Episode 50 Dominic `Dona’ Nambria’s POV “Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Cyrine na katabi kong nakaupo sa sofa ng sala niya. Alas dies na ng gabi pero nandito pa rin ako sa bahay nila at nagmumukmok. Buti na lang at hindi ako masyadong nakakaabala sa kanila dahil wala namang pasok bukas. “Ano sa tingin mo?” walang ganang sambit ko habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. Ilang araw na ang lumipas pero simula ng pag-usapan namin ni Paul ang tungkol sa hindi ko pagtuloy sa Harvard, bigla na lang siyang nawala ng parang bula. Wala siya sa opisina niya at hindi man lang siya umuuwi sa penthouse. Sobrang sakit ng puso ko at palagi kong umiiyak tuwing mag-isa ko dahil hindi ko siya makita o maka-usap man lang sa cellphone. Hindi naman siya ganito. Kung aalis man siya, sasabihan ag

