Episode 51 John Paul Da Silva’s POV Bumangon ako sa hinihigan ko at napatingin sa kwarto. Puro larawan ni Alexie at Raymart ang nakikita ko. Dito na pala ko nakatulog sa loob ng opisina ng baliw na ‘yun. Bumangon ako sa kama at lumabas ng opisina niya sa loob ng bar. Umaga na base sa oras na nasa pader. Pumunta ko sa bar counter at agad ng kumuha ng isang bote ng rum. Hindi ko na ko gumamit ng baso at basta na lang ‘tong tinungga. “Ang aga-aga, alak agad.” Padabog kong ibinaba ang rum sa harapan ko at naupo katapat ni Raymart. Wala ko sa wisyo na makipag away sa kanya kaya hindi ko na tinugunan ang sinabi niya. My life now is in hell. “Makikipaghiwalay sa girlfriend tapos manglalasing dito? Parang gago ‘di ba?” Sinamaan ko ng tingin si Raymart at lumagok ulit sa alak. Tangina nito.

