Episode 49 Dominic `Dona’ Nambria’s POV Naramdaman ko ang malaking kamay na nagmamasahe ng aking dibdib habang mahimbing akong nakahiga sa kama. Bumalikwas ako ng higa at humarap kay Paul. “Natutulog pa ako,” inaantok na saad ko sa kanya. “Sorry, baby. You can sleep again,” he said. Pinaningkitan ko siya ng mata. Dahil siguradong hindi naman na ako ulit makakatulog dahil aakinin lang niya ko nang aakinin. “Anong oras na ba?” kunot noong tanong ko sa kanya. “12:30 P.M” Mabilis akong napabangon sa kama at hindi alintana ang kahubaran ng katawan ko. Napatingin ako sa orasan at 08:15 pa lang naman pala. “Letche ka!” anas ko kay Paul. Akala ko pa naman tinanghali na talaga ko ng gising. Hindi pa naman ako pwedeng tanghaliin ng gising dahil walang pwedeng magluto dito sa bahay. “Sorr

