Episode 43? Dominic `Dona’ Nambria’s POV Binuksan ko ang bag ko pagkagising na pagkagising ko para sana kunin ang suklay ko ng mapansin ko na wala ang cellphone ko. Inilabas ko na lahat ng gamit ko sa shoulder bag ko pero wala talaga. “Anong hinahanap mo?” Napataas ang tingin ko kay Paul na mukhang kagigising lang. “Yung cellphone ko. Alam ko dala ko ‘yun eh,” sagot ko at bumalik sa pagkakalkal ng bag ko. Hindi ‘yun pwedeng mawala dahil regalo sa akin ‘yun ni Paul. Lahat pa naman ng regalo niya sa akin ay tinatago ko. Hindi pwedeng mawala ‘yun lalo na’t sobrang mahal ng bili niya doon. “Ito ba?” Muling napataas ang tingin ko kay Paul at hawak pala niya ang cellphone ko. Tumayo ako sa pagkakaupo sa tiles ng kwarto at naupo sa gilid ng kama. Kinuha ko sa kanya ang cellphone ko. “Nasa

