Chapter 16

3368 Words
Chapter 16 "He's into modeling?" I asked Claudia when I saw on my feeds that she's sharing some photos of Xayvion. I did not open my old account on f*******: so I made a new one yesterday. She's my only friend there so I could only see her shared posts. "Well, he's... what do you call that? A brand ambassador?" "Really? Buti may kumuha..." bulong ko at bahagyang ngumisi. Lumabi siya sa akin, halatang hindi sang-ayon sa sinabi ko. Of course, crush niya iyon, e. Mabango lagi ang lalaking iyon sa isip at puso niya. "He's still an amateur in that industry, Ate. Last year lang siya kinuha ng isang company, tapos ay nagbakasyon muna sa New York nitong summer. Ngayon lang nakabalik," aniya. "He's also using his second name, huh? Argus..." My brow arched. Mabuti naman pala at may pinagkakaabalahan itong si Xayvion or Argus. At least, he isn't bothering any of us. Isa pa 'yong makulit. I was typing the name of my blockmate s***h groupmate in the search bar of Messenger. Hindi naman kailangang maging friend sa f*******: para makapag-chat. Makikita naman siguro nila ako sa message requests kapag nag-chat ako. Pagkatapos mag-message sa kanila, muli kong nilingon si Claudia sa aking tabi. "Does he have a brother? Si Xayvion?" Mabilis siyang lumingon sa akin. "Bakit mo naman biglang natanong sa akin, Ate?" "Wala lang." I shrugged. "So, meron ba o wala?" At first, she looked hesitant to answer my question. But maybe, she trusts me that much because she told me one of his friend's secret as she said so. "Xayvion has a step-brother but he told me that they're not close with each other. Ayaw nila pareho ipaalam sa ibang tao na magkapatid sila sa ama. Pero pareho sila ng apelyidong gamit... Serrano." "Alam iyan ng iba niyong mga kaibigan?" Umiling siya. "Hindi, Ate. Sa amin, ako lang ang pinagsasabihan niya tungkol sa pamilya." Tumango-tango ako. "You know last Sunday when we went to hospital, I saw someone... who quite resembled Xayvion. I mean, hindi naman sa buong mukha pero they have the same eyes talaga. What's his brother's name?" She pursed her lips. "Juventus Serrano, if I recall it clearly. He's an engineer... and he was Savi Fujita's boyfriend. You know? The actress?" Wait... Savi Fujita's boyfriend? Hindi ba 'yong kasama niya sa ospital ay... "Itong Juventus at Ariz ba ay iisa?" She nodded with furrowed brows. "How did you know that name?" "Oh." I smiled a little, getting the answer implicitly. "So they are the same guy. Akala ko ay magkaibang tao. 'Yong kamukha kasi ni Xayvion na nakita ko sa ospital ay kasama ni Savi Fujita. She called him Ariz." "Baka iyon ang pakilala nito sa kanya?" Nagkibit siya ng balikat. A notification for new message popped on my screen. Nag-reply na ang kagrupo ko at in-add ako sa group chat na ginawa nila. I replied quickly about our activity and then exited the app. Monday ng madaling araw nga kinuha ang mga labi ng dati kong kaibigan sa ospital dito sa Rizal. Kuya Kaius was the one who kept me updated about them. Gusto kong pumunta ng Pangasinan para kahit sa huling pagkakataon, at kahit mula sa malayo ay makita ko sila. Pero... natatakot ako. Isa ang pamilya namin sa mga matutunog ang pangalan sa lugar na iyon. It's impossible for them to forget about that thing. The moment I step my foot again in that place will be as if I step on shattered glass. It will hurt me... but won't totally kill me. Hindi ko naman habang-buhay tatakbuhan ang bagay na iyon. I know it will die eventually and maybe that will be the time I won't be that affected. Tipong kaya ko na ulit humarap sa mga tao na walang pakialam sa kung anong sasabihin nila sa akin. I have scandal? So, what? Ikamamatay ko ba iyon kapag napanood ng iba? Damn. I can't wait for myself to say that confidently. But not now. I just... can't. I need to redeem myself first. I need to reflect on what I did. Maybe then, when I accept everything and think of it as just one great lesson I could ever learn from my experience, I can all face them. No determent, no restrictions, and with just my new self. "Punta akong RSU bukas nang maaga, ah? Kita muna tayo bago ako pumasok para naman ganahan akong mag-aral," Echo informed me. I haven't seen him for four days since he needs to recover fast for his soccer game practices. His texts and calls are constant every morning until before I fall asleep, though. He'd always ask random facts about me or ask how my day went. It's already past eleven and as usual, I still couldn't sleep early. Katatapos ko lang uminom ng gatas at pagkabalik ko ng kuwarto ay tumawag na siya. "Are you fully recovered? Are you allowed to play na ba?" Humalakhak siya, malalim at napapaos pa rin ang kanyang boses. "Uy... concern ka na naman. 'Di pa tayo friend niyan, ah?" Amusement was obvious in his throaty voice but somehow he sounded... like a drunken man. My brow shot up. "Sa friends lang ba dapat ako maging concern?" "Hindi. Puwedeng sa family at relatives mo... saka sa akin na future asawa mo. Okay lang, Eona, kahit walang label 'tong relasyon natin ngayon basta concern ka sa akin," aniya sa pagitan ng pagtawa. Bigla siyang sininok. Kumunot ang noo ko. "Are you drunk, Echo? Your voice sounds raspy." He cleared his throat. "I'm sorry. Does it bother you, Eona? We can text if you don't want to hear my voice..." Naglapat nang mariin ang mga labi ko. He apologized but he didn't answer my question. "Bakit ka nag-inom? Hindi ba ay nagpapagaling ka?" My voice sent shivers on my own spine. Muli siyang suminok. "Sorry, nandito kasi 'yong mga kaibigan ng kapatid ko kanina. Napainom lang kaunti..." Pahina nang pahina ang kanyang boses. Hindi ako nagsalita. I shifted on my bed and faced the wall. "Hey... galit ka ba?" Umiling ako kahit hindi niya nakikita. "Sasabihin ko na ba sa 'yo kung mag-iinom ako sa susunod, Eona?" Why would he have to do that, anyway? I should not care since it's his life and he's not obliged to report to me the things he would do. Hindi niya ako Mama. Baka nga sa Mama niya, hindi siya nagsasabi o nagpapaalam sa mga ginagawa niya. Sa akin pa kaya? "Hindi mo kailangang magsabi sa akin ng mga gagawin mo, Echo. If you want to destroy your liver and life, then go. Sino naman ako para ipaalam pa ang mga gagawin mo?" "Hmm. Ikaw si Hadassah Leona Mercado alyas Eona. The mysterious girl who suddenly popped out in this mountainous region and the same girl I got passionately whipped. Hindi ko kailangang magsabi sa 'yo pero dahil ikaw 'yan, magsasabi pa rin ako. Bakit ba kasi nagtanong pa ako?" He snickered at the end of his speech. I thrusted out my lower lip. He really tends to talk a lot whether he's sober or drunk. "Ayaw ko sa mga lalaking lasenggo." "'Di naman ako lasenggo, ah?" His volume rose. "Nakainom lang, lasenggo agad. Saka ayaw mo naman talaga sa akin..." "Exactly my point." I even snapped my fingers. "Ouch," bulong niya at tumawa. "Grabe naman 'yon. Bakit sumang-ayon ka agad? Dapat itinanggi mo, e!" "Bakit ko itatanggi, e, ayaw ko—" "Shhh! Huwag mo nang ulitin. Nababanas ako." "Galit ka na niyan, Echo?" I chuckled softly. "Huwag mo nga akong tawanan," pagalit pa ring saad niya pero mahina. "Nakakainis, e. Magtatampo dapat ako kaso... hanep na tawa 'yan. Para akong nakarinig ng tumatawang anghel, paano pa ako magtatampo? Sarap mong puntahan at i-record nang personal ang mga sinasabi mo. Tingnan natin..." Namilog ang mga mata ko at agad gumapang ang apoy sa buong mukha. I was suddenly worried if he knows our address. Baka mamaya ay magulat na lang ako na nandiyan na siya sa labas ng bahay namin! Tumawa siya sa kabilang linya nang hindi ako agad nagsalita. "Oh, kinabahan ka ba?" He was chuckling. "Huwag kang mag-alala. Kahit natutukso akong puntahan ka, hindi ko naman alam ang bahay niyo. Ayaw kong malaman sa ngayon kahit pa gustong-gusto ko na." "I won't tell you my address!" He gave out bark of laughter. "Edi 'wag. Hindi naman kailangang sa 'yo manggaling para malaman ko." I groaned. "You're so annoying. Don't try to go here without my knowledge!" "Kunwari ka pa, Eona. Bawal akong pumunta riyan nang walang pasabi pero kapag nagpaalam, puwede? Ganoon ba?" I shut my eyes tightly. He really knows how to play with my words, huh? Palagi yata siyang may lusot sa bawat sinasabi ko. He exerted an exagerrated sigh. "Eona, alam kong irresistible talaga ang kaguwapuhan ko kaya okay lang kung magkagusto ka na sa akin. Handa naman akong saluhin ka, e. Hinihintay lang naman kitang mahulog. Hayaan mo at kapag M.U na tayo..." He hiccuped. "Ura-urada pa akong pupunta sa inyo para umakyat ng ligaw. Kahit buong pamilya mo pa ang ligawan ko, ayos lang. Worth it ka naman." Ang daldal naman ng lasing na 'to. "Wow," was all I could say. "So, I guess it's time for us to end..." "Hindi na ako iinom," putol niya sa sinasabi ko sa tonong desperado. I sighed defeatedly. "Eona, sorry if you think I'm drunk right now but I'm completely, absolutely, and definitely still sober. Alam ko ang mga sinasabi ko sa 'yo at tumatatak talaga sa akin lahat ng sinasabi mo. Hindi ko talaga kaya ng ganito. Puwede bang... ligawan na kita?" He paused briefly before he continued, "No... hindi na ako magpapaalam. s**t, ayaw ko talaga nang ganito, Eona. Sa ayaw mo man o sa gusto, liligawan na talaga kita. Magsisimula ako bukas. Sa ngayon, good night na at sana mapanaginipan mo ako, babe. Hintayin kita bukas sa labas ng RSU. Muwah!" I shook my head when I realized that he really initiated on hanging up the phone call for the first time. He didn't even wait for me to say my good night, at least, before he ended our conversation. I don't think he's serious about what he said, though. The texts and late night talks with him are just my breather. If he really wants to upgrade whatever thing we have now, I'm not gonna let him. I need to guard myself. He's still a stranger. Not my friend, not my thing, and just someone I know. Anong malay ko kung may itim na balak lang pala siya sa akin kaya siya nakikipaglapit? Eona, maybe you should stop talking to him? Sandali. Bakit parang nasasanay na ako sa Eona? Hindi ba't Aisa ang talaga namang palayaw ko? "Hija, nakatulog ka ba nang maayos?" ani Daddy habang sabay-sabay kaming kumakain ng almusal kinabukasan. "Po? Opo, Dad..." Kuya Kaius snorted on his seat. "Mukha kang panda, Aisa." "Kaius," tawag ni Mommy, nagbabanta ang tono bago ako nilingon. "Baby, anong oras ka madalas nakakatulog?" "Uhm... around 12 midnight po." "That's still late. Nahihirapan ka pa bang matulog?" si Daddy ulit ang nagtanong. "H-hindi naman po," sagot ko at ibinaba ang tingin sa plato. "Liars go to hell," singit ni Kuya at sumubo agad ng pagkain. I shot him my deadliest glare. Matalim din siyang tinitigan ni Daddy pero hindi naman pinuna. Claudia was silent in front of me. "Anak, huwag kang magdadalawang isip na sabihin sa amin kung may problema ka. Kahit tungkol saan pa iyan, handa kaming makinig ng Daddy mo, okay?" Mommy smiled warmly at me. A pang of guilt touched my heart. Ngumiti na lang ako at tumango sa kanya bago nagpatuloy sa pagkain. "Ikaw rin, Claudia. I know you're always open to us when you have a problem and I hope you will always be. Ayaw kong may kinikimkim kayo sa puso niyo... nang kayo lang ang nakakaalam..." "Yes, Mommy," Claudia replied with now a bright smile. "Ako, Ma? Hindi ba ako kasama?" Kuya interfered with his annoying smirk. "And you, Kaius," Daddy even point a finger on him. "Bantayan mong maigi ang mga kapatid mo. Hindi 'yong inuuna mo pa ang pambababae mo sa opisina niyo." Nanlaki ang mata ni Kuya at ngumiwi. He scratched the back of his head as he averted his eyes from our father. "Bantay sarado sa akin 'yang dalawa. Saka 'di ako nambababae, Pa." Nangangalahati pa lang kami sa pagkain nang pumasok ng kusina si Beth. Kagat ang hotdog na nasa tinidor, nailuwa ko agad iyon nang namataan ang nakasunod sa kanya. "Magandang umaga po," he greeted and lightly bowed his head. "Oh, Zain!" sabay na sambit ni Mommy at Claudia. "Kumain ka na ba? Come and sit with us, hijo." Nilahad ni Mommy ang upuan sa tabi ni Claudia. Halos mamuti ang buto sa kamao ni Kuya habang hawak ang kubyertos. Nakabusangot ang kanyang mukha at parang handa nang batuhin ng hawak niya ang bisita. Zain's intimidating eyes fixated on me. Tumikhim ako at nagpatuloy na lang kumain. "Upo ka, Zain." Nakangiti pa rin si Claudia nang hilahin ang upuan sa tabi niya. "Ah, salamat na lang po, Tita, Clau. Nagpakita lang po ako para sabihin na..." Nanginginig ang kamay ko na kinuha ang baso at uminom doon. "Na hihintayin ko po si Hadassah sa labas bago siya pumasok. May usapan po kasi kami noong nakaraan." Naidura ko pabalik sa baso ang iniinom na tubig. The heck? Anong usapan? Ang mga mata ng pamilya ko ay nasa akin na. Pilit kong hindi ikinukunot ang noo kahit nagngingitngit na ang mga ngipin. "Oh? May usapan kayo, Ate Aisa?" si Claudia na parang normal lang ang sinabi ng kaibigan. I filled my lungs with air and glimpsed on Zain whose hands were inside his pockets. "I don't know what he's talking about..." "Aisa?" Mommy raised her brow at me. "It's about work, Tita." Marahas kong hinarap si Zain. My blood was boiling and I was so ready to throw him the fork on my plate. "Work?" ani Kuya na dikit ang mga kilay. "Anong work, Aisa? Magtatrabaho ka?" "Ate?" Tumikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan at tumayo na sa kinauupuan. Their faces were questioning. Habang ang hudyo, bahagyang nakataas ang gilid ng labi na parang nanunuya habang pinapanood ako. "I'll talk to him outside po. I'm done with my meal, thank you," I announced and bowed my head a little to excuse myself. "Hadassah," Dad called out my name but I refused to turn back. Dire-diretso ang lakad ko patungo sa labas ng bahay at gate namin. Even when I hadn't look at him, I could feel his presence on my back, following me like a damn dog. Nang pareho kaming nasa labas na ay tumingin ako sa paligid para masigurong walang taong makaririnig sa amin. I crossed my arms on chest and lifted my chin to face him. "What the f**k was that, Zain?" I asked, grinding my teeth achingly. His sharp eyes turned into slits. "I told you, you need to work with me, Hadassah." "And I already told you my decision. I won't do it. Anong tingin mo sa akin? Bayaran? I can sue you and your boss for doing this." Ngumisi ako sa sobrang irita at kulang na lang ay kalmutin siya. "Then sue us... but are you ready to get exposed? Maaatim mo ba na mapahamak ang kambal mo dahil sa 'yo? Ayos lang sa 'yo na madamay ang inosenteng tao dahil sa kasalanan mo? Claudia will be mistaken as you if that video gone viral here... at paano pa kung nakarating sa Maynila, na hindi malabong mangyari? What do you think will happen to her?" My lips set apart as I stepped back. Habang nagsasalita siya nang walang tigil ay unti-unti siyang lumalapit sa akin. Natigil ako sa kaaatras nang dumikit na ang likod ko sa pader ng gate namin. He was just few inches away from me when he slouched forward. I pushed back my head when he raised his arm and pasted his palm on the wall just beside my head. He tilted his head a bit. Walang nang bakas ng nanunuyang ngiti ang kanyang mga mata at labi habang nakatitig sa akin. "The video was already taken down from the internet. Kung may mag-upload man noon, automatic na made-detect iyon at matatanggal—" "Oh. How about not uploading it... say, through a CD or a tape?" Kinagat ko nang mariin ang aking labi, tuluyang nanlalabo ang mga mata. Nanigas ako sa kinatatayuan nang marahan niyang hinawakan ang aking baba at inangat para mas lalo siyang maharap. "Just one client, Hadassah... and Maeby will leave you and Claudia alone..." Hindi ko maintindihan. Hindi namin kilala ang Maeby na tinutukoy niya at wala naman kaming pakialam sa kanya. Bakit nila kami idadamay sa kanilang sariling interes? Anong malay namin sa pagiging escort? Can't they find someone who's willing enough to do the work? Bakit kami pa? Bakit kailangang ako pa ang gumawa no'n? Para hindi masaktan at madamay si Claudia... ako ang gusto nilang gamitin? Iniwas ko ang mukha sa kanya. "No... I will tell this to my parents." "Baby, you can't," he cajoled. "Stop calling me that. I will tell this to—" "You won't, Hadassah," he harshly said and stood up straight. "You don't know how much it will affect Claudia..." Pumungay ang malalim niyang mga mata at tinitigan ako. My heart raced when I heard Kuya's voice calling my name from the inside. Tikom ang bibig at nanlalatang mga braso, pilit kong itinulak sa dibdib si Zain para makalayo sa akin. Mabilis kong hinarap si Kuya nang marinig ang pagbukas ng gate. His lips was sealed firmly when he saw us. "Pumasok ka na, Aisa," malamig niyang utos at binalingan ang kausap ko kanina. "At ikaw, hindi ko talaga gusto ang awra mo kaya lumayo-layo ka sa mga kapatid ko kung ayaw mong sumabog 'yang mukha mo, ha?" Yumuko ako at pumasok na sa loob nang hindi sila sinusulyapan pabalik. Agad akong tinanong sa loob kung anong trabaho ang tinutukoy ng kaibigan ni Claudia. I just told them that I was planning to have a part-time job where Zain is working but still undecided. "Sa restaurant nagtatrabaho si Zain, hindi ba?" Mommy asked Claudia. Restaurant? "Yes po. Part-time din po bilang waiter." Part-time waiter? Iyon ang alam ni Claudia? Ibig sabihin, nagsisinungaling si Zain sa kanya tungkol sa tunay niyang trabaho? "You don't really have to work now, Aisa. Mahirap pagsabayin ang trabaho sa pag-aaral pero kung gusto mo talaga, ayos lang sa amin. Basta ba ay hindi mo pababayaan ang pag-aaral at lalo na ang iyong sarili..." ani Mommy at ngumiti nang tipid. I showed her a small smile. Kung alam niyo lang, Mommy. Mas maaga kaming umalis ng bahay para pumasok. Tahimik kaming tatlo sa loob ng sasakyan habang nagtitipa ako ng mensahe para kay Echo. Hindi pala ako nakapag-reply sa bati niya kaninang umaga. To: Echolokoy Good morning. Malapit na ako sa RSU. Pagka-send no'n ay bigla akong napatampal sa noo. Bakit sinasabi ko pa sa kanya na malapit ako? Bakit kailangang mag-update? From: Echolokoy dito na ko sa may waiting shred sa kaliwa *shed pala bobo haha "May pera ka pa, Aisa?" tanong ni Kuya nang makarating kami sa eskuwela. "Meron pa, Kuya. Hindi naman ako magastos." "Good. Kung may kailangan kang bilhin at kulang ang pera mo, magsabi ka sa akin. You don't really have to work now, Aisa. Focus on your studies first." Ngumiti ako kay Kuya Kaius bago nagpaalam sa kanilang dalawa ni Claudia. Nang umalis na ang sasakyan ay lumingon ako sa paligid. Dumiretso ako sa waiting shed na tinutukoy ni Echo. My pace was quite fast but when I saw him talking and laughing with a group of girls, I halted on my walk. They were all wearing either short shorts or mini skirt with revealing tops. Bumaba ang tingin ko sa suot na uniform. It's a baby blue fitted button down blouse and a navy blue pencil skirt that's just two inches above my knee. Mabigat ang dibdib na tumalikod ako at hindi na tumuloy sa paglapit sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD