Chapter 23

3835 Words
Chapter 23 Wala pa si Kuya sa bahay nang tanungin ko si Eliza kung nasaan ito. Dumiretso muna ako ng kusina at inilapag sa mesa ang dalang protein shake at pagkain na in-order namin kanina ni Echo sa Mcdo. I called Mommy to assure her that I got home safe. Mayamaya na raw sila uuwi para bantayan pa si Claudia. I took pictures of me eating the food Echo ordered for me. I sent it to him before I went to my room. Kamuntik pa akong matapilok sa hagdan dahil nakaabang ako sa reply niya. I hope he got home safe. From: Echolokoy nakauwi na ako. sarap? To: Echolokoy Yup. Di ako mahilig sa mcdo pero masarap pala. From: Echolokoy mas masarap ako diyan *yung luto ko dyan. sori kulang hahaha I rolled my eyes. Natigilan ako sa pagbubukas ng pinto ng kuwarto ko at napalingon sa gawi ng silid ni Claudia. I walked towards her room hesitantly. Ako 'yong kapatid na pakialamera talaga sa gamit ng kapatid—ni Kuya, to be exact, lalo na noong nasa Pangasinan kami. Parang tanga naman ako kung kahit hindi naman kami maayos ni Claudia noong dumating ako rito ay mangingialam na ako sa mga gamit niya. I went directly to her study table as soon as I closed the door behind me quietly. Ngumuso ako at pinasadahan ng daliri ang ilang makakapal na librong nakapatong doon. Makita ko pa lang kung gaano iyon kakapal, tinatamad na akong buksan. My eyes narrowed at the familiar small notebook. Iyon ang muntik nang maiwan ni Claudia sa banyo sa mall noon. Kasabay ng pagbukas ko sa unang pahina ang pagtunog ng phone ko dahil sa tawag ni Echo. I answered the call and put it into loudspeaker. Binaba ko iyon sa study table habang binabasa ang nasa notebook ni Claudia. "Nasa kama ka na?" Echo's husky voice resounded followed by a short cackle. "Wala ako sa kama." "Pero nasa kuwarto?" he pressed. "Yes..." "Kailan ka hihiga sa kama?" My brows knitted. "Bakit? Katatapos ko lang kumain. Mayamaya na ako hihiga." He chuckled deeply. "Wala naman, Eona. Hmm... ikaw lang mag-isa ngayon? Wala 'yong kuya mo?" "Wala si Kuya pero may kasambahay kami rito na kasama ko. Hindi ka pa ba matutulog?" The notebook I was holding turned out to be Claudia's journal. I just flipped the pages until I reached the last page. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang nakasulat doon. It was her Bucket List. "Not yet. Gusto ko pang marinig ang boses mo," he uttered and sighed. "Gusto na ulit kitang makita. Hay buhay." My eyes watered. Sinara ko ang journal ni Claudia at ibinalik iyon kung saan ko mismo kinuha. I got my phone from the table and turned off the loudspeaker before stalking outside Claudia's room. "Eona?" malambing niyang tawag nang hindi ako agad nagsalita. Pagkapasok ng sariling kuwarto ay agad akong naupo sa kama at sumandal sa headboard. I erupted a long sigh. I heard a noise from the background on his line. "Anong nangyari? Ayos ka lang? May problema ba tayo?" he inquired worriedly. "No... uh, nga pala... sa September 22 na ang birthday namin ng kambal ko. It's our... debut." Kinagat ko ang aking labi. "We'll probably just have a dinner tulad ng napag-usapan namin last time." "Okay..." "I'm not sure if I can invite anyone over our house kaya plano ko sana... mag-dinner tayo the next day? Is it okay with you?" My voice was little. "Please," dagdag ko at mariing napapikit. He fell into silence for a moment before clearing his throat. "Sige ba. Malakas ka sa akin, e." Napangiti ako sa sinabi niya. "Thank you. And... puwede bang humingi ng pabor?" "Ano 'yon?" "Can you donate some of your sperm?" Nakarinig ako ng sunod-sunod na kalabog pagkatapos ng tanong ko. Napaupo ako nang maayos sa kama at agad ginapangan ng kaba sa dibdib nang marinig din ang daing niya. "Echo? Hello? Anong nangyari sa 'yo?" "P-pota ang sakit." Parang malayo siya sa kanyang phone nang sabihin iyon. May mumunting ingay pang nagmula sa kabilang linya hanggang sa mabibigat niyang paghinga ang muli kong narinig. "Tangina, nalaglag ako sa hagdan," mura niya na hindi ko alam kung bakit parang kasalanan ako. "Ano ba 'yong sinasabi mo, ha?" "Paano ka nalaglag sa hagdan?" nakakunot-noong tanong ko. "Paakyat ako sa kuwarto, malamang! Nagulat ako sa 'yo!" "Why are you yelling at me?" My tone raised. "Tinulak ba kita? You're so stupid naman." Nagmura siya ulit. "Sige nga, sinong hindi magugulat kung tanungin bigla ng tanong mo kanina? Ha?" What's wrong with my question, though? I just asked him if he could donate his sperm. May nakagugulat ba roon? I mean, I thought he's sexually open so he won't be so surprised if I ask that. "Ano? Sumagot ka," hamon niya pa. "Ako 'yong nagtatanong, Echo. Answer me first. Can you donate some of your sperm?" Isang bulanghit ng tawa ang pinakawalan niya. Heat rose up to my head. Kanina, naiinis siya. Tapos ngayon, pinagtatawanan niya ako? Am I a joke to him? "Tibay, talagang inulit pa," aniya sa pagitan ng tawa. "Eona, ayos ka lang ba? Gusto mo nang matulog? Higa ka na sa kama mo at patutulugin kita." "No, Echo. I'm serious. Answer my question or I won't talk to you anymore." "Eona, ano ba?" Tumaas na ang boses niya at wala nang bakas ng tawa. "Bakit mo 'ko tinatanong niyan? Bakit ako magdo-donate ng sperm?!" I looked down on my thighs and drew some circles on it using my fingertip. "Because I want a baby, Echo..." I said in almost inaudible voice. He became quite a little longer that I thought he had fallen asleep on me. Hindi ko sure kung narinig niya talaga ang sinabi ko pero kung hindi, I'll repeat it for him. "Gabi na," he changed the topic. "Hintayin kita bukas nang maaga sa dating puwesto. Alas sais. Bukas tayo mag-usap nang maayos." My lips quivered and I nodded. We bid goodbye and he quickly ended the call. I woke up earlier than expected the next day. Ani Mommy, ilang araw pa munang mag-i-stay si Claudia sa ospital para mas ma-monitor ang kondisyon niya. Hindi ko naman alam kung anong oras nakauwi si Kuya dahil tulog pa siya noong natapos kaming mag-almusal. "Ako na ang maghahatid sa 'yo sa eskuwela, Aisa," ani Daddy. Tumango ako. Binilisan ko ang pagpapalit ng uniform bago muling bumaba. Hindi muna pumasok si Mommy sa kanyang trabaho para mabisita at mabantayan si Claudia. "Maaga akong uuwi mamaya. Anong oras matatapos ang klase mo ngayon?" tanong ni Dad nang nasa tapat na kami ng RSU. Maliwanag naman na dahil alas sais na rin. Mabuti nga at hindi na nagtanong si Daddy kung bakit sobrang aga ko ngayon kumpara sa dating oras ko ng pagpasok. Iilan pa lang din ang namamataan kong estudyanteng papasok. "Uhm... 4 o'clock po pero minsan po napapaaga. Saan po kita hihintayin?" "Sa loob ka lang muna habang wala pa ako. Tatawagan kita kapag nandito na ako. Dito mismo kita hihintayin." "Okay po." Tinanggal ko na ang seatbelt at lumapit sa kanya para humalik sa pisngi. "Bye, Daddy. Ingat kayo." Tulad ng dati, hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang sasakyan namin bago ako dumiretso sa tagpuan namin ni Echo. He's already there wearing a black v-neck shirt with a logo and number 12 printed on either side of his upper chest part. Nakabukaka nang malawak ang dalawa niyang binti habang hinahagis sa ere ang kanyang baller bago saluhin. Tumingin siya sa direksyon ko nang dalawang metro na lang ang layo ko sa kanya. Ngumiti ako nang tipid noong tumayo siya at nilapitan ako. Kinuha niya ang kamay ko at bahagyang hinila. "Punta tayong bahay. Malapit lang 'yon dito. Pakilala muna kita sa Mama at Kuya ko." He flashed a boyish grin. Natigilan ako. "N-ngayon talaga?" Tumango siya. "Hindi ba ay napag-usapan na natin 'to? Ipakikilala kita sa pamilya ko." "W-well, uhm..." I swallowed. "Ito ba ang dahilan kung bakit maaga tayong nagkita ngayon?" Lumuwang ang hawak niya sa kamay ko at napawi ang ngiti sa labi. "Ayaw... mo?" My heart was thumping hard. Hindi naman sa ayaw ko pero... I rolled my tongue over my lips when he let go of my hand. "Ayaw mo." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa boses niya. Umiling ako sa kanya at agad kinuha ang kamay niya gamit ang dalawang kamay. "Hindi, Echo. Papayag naman ako..." Suminghap ako at tinitigan ang malalim niyang mata. "Kinakabahan lang ako kasi first time kong ipakikilala ako sa magulang ng... boyfriend ko." His brooding eyes turned into slit. Bahagya siyang yumuko at inangat ang baba ko gamit ang gilid ng kanyang hintuturo. "First time ko ring magpakilala ng girlfriend ko sa kanila," aniya na ang mga mata'y nakatutok sa aking labi. "Iyong hihintayin ko pa sa altar." Uminit ang pisngi ko at iniwasan ang mga mata niya. I couldn't help but think of his ex-girlfriends and that he had s*x with them casually. Hindi nga ba siya nagdala ng ibang babae sa bahay nila? Dalawang kanto lang ang nilagpasan namin nang makarating kami sa kanila. Dalawang palapag iyon at may garahe kung nasaan ang sasakyang ginagamit niya. Hawak niya ako sa baywang habang iginigiya papasok sa loob mismo ng bahay nila. "Mama, nandito na ang girlfriend ko!" sigaw nang makapasok kami. Napayuko ako at bahagyang nagtago sa likuran niya. Nilingon niya ako nang nakakunot ang noo bago muling hinawakan sa baywang para ipirmi sa tabi niya. "Ay, ang batang ire! Ang aga-aga, nambubulahaw ka riyan!" Humalakhak si Echo at kinaladkad pa ako lalo sa kanilang sala noong hindi na ako gumalaw sa kinatatayuan. Mula sa hagdan ay natanaw kong pababa ang isang may edad na babaeng nakabestida at nakalugay ang mahabang kulay grey na buhok. Binitiwan ako saglit ni Echo para alalayan ang kanyang Mama. Hinampas pa siya nito sa balikat na tinawanan lang niya. "Sa susunod ay 'wag kang sumigaw, hane. Palalayasin kita kapag nagreklamo ang kapitbahay." "Saan si Kuya, Ma? Natutulog pa?" "Aba'y lasing na naman iyon nang umuwi kagabi kaya malamang tulog pa. Iyang kapatid mo, hindi pa ba 'yan nakaka-move on doon sa nobya niyang hilaw? Mahigit dalawang taon na ang lumipas, hindi ba?" "E, ganoon talaga kapag mahal mo pa 'yong tao, Mama. Marami akong kakilalang mas maganda pa nga roon kay Fera. Gusto mo, ireto ko na lang sa kanya?" Muling hinampas sa braso si Echo ng kanyang Mama. Napangiti na lang ako dahil mukhang sobrang lapit talaga nila sa isa't isa. His Mama may be old but she's still aware and worried about what's happening on her grandchildren. "Ikaw bata ka! Kasasabi mo lang na mahal pa ng kapatid mo 'yong babaeng hilaw tapos mangrereto ka ng iba?" Tumatawa si Echo nang akbayan niya ito. "Joke lang, Ma. Hayaan mo na 'yon si Kuya. May pakikilala muna ako sa 'yo." Tumingin sa gawi ko si Echo. Naging bahaw ang ngiti ko at napatuwid ng tayo. His Mama looked at me, too, and raised her brow. Bahagya akong yumuko at inipit ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga. "Aba! Isang hilaw na babae na naman ang dinala rito ng magaling kong apo." Ngumiwi ako. Hilaw na babae? Anong ibig sabihin niya roon? Echo went on me and draped his strong arm over my shoulder. "Ma, si Eona nga pala. Girlfriend ko. Ganda 'no? Aasawahin ko 'yan." Lumapit ang matanda sa tapat ko at tinitigan ako nang mabuti. I plastered a smile. Kinuha ko ang kamay niya para magmano. "Magandang umaga po." Tumango-tango ang matanda. "Magalang na bata ire. Gusto na agad kita!" Uminit ang pisngi ko. Bahagya akong ngumuso para pigilan ang ngiti. "Eona, si matandang Theodora, ang pinakamaganda kong Mama. Mama na lang din ang itawag mo sa kanya tutal magiging asawa na rin naman kita." Isang hampas sa balikat na naman ang natamo niya. "Anong matanda? Anong matanda, Kempoy?!" "Ma, bakit naman Kempoy?! Sabing Echo na nga, e." Kempoy? I chuckled lightly. Binalingan ako ulit ng Mama ni Echo at nagtaas ng kilay. Bahagya akong napaatras. "Hija, alam mo bang babaero 'tong apo ko?" "Mama naman!" Echo groaned and covered both my ears with his hands. Inalis ko ang kamay niya para mapakinggan pa ang sasabihin ng mama niya. "Alam ko po," sagot ko. Ngumiti siya. "Mabuti naman. Hindi basta-basta nagdadala rito at nagpapakilala ng kung sinong babae lang ang apo kong iyan kahit ganoon. Ikaw ang pangalawang babaeng ipinakilala niya sa akin. Kapag sinaktan at pinaiyak ka nito, lapitan mo lang ako at ako na ang bahalang paluin ang batang ire sa puwet at paluluhurin ko sa monggo." I bit my tongue to suppress myself from chuckling. Napapadyak si Echo na parang bata at walang pakundangan akong niyakap sa harapan ng kanyang mama. I tried to push his waist from me but he tightened his hug. "'Di ko paiiyakin 'to, Mama. Baka ako pa ang umiyak dahil sa kanya!" sabi niya na nagpamilog sa mga mata ko. "Mas mainam!" Humalakhak nang mas malakas ang matanda. "Pero hija, huwag niyong kalilimutan na pareho pa kayong nag-aaral at iyon ang dapat niyong mas pagtuunan ng pansin. Puwede mong iwan ang apo ko para mas makapag-aral ka, hane. Hayaan mo 'yan at nang makatikim naman ng karma sa mga pagpapaiyak niya sa mga babae noon." "Grabeng jinx naman 'yan, Mama. Mama ba talaga kita? Napaka-supportive! Grabe!" eksaheradang sambit ni Echo habang nakahawak pa sa dibdib. "Ay, hindi na natin sigurado iyan, Kempoy. Parang gusto na nga kitang itakwil." I laughed at her. Lalong sumimangot si Echo at pilit akong niyayakap. I was so overwhelmed that Mama Theodora welcomed me wholeheartedly. Pinaghanda niya pa kami ng sopas para sa almusal at nagkuwentuhan ng ilang sandali tungkol kay Echo. Asar na asar pa si Echo dahil ipinakita sa akin ng kanyang mama ang mga litrato niya noong bata pa siya. "Noon pa man, mahilig talaga 'yang maghubad tuwing kukuhanan siya ng litrato. Kita mo naman, pati pututoy niyang maliit ay ipinagyayabang pa!" Tumawa si Mama Theodora habang itinuturo ang isang litratong ni Echo noong bata pa na nasa photo album. Wala siyang saplot na kahit ano at nasa baywang pa ang dalawang kamay habang nakangiti sa camera. Humagalpak ako sa tawa. Pilit tinatakpan iyon ni Echo pero hinahampas ni Mama Theodora ang kamay niya palayo. "Mama naman! Malaki na ngayon ang tinutukoy mong pututoy!" iritang singit ni Echo pero hindi namin siya pinansin. "Nanunuklaw 'to! Anaconda pa nga!" Inirapan ko siya. Sumalampak siya sa tabi ko habang tinitingnan ko pa ang mga litrato niya. "Ma, tama na 'yan. Papasok pa si Eona. Ihahatid ko na po siya." Napatingin tuloy ako sa wall clock nila. Nataranta ako nang makitang sampung minuto na lang bago ang una kong klase. Ayaw ko pa sanang umalis agad dahil gusto ko pang pagtawanan ang mga pictures ni Echo noon pero wala naman akong choice. "Ay, ganoon ba? Sige at sa susunod na lang tayo magkuwentuhan, hija," sambit ni Mama Theodora at nilingon ang apo. "Kempoy, dalhin mo ulit dito si Eona, hane, at nang makakuwentuhan ko pa ang batang ire." Echo pouted but he still nodded. Ngumiti ako at nagpaalam na kay Mama Theodora bago kami tuluyang lumabas ng bahay. Nakaakbay sa akin si Echo habang nakasukbit ang isang strap ng bag ko sa balikat niya. "Anong oras ang pasok mo ngayon?" Lingon ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang RSU. "Wala akong klase dahil may inaasikaso ang mga prof namin ngayon." "Oh." I nodded. "Why did you take Business Ad pala? HUMSS ka noong senior high, 'di ba?" Yumuko siya. "Marami kasing magagandang nakapila sa HUMSS noong enrollment. Siyempre—" I stopped walking and glared at him. Tumikhim siya at nag-peace sign. "Sorry, babe. Guilty na ako agad." Umirap ako at tumuloy na sa paglakad. Lumabi ako nang may naalalang binanggit ni Mama Theodora. "Nga pala, sino 'yong tinutukoy ng Mama mo na unang babaeng pinakilala mo sa kanya?" "Ah, si Savi 'yon. Bestfriend ko 'yon, matagal na. Alam mo naman 'yon, 'di ba?" Tumango ako. Bahagya niyang pinisil ang balikat ko at nilapit pa ang mukha sa gilid ko. "'Wag kang magseselos doon, ah? Basta ikaw lang ang ipakikilala kong girlfriend at asawa kay Mama." Ngumiti siya at mabilis na hinalikan ang pisngi ko. Hindi ko na naiungkat pa ang tanong ko sa kanya kagabi na naalala ko lang din noong nasa klase na ako. One week after the accident, Claudia finally got discharge from the hospital. Medyo matamlay pa rin siya noong sinalubong ko sa bahay. She was staying inside her room and I was the one who would bring her food every dinner. Our 18th birthday came and her friends went to our house in the morning to greet and give her gifts. Nagulat pa ako noong nagbigay rin ng regalo sa akin ang mga kaibigan niyang babae. "Happy birthday! Yey! Legal na rin siya sa wakas!" "Nag-almusal na ba kayo? May pagkain sa kusina. Kain muna kayo," ani Mommy sa kanila habang iginigiya ang mga bisita sa kusina. Zain and I's eyes met. I quickly averted my eyes from him. Sa gilid ng mata ay nakita ko ang paglapit ni Claudia sa kanya. "Zain, si... Save? Hindi raw ba pupunta?" Parang lumubog ang puso ko sa tanong niya. I remember her bucket list. "May tinatapos lang daw na shoot. Pupunta rin 'yon dito." Sadly, Save didn't come until our family dinner. Malungkot ang kapatid ko sa buong araw ng birthday namin. Our parents were doing their best to cheer her up and Kuya was making funny expressions for her. Both Mom and Dad gave us presents in a box which we haven't opened yet. "Kuya, 'di ba sabi mo ay may regalo ka sa amin ni Claudia?" "Oo naman! Kayo pa ba?" Ngumiti nang malawak si Kuya Kaius at may kinuha mula sa ilalim ng kanyang upuan. Envelope iyon na kulay brown. Nakangiti ang magulang namin nang iabot niya iyon sa amin na para bang alam na nila kung ano iyon. Kinuha ko iyon at binigay kay Claudia. "Open it for us, Clau," I said with a smile. Binitiwan niya ang kubyertos na hawak at napayuko. My smile faded as I bit my lip. Tumunog ang kanyang silya nang tumayo siya. "S-sorry po... masama po talaga ang pakiramdam ko." Nagkatinginan kaming apat na natira sa hapag. Naiwan sa ere ang hawak kong envelope na malamang ay ang titulo ng lupa sa resthouse na sinasabi ni Kuya. Tumayo na rin ako at ibinaba na ang hawak sa mesa. "Pupuntahan ko lang po si Claudia. Pasensiya na po. At... salamat din po sa regalo." Mabilis ang hakbang ko patungo sa kuwarto ni Claudia. Her door was locked so I knocked thrice first before calling her name. Hindi siya sumagot pero naririnig ko ang hikbi niya sa loob. I rested my forehead on the wooden door and closed my eyes. "Don't worry, Claudia. Para sa ikasasaya mo, ibibigay ko sa 'yo ang gusto mong regalo sana ngayong kaarawan natin." I texted Echo before I sleep. Tumawag pa siya pero hindi ko na sinagot. Mabuti na lang at walang pasok bukas kaya noong nagpaalam ako kay Daddy na lalabas ako kasama ang kaibigan ay pinayagan ako. I'm wearing a beige chiffon dress with ruffled short sleeves and a pair of cream wedge heels. I applied two layers of peach colored lipstick and blush on my face before tying my hair into a high ponytail. Hinawi ko ang bangs papunta sa gilid ng mukha. Mabuti na lang at wala na si Kuya sa bahay dahil kapag nakita niya akong ganito ang ayos ay baka hindi na ako makaalis pa. Nag-commute lang ako patungo sa lugar na napag-usapan namin ni Echo. I was comfortably sitting at the lounge of La Mirasol Hotel when I saw him entered from the entrance. Nakapag-book na ako two days ago ng isang kuwarto rito kaya wala naman na siyang dapat alalahanin pa. Napatayo ako agad at nilapitan siya. He was wearing a maroon long sleeves and black pants. Bahagya siyang nakayuko at inaayos ang kanyang buhok nang tumigil ako sa harapan niya. His brows knitted when he scanned my outfit. Walang pagdadalawang isip kong hinawakan siya sa balikat at tumingkayad pa. I closed my eyes and planted a soft kiss on his lips. My heart drummed erratically. Napaigtad siya at hinawakan ako sa baywang. Napalingon-lingon siya sa paligid matapos kong humiwalay sa kanya. Damn. I'm really going to do this, huh? For Claudia. "Eona, bakit dito pa tayo kakain? At akala ko ba ay dinner? Tanghali pa lang." Tiningnan pa niya ang oras sa suot na itim na relo. I held his hand and batted my eyelashes. "We'll eat later. But for now... I'll show you something." Tinalikuran ko siya habang hawak pa rin ang kamay niya. Nagpapabigat pa siya noong una pero tuluyan ko ring nakaladkad patungo sa elevator. Nahihiya ako sa pinaggagagawa ko ngayon kaya hindi ako makatingin sa kanya noong nasa loob na kami. "Eona, ano bang ipakikita mo? Kailangan ba talagang sa hotel? Nagpa-book ka rito?" "Oo," I answered without looking at him. "Don't worry, wala ka nang gagastusin—" "Eona!" matigas niyang banggit at hinawakan ako sa braso para paharapin sa kanya. "Ano ba talagang ginagawa natin dito? Ayokong isipin ang iniisip ko dahil—" "Tama ang iniisip mo," I said grimly and met his eyes. "We're now here because I'm planning to have s*x with you." Nalaglag ang panga niya at halos lumuwa ang mata habang tinititigan ako. His grip loosened on my arm until the lift's doors opened. Pasalamat talaga ako na walang pumasok habang nasa loob kami. "Let's go..." He pursed his lips and his jaw clenched. "Tangina, Eona. Ayaw ko nang ganito. Bakit ka makikipag-s*x sa akin?" "I told you before, I want a baby!" Napahilamos siya sa mukha. "Anong gusto mo ng baby? Noong nakaraan, gusto mong mag-donate ako ng sperm tapos ngayon, s*x na? Eona, kae-eighteen mo pa lang! Nag-aaral pa tayo—" My eyes welled up. "Ayaw mo?" Suminghap siya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. "Eona, hindi ko alam kung bakit gusto mong—" "Kung ayaw mo, sa iba na lang—" "Bullshit!" Hinampas niya ang pader at hinila ako palabas ng elevator. Nang sumarado iyon ay bahagya niya akong itinulak sa pader at yumuko. Namumula na ang kanyang mga mata. "Sabihin mo sa akin ngayon, bakit gusto mong magka-baby bigla? Kasi, Eona, hindi kita maintindihan, e. Napakabiglaan mo. Hindi sa ayaw ko pero alam kong hindi ka pa handa para dito." I remained mute. He straightened his back and clutched his hair with his hand. Para akong mabibingi sa lakas ng tambol sa dibdib ko kahit hindi ko naman talaga naririnig. "Huwag kang mananahimik sa akin ngayon dahil sinasabi ko sa 'yo, kapag talagang nangyari 'tong binabalak mo..." He bit his bottom lip as he looked at me dangerously. "Talagang mawawalan ka ng boses kauungol sa pangalan ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD