Chapter 22

3567 Words
Chapter 22 Nagising ako na nasa loob pa rin ng van kung saan ako isinakay kanina. Kaming dalawa lang ng nagpakilalang Maeby ang nasa loob at ang mga bodyguard niya ay nasa labas ng sasakyan, nagbabantay. "Sasamahan mo lang ang kliyente mo sa isang gabi and voila! You'll earn one hundred and fifty million pesos!" she emphasized the last words with puckering fiery red lips. My eyes thoroughly scanned the papers I was holding. Kontrata iyon sa pagiging 'escort' ko kung sakali mang pumayag ako sa gusto niya. "Hindi ka na lugi roon. Just this one night, Miss Mercado. I'll leave you and your twin alone. And the video? I'll bury it into the core." The amount of money that she had just mentioned was stupendous. Kung talagang isang kahig, isang tuka ako, malamang na kukunin ko agad ang opportunity na 'yon. One hundred and fifty million just for a night? Who would decline that offer if you're in dire need of finance? Pero sino muna ang taong kayang magwaldas ng ganoon kalaking pera sa isang tao at para sa isang gabi kasama ito? In my case, I don't need the money. Gusto ko lang na tigilan niya na ako... kami ni Claudia. Puwede ko siyang kasuhan sa mga ginagawa niya pero... hindi ko gagawin iyon. Dahil nagkamali ako nang inakala kong huling bala na niya ang tungkol sa video para mapapayag akong maging escort. "What's the name of the client?" I asked while my eyes remained on the contract. Alam kong hindi niya na ako kailangang sagutin dahil sa pagkakataong iyon, nakita ko na ang isang pamilyar na pangalan sa kontrata. My lips parted as I emitted a sigh in despair. Beads of sweat started to form on my forehead albeit the aircon's on. Tinigil ko ang pagbabasa sa kontrata bago siya nilingon at naglahad ng kamay. "Give me your pen." A triumph smile appeared on her face. Pagkabigay niya sa akin ng ballpen ay agad ko nang sinulatan ang mga dapat punan ng pangalan at pirma ko roon sa kontrata. Nakakatawa na sila ang nang-kidnap sa akin pero sila rin ang naghatid sa akin sa mismong bahay namin. She probably knew I won't have a choice but to agree on her terms. Namilog ang mga mata ni Beth nang pagbuksan niya ako ng gate. "Ma'am! Ma'am! Nandito na po si Ma'am Aisa!" aligagang sigaw niya habang naglalakad ako papasok. "Nandiyan na ang anak ko?" tanong ni Mommy mula sa loob bago ako tuluyang nakapasok sa bahay. Namamaga ang kanyang mata at namumula ang ilong nang magkaharap kami. She held both of my arms before examining me with her weary eyes. Nang masigurong kumpleto pa naman ang katawan ko at walang kahit anong galos, agad niya akong ibinalot sa mahigpit na yakap. "Goodness, Aisa! I thought you were really kidnapped! May tumawag sa amin mula sa school mo at sinabing may dumukot daw sa 'yo!" Matabang ang ngisi ko. "Nagkakamali po sila, Mommy. I wasn't kidnapped..." "We were so worried! Nag-report na kami sa pulis at—" "Where's Daddy, Mom?" putol ko at hinawakan siya sa balikat para makahiwalay sa kanya. May namumuong luha sa kanyang mata nang titigan ako. "Sina Claudia at Kuya po? Alam po ba nila ang nangyari?" Napailing ako at saglit na napapikit. "Nandito na po ba sila?" Her tears cascaded down her cheeks. "Si Claudia... sinugod sa ospital kanina." I blinked twice. "N-nag-aagaw buhay ang kakambal mo sa ospital ngayon, Aisa..." "P-po?" Noon pa lang, inamin ko nang hindi ako naging mabuting kapatid at kambal kay Claudia. I know that I will only bring pain and misfortune to her, purposely or not, when I'm close with her. Alam ko 'yon. Alam kong hindi ako mabuting kapatid. Alam kong wala akong madudulot na maganda sa kanya. Pero kahit ganoon, natatakot akong may mangyaring masama sa kanya. Natatakot ako na mawala siya. Natatakot ako na sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman siyang nakikipaglaban sa kamatayan. Napahilamos ako sa mukha at napayuko habang nakaupo sa malamig na sahig ng ospital. It was half an hour ago when Claudia got transfered out from the emergency room. Pero hindi ko kayang pumasok sa loob ng kuwarto kung nasaan siya ngayon. Our parents stayed inside to look after her for the mean time. "Aisa..." I heard Kuya's deep voice calling me. Nanatili akong nakayuko sa magkadikit na tuhod. Umiling ako kahit hindi ko alam kung para saan. He sighed. "Tumayo ka nga. Malamig ang sahig. Baka isipin ng mga makakita sa 'yo, namatayan ka kahit hindi naman. Huy!" Niyugyog niya ang binti ko. My fingers got tangled with my hair when I tried to comb them as I looked up at my brother. Naka-squat siya sa harapan ko habang nakapatong ang dalawang braso sa tuhod. Mommy told me earlier that Kuya and Dad knew that I was abducted, as what they were told. I wasn't sure if they really believed me when I simply said it wasn't kidnapping without further explanation. Fortunately, they didn't dwell too much about it because Claudia's situation was more important. Mabuti na rin iyon para hindi na ako mahirapang gumawa ng dahilan. Although I felt guilty lying right on my parents' face. "Kumain ka na ba?" His voice was soft. "Ang sabi ni Mama ay dumiretso kayo agad dito pagkauwi mo kanina." "Kuya..." I swallowed hard. "Tama bang umuwi pa ako rito?" My sight immediately turned blurry. Kinagat niya ang ibabang labi habang namumungay ang mga malalim na matang nakatingin sa akin. "Of course, Aisa. This is your home. Our home with our family." I opened my hands and stared at them. "Kuya... do you still remember the reason why I pushed Claudia on the stairs before?" "I don't." "You do." "No." "Yes." "Hindi nga, e. Bakit mas marunong ka pa? Pag-aari mo na ang utak ko?" Parang nairita pa siya nang sabihin iyon bago tumayo. Napatayo rin ako at tiningala siya. Alam kong tanda niya ang dahilan kung bakit ko ginawa iyon kay Claudia. Bukod sa inggit at selos na hindi ko naman dapat maramdaman sa magulang namin. "I don't own your brain, yes. Pero bakit mo ba itinatanggi kung alam ko namang tanda mo ang tungkol sa sinabi ko sa 'yo noon?" Napahawak siya sa noo at napailing. "Ano naman ngayon kung natatandaan ko o hindi?" I smiled bitterly. "So someone could remind me how bad I was and am still as a person." Marahas siyang bumuga ng hangin. "Bullshit. Ewan ko sa 'yo, Hadassah." He turned to his side and began marching away from me. I averted my gaze from him when he punched the cold wall carelessly. Filling my chest with air, the door beside me pulled open. Magkasunod na lumabas ang mga magulang ko kaya agad akong umayos ng tayo. "Oh, Aisa. Nasaan ang kapatid mo? Ang akala ko ay uuwi na kayo para kumain," ani Mommy. "Si... Claudia po? Is she still asleep?" "Clau's still unconscious but the doctor assured that her condition is now stable," sagot ni Daddy. "Puwede po ba akong pumasok?" "Of course, hija," sambit ni Mommy sabay hawak sa doorknob. "Hihintayin ka namin ng Daddy mo sa sasakyan." Tumango ako at ngumiti kay Mommy. I twisted the doorknob and pushed the door open before coming inside. Ang pamilyar na mga kagamitan at amoy sa loob ang nabungaran ko. Marahan kong sinara ang pinto bago lumapit sa kama kung nasaan si Claudia. Her skin and lips were pale. May ilang gasgas sa kanyang mukha at may bandage ang ulo. It reminded me that horrible past. The tips of my fingers brought me to her arms. Bahagya kong inangat ang manggas ng suot niyang hospital gown. I tasted metal on my lips while still scanning her other arm and hand only to see several purple circles marked on her skin. Napapikit ako at napatingala para pigilan ang nagbabadyang luha. Huminga ako nang malalim at muli siyang tiningnan bago umupo sa silyang katabi ng kama. Marahan kong pinaglandas ang daliri sa kanyang kamay bago iyon tuluyang hinawakan. "Claudia, I'm sorry..." Humikbi ako. "I'm sorry for being thoughtless and selfish." Dinala ko ang kanyang kamay sa aking labi. She was a little bit cold. "I'm sorry for not asking how was your day like how you'd ask me every day. Naiinis pa ako dahil paulit-ulit ka sa tanong mo pero ako? Ni hindi man lang kita nagawang kumustahin kahit isang beses lang." Pinalis ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. "I'm sorry kung ngayon ko lang nalaman ang... tungkol sa sakit mo." Claudia was suffering from leukemia for almost two years until now and she just got into a car accident. Hit-and-ran, to be exact. I pressed her palm with my fingers softly. "Do you know how much I'm proud of you to survive this battle again? Ang lakas mo talaga kay Lord, ano? Hindi ka talaga niya hinahayaang mawala sa amin. Siguro dahil marami ka pang kailangang gawin sa mundong ito. 'Di ba, you want to be a lawyer?" Ngumiti ako at hinaplos ang daliri niya. "You will be a prominent lawyer, Claudia. I know that. Walong taon ka pang magsusunog ng kilay kaya bawal ka pa talagang mamatay." I chuckled without humor. I jolted when her finger moved slightly. "Claudia?" Her eyelids moved, too. Napatayo ako habang sinusubukan niyang imulat ang mga mata. "Claudia, you hear me? I'll call the doctor first, okay?" I was about to let go of her hand when she caught my fingertips as if stopping me. "A-Ate..." paos ang boses niyang bulong. Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Yes, Claudia. Nandito si Ate sa tabi mo." "Ate..." May tumulong luha sa gilid ng kanyang mata. "Ate... m-mahal mo ba ako?" Sandaling huminto sa pagtibok ang puso ko sa tanong niya. "O-oo naman, Claudia. Mahal... na mahal... ka ni Ate." "Mahal na mahal din kita, Ate." Bahagyang naningkit ang mata niya dahil sa pagngiti. "Pero gusto kong nalaman kung bakit..." She talked slowly and quietly that I thought she'd suddenly lose her voice. "Bakit kailangan mo akong itulak noong panahong ang gusto ko lang ay ang magkalapit tayo?" That shattered my heart into tiny pieces. Hindi ko sinagot ang tanong niya at binitiwan na ang kamay niya. She was so helpless when she settled her almost begging eyes on me. Nagpatawag ako ng nurse bago ko tinawagan si Mommy para ipaalam na nagkamalay na si Claudia. Nanatili ako sa labas ng kuwarto at ilang minuto lang ay namataan ko na sina Mommy at Daddy na tumatakbo patungo sa direksyon ko. Naunang pumasok si Daddy at noong papasok na rin si Mommy ay hinawakan ko siya sa braso. "Mi... una na po akong umuwi. Pagod na po ako." "Wait, baby. Hindi pa sumasagot si Kaius—" Hinawakan ko si Mommy sa kamay. "Ako na po ang tatawag sa kanya. Sasagot po iyon agad." Magsasalita pa sana si Mommy nang may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako sa likod kung saan nanggaling ang pamilyar na boses. My eyes enlarged when I spotted Echo only few meters away from us. His long legs ate the distance between us. Hindi ako nakapagsalita sa gulat. Why is he here? Did he get into an accident? No, he looks fine. Baka may binibisita? "Eona." His jaw clenched tightly before drifting his gaze to Mom. "Tita. Magandang gabi po. Hindi ko inaasahan na makikita ko po kayo rito." Ako rin, Echo. Hindi lang ikaw. "Oh, hijo. Anong ginagawa mo rito?" "May binisita lang ho. Kayo po? May binibisita rin?" Binalik niyang muli ang mga mata sa akin. "A-ah, Mommy! You know Echo naman po, 'di ba? Sa kanya na lang po ako sasabay pauwi, ayos lang po ba?" Nagparte ang labi ni Mommy at nagpapalit-palit ang tingin sa aming dalawa ni Echo. "Ayos lang ba, hijo? Hindi ba abala sa 'yo?" Mom asked him. Matalim ang titig sa akin ni Echo pero tumango rin. "Ayos lang po. Hindi naman po magiging abala sa akin si Eona." Mom gave out a small smile. "Thank you, Echo. Mag-ingat kayong dalawa. Aisa, text me when you got home, alright?" I nodded and kissed her cheek before she went inside Claudia's room. Nang kaming dalawa na lang ni Echo ang nasa labas ay agad kong iniwas ang tingin sa kanya at nagsimulang maglakad. Honestly, I have no plans of talking to anyone, even to him, until this night ends. Gusto ko lang mag-isip muna nang maayos sa mga nangyari ngayong araw. I didn't expect that he'd be there, too. Sino kaya ang dinadalaw niya? Babae? Walang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa nakalabas kami ng ospital. Patungo ako sa direksyon ng parking lot sa pagbabakasaling makita roon si Kuya. "Eona," tawag niya at sinabayan ako sa bilis ng lakad. "Kanina pa ako panay text at tawag sa 'yo pero hindi ka sumasagot. Ang balita ko ay may—" "Echo, please? Not now. Pagod na ang katawan at utak ko." Hinablot niya ang braso ko kaya napatigil ako sa paglakad at hinarap siya. He bent down a bit as he held both of my shoulders to face me. "Sobra akong nag-aalala alam mo ba 'yon? Ano ba talaga ang nangyari? Sino 'yong mga kumuha sa 'yo? Sinaktan ka ba nila?" He even checked my arms. "Wala ka namang sugat. Sinong dinadalaw niyo sa ospital?" I sighed. "Echo, I'm fine, okay? Ang sinugod sa ospital ay ang kapatid ko." His red lips protruded. "Oh. Maayos na ba ang lagay niya?" "Yes." "E, ikaw?" My brows tied a know. "Anong ako?" "Ayos ka lang ba talaga?" "Oo naman." Pilit akong ngumiti. "Bakit hindi ako magiging ayos?" Dinilaan niya ang kanyang labi at kinagat iyon. He brought his big hand on my cheek and caressed it with his calloused thumb. "Nag-alala ako nang sobra. Akala ko talaga ay napaano ka na..." Tumingala ako at kumurap-kurap. His thoughtfulness will always touch my heart. Imbes na tuwa ang maramdaman ko, parang mas natatakot ako. I'm afraid that I'd always expect him to be there when I need him—that I will be dependent on him. Pero masama bang hangga't nandito siya, lubusin ko na? Because I'm not sure until when we are going to stay like this. "Please, don't make me so worried about you next time. Baka sa susunod ay mauna pa akong mamatay sa takot kapag nalaman kong may nangyaring masama sa 'yo..." Tumango-tango ako sa kanya. My chest tightened. One step forward and I was already wrapped with his steel arms. Sinubsob ko ang mukha sa kanyang malapad na balikat at dahan-dahan ding ipinulupot ang braso sa kanyang baywang. I smiled. He was warm and being enveloped by him was very comfortable. The faint smell of his perfume entered my nostrils. "I'm sorry. I really didn't mean to worry you," I murmured and lifted my chin to face him. "I love hugging you. It's so comfy." His chest vibrated languidly against mine. The small dimples appeared on either side of his cheeks. "Talaga? Ikaw rin... ang sarap mong yakapin," aniya sabay baba ng tingin mula sa mata ko patungo sa dibdib naming magkadikit. My eyes widened and my cheeks heated. Agad kong kinalas ang braso sa kanya at tinulak siya sa dibdib. I saw a ghost of wicked smile on his lips before he tried to capture my hand. "Ang manyak mo, Echo. Nakakainis ka!" Tinalikuran ko siya at naglakad na ulit kahit hindi alam kung saan talaga pupunta. "Uy, sorry na. Uwi na tayo, babe? O iuuwi na lang kita?" "Hihintayin ko na lang dito si Kuya! Umuwi ka na mag-isa mo!" He was now chuckling behind me. Pilit niyang hinuhuli ang baywang ko kung saan may pinakamalakas akong kiliti kaya panay ang igtad ko. "Ano ba!" Tumigil ako sa paglakad at hinampas ang kamay niya. His infamous mischievous smirk played on his lips. "Lakas pala ng kiliti mo sa baywang, Eona? Parang mas lalo tuloy kitang gustong—" Pinandilatan ko siya dahil mukhang may kamanyakan pang lalabas sa bibig. "Gustong ano?" Halos mawala ang mata niya sa pagkakangiti. "Gustong mahalin." Bumalik sa orihinal na hugis ang mata ko sa sinabi niya. His forefinger and middle finger gently caress my lips before placing them on his own as if tasting me indirectly. I pursed my lips when his eyes turned sleepy. "You like that?" He nodded at my question. "I've always wanted it deep and hard but with you, I'll be contented with indirect kisses unless you permit me to do it... passionately... and with my fiery tongue." Ngumisi siya at bahagya pang inilabas ang dila para padaanin sa kanyang labi. I rolled my eyes heavenwards. Humalakhak siya at lumapit sa akin. He snaked his arm on my waist and pulled me closer to him. I jerked slightly but he prevent me from moving away from him. "Sasanayin kita rito," bulong niya habang kinakaladkad ako patungo sa mga sasakyan. May kinuha siya sa kanyang bulsa bago pinindot iyon. Tumunog ang isang kulay itim na Honda malapit sa amin. I wonder where is his scooter now? Ginagamit niya pa kaya iyon? Binuksan niya ang pinto sa passenger seat kaya pumasok na ako roon. He jogged to the other side before hopping in. Inaayos ko ang seatbelt sa katawan nang lingunin niya ako. "Kumain ka na ba?" "Not yet but I'm not really hung—" "Daan tayong drive thru. Bili tayong pagkain mo." "Hindi na—" "Shh. Ako naman ang magbabayad. Ah, sandali. May protein shake doon sa bag ko. Nasa backseat. Inumin mo na rin. Hindi nga lang nalamig." He revved the engine and didn't bother to even glance at me again when he said those words. Nilingon ko na lang ang backseat at nang makita roon ang grey niyang Nike body bag ay agad kong kinuha. Nakita ko ang isang transparent na tumbler na may lamang shake na sinasabi niya. "Puno pa 'to, ah?" sabi ko habang inaalog nang kaunti iyon. "Reserba ko 'yan kapag may training. Nahihirapan ka pa bang matulog sa gabi?" Binuksan ko ang mismong takip at unti-unting uminom doon. "Hmm... minsan. Kapag nakatulog na ako matapos ng tawag mo at nagising ako, nahihirapan na ulit ako matulog sa madaling araw." "May ginagawa akong protein shake na iniinom bago matulog. Nakatutulong 'yon sa akin na makatulog agad at magkaroon ng mahimbing na tulog. Do you want me to list the ingredients for you?" Sinulyapan niya ako. "Really? Sure, why not? I'll try to do it before I sleep." "Pero daan muna tayong drive thru." Ayaw talaga niya paawat sa drive thru na 'yan. Hindi naman talaga ako nagugutom masyado kahit pa ang huling kain ko ay kaninang tanghali pa. Pero nang nandoon na kami sa may Mcdo, kumulo na ang tiyan ko. He sneered at me but didn't say anything. Uminit ang pisngi ko at idinikit ang tumbler sa tiyan. "Anong gusto mo?" "Ikaw," wala sa sariling sagot ko kaya napailing ako. "I mean... ikaw na ang bahala." Naglaro ang daliri niya sa steering wheel habang nakatagilid ang tingin sa akin. Nakataas pa ang kilay at nakangisi. "Alam kong masarap ako pero wala ako sa menu ngayon, Eona. Maybe next time," he said before winking. I rolled my eyes. "Just a burger will suffice." "Ano pa?" "Iyon lang nga." "Burger lang talaga? Sana dumaan na lang pala tayo ng Angel's burger. Buy 1 take 1 na 'yon tapos unang kagat, tinapay lahat." He snickered. "Kumakain ka ba no'n?" "No, sorry. Magra-rice na nga lang ako!" "Rice lang? Sana bumili na lang pala tayo sa karinderya—" "Ano ba? Pumila-pila ka rito tapos magsa-suggest ka pa ng ibang kainan kung kailan tayo na?" "Tayo naman na talaga, 'di ba?" "Kaya nga iabante mo na ang sasakyan mo. Naghihintay na 'yong crew!" Tinuro ko pa ang harapan namin. Nanatili ang kumikinang niyang mata sa akin. "Oo nga. Kasi... tayo na talaga?" "Oo nga! Tayo na nga! Paulit-ulit?" iritado ko nang singhal sa kanya. He guffawed and fixated his eyes in front of us before moving forward. "Sarap ulit-ulitin marinig mula sa 'yo na tayo na talaga." Umiling-iling siya habang ang mga mata ay nakangiti pa rin. "Tangina. Iba talaga ang epekto kapag galing mismo sa bibig mo." Ngumuso ako at humalukipkip. Pinanood kong magpa-cute muna ang crew sa kanya habang nililista ang mga order na gusto ko. Nang iabot na sa akin ni Echo ang paper bag ay natigilan siya. "Bakit?" Napailing siya at ipinatong na ang paper bag sa lap ko. Nagsimula na ulit siyang mag-drive patungo sa bahay. "Video call tayo mamaya. Panonoorin kitang kumain." Nanlaki ang butas ng ilong ko. "Ayoko nga. Pati ba naman pagkain ko, panonoorin mo? Nakakailang!" "Anong nakakailang doon? Gusto ko lang naman makita kung paano mo 'ko kakainin—este 'yong binili ko. Kung paano mo kakainin ang binili ko para sa 'yo. Ayon." I pouted. "Kakainin ko naman 'to, e, kahit hindi mo nakikita." "Sows, Eona. 'Wag ako. Hindi mo lagi inuubos ang pinakakain sa 'yo maliban kung paborito mo." I covered my mouth with hand when I yawned. Napasulyap siya sa akin. "Pero kung inaantok ka na talaga... kahit kalahatiin mo na lang 'yang protein shake bago ka matulog." I smiled warmly without looking at him. Pero napawi agad iyon nang sumagi ang kaninang pinag-usapan namin ni Maeby. Should I tell him that I'll be escorting someone, particularly a guy, as a job?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD