Chapter 15

3504 Words
Chapter 15 "Kuya, I will hate you if we'd really get out this car now." Pinatay niya ang makina at nilingon ako habang ang isang kamay ay nasa manibela. He curved his lips into a smirk. "Maiwan ka rito kung ganoon—" "Kuya, seriously?" "I'll just check her, please? Isang picture lang." He even pouted his lips and batted his lashes. Para lang sa Savi na iyon, nakuha niyang magpa-cute nang ganito sa akin kahit nakakatakot naman ang itsura niya? Kuya ko ba talaga 'to? Humalukipkip ako at tumingin sa labas ng bintana. "No, Kuya. Umuwi na tayo..." "Hadassah." "No." "Aisa?" "Still no." "Baby Aisa?" Tumindig ang balahibo. He chuckled. I shook my head. The phone I was holding suddenly rang. My eyes enlarged when I saw Echo's calling. I was about to decline it when Kuya Kaius snatched it from me. I turned to him with mouth agape. Agad niyang itinaas ang phone sa kabilang direksyon at sinagot ang tawag. He even had the audacity to turn on the loudspeaker. "Eona? Hello?" Oh, Lord. Echo's voice was damn... hoarse. Para bang kagigising niya lang mula sa mahimbing na tulog. "Sino ka?" Kuya asked him although he'd probably seen the caller's ID. "Anong— hoy, 'di ako sinuka ng nanay ko, ah. Iniri ako! Ikaw? Iniri ka rin ba?" Nasampal ko ang sariling mukha habang umiiling. "Oo, bakit? May problema ka ro'n? Gusto mong ibalik kita sa sinapupunan ng nanay mo?" Humalakhak si Echo sa kabilang linya. "Hindi, boss. Tinatanong ko lang naman po, e. Sino po kayo? Nasaan po si Eona?" Nilingon ako ni Kuya at nagtaas ng kilay. Ngumuso ako. "Hindi ako hanapan ng nawawalang Eona. Wala akong kilalang Eona. Walang Eona rito, pangit." "Tek—" Echo was cut off when Kuya ended the call. He even turned off my phone and slid it over the dashboard. "Who's Eona?" tanong niya agad. "Duh, isn't it obvious? Of course it's me, Kuya," I retorted before rolling my eyes. "'Wag mo nga akong iniirapan at baka dukutin ko 'yang mata mo." "I'm sorry, 'kay? So, that's the guy I told you who's in this hospital right now." Tinuro ko pa ang direksyon nito. Kumurap siya at bahagyang tinagilid ang ulo. He clicked the roof of his mouth and shook his head. "O, siya. Kung sino mang gago—" "Kuya," I warned. "Sabi ko nga, puntahan mo na lang siya. 'Di mo naman sinabi agad. Mamaya na tayo magtutuos. Hahanapin ko pa si Savi." Wala na akong nagawa nang tuluyan na nga siyang lumabas ng kotse. I let out a sigh and grabbed my phone before following him outside the car. Nandito na lang din naman... puntahan ko na nga. Nagkahiwalay kami nang nasa loob na pero binigyan niya ako ng oras. I asked the nurse if I could still take a short visit on someone. Mabuti na lang at hanggang alas onse pa sila tumatanggap ng bisita. I knocked on Echo's room door when I found it. Tinuro kanina ng nurse. "Tulog na ako, nurse!" he announced from the inside. "This is Eona, Echo..." Saglit na katahimikan ang namutawi hanggang sa may kalabog akong narinig. Thinking that something bad happened to him, I twisted the doorknob. It wasn't locked. "'Wag! Hubad ako!" pigil niya pero huli na ang lahat. My lips pursed tightly when I saw him on the floor near his bed, wearing only a pair of boxers and had bandages on his right arm and ankle. Sa tingin ko ay nagpapalit siya ng damit dahil hawak niya ang isang pantalon na nakasuot na sa isang paa niya. He grinned when he saw me. Bigla niyang tinanggal ang pantalon sa may paanan niya at kumapit sa gilid ng kama para tumayo. My instinct told me to help him. So I did. Lumapit ako at hinawakan siya sa braso nang nakitang nahihirapan siya sa pagtayo. I ignored the intense heat his arm released under my palm. He glanced at me with his still amused grin. "'Di ko alam na ganito ka pala mag-alala, 'no? Talagang pinuntahan mo pa ako kahit gabing-gabi na? Magka-text lang tayo kanina, ah? "In your face, Echo. Kanina pa kami nandito." Nang makaupo na siya sa kama ay iniwas ko na ang tingin sa kanya at lumayo. "Ows? Ano namang ginagawa mo rito bukod sa dinalaw mo nga ako? At sinong kasama mo?" "I'm with my Kuya..." I looked down. "And my ex friends are here..." "Ex friends?" He sounded curious. I nodded my head, not still looking back at him. "Ex friends. They got into an accident this morning and... they're in morgue now." "Oh, sorry..." he said quietly. "Should I still say 'condolence'?" I cleared my throat. I really hate hearing 'condolences' from someone to me. Ang dami kong ayaw basta tungkol sa mga taong namatay. Who would love anything about death, anyway? It only brings sadness, sorrow, and regrets. "Damn. This is f*****g awkward, Eona." He casted a cackle. "Nasaan ang kuya mo? Siya ba iyong nakausap ko kanina?" Nilingon ko na siya. May dalawang bandaid siya sa mukha at ilang gasgas na hindi na tinakpan pa. I tried my best to keep my eyes on his face only but... ugh. "Can you cover up yourself first? I can't talk—" "Asus. Naiilang ka pa, e, hinawakan mo pa nga 'tong maskels ko. Ayaw mo bang nakakakita ng abs?" Nakangisi pa rin siya na para bang walang problema. How can he be like that? Smiling after a tragedy. Nadisgrasya na't lahat, napakapilyo pa rin. I wonder if he would ever, or had ever, cry over something? He looks like the person who'd take everything lightly and positively. "Hindi ako mahilig sa lalaking may abs, I'm sorry," sabi ko sabay sulyap sa dibdib niya. "Anyway, you seem fine. I'll leave now..." Napasinghap ako nang inabot niya ang kaliwang pulso ko at hinila palapit sa kanya. His other arm snaked around my waist and pulled me closer in between his widely parted thighs before locking his legs at the back of my own. I held on his broad shoulder to keep myself from hitting him right on his face with my big fat tummy. My face heated up when he looked up. "Bakit aalis ka agad? Wala pa ngang sampung minuto..." I looked up... and to my both sides. "H-hindi naman din kasi ako puwedeng magtagal dito. S-saka b-baka hinahanap na ako ni K-Kuya..." "Ah, 'yong bayaw ko ba ang nakausap ko kanina sa phone?" "Anong bayaw?" "Bayaw 'yong tawag sa kapatid na lalaki ng asawa mo, 'di ba?" "Excuse me? We're not married!" He smirked and his mischievous eyes twinkled. "O, bakit ikaw agad ang naisip mo? Ikaw lang ba ang kapatid niya?" I puckered my brows. He chuckled lightly. I tried to pull myself from him but his arm and legs were as strong as steel. Ang kamay kong hawak niya ay nilagay niya pa sa kanyang kabilang balikat. "You're so annoying! Let me go, Echo." Nanigas ang kalamnan ko nang isubsob niya ang mukha sa aking tiyan. My fingernails were already digging against my palm as my fists stayed on his shoulders. "Kahit limang minuto na lang, please..." he murmured. Bahagyang lumuwang ang kuyom ng kamao ko. "Ilang araw kitang hinihintay tuwing umaga sa labas ng unibersidad niyo bago ako pumasok. Ilang beses akong nahuling nagpo-phone sa klase kate-text sa 'yo pero hindi ka nagre-reply..." "Is it my fault, then?" I asked in a silent tone. Tumango siya habang nanatiling nasa tiyan ko ang kanyang mukha. "Kasalanan mo. Masyado kang nagpapa-miss sa akin..." My stomach was tickling as he spoke. Hindi ko lang sigurado kung sa labas o loob ako nakikiliti. Or...both. My lips let out a snicker. "A-ano bang sinasabi mo riyan? Kung magsalita ka ay parang obligado akong magparamdam sa 'yo araw-araw. You're not even my friend..." Gumalaw ang buto niya sa balikat. Slowly, he lifted his chin to face me up. "Grabe ka naman. Nagka-text na tayo't lahat, 'di pa rin tayo friends?" "Bakit? Iyon ba ang basehan ng pagiging magkaibigan? 'Yong iba nga na hindi lang text ang ginawa, hindi rin naman magkaibigan?" Nalukot ang mukha niya. "Baka naman kasi f**k buddies lang 'yon. No strings—" My palm flew on his forehead. Bahagya siyang napalayo at napapikit pero hindi pa rin ako binibitiwan. "Kitams, 'di mo ako friend niyan pero sinasampal mo pa ako sa noo? Ang sakit, ah!" eksaherada niyang saad. "Sumbong kita sa Mama ko!" I raised my brow. "Mama's boy ka?" Bahagyang nanlaki ang mata niya at namula ang magkabilang tainga. "H-hindi, ah! Ako? Mama's boy? Basta may Mama lang ako!" I pursed my lips to suppress a chuckle. He's so transparent and defensive. But... I find it cute. Wait. What? "Ayaw mo ba sa mga..." His adam's apple moved. "Sa Mama's boy?" He sounded hopeful. I bit my lip and looked up as if thinking deeply. "Well..." I returned my eyes on him and smiled. "I like anyone whose close with their parents." Nagtagal ang kanyang titig sa akin. It was deep and penetrating. Kahit gaano siya ka-transparent na tao, pakiramdam ko ay marami pa rin siyang itinatago. Ganoon naman yata talaga iyon. Parang 'yong mga taong madalas nakatawa o magpatawa sa iba, sa kaloob-looban pala nila, malungkot o umiiyak na sila. Some are hiding their pain through their smiles and laughs. At para sa akin, iyon ang mas masakit. Ang magtago ng tunay na nararamdaman ng isang tao. Ngumiti siya sa akin. Ngiting walang halong kalokohan at purong katotohanan. "Loke and I grew up without my parents, though. Our Mama is our grandmother..." My heart softened when his eyes shone in tears. He blinked consecutively and looked away from me to hide them. Bahagya siyang tumawa at tuluyan nang nawala ang nakapalibot niyang braso sa akin. Gusto ko ang mga anak na malapit sa mga magulang. Pero... mas gugustuhin ko iyong mga mas malalapit sa lolo o lola. Iba magpalaki ang mga matatanda, lalo na ang sariling lolo at lola. Lumalaking mababait daw talaga ang mga apo nila kapag nasa kanila. Pero siguro, depende pa rin ang magiging ugali ng isang bata sa kung paano sila dinidisiplina at pinapangaralan ng mga magulang o kahit sino mang nagpalaki sa kanila. Look at me. Lumaki ako sa puder ni Kuya... kaya nevermind. No. Hindi naman nagkulang sa pagpapaalala sa akin si Kuya pati ang iba kong Tita. Other people around us while we are growing up could really influence us, too, for the better or worse. In my case, ang akala kong mga good influence ay hindi naman pala. Minsan talaga kapag gustong-gusto mo ng kaibigan, hindi mo na mapapansin o hindi mo na papansinin ang mga mali sa kanila, at kung paano ka nila naiimpluwensiyahan sa hindi magandang bagay. Maybe I was really a sucker for attention but I sucked at finding genuine and good friends. I just realized lately that real friends don't need to be searched. Hindi iyon 'yong tipong lalapit ka sa isang tao at itatanong kung puwede ba silang maging kaibigan. Being someone's friend doesn't need to seek for permission. Ang tunay na pagkakaibigan ay kusa. Friendships are developed gradually and genuinely. If they won't stay, that's not friendship. If they stay, then treasure them. "Sorry..." He's still couldn't look at me. "Baka... hinahanap ka na ni bayaw," he said jokingly. Umatras ako. Inabot niya ang isang damit na nasa kama at maingat na unang isinuot ang dalawang braso sa manggas bago sa kanyang ulo. I watched him rolled down the hem of his shirt. "Are you crying?" Hinarap niya ako. Namumula at namamasa ang kanyang mga mata. "Mukha ba akong umiiyak?" "Oo?" "Puwes, tama ka," aniya at doon na tumulo ang luha niya. Hindi ko alam kung bakit tila dinudurog ang puso ko. He was crying but he was smiling. Maagap niya namang pinunasan iyon gamit ang likod ng palad. "Sorry, ah? Minsan lang talaga ako naiyak kapag tungkol sa mga magulang ko. Baka sabihin mo, bading ako—" "What? No!" I disagreed. "Why would I think about that? Every living human is capable of crying regardless of their gender or sexuality. Crying isn't the basis of someone's musculinity or feminity. It won't make you... us... less of a person. What's that... kapag tumawa dahil masaya ang isang lalaki, no comment. Pero kapag umiyak dahil nasasaktan, bading o bakla na agad? Why's that? Both men and women can be musculine and feminine without being toxic." Hindi ko alam kung masyado bang napahaba ang sinabi ko dahil parang umatras ang luha niya. His mouth hung open as if he was inviting a fly to come inside. My forehead crumpled when he was still not talking. "What?" "Grabe..." Umubo siya, nangingiti. "Na-nosebleed ako, bebe ko. Pahinging tissue." Uminit ang pisngi at tainga ko. I stalked towards him and slapped his arm. Umangil siya at sinapo iyon pero natatawa. "Ang sakit," reklamo niya habang kagat ang labi. "s**t, sugat ko 'yan, e." Nanlaki ang mata ko at bahagyang yumuko para i-check ang braso niya. There was blood on the bandage! "Oh, my. I'm sorry!" sabi ko at binitiwan siya. "Should I call a nurse? Sobrang sakit ba?" "Hindi na." He threw his head back with closed eyes. I stared at him a bit. "Bakit ka ba naaksidente?" He opened his eyes. Kagat niya pa rin ang labi habang nakasilay ang maliit na ngisi. "Shh ka lang?" Umirap ako. "Ano nga? Bakit?" Humalakhak siya. "Nasemplang ako mag-isa gamit ang motor. Pero ang sabi ko sa nurse, muntik na akong mabunggo ng ibang sasakyan kaya umiwas ako para ako lang ang madisgrasya." "What?" I exclaimed. "Are you out of your mind? Paano kung napuruhan ka? Napilayan ka ba? Ay, hindi. Naipit mo nga ako kanina gamit ang mga binti mo, e." Humagalpak siya sa tawa. "Alam mo ikaw... hindi naman mahigpit 'yon, e. 'Wag ka nga. Ayaw mo lang talagang umalis sa yakap ko." I scratched the bridge of my nose and glared at him. "See? You look fine. I'm going na!" "I'm going na," he mimicked while making a face. "Ang conyo, ah. Pero... cute." Then he flashed a panty-dropping smile. Hindi na ako nagsalita. Umismid lang ako tapos ay tinalikuran na siya. Hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal doon pero sana... sana talaga, nakakuha ng pictures si Kuya kay Savi para hindi naman masyadong magalit. Kung sakali lang naman. "Tawagan kita maya, ah?" pahabol niya bago ko sinara ang pinto nang makalabas sa kuwarto niya. Pagdating ko sa sasakyan ay naroon na si Kuya Kaius, halos mapunit ang mga labi katititig sa phone. He didn't even notice that I was already inside if I just didn't poke his arm. Ngumisi agad ako. "Ano, Kuya? Ngiting tagumpay tayo, a?" Hinarap niya ang screen sa akin at ini-slide para maipakita ang ilang shots niya kasama si Savi Fujita. "Bagay kami, 'no?" I blew on my bangs. "Oo nga, Kuya. Sayang, may fiance na." "Sus. Pangit naman no'n. Mas guwapo ako roon saka mas matangkad pa!" Tumango-tango na lang ako. Guwapo kaya no'ng lalaki. But he looks older than Kuya. Ayaw ko naman sa mga ganoon. I mean, gusto ko nang mas matanda sa akin pero hanggang tatlong taon lang. So why do I care about him? "Who took the pictures, by the way? Her fiance?" Biglang napawi ang ngiti niya at sumimangot sa akin. "Ikaw naman, bakit ang tagal mo? Kanina pa ako rito. 'Yong tumawag kanina ang dinalaw mo, 'di ba?" And now he's raining me with questions. Sinagot ko siya habang nasa biyahe kami. There's no point at hiding about Echo and why would I even hide him? It's not as if we were doing something bad or illegal. When I was inside my room again, my mind started to flood with thoughts. I can't still disregard the fact that Eljie, Maica, Vico, Mariel, and Jude are all gone now. Even after what happened, I never wished them to die just that. Pare-pareho kaming may mga nagawang mali at gusto kong pare-pareho rin naman kaming matuto sa nangyari. But not this way. Not when they're all gone. Sa huli, hindi pa rin ako nakatulog. Pasado alas dose na nang lumabas ako ng kuwarto dala ang phone. I should drink milk. Mas makakatulog ako agad. Kumunot ang noo ko nang maabutang bukas ang ilaw sa kusina. May munting ingay rin akong naririnig hanggang sa tuluyan akong nakapasok doon. I saw Claudia on her violet pajamas, her back facing me as she was in front of the sink. Bahagya siyang nakatingkayad para abutin ang kung ano man sa cupboard. "Anong hinahanap mo?" "Oh my—" Hindi naman malakas ang boses ko kaya kumunot ang noo ko nang nalaglag ang hawak niyang kung ano sa sahig. Agad siyang yumuko at pinulot iyon. Lumapit naman ako sa ref para kumuha ng fresh milk. "Nagulat naman ako, Ate," she said and followed by a nervous laugh. "B-Bakit gising ka pa?" I took a glass and poured milk into it. Tiningnan ko ang kambal na tila nakalaklak ng suka sa sobrang putla. "Ayos ka lang ba? You look so pale, Claudia." Binitiwan ko ang baso at nilapitan siya para sana kapain ang leeg niya kung mainit pero agad siyang lumayo. My eyes drifted down on her arm. She was hiding something behind her, I know. "A-ano kasi... binangungot ako. Pero ayos lang ako, Ate!" My eyes narrowed at her high-pitched voice. Ngumisi lang siya at nauna nang umalis sa kusina, halatang nagmamadali. Binangungot? I tilted my head and walked back to the table. Bumalik ako sa kuwarto para doon na inumin ang gatas na nasa baso. Hinayaan kong bukas muna ang ilaw. I grabbed my phone from the side table but I would placed it back again. Ilang beses kong ginawa iyon hanggang sa napasabunot ako sa sarili. What the hell is wrong with you, Aisa? Damn. Naiinis ako. Alam ko naman kasi talaga kung bakit. I was waiting for his call, alright! Ang sabi niya, tatawag daw siya. E, bakit hindi naman tumawag? Gritting my teeth, I stood up from the bed and turned off the lights. I have class tomorrow and waiting isn't my thing. Nakahiga na ako nang biglang tumunog ang phone ko. My heart beat like crazy upon hearing my old ringtone. Napabangon ako at agad kinuha iyon. "Hello?" Humalakhak siya agad sa kabilang linya. This is really, really crazy. Hindi naman halatang inaabangan ko ang tawag niya, 'no? Unang ring pa lang, nasagot ko na! Nice, Aisa. You're doomed. Damn it. "Gising ka pa? May pasok ka nang maaga bukas, ah?" Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakangisi siya habang sinasabi iyon. Ugh, kairita. "Nagising ako dahil sa tawag mo. Ang ingay..." "Oh? Sige, baba ko na pala—" "W-wait!" Hadassah Leona Mercado, what in the world are you doing? "Yes, Eona?" malambing niyang sambit. "Gusto mo rin akong kausap, 'no? Aminin mo na kung crush mo ako. Ika-crushback naman kita." Pinaypayan ko ang sarili gamit ang kamay kahit bukas naman ang aircon. Tumayo ako para itodo na ang aircon. Ang init talaga. "Sige, ibababa ko na—" "Oy, oy, oy, teka! 'To naman, ang bilis magbago ng isip." He chuckled huskily. "Bakit gising ka pa?" Humiga na ako sa kama at inayos ang kumot hanggang ibabaw ng tiyan ko. I reached out for my pillow hotdog and hugged it tightly. "Ramdam ko kasing hinihintay mo ang tawag ko. Naghahanap lang ako ng tiyempo." "Kapal..." "Nakahiga ka pa rin ba?" Humina na ang kanyang boses. "Yes..." "Inaantok?" "Not anymore, really..." "Syempre, kausap mo na 'ko," he said proudly. "Kantahan mo nga ako, Eona. Kahit ano. Gusto ko lang talagang marinig ang boses mong kumakanta." "My voice sounds like the frog's. You won't like it..." Marahan siyang humalakhak. "Ayos lang basta ikaw." Uminit ang pisngi ko. He stayed silent on the other line as if waiting for me. Humiga ako nang patihaya at tumikhim. "There's a song that's inside of my soul..." It was one of my favorite songs. I sang it silently until the end of chorus over the phone while he remained mute. Nang matapos ako ay hindi pa rin siya nagsasalita. Sabi ko na nga ba. Pangit naman talaga ang boses ko. "Good night, Echo," I told him with my sinking heart. I waited for him to speak... and returned my good night. His heavy breaths were the only thing I could hear. Ibababa ko na sana ang tawag nang magsalita siya. "Kung hindi man tayo magkaibigan para sa 'yo... ayos lang sa akin. Pero gusto kong tandaan mo na kahit anong problema man ang harapin mo... puwede mo akong maging takbuhan, sandalan, o labasan ng mga hinanakit mo. Baka sakaling kahit sa ganoong paraan, mapagaan ko ang loob mo. Hindi ako si Superman o si Batman pero isang tawag mo lang, Eona... handa akong makipagpatayan sa mga haharang, mapuntahan ka lang." And I think... I could finally have a tight sleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD