Chapter 19

3510 Words
Chapter 19 "Why would you even pick a fight inside your university premises? Ako pa ang napapunta nang wala sa oras!" nanggagalaiti si Kuya habang papasok kami ng bahay. "Hindi ako ang nagsimula. Kailangan ko bang ulit-ulitin pa 'yon?" "Kahit na, Aisa. Paano kung dahil sa nangyari ay mas lalo kang pag-initan ng mga mukhang payasong 'yon?" "Iiwasan ko naman. Hindi ko lang talaga natiis noong una dahil dinamay nila sina Mommy at Daddy!" "Don't raise your voice on me, Aisa! Ngayon lang ako napatawag sa school mo dahil sa ano? Pambu-bully?" "I didn't bully them!" I groaned in frustration. "Bahala ka nga! Sana ay hindi ka na lang pala pumunta kanina!" Umirap ako sa kanya at padabog na nagmartsa patungo sa ikalawang palapag ng bahay. "Hadassah! We're still talking!" His voice thundered but I ignored it. Nagpatawag ng meeting ang dean ng college department namin dahil sa nangyari noong nakaraan. Neither of my parents can attend so Kuya was left with no choice. Pero mas mabuti na ring si Kuya ang naroon dahil nakakahiya kina Mommy kahit pa alam na nila ang nangyari. My parents asked me how did it go when they got home after work. I was explaining what really happened but Kuya kept on interfering me. Nababanas na ako dahil kanina pa 'yang ganyan! "Will you shut up, Kuya?" irita ko nang sambit dahil hindi na napigilan. "Kita mo, Ma? Kanina pa ako niyan pinagtataasan ng boses!" His jaw clenched as he pointed me. "Dad!" "Because you wouldn't stop blaming me! I hate you, Kuya!" My voice was shaky. "Hadassah!" Dad's tone was dangerous when he called me. "Pumunta ka sa kuwarto namin ng Mommy mo at mag-uusap tayong tatlo!" Nagtagisan kami ng tingin ni Kuya Kaius. Walang gustomg magpatalo kahit pa nagsalita na si Daddy. "At ikaw, Kaius, bumalik ka na sa kuwarto mo!" Gustong-gusto ko nang sapakin si Kuya sa sobrang irita pero hinawakan na ako ni Mommy sa braso at hinila palayo kay Kuya. I rolled my eyes when I walked past him. Needless to say, pinaulanan ako ng sermon ni Daddy buong gabi. Literal sermon from the Bible. What should I expect? Pagkalabas ko sa kuwarto nila ay naabutan kong papasok si Claudia sa kanyang kuwarto. She's wearing her usual boyfriend shirt and not on her pajamas yet. Her hand was on the doorknob when she turned to me. She didn't bother to ask nor say anything when she probably observed that I wasn't in a good mood. Sermunan ka ba naman, sinong matutuwa pa? I know it was for my own good, but I just couldn't help but feel censured. The next morning, I was silent during our breakfast. Ngayon ko lang napagtanto na nakahihiya at nakababastos ang inakto ko kahapon. And that, I need to reflect which I haven't done last night. "Ate, gusto mong sumama mag-hike bukas?" Masigla ang boses ni Claudia. Nasa loob kami ng sasakyan at papunta na sa unibersidad. Hindi pa kami nag-uusap ni Kuya dahil mukhang nagpapataasan pa kami ng pride ngayon. Bahala siya riyan. "May ROTC ako sa tanghali, Clau, e. Next time na lang," sagot kong nakatingin sa labas ng bintana. "Ah, gano'n ba. Next week, then?" "Okay," I said plainly. Kuya Kaius cleared his throat. Tumigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada at agad kong tinanggal ang seatbelt bago lumabas kahit pa narinig ang mahinang tawag ni Kuya sa pangalan ko. I waved at Claudia before marching toward the gate. I peeked on my phone when it vibrated because of Echo's text. Nagtago ako sa isang pader bago sinilip kung umalis na ang sasakyan namin. I started typing a message to him saying that I'm already here when someone held my shoulder. "Boo!" Someone blew on my left ear. Napaigtad ako at kamuntik nang maihagis ang phone sa gulat. Echo snickered when I glared at him. He slided his rough hand on my palm and interlocked his long fingers with mine before pulling me. "T-teka... saan tayo pupunta?" I asked while my eyes were still staring at our joined hands. "Goto Nga tayo. 'Di pa ako nakakain. Libre kita. Don't worry, saglit lang tayo." He winked at me with his usual playful smirk. But... I already ate my breakfast. Gusto kong sabihin pero nakaladkad niya na ako sa isang gotohan hindi kalayuan sa RSU. Medyo marami ang estudyante roon na kumakain kaya nag-aalangan pa akong pumasok dahil mukhang wala na rin kaming mauupuan. Ang kaso ay hawak naman ako ni Echo. "Echo, wala na yatang puwesto," bulong ko. May malaking elesi ng fan sa kisame kaya kahit paano ay hindi mainit sa loob noong makapasok kami. May ilang napatingin sa direksyon namin kaya halos magtago ako sa likod ni Echo. "Hoy, Echo, iba na naman 'yang kasama mo, ah?" Tumawa iyong nagsalitang lalaki. Nagmura si Echo sabay halakhak. "'Tol, 'wag ka nang magselos. Alam mo namang ikaw pa rin ang baby ko." "Ulol! Mandiri ka, oy! Miss, alam mo bang—" "Baby, 'wag namang ganyan. Matapos ng mga gabing pinagsamahan natin, pandidirihan mo ako? Itong kasama ko... asawa ko lang siya pero sa 'yo pa rin ako uuwi!" Uminit ang pisngi ko at pinisil ang kamay niya. "Sumbong kita kay Savi, ha." "Set ka muna ng appointment, gago." Humagalpak si Echo. I squeezed his hand again and looked up to him. Nilingon niya ako at ngumiti bago hinila patungo sa isang bakanteng upuan. Hinila niya ang isang upuan at hinawakan pa ako sa magkabilang balikat para paupuin doon. Nilagay niya ang kanyang bag sa isang upuan sa tapat ko. I pouted when he bended forward and faced me. Nakahawak ang isang kamay sa likod ng upuan ko at ang isa ay sa gilid ng mesa. "What's your order, Ma'am?" A smirk was still playing on his lips. "Goto, mami, o ako?" Ngumuso ako at pinagmasdan siya. His still damp hair was falling on his forehead. Wala sa sariling inangat ko ang kamay at hinawi iyong hibla ng buhok para makita nang maayos ang kanyang mukha. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at pinisil ang pisngi ko. Gumapang ang init sa buo kong mukha nang matanto ang ginawa. Binaba ko agad ang braso. "Cute mo." He chuckled and stood up straight. "Dito ka lang, ah? Saglit lang ako..." I nodded my head. Nang dumiretso siya sa counter para bumili ay saka ko lang pinasadahan ang mga tao sa loob. They were noisy but it seems normal there. Saglit lang din at dumating na si Echo dala ang dalawang mangkok. Inilapag niya ang isang order na may itlog at maraming laman sa harapan ko bago siya naupo sa katapat kong upuan. "Special goto para sa special na tao sa puso ko," aniya at kumindat ulit. I scoffed. "May problema ba 'yang mata mo? Samahan kita magpa-check up, do you want?" "Ano ba naman, Eona, nagpapa-cute ako rito. Panira ka naman!" "I'm just worried. Baka may mali na sa mata mo." "Wala namang mali sa mga mata ko. Malinaw nga sa akin na nasa harapan ko ang babaeng hihintayin ko sa simbahan pagdating ng tamang panahon." "Ikaw 'yong pari habang hinihintay ako ng groom ko, gano'n?" He pouted cutely. "Anong pari ako? Anong groom mo? Ako ang groom at ikaw ang bride, gano'n 'yon." "Or you can be the best man—" "Imong mama best man. Ako lang ang groom mo, oy. Kapag 'di ka pumayag, iuuntog kita." Ngumisi siya. "Iuuntog kita sa labi ko with feelings." Umangat ang isang kilay ko at bahagyang ngumuso. Pinisa niya ang kalamansi sa pagkain ko habang sinasabi iyon. Pinunasan niya rin 'yong kutsara gamit ang tissue bago iniabot sa akin. "Pero baka ikaw ang iuntog ko sa mesa dahil mali-late na ako kapag nagtagal pa tayo rito." He guffawed. "Sorry, ito na nga po. Hindi ko na naitanong kung kumakain ka niyan pero siguradong magugustuhan mo naman. Masarap 'yan, promise!" Hinawakan ko ang kutsara at bahagyang hinalo ang goto. "Kumakain naman ako nito." "Pero mas masarap ako," dugtong niya at ngumiti nang malapad. Muntik ko nang maibuga sa kanya ang nasa bibig ko. Tumatawa siyang nag-abot ng tissue sa akin. "Tigilan mo nga ako at baka kutsarain ko 'yang mata mo at ihalo riyan sa kinakain mo," banta ko. "Oy, brutal mo, ha. Kuntento na ako sa itlog ko rito sa goto." "Ugh! Shut up, Echo, and just eat!" "Ito na nga, misis ko! Kakain na ako para sa 'yo!" Sinadya niyang lakasan ang boses sabay tingin sa paligid habang nakangisi. "Eat well!" I heard someone shout and series of laugh followed. "Siyempre, masarap kakainin ko, e." Mariin akong pumikit. I know that he's talking about the goto, pero bakit iba ang naiisip ko? He licked his smiling lips before placing his left arm on the edge of the table and started eating. Hindi ko naubos ang binili niya dahil busog naman talaga ako. "Ayaw mo na?" "I'm already full..." Ginilid niya ang mangkok na walang laman at kinuha ang sa akin. "Pagkain 'to, bawal sayangin," aniya at ginamit pa ang kutsara ko sa pagsubo. My eyes enlarged. Huli na para pigilan siya. I checked the time on my phone. Halos labinlimang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang una kong klase. Napatingin siya sa akin kaya mas binilisan niya ang pagkain. "Lika na," anyaya niya tapos ay tumayo agad pagkakuha ng bag sa kanyang tabi. Hinawakan niya ulit ang kamay ko habang palabas doon. Tumatango lang siya at itinuturo ako sa mga kakilalang pumipigil sa kanya para makipag-usap. "May pasok pa bebe ko. Saka na lang!" Nang makalabas ay agad kong binawi ang kamay sa kanya. Nilingon niya ako at nagtaas ng kilay. "Please, don't... hold my hand in public again." Marahan siyang tumango. "Alright. I'm sorry, babe..." Malambing na ang kanyang tono. "And just call me with my nickname. I don't like endearments." "Okay, Eona." He smiled. "I like to call you by that nickname more often, though." Hindi ako nagsalita agad at nagpatuloy na lang sa paglakad. Tumikhim siya. "By the way..." I glanced at him and caught him staring at me. "Libre ka ba ngayong Linggo?" mahinang tanong niya. "Aayain mo ba akong mag-date?" I chuckled. Ngumisi siya nang alanganin at napakamot sa batok. "Ano... yayayain sana kita magsimba kung gusto mo lang naman." My smile faded at his words. "Pero kung ayaw mo—" "What? Hindi ko sinabing ayaw ko, Echo," apila ko agad. "Actually, kung gusto mong magsimba this Sunday, puwede kang pumunta sa church namin." Kumunot ang noo niya. Ngumiti ako. "My father is a pastor and we have church services every Sunday. I'll just text you the address and time..." "Oh..." he mumbled. I bit my lip then released it. His moist cherry lips protruded. "What do you think?" I asked in silence. Napatingin siya sa magkabilang gilid habang dinidilaan ang labi. Nang hinarap niya ako ay nagpipigil na siya ng ngiti. "Hindi ba ako sesermunan ng tatay mo kapag nagkita kami ulit?" My brows furrowed. "What? No. Why would he..." Nanlaki ang mata ko nang may naalala. He threw his head back with a laugh. "Kung ano-ano ang sinasabi ko noong gabing 'yon, e." "It's fine, Echo. I'll introduce you to them formally now." Namilog ang mga mata niya. "Hala, teka lang. Seryoso ba 'yan? Meet the parents na talaga? Wala nang atrasan?" "Well..." I bowed my head and played with my fingers. "I consider you as a friend now so I guess my parents would be more glad if they meet you. Para kapag may ginawa kang—" He chuckled to cut me off. "Ayos, ah. Improving na tayo. Friend na, hindi na acquaintance lang. At 'wag kang mag-alala, Eona, dahil hindi ko naman hahayaang masira ako sa pamilya ng babaeng gusto ko." Ngumuso ako. "Then, I'll see you on Sunday?" His boyish grin flashed on his face. "Okay! So tayo na?" "Anong tayo na?" "Tayo na at magpaalam sa isa't isa dahil mali-late ka na," aniya at humalakhak. Umirap ako. Hinawakan niya ako sa balikat at bahagyang itinulak. "'Wag kang mag-alala, Eona. Mag-aaral akong mabuti para sa 'yo." Sumimangot ako. "Mag-aral ka para sa sarili mo, hindi para sa ibang tao." "Okay po." He kissed his two fingers before he tapped my lips using them. "Lablab." Napakurap-kurap ako sa pagkabigla at napahawak sa labi. He was hopping away from me while singing awfully out loud. Napapatingin sa kanya ang ibang nakasalubong pero mukhang wala lang 'yon sa kanya. Napailing na lang ako at pumasok na sa loob ng unibersidad. Mabuti na lang at hindi ko kaklase 'yong tatlong babaeng mukhang payaso. I had two subjects this morning and one in the afternoon. "Uy, Eona! Nabasa mo na 'yong ni-send ko sa gc natin?" tanong ni Ram nang makasalubong ko siya sa hallway. "Ah, hindi pa. Tingnan ko na lang mamaya." Ngumiti ako nang tipid. "Sige. Pauwi ka na ba?" Sinabayan niya rin ako sa paglakad. "Oo, e. Ikaw? Wala ka na bang klase?" Umiling siya. "Wala na rin. Sabay na tayo palabas." We stayed quiet while we were walking side by side. It was a bit uncomfortable for me. Nakahinga lang ako nang maluwang noong nasa labas na kami. Nagpaalam lang ako sa kanya at agad nang tumawid sa kabilang kalsada nang wala namang dumaraang sasakyan. I don't know but I was actually looking forward this coming Sunday. Hindi ako excited tuwing may service, I admit that. Pero ngayon... parang gusto ko pang tumugtog ulit doon. Kaya naman pinuntahan ko si Claudia sa kuwarto niya para malaman kung ano ba ang tutugtugin nila sa darating na Linggo. "Puwede nating praktisin 'to, Ate, kung gusto mo. Ano bang gagamitin mong instrument?" "Hmm... guitar?" "Okay, keyboard ka na lang." Tumawa siya. "Sira na 'yong keyboard ko, 'di ba?" "Oo nga, e. Sayang, you look more passionate when playing keyboard or piano." Ngumiti siya at napatingin sa isang sulok ng kanyang kuwarto. "Naalala ko tuloy noong nagpapaturo ako sa 'yo tapos ay nilalaro ko lang ang keys para asarin ka." Natahimik ako. "You were so patient with me that time. Ilang beses na akong sumuko dahil alam ko namang hindi para sa akin iyon." "Dahil hindi ka agad natuto ng isang bagay, hindi na agad para sa 'yo iyon?" I arched my brow. She sighed. "Claudia, there's difference between talent and skill, right? Talent is an inborn ability that He had gifted us. Skill, on the other hand, is an ability that can be acquired only if we exert hardwork and effort. Natututunan iyon, napag-aaralan, na-e-enhance pa." She chuckled. "I know the difference, Ate." "Alam mo naman pala kaya bakit sinasabi mong hindi para sa 'yo ang pagtugtog ng mga instrumento? Natutunan ko lang din naman iyon dahil tinuruan ako, ah? Kaya itinuturo ko rin sa 'yo para pareho tayong marunong. That's a skill, Clau. Unlike you in singing, I don't think I even have any talent." "Marunong ka rin namang kumanta?" "Boses palaka kaya ako." "You can dance, too." "Parehong kaliwa ang paa ko." "Magaling ka mag-drawing." "Stick puppet lang alam ko. 'Yong ibon ko nga, letter M pa." Pabiro niyang tinapik ang braso ko. "Lahat naman kinokontra mo, e!" Sabay nguso niya. Nagtawanan kami. Hindi ko alam pero mas gumaan ang pakiramdam ko kasama siya habang nagpa-practice kami. Sira na 'yong keyboard ko noon kaya sa gitara na lang talaga ako nag-practice. Linggo nang nahirapan akong pumili bigla ng susuotin. Karamihan sa mga dress ko ay nasa kama na at nakakalat dahil hindi makapagdesisyon kung ano ang mas maganda. I groaned inwardly. Bakit ba namimili pa ako ng mas maganda? Magsisimba lang naman ako. Hindi naman kailangang naka-OOTD. In the end, I chose to wear a white silky top with sheer long sleeves and a pair of beige trouser. Inayos ko ang kuwintas na suot sa leeg at tiningnan ang sarili sa parihabang salamin na nakadikit sa pinto ng cabinet ko. Biglang tumunog ang phone ko sa kama kaya dali-dali akong lumapit doon para sagutin ang tawag. "Hello?" "Good morning, Eona. Nasa labas na ako." Nanlaki ang mata ko. "Oh my! Ang aga mo naman yata riyan? Teka—" He chuckled deeply. "Labas ng bahay niyo, Eona." "What?" "Yes. And your brother is actually in front of me." "What?" "Nasa labas ako ng bahay niyo at nasa harapan ko ang Kuya mo." "What?" "Nabingi ka na ba?" Tumawa siya lalo. Pinatayan ko siya ng phone at agad nag-suot ng block heels na nadampot sa shoe rack ko. I got only my phone with me before I went down to check him. Nasa baba na silang lahat kaya napatingin sila sa akin noong nagmamadali ako sa paglabas ng bahay. "Kuya!" tawag ko nang maabutan nga siya sa labas kasama ni Echo. Sabay silang lumingon sa akin. Tumawid ako sa kabilang kalsada kung nasaan sila. "Aisa, sino na naman 'to?" iritadong tanong ni Kuya. I rolled my eyes at him. Wow, feeling bati kami? Pinasadahan ko ng tingin si Echo. He was wearing a white button down long sleeves that rolled up just below his elbows, black pants, and a pair of suede shoes. "Kuya, he's Echo and he's my friend. Echo, this is Kuya Kaius, my brother," I introduced them to each other. Napakamot sa ulo si Echo. "Kanina pa nga ako nagpapakilala, ayaw niya maniwala." "Sabi mo, Jericho ang pangalan mo?" si Kuya na akala mo ay naghahamon ng away. "Oo nga! Jericho naman talaga. Palayaw ko 'yong Echo!" "Bakit mo ako sinisigawan? Kinaklaro ko lang. Ano, suntukan na lang?" "Kuya!" Tumawa si Echo sabay taas ng kamay. "'Di po, boss. Suntukan agad? Nagpapaliwanag lang po ako, e." Nilingon ako ni Kuya Kaius na salubong pa rin ang kilay. "Sasama ba 'to sa church? Baka magkalat 'to roon?" "Grabe 'yon, boss. Kapag simba, simba lang. Walang hidden agenda." "Sige, umpisahan mo nang maglakad papunta roon." "Kuya!" Umirap ako sa kanya bago binalingan si Echo. "You could have go straight in the church, Echo. Isang sasakyan lang ang meron kami, e." "Kandong na lang ako kay Kuya." Sabay tingin sa kapatid ko pero agad ding napalayo habang tumatawa nang umamba itong sasapakin siya. "Echo..." "Joke lang! May sasakyan ako!" "Really?" He grinned and pointed on something. Parehong sumunod ang ulo namin ni Kuya sa itinuturo niya. My brother faced palm and I bit my lip to suppress a giggle. "Well... uh... that's a nice scooter, Echo." I smiled at him. Hindi mapawi ang ngiti niya sa akin. "Ganda, 'no? Mahal nga niyan, e... pero mas mahal kita— oy, Kuya!" Nahablot na ni Kuya Kaius ang kuwelyo ni Echo kaya agad ko siyang hinila sa braso. I pushed the former away from the latter. "Aisa, 'wag mo 'kong pigilan at sasapakin ko 'to!" "Kuya, pumasok na nga tayo sa loob!" Nilipat ko ang tingin kay Echo na nakanguso. "At ikaw, Echo. Magkita na lang tayo sa church. Ingat ka..." Hinila ko na si Kuya pabalik sa bahay kahit ang bigat-bigat niya. Nasa garahe na sina Mommy at nakakunot ang noo sa amin. "I'm sorry, Mommy. Nasa labas po 'yong kaibigan ko at kinausap ko lang. Pero didiretso na rin po siya sa church. He has a... scooter." Tumango siya at ngumiti. "Pasok na tayo sa sasakyan." Sa likod ng sasakyan ay magkakadikit kami nina Claudia at Kuya Kaius. Panay ang irap ko kay Kuya kahit pa nasa magkabilang gilid kami at napagigitnaan namin si Clau. "Hindi ba kayo nahihilo sa kaiirap niyong dalawa sa isa't isa?" Clau whispered as she chuckled lightly. "Magbati na kayo, please." Humalukipkip ako. Nagtama ulit ang tingin namin ni Kuya at agad timirik ang mga mata niya. Nagulat ako nang nauna pa sa amin si Echo sa church. Dahil maaga pa naman, ipinakilala ko na muna siya kina Daddy as a friend. My father remembered him but didn't say anything. Nang pumasok siya sa loob ay saka naman nagsalita ang kapatid ko. "Do you like my sister, Echo?" Napahawak sa dibdib si Mommy. "Clau..." Echo laughed awkwardly and held his blushing ear. Lumingon siya sa akin at bahagyang lumapit para bumulong. "Ligtas mo 'ko, baka mapaamin ulit ako. Ikaw rin. Diretso kasal na 'to." Bahagyang gumalaw ang balikat ko sa side kung saan siya bumulong dahil sa kiliti. "Hindi, Clau. I'm just his friend," sabi ko sa kapatid. Tumango siya sa akin at ngumisi. I ushered Echo inside the church and told him what's gonna happen during a worship service. "Ano ka ba, Eona. Christian ako. Alam ko 'yan." "Oh! Okay, then. Doon na muna ako?" Tinuro ko kung nasaan sina Claudia. Hinawakan niya ako sa pulso at hinarap nang maayos sa kanya. His eyes surveyed the place first. Nang muling humarap sa akin ay kinagat niya ang labi at bumaba ang tingin sa dibdib ko. My cheeks heated when he pulled up the neckline of my top. The brief touch of his thumb on top of my bare chest made me shiver. He looked away with a sheer of pink shade on his cheek. "Sorry... kanina ko pa kasi nakikita 'yang cleavage mo. Baka pagpiyestahan kapag nasa harap ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD