Chapter 14

3351 Words
Chapter 14 "Sakit ng tiyan ko," mahinang sambit ni Kuya sa tabi ko habang nakapikit ako. I remained my eyes closed, one arm stretched above my head with open hand, and felt the presence of the Lord through singing. "How sweet the sound... That saved a wretch like me..." I don't know how many times I've failed in life. I can't count my wrong decisions I had committed since then. But now that I'm thinking how I am still living and surviving is just... a blessing for me. He gave me another chance to live a better life and I'm very grateful for that. "I once was lost... But now I'm found..." Siguro nga ay may pagkakataong muntik na akong maligaw ng landas. Before, I thought it was easy to live without our parents' guidance. Hindi pala. And that... was really hard. At sa huli, babalik at babalik pa rin ako sa kanila. At tulad Niya, handa rin silang tanggapin ako... nang buong-buo... nang walang pag-aalinlangan... kahit pa anong pagkakamali ang nagawa ko. I slowly opened my eyes and found those pair of splendid eyes owned by the most loving daughter I ever knew. May mainit na likidong mabilis na lumandas sa aking pisngi. Mabilis kong pinunasan iyon. Hawak niya na ang mic sa tapat ng dibdib dahil katatapos lamang ng kanta. Ibinaba ko na ang braso sa aking gilid. Kumurba ang ngiti sa kanyang labi habang nakatitig sa akin. "Ang sakit talaga ng tiyan ko. Ba't ganoon?" Kuya complained again. "Katakawan mo kasi," I told him in a silent tone. "Angas mo naman. Ikaw nga ang umubos ng cake na dala ko noong nakaraan. Dapat ikaw sumasakit ang tiyan, e." "Ang sama mo, Kuya Kaius. Talagang pinagdarasal mo 'yan ngayon habang nasa harap ka ni Lord?" "Sorry po. Amen." Worship services are held every Friday, Saturday, and Sunday in this church. Ani Mommy, walang mintis na nagse-serve dito si Claudia tuwing Linggo. Isa siya sa mga kumakanta kanina sa harap... nang buong puso. I wonder why I can't be like her? Mabait, maka-Diyos, mapagmahal, malambing. Samantalang ako, inangkin ko na yata lahat ng kabaliktaran ng ugali niya. On the contrary, ayaw ko rin namang maging tulad niya. Inosente at aura pa lang, siya na 'yong mukhang madaling mauto. Papayag siyang magpaapi, 'wag lang siyang mang-api. Hindi puwede sa akin iyon. Hindi bagay sa akin ang kinakawawa. Mukhang tanga lang talaga ako no'n. That's why I hate seeing anyone getting bullied or beaten up by someone who thinks he's superior enough to do that. "Nasa Payatas na raw sila, Aisa," Kuya informed me after the worship service. Days ago, I've already talked to our parents that I'd settle everything with them. Hindi na itutuloy ang kaso basta pumayag silang pumunta rito mismo sa church para humingi ng tawad. The agreement came from Kuya. Pinilit niyang dito kami mag-usap at magkalinawan para mapigilan din niya ang sarili sa posibleng magawa kapag nakita niya ang mga taong iyon. Kaming buong pamilya na lang ang nandito sa church. Daddy was busy on reading his Bible as if he's still preaching us. Lumapit sa akin si Mommy at sinapo ang aking mukha bago ngumiti. "Mom..." I emitted a long sigh. "I hope after this, I'll have my peace of mind." "If this is what makes you at peace, then... we'll do this. Everything will be okay as long we're here, baby. We got your back, alright?" Ngumiti ako nang tipid. May aircon naman dito pero hindi pa rin maiwasan na pagpawisan ang kamay ko. I turned to Claudia who was holding the acoustic guitar while sitting on a monoblock chair. Nag-i-strum pero magkadikit ang dalawa sa mga daliri niya sa isang string at fret. Tumayo ako sa kinauupuan at nilapitan siya. "That's not how you do it..." Tiningala niya ako dahil nakatayo ako. I bended forward and touched her fingers to guide it on the right strings and frets for one chord. "That's G major chord," I told her and shifted her fingers to form a new chord. "C major... try to strum it." Sinunod niya ang sinabi ko pero iba ang kinalabasan na tono. "Diin mo nang kaunti ang daliri sa string." "Ang sakit, Ate," nakanguso niyang sinabi. "Sa umpisa lang naman masakit. Kapag nasanay na, hindi mo na mararamdaman na nasasaktan ka na dahil nag-e-enjoy ka na." "Ganoon ba 'yon, Ate? Namamanhid talaga sa sakit ang tao kapag nag-e-enjoy? Kapag masaya? Or you're just disregarding the pain because you were happy? Nasasaktan ka pero dahil nasanay at masaya ka naman... ayos lang?" My lips pulled apart at her words. Hindi na yata tungkol sa gitara ang sinasabi niya. Napatuwid ako nang tayo nang marinig ang boses ni Kuya palapit sa amin. Inagaw niya ang gitara mula kay Claudia at sinuot ang strap mismo sa balikat niya. He caressed its body in awe. "Woah, ganda nito, ah. Mukhang matibay. Kapag hinampas ko sa mukha ni Aisa, ano ang unang masisira?" I glared at him while he was only smirking. "Kuya Kaius naman, e." Clau pouted and turned to me. "Sige na, Ate, turuan mo na ulit ako." Bumuntonghininga ako. Habang naghihintay sa mga 'bisita' ay tinuruan ko na lang si Claudia sa mga basic chords. Si Kuya Kaius naman, nakikiepal lagi kaya ilang beses kong nahahampas sa braso. Kaunti na lang, itong gitara na ang ihahampas ko sa kanya. Pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay iyong habang nagtuturo ako ng kung ano tapos ay may nanggugulo. "Kaius, nasaan na raw sila? It's been almost half an hour," ani Mommy na nilapitan na kami. "You're all busy there. Check your phone, Kaius," Dad said. Tumigil ako sa pag-strum. Kuya Kaius took out his phone from his pocket and scrolled through it. Mayamaya ay nagsalubong ang kilay niya. "Why, Kuya?" His phone suddenly rang. Tuluyan ko nang ibinaba ang gitara sa gilid ko habang pinapanood siyang kinausap ang tumawag. His expression was stoic and his jaw clenched. Pagkatapos ng tawag ay isa-isa niya kaming nilingon. "May tumawag sa akin galing sa ospital. Nagkaroon daw ng banggaan sa may Payatas kanina lang..." Tila ako binuhusan ng isang baldeng tubig na puno ng yelo. Napahawak ako sa tuhod ni Kuya at nanghihinang napayuko sa kinauupuan ko. Eljie and the others were dead on arrival. Hindi ako pumunta sa ospital matapos ang balitang iyon. I was afraid and kind of... guilty, I admit that. "Kasalanan mo kung bakit kami namatay, Aisa! You killed us! You're a murderer!" Umiling ako, umaagos ang luha sa pisngi. "H-hindi..." "Mamamatay tao ka, Aisa!" their voice sounded like a broken record inside my head. Suminghap ako at napadilat. Napaupo ako sa kama at sinapo ang dibdib. My heart's beating abnormally... like I was being chased by death. I didn't kill them but why did it feel like I was the one responsible for their death? Bakit naman gano'n? Bakit kailangang umabot pa sa ganito? I just wanted a peace of mind. Pero sa nangyari sa kanila, matatahimik pa ba ako ng konsensiya ko? Dahil sa akin kaya sila pumunta rito sa Rizal at ngayon... The moon's light was slightly peeking in my room. Napasandal ako sa headboard at sinapo ang noo. I checked the time on my phone when a knock on my door made me jolt. Tumayo ako mula sa kama at tinungo ang pintuan para pagbuksan ang kung sino man iyon. "Kuya..." "You're still awake," he stated the obvious. His broad chest was the first thing I saw. Nakasuot siya ng pantalon at shirt na animo'y aalis pa kahit gabi na. Nang bumaba pa ang tingin ko sa kanyang sapatos ay sigurado na ako. "Where are you going this late?" He ran a hand on his hair and his eyes looked restless. "Pupunta ako ng ospital. I'm... going to check them." Kinagat ko ang aking labi. Pumungay ang kanyang mata nang magbaba ng tingin sa akin. "You... want to go with me?" maingat niyang tanong. Nilulon ko ang bara sa lalamunan. After that nightmare I just had earlier... I don't think I'll be able to sleep tightly again. Pero kung sasama naman ako ngayon at makita sila... nakahiga at walang buhay... makakatulog pa kaya ako o baka kahit idlip ay hindi ko magawa? "It's fine if you..." "Ano... wait me here, Kuya. I'll go with you." Naningkit ang mata niya sa akin. "You sure?" Tumango ako. Naghilamos lang ulit ako at tinali ang buhok bago nagpalit ng jeans at sweater. Pagkababa ko ng sala ay naroon na siya sa may pintuan, nakasandal at malayo ang tingin. Niyugyog ko siya sa braso "Kuya, tara na." "Ah, right." Tumango siya at binuksan na ang pinto. Tahimik lang kami sa buong biyahe. Nagpaalam na raw siya kina Daddy na isasama ako dahil gising pa naman din sila. Hindi naman ganoon kalayo ang ospital dito at wala na masyadong sasakyan kaya mabilis lang kaming nakarating doon. "Kuya... alam na ba ng pamilya nila?" I asked while he was parking the car. Tumango siya at pagilid akong sinulyapan. "Attorney Gomez told me that their family will take them back to Pangasinan as soon as tomorrow at dawn." Gusto kong umatras nang makapasok na kami sa loob. I hate hospitals. I hate the smell of antiseptic, cleaners, waste... blood. Nasa labas pa lang ako ay parang kinakalkal na ang tiyan ko sa amoy. And the memories back then when I had to stay in a hospital made it more hard for me to do this. Napayakap ako sa braso ni Kuya Kaius at mas dumikit pa sa kanya habang naglalakad kami. I kept my eyes on the floor as he talked to the nurse. "Nasa morgue na po ang katawan nila," sagot ng nurse na pinagtanungan niya. "Salamat." Ginalaw ni Kuya ang braso. "Let's... see them for the last time?" His tone was laced with caution. Huminga ako nang malalim. Mabibigat ang hakbang ko habang tila tuko pa ring nakakapit kay Kuya. I stopped when he stopped, too. "K-Kuya," I called him and my eyes started to water. He held my hand and unclasped it from his arm. Hinarap niya ako at bahagyang yumuko bago hinawi ang bangs kong humaharang sa mata. "It's okay, Ais. Ako na lang ang papasok. I'll just check them..." "G-gusto ko rin s-silang makita, K-Kuya... pero natatakot ako..." His thumb brushed my wet cheek. "Shh... Aisa, don't think of any negative thing, please, and don't force yourself if you're not ready to see them. Kung hindi mo kaya at natatakot ka, ako na lang. Wait me here..." Tumango ako sa kanya at pinasadahan ng daliri ang pisngi. Inalalayan niya ako paupo sa hilera ng mga upuan malapit sa morgue. Lumuhod siya sa harapan ko at pinagsalikop ang dalawa kong kamay. "Stay here. Saglit lang ako. Don't leave, alright?" Lumabi ako at marahang tumango. He tapped my head before he stood up and entered that room. I know he told me not leave but I really couldn't stay closer to that place any longer. Alam kong naroon silang lima sa loob. All cold and lifeless. My greatest weekness is to see a dead body. Just the thought of seeing them lying underneath a white sheet to cover their whole cold body made me want to p**e. I folded my arms against my chest and started marching along the hallway. May iilang nurse at pasyente pa akong namataan habang naglalakad. Nang may nakitang coffee vendo ay lumapit ako roon. Napakapa ako sa bulsa ng suot na jeans at napapikit. Wala pala akong dalang pera at tanging phone lang ang nasa bulsa. Napaigtad ako nang may kumalabit sa aking balikat. "Oh, sorry!" Yumuko ako at gumilid dahil mukhang bibili siya ng kape. I pouted and watched him insert a coin inside the machine. Lumingon siya sa akin at nagtaas ng kilay. "Kape o tsokolate?" I blinked twice. Tinitigan ko ang lalaking nakatayo sa harapan ko. He looked like he's same age of Kuya Kaius, or older a bit. At ayaw ko sanang punahin pero... goodness. He looked so... gorgeous. Medyo tumagal pa ang titig ko sa kanya dahil parang may kamukha siya. His dark eyes looked like... Xayvion's? "Ariz!" a girly voice echoed in the hallway. Naalis ang tingin ko sa lalaki at dumapo roon sa babaeng palapit sa direksyon namin. I couldn't see her face clearly since she was wearing a black cap and shades. Nakasuot siya ng palda at malaking jacket. She stopped on the guy's side and looked down on the coffee vendo. "I want hot chocolate," aniya at pumindot doon. Umiling ang guwapong lalaki at bahagyang tinampal ang suot na cap ng kasama. The girl's small lips pouted as she took the cup and brought it to her mouth. She stucked out her tongue as soon as the rim of the paper cup touched her lip. "Ow! Ang init!" The man smirked languidly. "Suits you. Hindi naman kasi dapat para sa 'yo iyan." She slapped his arm. "Ang mean mo! Kapag itong dila ko, nag-third degree burn, isusumbong kita kay Mamita," she spat. What? Napaso lang, third degree burn agad? OA naman. I immediately looked away from them when the guy returned his eyes on me. Nagtaas siya ng kilay. I faked a cough and was about to excuse myself when he spoke. "You want hot chocolate, too?" "Ha?" Napatanga ako. "N-no, thanks. Uhm... excuse me..." Kahit sa likod ng maitim at malaking shades ay ramdam ko ang nanunusok na tingin noong babae sa akin. Ngumiwi ako at tinalikuran na sila. She's probably the girlfriend or what of this guy. "You know her, Ariz?" "No. How's Echo?" I halted when I heard a familiar name from that Ariz. Bahagya akong lumingon at mukhang bumili ulit 'yong Ariz ng kape. Nagtanggal na ng shades ang babae pero nanatiling nakasuot ang cap sa ulo. "He's still buhay naman, no worries. Are we going back to our condo ba? We can stay at our house here, you know..." anito sabay higop sa tsokolate. "But I have a photoshoot tomorrow." "Magdesisyon ka na habang nandito pa lang tayo. Wala namang traffic ngayon kung babalik tayo sa Manila." "Aren't you tired yet? Ang layo pa ng biniyahe mo papunta sa set namin... then we went here..." When suddenly, the girl's eyes found mine. Tumagilid ang ulo niya at tinitigan pa ako. She's somewhat familiar, too. Kinalabit niya ang kasama at itinuro ako. Her lips opened to speak when I heard my name being called. I spotted Kuya Kaius marching towards me with his usual fast pace. Tumigil siya sa tapat ko at hinawakan ako sa braso. "I told you to stay there, Aisa," he said in a low yet dangerous tone. "Hindi ka na naman marunong sumunod sa sinasabi ko." "Sorry, Kuya. Nakita ko lang itong vendo. Bibili sana ako pero wala pala akong pera." I then jerked my thumb toward the coffee vendo. He unbended his back and followed my hand. Salubong pa ang kilay niya noong una pero bigla na lang siyang natulala. His cheeks turned pale pink. "Kuya?" I nudged his arm. "H-Holy... sh..." Hindi niya matuloy ang mura at nauutal pa. I reverted my gaze on the two stranger. The girl wore her shades again and placed her forefinger over her lips as if shushing us. "S-S-Savi Fujita... ikaw ba 'yan?" Kuya stuttered. Savi Fujita? Tinitigan ko ang babae. Nanlaki ang mata ko at napasinghap nang mapagtanto kung bakit nga ba siya pamilyar. Oh my gosh. Savi Fujita, the actress? My Kuya's ultimate crush?! At itong kasama niya... wait. As far as I know, thanks to Kuya, Savi has a fiance. Hindi kaya fiance niya itong kasama niya? If ever he really is, I need to get Kuya Kaius away from him. Nakaigting na ang panga at matalim ang tingin nito sa kapatid ko na para bang isang salita na lang na makakapagpahamak kay Savi ay sasapakin niya na. "Kuya, let's go..." untag ko at hinila na ang braso niya. "We're still in public and she's with... her fiance?" mahina kong sambit. Nagpatianod naman siya sa akin pero hindi nilubayan ng tingin ang dalawa—si Savi, to be exact. Savi was still facing us, though, so the fiance blocked her view with his body. "Kita mo 'yon, Aisa? Si Savi Fujita 'yon, 'di ba? Nakausap mo? s**t. Ang liit niya pala sa personal? Pero... cute naman," hindi pa rin makapaniwalang sabi niya pagkapasok namin sa sasakyan. I rolled my eyes at him. I don't really care about them. I'm not a fan of her. Napahampas siya sa manibela ulit at nangingiti. "s**t—" "Kuya, will you stop it? Para kang teenager kung kiligin diyan!" irita ko nang sinabi. "E, bakit ba? Masamang kiligin? Crush ko 'yon! Dapat nagpa-authograph muna ako, e." "Magpapa-autograph ka, nasa ospital sila? I don't think it's a good idea. That's being insensitive," I said, shaking my head. He cleared his throat and made a serious face. "Oo nga pala. Bakit kaya sila nandoon? I mean... sino kaya ang dinalaw nila?" Now that he asked it, I remember that the guy mentioned 'Echo' on his question. Although I'm not sure if it's the same Echo I know, I checked my phone for... something. After the talk with Zain that day, I didn't see him again. I don't think he's in their house, too. Of course, I didn't ask Claudia about his whereabouts. Mabuti nang 'wag na ulit magpapakita sa akin iyon. I haven't told Kuya Kaius about him kind of blackmailing me. I checked my messaging app. Ilang araw kong sadyang hindi binuksan iyon pero dala ko naman ang phone. Nakapatay nga lang. My brows arched when I perceived Echo's ton of text. Seriously? Almost a hundred of texts... until tonight. Hindi ko na binasa ang naunang mga text at pinagtuunan na lang iyong mga nahuli. From: Echolokoy naaksidente ako :( maawa ka sa akin, reply mo lang kailangan ko, gagaling agad ako. hey eona, miss u po eona bebe kooooo maawa ka sa akin. replyan mo na ako please. text mo lang, sapat na. mamamatay yata ako sa pagkaburyo rito sa ospital. I suckled on my lower lip and stared at the screen. He sent the last message three times, just a few minutes ago. He got into an accident, huh? Gusto ko sanang maawa kaya lang ay hindi naman siya mukhang kawawa. Nevertheless, I typed a reply to him. To: Echolokoy How are you? He replied so fast. From: Echolokoy okay na okay na ako. nag-text ka na, e To: Echolokoy No, seriously. How are you? Are you even allowed to use a gadget? From: Echolokoy potek kinikilig ako teka lang bat masyadong concern pero bebe okay na ako. pero para makasigurado ka talaga, dalawin mo na lang ako :---D "Are you texting? Who's that?" Naibaba ko agad ang phone, taob ang screen sa ibabaw ng hita ko. I glanced at Kuya. "No, uh, I'm... it's just..." I rumbled through my words. "Aisa, don't lie. Alam ko naman. Halata naman..." I tasted metal on my lip. "Well... yes. I'm texting someone." He only stole a glance on me. "Who?" "An acquaintance? He's—" "A 'he'?" Salubong na ngayon ang kilay niya kahit pa nakatutok sa daan ang mga mata. "I just said so," sarkastikong saad ko. "He's in that hospital. He got into an accident so—" A squeal excaped from my lips when the car abruptly stopped which almost made me hit the dashboard right on my face! "Kuya, mag-ingat ka naman po!" Nilingon niya ako at matamang tiningnan. I plastered a scowl on my face. "Saang ospital siya kamo?" "Huh?!" "Doon sa ospital na pinuntahan natin?" Naguguluhan, tumango lang ako sa kanya. He revved the engine and leaned his back on the seat. Nagulat ako nang bigla siyang mag-u-turn sa kabilang kalsada. "Kuya? Where are we going?" Umiling-iling siya habang ang isang kamay ay nasa baba. I face-palmed myself when he answered me. "Nandoon na tayo kanina, hindi mo pa binisita. Bad 'yon, Aisa. Kaya babalik tayo, okay? Check him... and I'll check if Savi's still there. Magpapa-picture na lang ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD