Chapter 21
"Mommy, Claudia's not going to join us?" I asked when I noticed my twin wasn't in the dining area for breakfast.
"Hindi pa yata siya gising. Hayaan mo na at mamaya pa naman ang klase niya," sagot ni Mommy.
Umupo ako sa tabi ni Kuya na abala sa kanyang phone. Ipinatong ko naman ang bag sa bakanteng upuan sa kaliwa ko. Tinapik ko siya sa braso at tinaasan ng kilay.
He cleared his throat. We started eating after the short prayer. Mas kaunti pa sa kinakain ko noon ang kinakain ko ngayon.
Kumakagat ako sa hotdog ko nang tumunog ang ring tone ng aking phone mula sa bag. Nagmamadali kong kinuha ang phone sa bag at nakitang si Echo ang tumatawag.
"No phone calls while eating," ani Daddy.
"I'm just gonna turn it off po."
"Hah," bulong-bulong ni Kuya sa tabi ko.
Mom raised her brow. "Who's that, hija?"
"Ahm... si Echo lang po, Mommy. 'Yong kaibigan ko." Kinagat ko ang aking labi.
"Kaibigan." Kuya snorted. "Nanliligaw na yata 'yon, e."
"Hindi, ah," depensa ko agad.
Echo's actually beyond just a friend and a suitor. I want to tell them that because obviously, they don't know yet the real score between Echo and I.
Tatlong beses nang uma-attend ng worship si Echo sa church namin at doon lang sila ulit nagkikita-kita. Though, they're not questioning me about him. Pero tingin ko at pakiramdam ko ay may napapansin na rin sina Mommy at Daddy.
"You know I've never meddled in any relationships you had back then, Aisa, as long as you know your boundaries and priorities," ani Daddy na nasa akin na rin ang atensyon. "Pero matapos ng nangyari sa 'yo bago ka umuwi rito, I don't think I can easily trust you fully with other man besides Kaius."
I averted my eyes from him and fixed my eyes on the plate in front of me. Plano ko namang sabihin sa kanila ang tungkol sa amin ni Echo pero ngayong sinabi ito ni Daddy, tingin ko ay mauudlot pa iyon.
"There's no problem if you want to befriend someone you're comfortable with, Aisa. Pero hanggang kaibigan lang muna."
I plastered a sham smile and nodded. Kuya Kaius was probably performing a caroling inside his head beside me.
Hindi ko na nakausap pa si Claudia bago kami umalis ni Kuya para ihatid niya ako sa unibersidad. Nakangisi at pakanta-kanta pa siya habang nagmamaneho kaya padabog kong binuksan ang radio na sana ay kanina ko pa ginawa.
"Will you stop it, Kuya? Buti kung maganda ang boses mo, e, hindi naman!" I rolled my eyes.
He guffawed. "Sige lang, Ais. Kahit laitin mo pa ako araw-araw, hindi ka pa rin puwedeng magpaligaw. Hay, salamat. Mababawasan ang sakit ko sa ulo."
Hindi na nga nanliligaw dahil kami na. But on the second thought, Echo appeared to be courting me every day and night. He'd wait for me in the morning outside the university and will eat breakfast on Goto Nga before I go to my first subject. Kaya kaunti na lang ang kinakain ko sa bahay para hindi ako mabusog agad. Pero ngayon, mali-late na ako kapag kumain pa kami.
Sa uwian, kapag nasusundo niya ako ay nanlilibre muna siya ulit ng pagkain. It's either in a fast food chain or just street foods. Kahit ano at saan naman basta magkasama kami, okay ako. And before I fall asleep, he would sing a song for me.
"Dahil diyan, bibigyan kita ng magandang regalo sa debut niyo ni Claudia," ani Kuya sabay kindat sa akin.
Tumaas ang kaliwang kilay ko. "Ako lang? Obvious naman na may favoritism ka, Kuya. Ganyan ka pala. Grabe!" eksaherada kong sambit habang umiiling.
"Asa, oy." He stucked out his tongue. "Si Claudia nga lang dapat ang may regalo mula sa akin para sa birthday niyo. Buti nga at natuwa ako sa sinabi ni Papa kanina. Dahil doon, may regalo ka sa akin!"
Umismid ako. "Hindi ko naman gusto ng regalo mula sa 'yo."
"Kahit bagong keyboard?"
"Kahit bagong keyboard."
"Kahit pera?"
"Anong maganda sa pera?" I frowned. "Mas lalong ayaw ko."
Tumango-tango siya. "Kahit rest house sa Palawan?"
"Kahit rest—" Natigilan ako at nanlalaki ang mga matang tinitigan siya.
His brow shot up. "O? Ayaw mo?"
"Seryoso ba 'yan? Totoong rest house o baka naman doll house lang? Bibigyan mo talaga ako sa birthday ko niyan?"
My heart was already jumping in excitement. Having my own rest house is one of my dreams! At kung saan nanggaling ang pera niyang pinambili o pinagawa no'n, hindi ko na uusisain pa.
"Correction, rest house niyo ni Claudia. At oo, totoong rest house."
"Hindi nga, Kuya?"
Inalog-alog ko pa siya sa braso at halos mapunit na ang labi sa pagkakangiti. Kahit kaming dalawa pa ni Claudia ang magmay-ari ng rest house na 'yon, ayos lang. Basta hindi si Kuya, 'no!
"Oo nga! Pero sabi mo, ayaw mo naman—"
Inabot ko siya para makahilig sa kanyang braso at kahit halos masakal na ang katawan sa seatbelt ay hindi ko na inalintana.
"Kuya, I love you talaga! Walang bawian 'yan, ha? The best ka na!" I even kissed his cheek.
His face contorted in feign disgust. Tinawanan ko siya nang hawiin niya ang braso mula sa akin at pinunasan ang pisngi.
"Pero kapag nalaman kong nanliligaw talaga 'yang Echo na 'yan—"
"Wait, Kuya." I held my hand up. "Did you know that Echo is Savi Fujita's bestfriend? You know, your celebrity crush?"
His lips pulled apart. Bumagal ang patakbo niya sa kotse nang ilang metro na lang kami sa binababaan ko.
"'Wag mo nga akong lokohin. Pakialam ko naman kung bestfriend niya si Savi? Basta—"
"Oh, sayang naman!" I intentionally raised my voice to interfere. "Nasabi ko pa naman kay Echo ang tungkol doon. 'Di ba gusto mo ng autograph niya? Kinausap niya raw si Savi—"
Halos mauntog ako sa dashboard nang huminto siya. I blew on my bangs and glared at him.
"Lumabas ka na. Bilisan mo. Mag-usap kayo ni Echo, ah? Kapag walang dumating na kahit postcard na may autograph ni Savi sa akin ngayong linggo, wala kang rest house."
I gawked at him. And then I smirked. Basta kay Savi, ibubugaw niya na ako sa pinakaiinisan niya ngayon.
Hinintay ko munang tuluyang makaalis ang sasakyan bago ako naglakad patungo sa tindahan kung saan madalas maghintay si Echo. Sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri bago inipon sa kamay at itinaas para taliin.
His sensuous eyes scanned me. As usual, he was wearing a plain shirt and maong pants. He jutted out his lower lip when I stopped a meter away from him. Umiling siya at nilapitan ako.
I leaned my head back slightly when his large hand reached for my nape to caress it gently. Kung naramdaman din niya ang pagtayo ng mga balahibo ko roon, hindi ko sigurado.
My bottom lip was in between my teeth and my eyelids got heavy. I know that he knows I kinda like it when he does that. The facile movement of his fingers on my nape and hair is giving me a great relish.
"Kapag nag-Goto Nga pa tayo, mali-late ka na."
Tumango ako pero ang atensyon ay nasa mga daliri pa rin niyang naglalaro sa likod ng aking ulo. A lopsided smile formed on his lips while watching my expression.
Tumikhim ako. "Nakausap ko na pala si Kuya tungkol kay Savi. Binubugaw niya lang ako sa 'yo kapag may suhol. He said he wanted her postcard with autograph within this week."
"Iyon lang ba? Kahit mamaya pa, ibibigay ko na sa kanya."
"You have class until 8 o'clock p.m., right? Bukas na lang."
"Hindi. Mamaya na. Punta ako sa inyo."
"What?" Kumunot ang noo ko. "Huwag na, Echo. Iabot mo na lang sa akin bukas, ayos na 'yon. Ako na ang magbibigay kay Kuya. Alam kong pagod ka na rin mamaya kaya mas magandang magpahinga ka na lang."
He beamed at me. "Ayaw mong pumunta ako sa inyo?"
"Hindi naman sa ganoon. Siyempre, hindi pa nila alam na... tayo." Yumuko ako at pinaglaruan ang daliri sa kamay.
He let out a sigh. Tinanggal niya na ang kamay sa batok ko at ipinasok sa bulsa ng pantalon.
"I feel so guilty and sad at the same time that I'm keeping us a secret from them." My tone was low and almost a whisper.
"Hindi naman ako nagtatago, Eona. Hindi naman natin kailangang magtago. I can face your family with confidence and tell them how badly I'm... into you."
My eyes lifted on him.
"Hindi kasi ganoon kadali iyon, Echo. You know about the..." I swallowed hard. "Dad just told me that he won't allow any other guy to court me for now. Paano pa kapag nalaman niyang... tayo na talaga?"
"So... you really want us to keep our relationship from them?" he asked softly.
"Just... for now."
Yumuko siya at bumuntong hininga. "Sige."
Napakurap ako. Sige?
"Ayos lang kung kaibigan lang ang alam nilang relasyon ko sa 'yo. Ayos lang sa akin na... itago mo ako bilang boyfriend mo ngayon. Pero ako..." His jaw stirred up. "Ipakikilala kita bilang girlfriend ko. Sa mga kaibigan ko at sa pamilya ko. Hindi kita itatago. Hindi ko itatago ang relasyon natin, Eona."
The corner of my eyes heated as I looked straight on his eyes. I want to wrap my arms on his waist and tell him that I appreciate him so much for letting me keep us from my family for the mean time... kahit ayaw ko ng ganoon. I really want us legal on both side.
"And if your family finds out that we're together before you could even tell them..."
Suminghap ako at hinintay ang idurugtong niya.
"Hindi ko iyon itatanggi sa kanila. Haharapin ko ang pamilya mo, Eona. Kahit latagan pa ako ng Bible verses ng tatay mo, hindi ko itatanggi ang relasyon natin."
His expression was impassive at first but when I chuckled, he pulled out a gracious smile.
"Okay." I sighed and nodded. "I'll just text you when I'm during my free cut. I should go now."
Tumango rin siya at ngumuso. "Kiss."
Tumingin ako sa paligid. Wala masyadong dumadaan ngayon na estudyante sa banda namin.
I kissed my two fingers before placing it on his pouting lips shortly. Uminit ang pisngi ko nang agad niyang dinilaan ang labi at ngumisi.
"May practice kami mamaya sa laro. Ako na lang ang magti-text o tatawag sa 'yo. Alam ko naman kung kailan ang vacant time mo."
Ngumiti ako sa kanya bago kumaway at umalis na roon. Pero nakailang hakbang pa lang ako nang tawagin niya ako sa pangalan. Tumigil ako sa paglakad at hinarap siya habang nakaarko ang kilay.
"Inaro ta ka." He winked and waved his hand.
Hindi ko agad nakuha ang ibig sabihin ng sinabi niya noong una pero nang matanto ang tagalog nito, parang gusto ko na lang magpagulong-gulong sa sahig o 'di kaya ay gumapang papasok ng unibersidad.
Kinagat ko ang labi sa pagpipigil ng ngiti. Napahawak ako sa dibdib na tila may gustong kumawala roon. Kung puwede lang dukutin muna ang puso ko at pakalmahin muna iyon, ginawa ko na. Hindi ba delikado ang sobrang kilig?
Damn, Aisa! Pigilan mo 'yan!
But God knows I can't.
My mood was bright and alive for the whole morning. Sobrang active ko pa sa recitation kanina kahit hindi naman graded. Usually kasi, hindi naman ako pala-recite. Kapag graded lang ako madalas nagpa-participate.
Nagdo-drawing ako habang nasa kubo noong vacant ko at mag-isa lang. I was anticipating for Echo's text or call when a bunch of boys went inside the hut I was staying for awhile.
It was Bret and his friends. Nagtatawanan sila habang nagkanya-kanya ng puwesto sa upuang kawayan. I closed my book and notebook before fixing my things.
"Oh, Eona! Nandito ka pala!" ani Bret na nagkunwaring gulat na nandito ako. "Aalis ka na? Dito ka muna!"
Hindi natinag sa pagtawa ang mga kaibigan niya. Idagdag pa ang malaswang tingin ni Bret sa akin.
"Yow, the pastor's daughter, tama ba?" sabi ng isang medyo mataba.
"'Yong may imaginary friend s***h angel daw?"
These guys are so insensitive. Hindi naman sa inaangkin ko ang puwesto na 'to, pero hindi ba nila nakikitang nag-aaral 'yong tao? Dito talaga nila napiling manggulo?
Hindi ko na sila pinansin pa. Sinarado ko na ang bag at wala nang pagpipilian pa kung hindi ang dumaan sa harapan ng mga lalaking hindi ko naman kilala.
"Snobber talaga 'yan, bro. Kahit sa klase ay hindi namamansin," sabi ni Bret at tumawa.
I rolled my eyes. This jerk.
Isa na lang ang kailangan kong lagpasan nang may humawak sa puwet ko at pinisil iyon. Agad na tumama ang balakang ko sa dulo ng mesa para lang makalayo.
"Ano ba? Mga bastos!"
My head was on its boiling point and my chest was heavily raising. Hindi ko sigurado kung sino ang may gawa no'n dahil nakatalikod ako.
"Uy, gago. Bastos daw tayo, pre. Payag kayo?"
"Tangina kayo, ba't niyo ginaganyan 'yong anak ng pastor. Baka 'di tayo makapasok ng langit niyan!"
"Ay, sorry po. Puwede po bang ikumpisal niyo na lang kami? Gusto po naming makarating sa langit kasama po kayo."
"May kumpisal ba sa religion nila? Puro kanta lang naman yata sila at katuwaan sa church, e."
Pinagtatawanan lang nila ako. Nanginginig ang kamay ko at gustong-gusto ko nang sapakin sila sa isa-isa. Binastos na nila ako bilang babae, hindi pa nakuntento at ang pagiging pastor ng ama ko at ang ginagawa namin sa church ay binabastos din nila?
"Nagagalit na si Miss Pastor's Daughter! Lagot kayo!" sigaw ni Bret sa mga kaibigan habang tumatawa. "Hindi talaga kayo makapapasok ng langit!"
"Talagang hindi kayo makapapasok ng langit dahil sa mga ugali niyo, dapat lang kayo sa impyerno."
My grip on the strap of my bag tightened. Sandali silang natigilan at nagkatinginan pero muli na namang nagtawanan. Mariin akong pumikit at pinuno ng hangin ang dibdib.
Talking to them is as if talking to a rock. They don't have mind so they can't understand.
Sige lang. Tangahan pa nila.
Isa-isa ko silang tiningnan. I smiled without humor and shook my head. Hindi ko na sila pinansin pa at tuluyan nang lumabas doon sa kubo. I'll just ignite a fire if I stay there any longer.
Dumiretso ako sa library para doon na ipagpatuloy ang ginagawa. May aircon naman dito at iilan lang ang estudyante pero mas gusto ko ng sariwang hangin ang nasasamyo ko kaya sa kubo ako nang-uupos ng oras.
I opened my book and started reading. Nasa tabi nito ang phone kong naka-silent at inaabangan lang ang text o tawag ni Echo. And when it lighted and vibrated, I excitedly answer his call.
Napatayo ako at lumabas na muna roon para hindi makaistorbo. His unsteady breathing was the first thing I heard.
"Kumain ka na?"
"Yup. How 'bout you?"
"Oo." He chuckled. "Ang bilis mong sinagot ang tawag ko."
"I was waiting for your call. Katatapos lang ng practice niyo?"
"Oo pero nagpapahinga lang. May practice pa kami mayamaya. Anong ginagawa mo?"
His voice soothed me. Sumandal ako sa pader at itinupi ang isang braso sa tapat ng dibdib.
"I'm in the library. Lumabas lang ako noong tumawag ka."
I kept my voice in silent. Kahit wala namang tao sa hallway.
"Sorry. Nakaistorbo ba ako?" He now sounded guilty.
Umiling ako. "No. I'm just killing my time here. Nagdo-drawing ng kung ano."
Suminghap siya. "Pero bakit ka bumubulong? I want to hear your voice clearly, Eona."
Yumuko ako at dinilaan ang labi sa lambing ng boses niya.
"Hmm... someone might hear me."
He cleared his throat. Ilang sandaling walang nagsalita sa aming dalawa.
"About what you said earlier..."
Natigil ako sa sinasabi nang umubo siya. Bahagya kong inilayo ang phone sa tainga.
"Hello? Echo? Ayos ka lang?"
"A-ah, oo. Siyempre, ayos lang ako. Ikaw, ayos ka lang ba?"
Kumunot ang noo ko. "Of course. Ikaw 'tong inubo bigla. Wait, 'yong sinabi mo nga pala—"
"Eona, magaling ka ba sa Math?" putol niya sa akin.
"Hindi sobrang galing pero okay naman. Why? Do you need help on that subject?"
"Oo sana, e. Puwede ba? Madali lang naman 'to."
"Kung madali lang pala, bakit magpapatulong ka pa?"
Tumawa siya sa kabilang linya. "Hindi kasi ako sigurado sa sagot ko, e. Kaya ipasasagot ko sana sa 'yo."
"Fine! What is it?"
Mula sa background ay narinig kong may tumawag sa pangalan niya na boses babae pero hindi niya iyon pinansin.
"355 minus 49?"
"306."
"Divide mo sa 2."
"153? Wala ba akong susundan na rules? MDAS lang ba 'to?"
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Plus 6 sa sagot mo."
"159. Echo, I think we need to follow—"
"Minus 51?"
"You can definitely answer this correctly!"
"Minus 51!" ulit niya sabay tawa.
I sighed. "108."
"Divide mo ulit sa 2."
"Mamamali ang sagot mo kung hindi natin susundin ang—"
"Ako ang rules kaya ako ang susundin mo, Eona."
"You're so annoying."
"Lakompake. Ano na ang sagot? 108 divided by 2?"
"Basic. 54! Pabalik-balik lang tayo!"
"At least, bumabalik." Tumawa siya lalo. "Itabi mo muna 'yong number 5. Factor mo 'yong 4."
Nag-loading bigla ang utak ko. Inulit niya ang huling sinabi. I chuckled lowly.
"2 times 2?"
"Pagsamahin mo 'yong number 5 at 'yong dalawang 2."
"E 'di 9!"
Napamura siya. Tumawa naman ako dahil tama naman ako pero parang galit pa siya.
"Ano, Eona, balik ba tayong elementary? Ang sabi ko, pagsamahin mo. Hindi ko sinabing i-add mo!"
I clasped my hand over my lips to suppress my laugh. Naglakad ako nang mabagal palayo sa labas ng library.
"Bakit ka galit?"
"Ibabalik kitang Grade 1. Hindi marunong sumunod sa instructions!" palatak niya.
"Sorry po, Sir," I teased him. "Paanong pagsamahin ba? Pagdikit-dikitin ko? Like...5-2-2?"
Tila napahampas pa siya sa kung saan. "Ayan! Ayan ang sinasabi ko! Anong 9? 9?"
Napapikit ako habang tumatawa at sinapo na ang mukha. He sounded problematic and frustrated and I really find it so funny!
"Okay. So it's 5-2-2. Anong gagawin ko ngayon diyan?"
"Kainin mo, Eona," sarkastikong aniya.
"Okay. I'll eat your 5-2-2. Mukha namang masarap."
Nagmura siya ulit. "Tangina, sabi ko na nga ba. Pahamak 'tong Math, e!"
"Bakit kasi nagma-Math ka pa riyan? You can just say it directly to me."
"9 pa nga."
Humagalpak ako sa tawa dahil sa iritasyon sa boses niya. Pinahupa ko muna ang tawa bago tumigil sa paglalakad.
"Echo?" I called him sweetly.
Nagmura na naman siya. I smiled.
"5-2-2," I said and ended the call.
Hindi ko na sinagot ang tawag na dumating mula sa kanya. Tinadtad niya ako ng text pero wala akong binuksan kahit isa.
Pasado alas tres ng hapon natapos ang huli kong klase. Naghihintay ako ng masasakyang jeep kasama ang ilang estudyante rin nang may tumigil na itim na van sa harapan namin.
Tumaas ang kilay ko at bahagyang napaatras. Lumingon-lingon ako sa mga kasabayan dahil baka isa sa kanila ang may service nito.
The van's door slided to open. May dalawang naka-suit and tie at face mask na itim ang lumabas mula roon bago tumigil sa harapan namin. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang isa sa kanila na may tinitingnan sa phone.
Napaatras pa ako lalo nang gumala ang paningin ng may hawak ng phone sa paligid. Ang pares ng mga mata nila ay tumigil sa direksyon ko.
I looked behind me on both sides. Pero nanlaki ang mata ko nang lumapit sa akin ang dalawang malaking lalaki at hinawakan ang magkabila kong braso nang mahigpit.
"Sino k-kayo?"
"Sumama ka na lang sa amin nang matiwasay, Miss."
"Teka... hindi ko kayo kilala! Bitiwan niyo nga ako!"
I tried to pull my arms from them but they were strong. Kumalampag ang dibdib ko at napatingin sa mga nakakakita sa amin.
"T-tulong! Hindi ko kilala ang mga taong 'to!"
Nabuhayan ako ng loob nang may ilang lalaki ang nagtangkang lumapit pero halos manlamig ako nang nagsilabasan pa ang ilang lalaki sa loob ng van. They were all wearing a black face mask and even holding a gun!
Tinutok nila iyon sa mga estudyante na parang walang pakialam sa mga ito.
"Lumayo kayong lahat at huwag nang magtangkang lumapit para walang masaktan. Siya lang ang kailangan namin," maawtoridad na sambit ng pinakamatangkad sa kanila.
Naglayuan nga sila sa amin. I tried to put all my weight on feet but my legs were jiggling like a jelly. My eyes clouded when they effortlessly dragged me inside the van.
Sino sila? Anong kailangan nila sa akin? This is clearly kidnapping! Nang makaupo ako sa pangalawang row at papasok na ang lahat ay muli akong tumayo. I attempted to push the men in front of me but someone pulled my hair from behind and a hanky covered half of my face.
Hinawakan ko ang kamay ng may hawak sa nakatakip sa bibig at ilong ko para magpumiglas nang sikmuraan ako ng isa sa kanila. Napabalik ako sa upuan at namilipit sa sakit. The strong smell was attacking my nose and it was making me dizzy. Nanlalata ang mga braso kong nahulog sa upuan at sa tapat ng aking dibdib.
Someone held both of my thigh and pushed me further inside. Nawala na ang nakatakip sa bibig ko at bumibigat na ang talukap ng mga aking mga mata. I heard an unfamiliar female voice spoke before I completely lost in the darkness.
"Good job, boys."