Chapter 18

3584 Words
Chapter 18 "Pst! Pahinging papel." Ngumisi sa akin si Xayvion habang kagat ang labi. Umirap ako at padabog na pumilas ng isang yellow paper sa pad ko. Nagsalita na ang prof namin sa harap kaya itinuon ko na roon ang tingin. "Ba't parang galit ka pa?" Mahina siyang humalakhak sa tabi ko. "Hindi naman." "Labag naman yata sa loob mo 'to, Hadassah." Bakas ang tawa sa kanyang boses. "Hindi." "Bigyan na lang kita sa susunod ng isang buong pad para 'di ka magalit." He chuckled. I exhaled deeply and zipped my mouth with invisible zipper. I'm starting to hate this subject because of him. Nakaka-badtrip lang dahil hindi na puwedeng magpalit ng upuan simula noong first meeting. I can trade anything if I would be given a chance to exchange seat from any of my blockmates. Plus the fact that I was already murdered in the minds of the quarter number of girls in our course subject? "Exchange papers to your seatmate," our professor instructed after the last question for his quiz. Nilahad ko ang papel kay Xayvion. No choice na naman. "Palit daw." "Wait," aniya at nagsusulat pa habang medyo nakayuko. "Nakapagpalit na?" Kinalabit ko siya sa braso. "'Wag mo na masyadong galingan. Nararamdaman ko namang bagsak ka rin." Ngumisi ako sa kanya habang sinisilip ang sagot niya. Patigilid siyang tumingin sa akin. Nagsalita na ulit ang prof kaya basta ko na lang kinuha ang papel niya mula sa kanyang armrest. "Wala na. Punit na," sabi niya at kinuha na ang papel ko. "Punitin ko pa 'to lalo, gusto mo?" I rose a brow. Nilagay ko ang dulo ng magkabilang hintuturo at hinlalaki ko sa gilid ng papel, akmang pupunitin iyon sa gitnang parte. "Hoy, 'wag ka nga. 'Yan ang kauna-unahang papel na binigay mo sa akin. Mahalaga sa akin 'yan," seryosong saad niya. Ibinaba ko na ang papel at hindi na siya sinagot. Hindi ko maintindihan ang sulat siya sa sobrang pangit. Akala mo ay kinalaykay ng isang dosenang manok, e. Pagkatapos ng checking, napatingin ang lahat sa kanya, pati ako, noong sumigaw siya at iwinagayway ang papel ko sa ere. "Sir! Perfect po si Miss Mercado! Perfect zero!" Nagtawanan ang karamihan sa mga kaklase namin. Lumuwa ang mga mata ko at agad siyang sinuntok sa tagiliran. Ibinaba niya ang braso at sinapo ang gilid habang umuungol sa sakit. "Damn, ang sakit!" Nag-init ang tainga ko at padabog kong binalik sa kanya ang papel niya bago kinuha ang sa akin. f**k you, Xayvion! Ang kapal ng mukhang i-announce na itlog ang score ko, e, nakalagpas naman ako sa kalahati ng items! Nagbabadya na ang luha ko sa inis at pagkapahiya habang palabas ako ng room. I heard him calling my name but I pretended to be a deaf. Matapos niya akong pinahiya sa mga ka-block namin, may gana pa siyang sumunod-sunod sa akin? "Hadassah, wait!" May humila ng braso ko at puwersahan akong napatigil para harapin siya. Gnashing my teeth, my palm stung after it landed on his cheek. Nalaglag ang panga niya pero nanatiling sa akin nakaharap ang mukha. "Masaya ka na bang ipinahiya ako sa buong klase?" Nanginig ang boses ko sa pagpipigil magtaas nito. I don't really care if anyone could see us fighting. Not because he's quite popular now, he could do this to me. Palibhasa kasi ay hindi niya alam kung ano ang pakiramdam ng napapahiya at pinagtatawanan ng mga tao! "Hadassah, I'm sorry..." Humakbang siya at akmang aabutin ang braso ko nang lumayo ako. "I didn't mean to embarrass you. Please..." "Wala ka kasing alam, e. Ang gusto mo lang ay magkaroon ng mapagkakatuwaan. Hindi mo iniisip kung ano ba ang magiging epekto no'n sa taong ginagawan niyo ng hindi maganda." Umalon ang kanyang lalamunan at halos takasan na ng dugo ang mukha. "Hindi sa ganoon... I'm sorry, okay? Hindi ko na uulitin, Hadassah..." I shook my head, very disappointed of him. "Ang gago mo, Xayvion. As your friend's sister, please do me a favor. Lubayan mo na ako at huwag nang kausapin unless tungkol sa subject na magkagrupo tayo." I turned my back on him without giving him a chance to say anything again. Pasalamat siya na kaibigan at gusto siya ni Claudia. She may believe me if I tell her what he did but I don't want her to think ill of him. Ayokong lasunin ang utak ng kapatid ko sa mga ganoong bagay. She doesn't deserve that. Kung sa akin ay nagagago ako nang ganoon lang, puwes, hindi ko hahayaan na gawin niya iyon sa kanya. Isang mali lang niya sa kapatid ko at nalaman ko, I won't let it pass. I went to my usual nipa hut spot, the one near the soccer field. Mahaba ang bakante ko bago ang sunod na subject dahil quiz lang ang ginawa namin kanina. Ilang metro pa lang ang layo ko sa kubo nang namataan na may iilang estudyante na roon. I instantly stopped on my track. Hindi naman madalas iyon tambayan kapag pumupunta ako roon pero siguro, masyado akong maaga ngayon. Bumuga ako ng hangin at tumalikod doon. My eyes squeezed shut and my lips formed a circle when something cold was splashed right on my face. Giggles and snickers reached my eardrums. Kumurap-kurap ako para makakita nang maayos para lang pagmasdan ang tatlong babaeng iningudngod sa espasol at naputukan ng labi. Nakataas ang kilay ng nasa kaliwa. "Kumusta? Tama lang ba ang dami ng tubig na naipanghilamos sa 'yo at nahimasmasan ka na sa pagiging gaga mo?" Humalukipkip naman ang nasa kanan na may malapad na noo. "Masyado yatang mataas ang tingin mo sa sarili mo, Eona. Kinakausap ka lang naman ni Xayvion dahil kapatid ka ng kaibigan niya. Tapos anong ginawa mo? Sinampal-sampal mo lang sa harap ng maraming tao?" Tiningnan ko ang nasa gitna at tinaasan ng kilay, inaabangan ang sasabihin niya. I don't want to be rude so I'll let them finish their rubbish sentiments before I leave. "Sino ka ba sa tingin mo?" The middle girl advanced forward. She lifted her forefinger against my left shoulder and pushed it tauntingly. "Papansin ka masyado, ano? Kulang ka ba sa atensiyon? Bakit hindi ka gumaya sa kapatid mo na tahimik lang sa isang tabi? Anak ka ng pastor, right? Iyon ba ang itinuturo sa church niyo? Ang manampal at mamahiya ng tao sa harap nang maraming tao?" She was deliberately pushing my shoulder for every questions she was throwing at me. I had no choice but to stepped back to keep myself from standing on my feet. "Nanay niya nga propesor din, e. Ano ba 'yan! Nakararangal ang ginagawa nila tapos may anak silang tulad mo?" sabat ng isa. I accept insults and judgments on me. Kaya kong pahabain ang pasensiya para hindi sila patulan. But insolence toward my sister, especially to my parents, will never be okay. Anong karapatan nilang idawit ang pangalan at propesyon ng mga magulang namin sa kung paano kami pinalaki at tinuruan ng magandang asal at gawi? I lifted my chin up. Mas matangkad ako ng ilang pulgada sa babaeng nasa harap ko pero ang lakas ng loob mangbuyo. Ngumisi siya at bahagyang umalog ang balikat dahil sa tawa. "Oh? Mukhang matapang ka, ah? Ipakikita mo na ba ang tunay mong kulay?" The sides of my lips curled up. Napawi ang ngisi niya nang humakbang ako palapit sa kanya. "First of all... amoy tae ang hininga mo kaya lumayo-layo ka sa akin." I pushed her shoulder with utmost force that she'd taken few steps backwards. Her eyes widened when she almost stumbled on the ground. Agad dumalo ang dalawa niyang garapata at hinawakan sa magkabilang braso para alalayan. "b***h! How dare you!" Namumula ang kanyang mukha at nanlalaki ang butas ng ilong. "Ang kapal ng mukha mong itulak ako!" Lumapit akong muli sa kanya at kahit nasa gilid niya ang dalawa ay marahas ko siyang itinulak muli sa balikat. "Second... I really hate it when someone's comparing me to my sister." "Ouch!" maarteng sambit niya nang nabitiwan siya ng mga kasama. I bended forward and put a hand over my knee in front of her on the ground. My lips were sealed as I traced my forefinger on the side of her face until it reached her forehead. I pressed the tip of my index finger against her forehead with much strength that her elbows hit the ground. "Third... never disrespect my parents' professions and question their preaches to us in front of my face or anyone. Sino ka ba?" malamig kong sambit. Sharp noise from a whistle rang around the area. Halos mabingi ako roon kaya agad akong umayos ng tayo at saka pa lang napunang marami na pala ang nakapaligid sa amin. Ngayon pa lang biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari at ginawa. "Hoy! Taena, sinong nag-aaway?" sigaw ng kung sino sa medyo malayo. Jesus Christ. Lumayo ako sa tatlong pahamak sa buhay at binilisan ang lakad palayo roon nang may pumalibot na mainit na palad sa aking kamay. I made an audible gasp when I saw who it was. He winked at me and pulled out a smirk. Before I could even react, he was already pulling me to anywhere I wasn't sure. Thank goodness I'm tall enough to catch his wide and fast steps. Habol ko pa ang hininga nang tumigil kami sa tapat ng men's locker. Without warning, he twisted the doorknob and pushed it in. Tuluyan akong napipi at napakurap-kurap nang hilahin niya pa ako papasok doon para lang matagpuan ang ilang naka-topless sa loob. "Hoy, pucha ba't kayo nakahubad?" "Gago malamang locker room 'to. Ikaw, ba't ka nandito? At sino 'yang kasama mo? Pakilala mo naman, 'tol." Ngumiti nang malagkit ang nagsalita. Napahawak ako sa braso ni Echo. His hold tightened on my hand. "Tangina, asa ka. Sino ka naman diyan?" Ginulo niya ang buhok at muli na naman akong hinila palabas ng men's locker room. I slowly pouted my lips as I stared at his wide back. Hindi ko alam kung saan ba niya ako balak kaladkarin at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nagpapakaladkad naman ako. After almost two weeks of not talking to him, bigla na naman siyang lilitaw rito sa unibersidad namin at magpapakita sa akin? Seriously? I thought he'll gonna leave me alone? What's wrong with this guy again? No. What's wrong with me that I'm letting him do this to me again? My eyes flickered to his face when he stopped walking. Tumigil din ako at pinagmasdan ang paligid. Nandito na kami sa pinakalikuran ng RSU kung saan malayo sa mga building. Mapuno sa banda rito at hindi kadalasang tinatambayan ng mga estudyante. Binitiwan niya ang kamay ko at tuluyan akong hinarap. He placed his hand on his lower hip as he eyed me from head to feet. Tilting his head a little to the side with closed mouth, he pressed his tongue against his cheek. "You're wet, huh?" "Malamang wet. Binuhusan ba naman ako ng tubig, 'di ba?" I don't know where I got the confidence and courage to speak that way. Tumaas ang kilay niya at ngumuso na tila ba nagpipigil ng tawa. May hinugot siya sa bulsa ng suot na pants bago humakbang palapit sa akin. The irregular and violent beats inside my chest started. My shoes glued on the dusty ground when he began touching the side of my face with thorough gentleness using his handkerchief. I could smell his familiar manly scent that I almost closed my eyes. My lips pulled apart when he used the side of his index finger to elevate my chin. Sinimulan niyang punasan ang leeg ko habang titig na titig ako sa kanyang mga mata. His equisite dark brown eyes were fixated to my parted lips while he was wiping me. His protruding adam's apple moved. Umigting ang kanyang panga at pinunasan naman ngayon ang buhok sa gilid ng aking mukha pati na ang bangs. "Why are you doing this, Echo?" I nearly whispered. His hooded eyes became drowsy. Ibinaba niya na ang braso sa gilid at binitiwan na rin ang aking baba. "Masama ba?" balik niyang tanong. "Ang sabi mo ay titigilan mo na ako." Dinilaan niya ang kanyang labi at kinagat iyon. "Iyon lang ang sinabi ko..." My brows met. "Pero... paano ko gagawin iyon kung tuwing pipikit ako sa gabi ay nakikita ko ang mukha mo noong gabing iyon na para bang ayaw mo namang tigilan kita?" I inhaled sharply. His gaze dropped on my lips again. "Two weeks 'yon, Eona. Two weeks mo akong binabaliw nang hindi mo nalalaman. Dalawang linggo akong nagtiis na hindi ka i-text o tawagan kahit gustong-gusto ko na." Bumigat ang paghinga ko, hindi alam ang sasabihin. "Tangina. Mas matagal pa ang hindi natin pagkikita at pag-uusap kaysa roon sa magkasama at magkausap tayo pero bakit ganoon?" He sounded frustrated. Napatingala ako nang ilapit niya lalo ang sarili sa akin. My chest was touching lightly against his. Uminit ang pisngi ko dahil nararamdaman ang mabilis na pag-angat-baba ng dibdib niya sa akin. Hindi naman yata siya nilalagnat pero bakit pinagpapawisan na ako sa init mula sa katawan niya? "Bakit gano'n, ha? Bakit baliw na baliw ako sa 'yo agad? Wala ka namang pinainom o pinakain sa akin kaya hindi mo ako ginayuma, Eona, at hindi rin naman ako naniniwala roon. Kaya paanong naging ganito ako kahibang sa 'yo?" His warm breath was fanning my face that my eyelids turned heavy. Bumagsak ang tingin ko sa kanyang malapad na dibdib. "H-hindi ko alam... baka... nagandahan ka lang sa akin?" Nanginig ang kanyang balikat sa halakhak. Kinagat ko nang mariin ang aking labi. "Kung nagandahan lang ako sa 'yo, edi sana ay nagkagusto rin ako sa kambal mo. E, bakit sa 'yo lang ako ganito?" Ngumuso ako. "Or maybe you're just challenged. You actually looked like a playboy when I first met you. Baka akala mo... makukuha mo ako agad pero hindi. So you're thinking a lot on how you'd get me. Iyon ang rason kung bakit lagi mo akong iniisip. You just want me to play with you." "Tss..." He sneered. "Babaw naman ng tingin mo sa akin. I'm not into stupid challenges, Eona. Kung tingin mo ay laro lang sa akin ito, nagkakamali ka. Dahil ang laro, puwede kong ipatalo kung gusto ko. Pero ikaw..." Napatalon ako at napasinghap nang ilagay niya ang mainit na palad sa gilid ng leeg ko. Nilapat ko ang kanang kamay sa kanyang palad pero hindi rin siya magawang itulak. I swallowed hard when he lowered down his head to level mine. "Ipaglalaban kita pero hinding-hindi kita isusugal o itataya sa kahit anong laro. There's no need to play if it's you we're talking. Lagi kang panalo sa akin. Ako ang magtataya ng kahit buhay ko para sa 'yo, Eona..." The heavy lids of my eyes shut closed when his soft, almost edible lips made a contact with mine. My hands curled into fists above his chest as I was struggling to push him away from me. Hindi tama ito. Aisa, itulak mo siya! But the other side of my brain was thinking otherwise when he nibbled my lower lip and put it in between his teeth. Kusang nagparte ang labi ko at tuluyan nang nanghina ang binti noong ipinadausdos niya ang isang braso sa aking baywang para mailapit ako lalo sa kanya. Para akong kinidlatan mula sa likod nang ipasok niya ang mainit at malambot na dila sa loob ng bibig ko. My arms involuntarily wrapped around his neck and pulled him closer to me as I paid more attention to his passionate kisses. I felt him smiling against my lips when I returned his kisses. As soon as that, my senses came back to me. Dumilat ako at buong lakas siyang itinulak bago napalingon sa paligid. Hinihingal ako na napahawak sa dibdib at ulo. Pakiramdam ko ay may nakatingin sa amin o may nakatutok na camera sa paligid nang hindi namin nakikita. My sight became cloudy because of welled up tears. "Eona..." nag-aalalang tawag ni Echo at hinawakan ako sa magkabilang braso. "What's wrong?" Napakapit ako sa kanyang shirt. His face was crumpled with confusion and concern. "E-Echo... baka... baka may nakatingin sa atin! Baka may nagbi-video sa atin! s**t! H-hindi puwede... Echo... hindi puwede!" I slapped his chest and pushed him. Lalong kumunot ang noo niya at kahit napalayo sa akin ay muling sumubok na lapitan ako. "Don't go near me..." "Eona, ano bang nangyayari sa 'yo? Anong may nakatingin sa atin? Anong may nagbi-video?" naguguluhan niyang tanong at nilibot ang tingin sa paligid. Umiling ako at napahilamos sa mukha. Sinuklay ko paitaas ang bangs pero bumaba muli iyon at humarang sa aking noo. "H-hindi mo ako naiintindihan, Echo. Hindi natin alam kung may nagtatago ba riyan o ano man at kinukuhanan tayo ng litrato o video! Echo, hindi puwede! Do you hear me? We can't be seen!" Halos mapaos ang boses ko sa taas ng boses. Napasabunot ang isa niyang kamay sa buhok at tinitigan ako nang mataman. Yumuko siya at napailing. "Eona, nasa likod tayo ng isang puno. Nasa pinakalikod tayo ng campus. Do you even know that students aren't allowed to go here? Kasi ako, kahit hindi ako nag-aaral dito ay alam ko 'yon. At kung may namataan man akong papunta rito, hindi ako papayag na makita tayo sa ganoong eksena," mahinahon niyang sinabi. Hindi mapakali ang tingin ko. Muli siyang sumubok lumapit sa akin pero tuluyan nang bumagsak ang mga binti ko sa lupa. Nalaglag ang bag ko sa aking tabi. "Eona!" Lumuhod agad siya sa harapan ko hinawakan ako sa magkabilang balikat para tulungang tumayo. Tinulak-tulak ko siya sa balikat pero binalot na ako ng kanyang matigas na braso. Napasandal na lang ako sa kanyang balikat at doon humikbi habang hinahampas siya nang walang lakas. "We will be seen and w-watched, Echo. Ayaw ko... ayoko na..." "Shh... sinisiguro ko sa 'yong walang tao rito at tayong dalawa lang. Walang nakakita sa atin kanina. Magtiwala ka lang sa akin. f**k. Why are you so anxious about it..." Humikbi ako at sinapo ang mukha. "Mapapanood na naman ako. Ayaw ko, Echo... please... huwag naman hanggang dito. Kapag may nakakita nga sa atin... madadamay ang kapatid ko. Echo... si Claudia... baka masira si Claudia dahil sa akin!" Humigpit ang yakap niya sa akin habang hinihimas ang likod at braso ko. "Shh... hindi mangyayari 'yon, okay? Hindi kita pababayaan. I'm sorry, please, stop crying. I'm sorry, baby... I shouldn't have kissed you here..." Hindi ko alam kung gaano katagal bago ako tuluyang kumalma. Paulit-ulit siyang nagso-sorry at sinasabing hindi niya hahayaang mangyari ang kinatatakutan ko. Bahagya na akong lumayo sa kanya at tiningala siya. Namumula at namumungay ang mga mata niya. "Echo..." "Hmm?" "Layuan mo na ako..." "No." He even shook his head. "Eona, f**k, 'di ko talaga kaya 'yan. Don't push it." "Iiwan mo rin naman ako kapag nalaman mo ang tungkol doon. Mandidiri ka lang din sa akin..." Naglapat nang mariin ang kanyang labi habang tinititigan ako nang malalim. It was as if he was searching for my soul through my eyes. "Subukan mo ako kung ganoon," hamon niya. "Sabihin mo sa akin ngayon kung ano ba talagang ikinatatakot mo at ganito kang umasta matapos nang halikan natin." My eyes widened and my cheeks flamed at his vulgar words. Pero siguro, mas mabuti na rin ngang sabihin ko sa kanya ito ngayon pa lang para tigilan niya na ako. If he wants to spread that information after this, then, I were all to blame for trusting too much again. "I have... a v-video," I stuttered. Hindi nagbago ang kanyang ekspresyon. "Anong video? Porn ba 'yan?" Parang sasabog na sa init ang mukha ko. Ano bang klaseng bibig meron ang isang 'to at walang preno? "A s*x scandal, Echo. Now that you know my dirty secret, it's up to you if you want to watch it or what. But it's already deleted in the internet. Layuan mo na ako..." He scoffed. "Anong tingin mo sa akin? Cheap? Ayaw ko ngang panoorin. Mas gusto kong gawin natin—" Naitulak ko siya sa sobrang gigil ko. Sumilip ang maliit na ngisi sa labi niya. I glared at him. "You think it was funny?" Umiling siya at pilit ngumunguso. "Babaw talaga ng tingin mo sa nararamdaman ko sa 'yo, ano? Ano ngayon kung may s*x scandal ka? 'Yon na ang dahilan mo para tigilan kita? Tingin mo ba dahil doon, mawawala agad 'tong nararamdaman ko sa 'yo?" Natahimik ako at umiwas ng tingin sa kanya. I want to say yes, but he continued. "Hindi isang tanginang scandal na deputa kung sino man ang nagpakalat no'n kaya ka nagkakaganyan ang pipigil sa akin na abutin ka. Mandidiri ako sa 'yo? Bakit? Tao ka, hindi isang dumi o may nakahahawang sakit para layuan at pandirihan ng isang tao. Lalong lalo na ako, Eona." My lips quivered at his words. Mahapdi na ang mga mata ko at barado na ang ilong dahil sa pag-iyak kanina pero mukhang nagbabadya na naman ang luha. Hinawi niya ilang hibla ng buhok na humarang sa mukha ko at sinapo ang aking pisngi. He sported a genuine smile which made my heart melt. "If you think that that scandal is your dirt, then, I'm willing to be your trash bin, Eona. Handa akong tanggapin lahat ng tingin mo ay basura sa 'yo at sa pagkatao mo hanggang sa tanggapin mo ulit ang sarili mo... nang buong-buo... at sana ay 'yong kasama na ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD