Chapter 17

3523 Words
Chapter 17 Binaha ako ng texts at missed calls galing kay Echo sa buong araw na iyon. I didn't bother to even read a single text from him. Tinanggal ko ang sim card sa phone para hindi ko na mapansin pa. It irked me knowing he could've just pour all his attention to his other girls than me. Mukhang tuwang-tuwa pa siya kapag mas marami. "How's your day, Ate?" Claudia was already smiling lively when I got home. Hindi pa nga ako tuluyang nakapasok sa loob ng bahay. Feeling ko talaga ay mayroon akong dalawang nanay ngayon. Claudia really wants to be daily updated about what's happening on me in school. Wala namang kaso sa akin iyon pero hindi ko maiwasang maasiwa kung araw-araw ay iyon ang tanong niya. "Ayos lang. Sina Mommy at Daddy, nakauwi na ba?" Naglakad ako patungo sa may hagdanan. She followed me on my side. "Wala pa sila, Ate. Nagmeryenda ka na ba? May baked mac sa kusina!" she chirped in. "Kumakain ka ba no'n, Ate?" Tumango ako sa kanya. "Sunod ako sa baba, Clau. Magbibihis lang ako..." I changed my uniform to a comfortable sleeveless top and cotton shorts. I tied up my hair messily into a bun while I was walking down the stairs. Muntik na akong madulas sa ilang natitirang baitang nang matagpuan na si Zain sa sala. I roamed my eyes around the sala. Wala si Claudia. Nakita na rin ako ni Zain kaya agad siyang tumayo. I averted my gaze from him and turned my heels to step up again. "Hadassah, wait." Hindi ko siya pinansin. Pakiramdam ko ay sinusundan niya ako paakyat kaya nataranta ako at nagkamali ng tapak sa isang baitang. My left ankle twisted and my right knee hit the steps badly. Mabuti na lang at napahawak ako agad sa hamba ng hagdan kaya hindi ako tuluyang nadulas. I cursed silently in pain and heat crept on my face. Gosh, why do I have to trip on my own foot when somebody could see me? May naramdaman akong mainit na bagay na dumampi sa aking braso. And the next thing I knew, I was already on Zain's arms. His right arm on my back and the other one was behind my knees. Napakapit ako sa kanyang malapad na balikat nang humakbang siya pababa at hindi nagsasalita. "Anong nangyari kay Ate, Zain?" bulalas ni Claudia na galing ng kusina at may dala pang tray. "Hala, Ma'am, ano pong nangyari sa inyo?" usisa rin ng kasambahay namin na kasunod ni Claudia. Zain put me on our sofa to sit. Hindi ako nakasagot kay Clau na agad lumapit at ibinaba ang dala sa center table. "Nadulas sa hagdan," Zain answered as he bent down with one knee on the floor in front of me. Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang kaliwa kong binti at iniangat iyon sa ibabaw ng kanyang hita. His rough hand was brushing against my skin and I don't like it. "U-uh... what should I get, Zain?" utal na tanong ni Claudia habang nanonood. "Sir, kailangan po ba ng cold compress?" si Eliza. "Dito ba?" he asked gently as he held my hurt ankle. Binawi ko ang binti sa kanya. "It's fine. Hindi naman masyadong masakit." His lips were tightly pursed. Pailalim niya akong tiningnan bago hinawakan ulit ang binti ko. Padarag ko ulit na binawi iyon. "I told you it's fine. Can you please not touch me?" My voice rose. "Ate..." Nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin si Claudia. "Bakit ka nagagalit?" I gritted my teeth and tried to stand on my own. Nanatiling nakaluhod si Zain sa tabi ko pero tiningala niya ako. Hinawakan naman ako ni Claudia sa braso para alalayan. "Ate, gamutin muna natin 'yan. Baka mapaano," she said worriedly. Sinubukan kong maglakad at agad napangiwi sa una. But when I tried to walk slowly and carefully again, I got used to the pain. Hindi naman malala ito, e. Kaya namang tiisin at mukhang mawawala naman din agad. "Okay na 'to. Uhm... puwede bang dalhin ko na lang iyong meryenda sa kuwarto ko? Doon na lang ako kakain." Malungkot ang mga mata sa akin ni Claudia. She was as if she wanted to say something but held it. Tumango na lang siya at sinamahan na lang ako sa kuwarto habang dala niya ang bowl ng baked mac at isang baso ng juice. Sa loob ng kuwarto ay nagdadalawang isip pa akong buksan ang f*******: ko. Sa huli, nakita ko na lang ang sarili na sinusubukang buksan ang lumang account. I made sure I muted the sounds for notification first. I closed my eyes for a couple of seconds after reactivating my account. Pagdilat ko ay agad bumungad sa newsfeed ang isang post at mga litrato mula sa dating kaklase. The pictures were my ex-friends' caskets. My hands shook as I scrolled down further. Swallowing my fear, I opened my inbox. And there, I was flooded... with hate, blame, s****l harassments, and even death threats. I smiled bitterly. No one from them... was on my side. Nakita ko ang pagdating ng panibagong mensahe para sa akin pero agad ulit akong nag-deact. I brushed away the sole tear from my cheeks, breathed in deeply, and then answered the incoming call from Kuya. "Aisa, nasa bahay ka na?" "O-oo, Kuya. Bakit?" Sandali siyang hindi umimik. "Umiiyak ka ba?" "Hindi, Kuya," sabi ko sa mahinang tono. "Anong kailangan mo ba at napatawag ka pa talaga?" He sighed on the other line. "I'm just checking if you're home safe. Baka gabihin ako mamaya, pakisabi na lang sa matatanda." He chuckled. "Adik ka, Kuya. Sumbong kita, e." "Sumbong mo. May dala pa naman akong cake ulit." "Joke lang pala. Love you, Kuya. Ingat ka pauwi mamaya, ha? Alam mong mahal na mahal kita at ayaw kong mawala ka." "Ayan. Dapat sa side kita kasi may kailangan ka sa akin, 'di ba? Ganyan ka naman, e. Love mo lang ako kapag may kailangan. Sige, ayos lang. Pasalamat ka, kapatid kita." "Thank you, Kuya Kaius." I giggled. Binaba niya na rin ang tawag pagkatapos no'n. I worked on my assignments while I was eating the baked mac. I watched a movie after doing my homeworks to keep me sane. Mabuti na lang at noong nag-dinner kami ay wala na si Zain sa bahay. Sinabi na rin pala ni Claudia kina Mommy na natapilok ako at muntik nang malaglag sa hagdan. Sinabi ko lang na hindi iyon malala dahil hindi naman talaga. "Your dad bought a blueberry cheesecake. Nasa ref iyon. Kainin niyo na lang kapag nagugutom kayo. Alam niyo namang hindi talaga kami mahilig sa matatamis kaya lubusin niyo na ngayon," ani Mommy nang patapos maghapunan. Pumalakpak ang tainga ko sa narinig. Sakto, I was kinda craving for cakes now. Nagpababa muna ako ng kinain bago naglagay ng dalawang slice sa plate. Claudia's already in her room. Napatigil ako sa tapat ng kanyang pintuan. I wonder what's she doing right now? Nag-aaral? Nevertheless, I knocked on her door. "Claudia?" Walang sumagot kaya sinubukan ko ulit. Kumunot ang noo ko at balak na sanang bumalik sa kuwarto nang bumukas naman ang pintuan niya. "A-Ate... bakit?" Pinagmasdan ko siya saglit bago nilahad ang dala. "You want? Sorry, isa lang ang dala ko. Pero ikukuha kita kung gusto mo." Her lips parted and her eyes slightly widened. I noticed that her lips were pale again. "Gusto ko sana kaso... matutulog na ako. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko, Ate." "Gano'n ba? Uminom ka na ba ng gamot?" I asked worriedly. "Do you still have water inside your room or you want me to get you a glass?" Tipid siyang ngumiti at bahagyang yumuko. "Uminom na ako ng gamot, Ate. Saka may tubig pa ako rito kaya ayos lang ako. Thank you for the concern, Ate Aisa." Kinagat ko ang aking labi at tinitigan pa siya. I wanted to touch her forehead with the back of my hand but I resisted myself. Ewan. Nahihiya ako kahit hindi naman dapat. I finished my blueberry cheesecake while watching on my phone. Napabangon ako sa kama nang may mumunting tinig akong naririnig. I wasn't using earphones or earpods so I could still hear the background noise. Wala na sana akong balak pansinin pa iyon pero biglang lumakas ang boses ng nagsasalita. "Ehem! Ehem! Mic test, mic test." My eyes widened when I realized that the person could be using a microphone or speaker or what. Hindi naman ako makasilip sa bintana dahil ang tapat no'n ay ang kuwarto ni Zain. "Eona, gising ka pa ba?" Si Echo ba 'yon? "Tama ka ng iniisip, Eona. Ako 'to, si Echo na kanina pang umaga naghihintay sa 'yo." Nakarinig ako ng mahinang tawanan mula sa background. He was really using a microphone and speaker? I inserted again my sim in the phone and there, he had already flooded me with texts and missed calls. "Sa mga kapitbahay ni Eona na natutulog na, pasensiya na po. Hindi kasi ako sinasagot kaya napasugod ako." He chuckled. "Huwag niyo po sana akong buhusan ng ihi sa arinola. Nagmamahal lang po ako." I slapped my face and shook my head. Narinig ko ang tunog ng gitara nang tumayo na ako para lumabas. "Magandang dilag... puso ko'y 'yong nabihag..." Nanindig ang balahibo ko sa batok at braso nang magsimula siyang kumanta. The voice... Pagkalabas ko ng kuwarto ay siyang paglabas din ng mga magulang ko sa kanilang silid. Naka-bathrobe lang nga si Mommy habang nakakunot ang noo. "Who's that, Aisa? Nakita ko mula sa bintana na nasa tapat natin ng bahay 'yong nagsasalita. Do you know him? Gabi na at nakakahiya sa mga kapitbahay natin." "Ako na po ang bahala, Mommy. Dito na lang po kayo." "Wala nang ninanais, ligaya kang labis... ohh, magandang dilag..." Oh, really? It's not the right time to praise him but heck, his voice was hell of a damnation. Hindi malamig at hindi malalim ang boses niya pero s**t. Smooth lang ang pagkanta niya. Masarap sa tainga at... nakaka-inlove. Wait, what? Napailing ako sa naisip at binilisan ang pagbaba sa sala. Mabuti na lang at wala pa si Kuya Kaius dahil kung nandito iyon ay baka nga bigla niyang buhusan ng ihi 'tong si Echo. Akala ko ba ay hindi niya alam ang address namin at hindi siya pupunta rito nang walang pasabi? At talagang gumawa pa ng eksena? Papansin talaga. Hindi ko na inalintana ang hamog na yumakap sa akin paglabas ko ng pintuan namin. Agad akong dumiretso palabas ng gate at naabutan siya, nakangiti pa habang nasa tapat ng bibig ang isang kulay pink na mic. Seriously? "Tinatanaw-tanaw kita... para bang isang tala... sa gitna ng kalawakan..." "Stop it, Echo." Pero hindi siya tumigil. Instead, the corner of his lips streched more and even held out his hand in front of me. "Oh... magandang dilag... puso ko'y 'yong nabihag..." "Puso ko'y 'yong nabihag," pagse-second voice ng isang kasama niya. My cheeks flamed up. Sinulyapan ko ang dalawang lalaking nasa magkabilang gilid niya. Ang nasa kanan ay may hawak na gitara habang ang nasa kaliwa ay nakangisi at umaatras-abante habang nakalahad ang kamay, sinasabayan din ang galaw at kanta ni Echo. "Tigilan mo na, Echo, please. Nakakahiya kayo..." Or maybe I was the only one who felt that way? Dahil namataan ko pa ang ilang kapitbahay namin na nakikiusyoso at nagbi-video pa! "Aisa." Napalingon ako sa likod nang marinig ang boses ni Mommy. Naglalakad na sila papunta rito sa may gate. Gumilid ako nang lagpasan ni Daddy para makita rin ang maingay. Napatigil sa pagkanta si Echo nang makita si Daddy. Agad namang tumuwid ng tayo iyong sumasayaw at tumigil sa paggigitara ang kasama niya. "Dad..." I held his arm. "Alam niyo bang tatlo kung anong oras na?" si Daddy sa kanila. Sumulyap si Echo sa kanyang relo. "Quarter to ten po." Ngumuso ako nang makitang sinipa si Echo sa likod ng binti no'ng sumasayaw kanina. Matalim ko siyang tiningnan nang dumapo ang mata niya sa akin. Pinipilosop nito ang Daddy ko? "A-ah! Sorry po, Daddy! Este, Sir!" Sabay ngisi nang alanganin at kamot sa batok ni Echo. Nilingon ako ni Daddy, hindi mabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha. Mommy's on my other side and just watching with wrinkled forehead. "Who are they, Aisa? Do you know them?" "Uh... kakilala ko po 'yong isa sa kanila." "Sino sa kanila?" Nilingon niya ulit ang tatlo. "Ito bang nasa gitna?" Ngiting-ngiti pa ang bruhong si Echo sa akin nang sulyapan. "Yes, Dad. I'm sorry. I'll make them leave now..." "Manliligaw mo, Aisa?" Mommy asked. Umiling ako pero agad sumagod si Echo. "Pasensiya na po talaga sa abala, Mommy, Daddy... este Ma'am, Sir. Nandito lang naman po ako para mangharana, e..." Pinandilatan ko siya pero ang atensyon niya ay na kay Daddy. Tumalikod ang dalawa niyang kasama, nagpipigil ng tawa. "Jericho Rivera po. Mag-a-apply po sanang manliligaw ng anak niyo," nakangiting aniya at tumingin sa akin. "Kung 'di pinalad, diretso asawa na lang po." Bullshit. Pinalaki ko na rin ang butas ng ilong ko para lang warning-an siya nang palihim. Halos mawala naman ang mata niya sa kangingiti. I returned my poker face when Dad turned to me. "Papasukin mo ang bisita mo sa loob, Aisa. Mag-uusap tayo." "Dad!" sabay na tawag namin ni Mommy, gulat sa desisyon niya. "Talaga po?" si Echo ulit, tuwang-tuwa pa. Tinalikuran na kami ni Daddy at pumasok na sa loob. Mom clasped her hand on my wrist and pulled me a bit closer to her. "Aisa, magpapahinga na kami sa loob. Don't worry about your dad. Kausapin mo nang maayos ang..." She couldn't even say the term. "Kausapin mo sila nang maayos bago mo paalisin. Go back to your room after this, alright?" Sinulyapan niya pa ng isang beses ang mga lalaki. Mommy kissed my cheek before she went inside. My eyes followed her until she closed the front door. "Ano 'tol, kaya mo na ba 'to? Kasi kung hindi, hahampasin kita nito," sabi noong may hawak ng gitara at natatawa. Tinapik siya ng isa sa balikat. "Kaya mo na 'yan. Lakas loob mo, 'di ba? Una na kami, Daddy, este Sir." Echo dabbed the mic on his friend's chest. "O, sama mo na 'to, mga gago." Nagtawanan ang dalawa bago sumulyap sa akin at sumaludo. I didn't smile at them and kept my eyes on Echo. Binalik niya ang tingin sa akin at ipinasok ang isang kamay sa bulsa ng pantalon. "Echo, please go home. Matutulog na ako... kami." Ayaw ko nang tanungin kung paano niya nahanap ang bahay namin dahil talagang hahaba pa ang usapan basta siya ang kausap. Kahit wala na akong masasabi, hindi siguro siya mauubusan. "I didn't see you this morning..." mahinang aniya at binasa ang labi gamit ang dila. Bahagya akong yumuko at pinaglaruan ang daliri sa kamay. "I saw you, though." With your girls, I want to add. My heart skipped a beat when he made a step forward. "Hindi mo sinasagot ang kahit isang text o tawag ko. Nag..." he trailed off. "Naghintay ako, Eona." "It's not my obligation to reply to any of your texts or calls... and I never told you to wait for me." That sounded harsh but I need to clear everything as soon as possible. "Hindi ako nakapasok sa pang-umaga kong klase dahil sabi mo, malapit ka na..." His voice cracked. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. His prominent eyes were heavy-lidded and restless. "Kasalanan ko bang hindi ka nakapasok? It was your decision, Echo. Don't make it sound like it was all my fault that you wait." He straightened his back and swiped his tongue over his lower lip. The corner of his cupid's bow curled for a smirk. "I'm sorry. I didn't mean to offend or blame you, Eona. Minsan ay nalilimutan ko talagang ako nga lang ang may gusto sa 'yo sa ating dalawa. Pasensiya na sa inyo kung nagpunta pa ako rito nang walang pasabi at gumawa ng eksena. Pasensiya na rin kung..." Umalon ang kanyang lalamunan. I pressed my thumb harder. "Kung masyado lang talaga akong sabik na makita ka ulit..." I bit my tongue to prevent myself from saying anything. I don't know why he's being like this. Is he really this straightforward? Ilang babae na ba ang nassbihan niya ng mabubulaklak niyang salita? I'm sure it's not only me. Siguradong marami pa. Ngumiti siya pero hindi umabot sa mata. "Alam kong nakukulitan ka na sa akin kaya... huwag kang mag-alala. Titigilan na kita, Eona." Hindi ko alam kung bakit tila dinaganan ang dibdib ko sa sinabi niya. I should be happy, right? Because finally, no one's gonna bother me. Wala nang text nang text at tatawag lagi sa akin bago matulog. Right. I'm happy with his decision. Thanks to him. Sunday after the worship service, we went to a mall for lunch. Halos mapunit ang labi ni Claudia habang nakalingkis ang braso sa akin. Nakabusangot naman si Kuya Kaius nang lingunin ko sa likod namin. "Where do you want to eat?" Mom asked us, smiling. "Vikings?" Claudia suggested. "Tsk! Gusto ko sa Jollibee para bida ang saya." Ngumisi si Kuya. "Bida-bida ka naman na, Kuya. Vikings na lang, Mom," sabi ko. I winked at Claudia. She giggled and glanced on Kuya whose now glaring at us. "Kaius?" Mom raised her brow at him. "Basta Jollibee the best." I mocked him without voice. Hindi naman talaga 'yan mahilig mag-Jollibee, e. Pabida naman masyado. Nagpunta muna kami ni Claudia sa restroom habang sina Mommy, dumiretso na sa Vikings. Sabi ko ay susunod na lang kami para hindi na sila maghintay sa amin. Magkasunod lang kaming lumabas ng cubicle ni Clau. May tubig pero walang sabon kaya nilingon ko siya. "May alcohol ka, Clau?" "Check ko, Ate. Wait." Kumuha ako ng bathroom tissue at iyon ang ginamit pamunas sa basang kamay. Hinintay ko siyang mahanap ang alcohol sa dalang tote bag. Kumunot ang noo niya at tumulis ang nguso. Ipinatong niya sa may lababo ang bag at tinanggal ang ilang laman ng bag. Nanliit ang mata ko sa maliit na notebook at ballpen niyang dala. May water tumbler pa. Inabot ko iyon at binuksan. Iinom na sana ako roon nang mapatingin siya sa akin. Halos lumawa ang mata niya nang lumapit at hablutin ang lalagyan sa akin. "Iinom lang ako, Clau. Bawal?" "S-sorry, Ate. Hindi 'to tubig. Uh... ito na 'yong alcohol," aniya at iniabot sa akin ang alcohol spray. "What's that, then? Juice?" "Basta, Ate." Ngumiti lang siya nang maliit at humarap sa salamin. Nagtali muna ako ng buhok at inipit ang bangs sa gilid ng ulo para hindi maging sagabal. My eyes narrowed at my reflection when I noticed something on my forehead. It was small and a little reddish. I poked it lightly with my forefinger. "Oh my gosh, Clau!" Niyugyog ko siya sa balikat at hinarap. "I have a pimple!" Her innocent eyes followed my finger. She suddenly smiled cheekily at me. "Ayie, sino 'yan, Ate?" Sinundot-sundot niya ako sa tagiliran. "What? Anong 'sino'?" "Sino 'yong pimple mo?" "Should I name it?" "How about Echo?" she suggested with a smile. "'Yoko na sa Earth." Sinimangutan ko siya at tinalikuran. She was chuckling when she followed me outside the restroom. Kainis naman 'to. Mali yata na naikuwento ko kahapon sa kanya ang tungkol sa nangyari noong Biyernes nang gabi. "Ate, okay lang 'yan. Sabi mo, 'di mo naman crush, 'di ba?" "Of course not! Siya raw ang may gusto sa akin!" giit ko at lalong sumimangot. "Oh, bakit ka galit?" "I'm not. Bad timing lang 'tong pagsulpot ng pimple sa mukha. So annoying." "Paanong bad timing, Ate? Kailangan ba may schedule?" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya na may mapaglarong ngisi sa labi. I'm still not used to be with her or stare at her especially when out in public. Ang weird na parang tinitingnan at kinakausap ko ang sarili. "Alam mo, Claudia," I probed. "Yes, Ate Aisa?" "Excuse me," someones interfered. "Sa 'yo ba ito, Miss? Naiwan sa restroom." Sabay naming nilingon ang isang babaeng may pulang buhok. My eyes landed on her hand. She was holding Claudia's small notebook. "Hala, opo. Thank you po, Miss," ani Claudia at kinuha ang gamit doon sa babae. Salitan ang tingin ng babae sa aming dalawa bago siya ngumiti. "You're welcome. Ingat kayo." "Hoy, Kana! Sino na naman 'yang kausap mo?" I stiffened when I heard that familiar voice. Lumingon ang babaeng pula ang buhok sa kung saan. Wala sa sariling sinundan ko rin iyon ng tingin. "Wala kang paki, bobo." And there, I saw Echo, walking toward us. Nakakunot ang kanyang noo habang tinitingnan ang babaeng nasa harap namin. When our eyes met, he slowed down his pace. Saglit lang ang tingin na 'yon dahil lumapit na sa kanya 'yong kausap niya at binatukan siya. "Tanga, nasa banyo pa si Mea ba't 'di mo hinintay?" "Bobo ka ba, e, ikaw nga hinahanap namin. Kung sino-sino lang kasi sinusundan mo. Tara na!" he exclaimed before putting his arm over the woman's shoulder and turned their back to us. "Ate, tara na?" anyaya ni Claudia. Tumango ako at ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD