Chapter 20
"Anong oras kayo matatapos? Sunduin na kita mamaya pag-uwi ko."
"'Wag na nga, Kuya. Tinatawag na kami. Ibababa ko na 'to—"
"Aisa, galit ka pa ba sa akin?" he cut me off.
Bumuntong hininga ako at nilipat sa kabilang tainga at balikat ang pagkakaipit ng phone. Nasa banyo ako at nagpapalit ng damit para kumportable sa practice namin ngayon ng sayaw sa P.E.
"Hindi kasi sure kung anong oras kami matatapos kaya 'wag mo na lang akong sunduin. Marunong naman akong mag-commute."
"You didn't answer my question. Galit ka pa nga? I'm sorry, okay? Why can't we just make up, Ais?" He drew out an exhausted sigh.
It was almost one week when our quarrel happened. Nag-uusap naman na kami sa bahay kaya hindi ko maintindihan kung bakit iniisip niya pa ring galit ako.
"I'm not mad at you anymore, alright? But if you insist of fetching me later..." I intentionally stopped my words.
"Fine. Basta i-text mo ako kapag pauwi ka na."
"Okay. Bye."
I ended the call as soon as I said those words. Tinupi ko nang maayos ang uniform bago nag-flush ng bowl at lumabas ng cubicle. Naabutan ko ang ilan pang kaklase na nasa loob. Dumiretso ako sa lababo at ipinatong roon ang bag.
I searched for the scrunchie I always have in my bag when one of my blockmates went near me.
"Eona, saan nga ulit nag-aaral si Clau?"
"UP Diliman."
"Oh, wow. Bakit 'di ka rin doon pumasok? Uwian siya?"
I nodded my head. Sinikop ko na ang buhok at itinaas sa tuktok ng ulo bago itinali. Inayos ko rin ang suot na headband para hindi sagabal ang bangs.
"Hmm... bakit nga pala hindi ka rito nag-aral noong high school? Magkahiwalay kayo ng school?"
I pursed my lips. Malamang na hindi kami pareho ng school kasi nga ay hindi ako rito nag-aral, 'di ba? Common sense naman.
Ngumiti na lang ako nang tipid doon sa nagtanong. "Mauna na ako sa labas. Nasa oval sila, 'di ba?"
"Yup!" sagot ng isa kaya tumango ako at lumabas na ng CR.
Hindi pa ako nakalalayo roon nang marinig ang pag-uusap nila tungkol sa amin ng kambal ko. They were exchanging theories as if they were scientists or what. Umiling ako at dumiretso na ng oval kung nasaan nandoon na ang ilang kaklase.
"Uy, Mercado! Lagay mo na lang ang gamit mo roon sa may kubo." Tinuro ni Seila ang pinakamalapit na kubo sa puwesto namin.
Pasado alas sais na kaya medyo madilim na sa buong lugar. Namataan ko ang ilang kaklase na dumaan sa pagitan ng bakal na pader malapit sa kubo bilang shortcut. Panay ang tawa ng ilan nang subukan pumasok nang nakatigilid 'yong isang medyo malaman.
Sa katitingin ko sa kanila ay natisod ako sa mababang baitang sa may kubo. I winked my eyes when a blinding lights flashed briefly in front of me and followed by a short cackle.
"Uy, ganda sana kaso lampa."
Umayos ako ng tayo at matalim na tinignan si Echo. Ano na naman ang ginagawa nito rito? It's not Tuesday!
"Why are you here?"
Nilapag ko na ang bag sa upuan na malayo sa kanya. Nakatapat pa rin sa akin ang phone niya. Hinarang ko ang braso sa mukha nang muling umilaw ang flash niya.
"Echo!" I groaned.
He smirked and put down his phone. "Wala akong last subject kaya maaga akong umuwi. Balita ko rin ay may practice kayo ngayon kaya..." Nagkibit siya ng balikat at tumayo.
I stepped aside when he went near me. Plain white shirt at pants lang ang suot niya pero bakit parang ang lakas pa rin ng dating niya?
Tumikhim ako at bahagyang napailing sa naisip.
He held on the table's edge and tilted his head while still smirking at me. My head pushed back a little when he reached for my nape and gave it a gentle massage. Agad niya rin namang tinanggal ang kamay sa batok ko.
"Anong oras matatapos ang practice niyo?"
"I don't know. Mga isang oras lang daw ang sabi."
He moved closer and licked his lips. "Kumain ka na?"
"Kumain ako ng sandwich kanina."
"Kain tayo mamaya pagtapos niyo? Libre kita sa KFC diyan sa labas. 'Yon ang pinakamalapit."
Umiling ako. "Huwag na. Pag-uwi ko ay kakain naman din ako."
Ngumuso siya at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. "Okay."
Dumating ang mga kaklase ko sa kubo kaya agad akong lumayo kay Echo. May ilang nakipag-usap sa kanya kaya lumabas na ako roon at dumiretso na sa kung nasaan ang mga nag-i-stretching.
I found my place and did what they were doing. Matagal bago tuluyan kaming nag-practice ng mismong steps sa sayaw. Seryoso kong ginagaya ang ginagawa ng mga choreographer naming kaklase nang lumapit sa harap si Echo.
Pouting like he was hiding his smile, he fixed his gaze on me. He shot his brow up and crossed his arms on chest. Ibinaba ko ang brasong nakataas at mariing napapikit.
"Sei, 'wag mong igitna at iharap si Mercado, ah?" rinig kong sabi niya sa kaklase kong isa sa mga nagtuturo ng steps.
"Aba, sino ka naman diyan para utusan ako?"
"Ako lang 'to, si Echo, remember? Parang wala naman tayong pinagsamahan, Sei. Sige na. Basta 'wag mo siyang ipupuwesto sa harap at gitna."
"Bakit ba? Gusto mo ikaw na lang mag-choreo?" Nakapamaywang na sa kanya si Seila.
Tumawa si Echo. "Sure ka? Sexy dance ang ituturo ko sa kanila—"
Hinampas siya sa balikat ni Seila habang humahalakhak. "Siraulo ka talaga! Manood ka na lang kung manonood ka. 'Wag mong pakikialaman ang formation ko!"
"Para ka namang others, Sei," nakangisi pa ring sabi ni Echo. "Dali na. Manggugulo ako rito sige."
Bumuga ako ng hangin at napahawak sa magkabilang balakang.
"Sige, ire-report kita. Outsider ka rito, oy. Gusto mong ma-ban?"
Naningkit ang mata ko nang akbayan siya ni Echo at ginulo ang nakatali nitong buhok.
"Sabi ko naman sa 'yo, Seila, ikaw ang masusunod dito. 'Wag mo akong i-report, ha? 'Di ko masisilayan ang bebe ko."
Umiwas ako ng tingin noong sumulyap siya sa akin.
Sa buong practice, hindi na ako makasayaw nang maayos. Hindi naman talaga ako magaling but at least, I'm trying. I just can't focus when Echo's watching me with his hawklike eyes. Ilang na ilang na ako at wala siyang pakialam doon. Sabagay, hindi niya naman alam na ganoon ang nararamdaman ko.
Mahigit isang oras kami natapos. Dumiretso agad ako sa kubo kasabay ang mga kaklase. Mabuti na lang at may bumbilya roon kaya maliwanag pa rin.
"Eona," tawag ni Echo sabay lahad ng puting tuwalya.
Tinitigan ko lang iyon. I got my own towel from my bag and used it to wipe the sweat on my face and neck. Nakisiksik siya sa mga nasa tabi ko para lang makalapit sa akin.
"Tubig?" he offered while holding out a tumbler.
"I have—" Namilog ang mata ko nang hilahin niya ang tali ko sa buhok. "What the hell?'
Pinanood niyang lumadlad ang buhok ko sa aking likod. His adam's apple moved as he untangled my hair using his fingers.
"Mas maganda ka kapag nakatali kaya maglugay ka."
Napamaang ang labi ko.
"Uy!" Tumawa ang kaklase ko. "Echo, ah. Pinopormahan mo pala si Eona?"
"Naku! Kung ako sa 'yo, Eona, lumayo-layo ka sa kanya. Babaero 'yan," anas ng nasa tabi kong si Oca.
Sumang-ayon naman ang iba habang nagtatawanan. Echo looked at them with aggravated and offended expression.
Umupo si Joana sa harap ko habang nakangisi. "Maniwala ka sa amin. Schoolmate namin 'yan noong high school. Kilala na namin 'yan. s*x lang ang habol niyan—"
Padarag na binitiwan ni Echo ang tumbler sa mesang gawa sa kahoy. Yumuko siya at napahalakhak. Nang mag-angat ng ulo ay gumalaw ang kanyang panga habang nakadirekta ang mga mata kay Joana.
"Kung s*x lang ang habol ko, ano naman sa 'yo? Sinisiraan mo na ako ngayon dahil hindi kita ikinama kahit nagmakaawa ka noon?"
My jaw dropped.
"Woah!" sabay-sabay na ugong ng mga nakarinig.
Joana rose from her seat with flushed cheeks and before she could land her palm on Echo's face, I quickly caught her wrist. Kumuyom ang kamao niya at sinubukang kumawala sa hawak ko pero lalo ko lang 'yong hinigpitan.
"Ano ba?"
"Tell me, did his words hurt or offend you?" I asked in a calm tone.
"Eona." Hinawakan ni Echo ang kamay ko.
"Did his words hurt or offend you?" I repeated for her, not minding everyone's stares at us... me.
"What do you think, huh? Tama bang sabihin niya 'yon sa harap ng..." Tumingin siya sa mga kasama namin.
My lips curved into a mocking smile when she couldn't finish her sentence. Ibinaba ko ang kamay niya at mataman siyang tiningnan.
"You were the one who pulled the trigger while aiming the gun at him but why does it seem that you're more affected than your target?"
Umiling ako at dinampot na ang bag sa upuan bago siya muling tiningnan. Bahaw akong ngumisi bago pinagmasdan ang mga kaklaseng nakatanga sa akin.
"By the way, don't worry too much about me, okay? Thanks, but I don't accept any advices from someone I barely know... and when I didn't even ask for it."
I made a side glance on Echo who looked frozen on his feet. "Let's go, Echo. Ililibre mo pa ako, 'di ba?"
Napakurap-kurap siya at napatingin sa akin. His heart-shaped lips formed an amused smile. Tinalikuran ko na siya at naglakad na palayo roon.
I know that Joana was either offended or ashamed or both with what Echo had talked back to her. I'm not on Echo's side but I can't disregard the fact that Joana bad-mouthed him first.
No one could change Echo's history as playboy, even if he is until now. Pero kailangan bang siraan pa ang isang tao sa iba dahil sa nagawa nito noon? If ever they want to change for the better, hindi ba puwedeng hayaan na lang sila at respetuhin iyon?
"Eona..." he called softly behind me.
Humabol siya sa mabilis kong paglakad hanggang sa nasa tabi ko na siya. I didn't throw him a glance and just focused on the road in front of me.
"Tungkol sa nasabi ko kay Joana—"
"You shouldn't have brought that up. Napahiya 'yong tao."
He sighed and brushed his knuckles on the back of my hand lightly.
"Hindi ko naman sinasadya. Natural, nairita ako dahil sinisiraan nila ako mismo sa harap mo."
Tumawid kami sa kabilang kalsada noong wala nang dumaraang sasakyan sa direksyon namin. We started walking to go to KFC side by side with deafening silence in between us.
"Sira ka naman na talaga sa akin. I know you're a playboy since the first time I met you. I don't even think you'll pass my standards."
Bahagyang bumaba ang tingin ko sa kamay niyang kanina pa sinusubukang hawakan ang kamay ko. Napayuko siya at napahawak na lang sa batok nang marinig ang sinabi ko.
"Mga babae talaga ang hilig mag-set ng sobrang taas na standard pagdating sa mga lalaki. Kapag nasaktan, sisisihin ang lalaki at sasabihin na lahat kami ay manloloko."
I arched my brow. "Bakit kaming mga babae lang? Kayo rin namang mga lalaki, gusto niyo ng mga babaeng magaganda, sexy—"
"Iyon ang type ko, sige, aaminin ko 'yan. Iyan talaga ang una kong tinitingnan kapag may pinopormahan. At oo, aaminin ko rin na s*x lang din ang habol ko sa mga pinopormahan ko noon."
I clenched my jaw. So, he finally admitted that he's just after s*x. What do I expect?
"Pero wala 'yang maganda at sexy na mga babae kapag ikaw na ang usapan. Hindi ako nagmamahal ng mukha at katawan lang, Eona. Mahuhulog ako pero sa isang tao lang. At ang standard? Kapag ang pangalan niya ay Hadassah Leona Mercado. That's my highest standard. At alam mo ba kung sino lang ang nakapasa?"
He stopped walking and faced me. Tumigil din ako sa paglalakad pero hindi siya nililingon.
"Ikaw lang ang nakapasa, makapapasa, at papasa sa pinakamataas na standard ko. You're going to be my standard. Lagi't lagi 'yan, tandaan mo. Para sa bayan! Padayon!" He laughed and even raised his fist.
I smiled discreetly and rolled my eyes. "And that's probably the reason why I've fallen this easily."
"Ha?" Napamaang siya.
Hinarap ko siya. I smiled but then pouted my lips when I saw how clueless his face was. Pinaglaruan ko ang mga daliri sa kamay sa aking likod.
"Hindi ikaw ang tipo kong lalaki pero paano kung sabihin kong... gusto... kita? Maniniwala ka ba?" I asked slowly.
Napatitig siya sa akin. Uminit ang pisngi ko at kinagat ang labi.
"Can I set my highest standard now like what you just did? Paano kung... si Kliff Jericho Rivera na ang highest standard ko? Do you think... he'll like that?"
He sucked in his lower lip and kept his eyes on me. The twinkling amusement shadowed on his eyes were evident to me. Pinakawalan niya ang labi at napatingin sa paligid. We're on a gutter, in front of no opened lights house, and students were just passing us by.
Yumuko siya at sumipa-sipa sa semento bago muling tumingala para lang magtagpo ang mga mata namin. He couldn't hide his smile now which made me smile, too.
"He'll definitely love that," he finally replied with still his lips stretched on each side.
Ngumuso ako para pigilan pang ngumiti. Damn those light dimples on his cheeks.
"Really?"
"Really. Absolutely. Completely." Naglahad siya ng kamay. "KFC na tayo?"
I chuckled and placed my hand over his. It was big, rough, and warm. I like it.
No... I love it.
Hindi ko na naisip pa kung makikita kami ng ibang tao na magkahawak ang kamay. The feeling of him holding my hand tightly was gratifying. It was just his hand but I felt secured with him. That I can depend on him no matter what happen.
My heart fluttered at the thought. Marahan kong pinisil ang kamay niya habang papasok kami sa KFC.
"Hanap ka na lang ng puwesto natin tapos ako na ang o-order. Anong gusto mo?" tanong niya habang nasa likod kami ng mga nakapila sa counter.
"Carbonara na lang."
"Okay. Drinks?"
"Coke."
He nodded. "Carbonara at coke. Okay."
"Okay."
"Okay. Hanap ka na ng puwesto natin." Hindi maalis ang ngisi niya sa labi.
Nginuso ko ang magkahawak naming kamay. He emitted a low chuckle and let go of my hand.
"Sorry. Sige na..."
Karamihan ay estudyante ang customer na nakasuot ng uniform sa unibersidad namin. I halted and looked down on my outfit. Black leggings at malaking grey na shirt ang suot ko. Inangat ko ang kuwelyo para amuyin ang sarili.
"Oh, darn it."
Napapikit ako at nang dumilat ay tumingin sa counter kung saan nakapila si Echo. He was massaging his jawline while watching me. Bahagyang nakanganga na para bang natatawa.
Uminit ang pisngi ko at agad na tumalikod sa kanya. Dumiretso ako sa bakanteng table na hindi pa nalilinisan. Ilang sandali lang naman iyon dahil may dumaan na crew para ligpitin ang mga plato at nilinis ang mesa.
I took out my phone from my bag and texted my parents. Ang dami nilang text at missed call. Sinabi kong katatapos lang ng practice at nandito ako ngayon sa KFC kasama si Echo para hindi na mag-alala. Si Kuyang epal, tumawag pa talaga sa akin.
"Ano?"
"Anong 'ano', Eona? Bakit hindi ka pa umuuwi? Bakit kasama mo na naman ang Echo na 'yan?"
I rolled my eyes. "Katatapos lang namin mag-practice, okay? At kakain lang kami saglit dito. Uuwi rin ako agad."
"Susunduin kita—"
"Huwag na nga, Kuya. Kaya ko na ang sarili ko."
He hissed and hung up the phone without saying anything. Kumunot ang noo ko pero nagkibit na lang din ng balikat.
Mayamaya ay dumating na si Echo dala ang order namin. Carbonara din ang kanya at bumili pa ng tigdalawang sundae at fries.
Umupo siya sa harapan ko bago pinunasan ang tinidor gamit ang tissue at inilagay sa plato ko. Sinuklay niya palikod ang buhok at tinitigan ako.
"Pero, Eona, ano ba talaga ang type mo? Mayaman? 'Di ako sobrang yaman pero may kotse ako na puwedeng ibenta para magkapera pa. Guwapo? Sobrang guwapo ko na nga, bonus na may abs pa. Mabait? Oo, 'pag tulog. Sporty? Ako 'yan. Matalino? Basta hindi naman ako sobrang bobo. Ano pa ba ang mahihiling mo, 'di ba? Saan ka pa, kay Echo ka na."
Natatawa ko siyang pinagmasdan habang pinaiikot ang tinidor sa pasta. He can't really move on from that? I thought standard won't matter to him anymore.
"I honestly don't care if the guy is handsome, rich, kind, sporty, and intelligent. Pero hmm... gusto ko 'yong mga lalaking may respeto sa magulang at sa ibang tao, kahit ano pang kasarian, edad, at antas ng buhay sa lipunan."
"Marunong naman akong rumespeto sa mga karespe-respeto. Sorry, but you can't really expect me to respect everyone." Sumubo siya ng fries habang nakaabang pa sa sasabihin ko. "Ano pa?"
Oh, well. We share the same view of respecting people. Respect starts with yourself. Respetuhin mo muna ang sarili mo, ang mga taong malapit sa 'yo, bago ang ibang tao. At kung hindi man ako irerespeto ng isang tao, 'wag na rin siyang mag-expect na irerespeto ko siya. Sorry, pero hindi ako santa santita. I can't please everyone with my attitude.
"Gusto ko rin 'yong malalapit sa magulang..." natigilan ako noong nabitin sa ere ang sinusubo niyang fries. "Parents or grandparents," I continued.
Yumuko siya para itago ang ngiting nakita ko naman. He cleared his throat.
"Ano pa?" he urged, suppressing a smile.
"Dapat may goal o pangarap sa buhay."
Tumuwid ang likod niya at muling tumikhim. "Alam mo bang pangarap kong pakasalan ka?"
Nasamid ako sa kinakain dahil sa sinabi niya. Inabot ko ang baso ng tubig at nakatagilid sa kanya na uminom.
"What was that?" Nakakunot ang noo ko sa kanya habang pinupunasan ng tissue ang bibig. "Really? That was your dream?"
He nodded.
"Magpalit ka na ng pangarap. Hindi kita pakakasalan."
A bark of laughter escaped from his lips. Napahawak siya sa bibig at isinandal ang isang braso sa inuupuan.
"Sige. Paano kung... anak na lang mula sa 'yo?" He was still laughing.
Namilog ang mata ko at kumalat ang init sa buong mukha. Nakangisi niyang ipinatong ang dalawang braso sa mesa at humilig palapit sa akin. His eyes dropped on my apart lips.
"No choice ka sa akin kapag naanakan kita, Eona. Pakakasal at pakakasal ka sa akin. By then, my new dream will fulfill the old one," mahinang sambit niya habang nakatitig pa rin sa labi ko.
Huli na para takpan ko ang bibig niya. Kulang na lang ay matusta ang mukha ko sa sobrang init nito ngayon. I covered my face with hands in embarrassment.
"Nakakainis ka!" Hinagisan ko siya ng gamit na tissue pero humalakhak lang siya nang nasapul sa mukha.
He continued teasing me until we both finished our food. At nababaliw na yata ako dahil imbes na maasar at mairita, kabaliktaran no'n ang nararamdaman ko.
Walang pakundangan niyang hinawakan muli ang kamay ko nang makalabas doon. Our gaze locked.
"Lamig ng kamay mo," puna ko.
"Sa 'yo rin."
"Let go of my hand, then."
"Bakit? Ayaw ko. Painitin natin 'to," aniya.
Sinundan ng mga mata ko ang kamay naming magkahawak. Ipinatong niya rin ang isa pang kamay sa akin at marahang kiniskis iyon para painitin kuno.
"Uuwi na ako, Echo."
Tumango siya. "Ihahatid kita."
"'Wag na. Kaya ko naman—"
"Wala naman akong sinabing hindi mo kaya nang mag-isa. Gusto ko lang mapanatag ang magulang ng girlfriend ko na maayos na nakauwi ang anak nila mula sa mga kamay ko."
Napaawang ang labi ko sa kanya. Did I hear him right? Tinawag niya akong girlfriend niya?
"Girlfriend... mo na ako?"
"Hindi pa ba kita... girlfriend?" maingat at mahinahon din niyang tanong.
I blinked consecutively. Kami na ba? Kailan pa? I mean, nagtanong ba siya at sumagot na ba ako?
Tumikhim ako at iniwasan ang tingin niya. Tiningnan ko ang paligid at pinanood ang mga dumaraang sasakyan nang may pumasok na ideya sa isipan ko.
"Within just a minute, kapag may tumigil na jeep sa harapan natin..."
"What?"
"You'll be my boyfriend and I'll be your girlfriend..."
"Matatalo ka. Magiging akin ka na talaga, sinasabi ko sa 'yo. Kung hindi ka pa naman talaga handa, hindi naman kita pipi—"
"One minute," I cut him off.
Tumingin ako sa kaliwa at nagsimulang magbilang. Nasa kabilang kanto ang tamang sakayan, kung nasaan ang maraming naghihintay, kaya roon humihinto ang mga sasakyan. My chest was about to explode as I watched those passengers entered the jeep.
Twenty... nineteen...
I know that the jeepney will just pass us by... but not until Echo raised his hand and the jeepney stopped in front of us. Nilingon ko siya.
"That was cheating! Pinara mo, e!"
He grinned widely like he won in a lottery. "Wala ka namang sinabing mga bawal. Ang sabi mo lang, kapag tumigil ang jeep sa harapan natin within a minute, akin ka na."