdaman ko na lamang ang mainit niyang yakap na bumalot sa katawan ko. "I'm sorry... I'm sorry..." Humagulgol ako lalo sa kanyang balikat. "Sshh... free yourself from the past, Aisa. Nandito lang si Mommy, okay? You have me. You have us, your family," aniya habang hinahagod at bahagyang tinatapik ang likod ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal natapos kumain dahil panay pa rin ang hikbi ko. Mom was just watching me and would ask random questions to lighten up the mood. Ipinaghanda pa niya muna ako ng gatas bago kami sabay na umakyat sa itaas. We both stopped in front of their room's door. Hinawakan niya ang mukha ko at bahagyang inangat bago ako hinalikan sa noo. Pumikit ako at kinagat ang labi. A mother's kiss on the forehead will always be the sweetest thing a child could ever receive in their life. I smiled. "Good night, Mommy. I will always be grateful that we have you and Daddy as our parents. I love you." She smiled back. "Good night, Aisa. I love you more." Nabawasan ang pabigat sa dibdib ko dahil doon. As I went inside my room, I took out my journal that has Hello Kitty design. I remember keeping it since I was a kid until now but never even wrote a single word. Marami akong bagay na binibili dahil maganda o paborito ko ang disenyo pero hindi naman ginagamit. Itinatago lang para sa koleksyon. Bago ko umpisahan ang gagawing devotion, kinuha ko muna ang phone at muling binuksan. Hindi na ako nagulat ng pangalan na naman ni Echo ang bumungad sa inbox ko. I was actually anticipating for his texts. I changed his name on my contacts and typed in my message. To: Kliff Jericho Thanks for the sperm. Good night.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD