bc

Love at Its Limit

book_age16+
599
FOLLOW
1.8K
READ
love-triangle
second chance
arrogant
student
sweet
bxg
campus
school
model
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Synesthea Sivan will do everything for the one she loves. She doesn't want the history repeats itself that's why she'll do everything to make Voughn Royer hers even if it will make her the desperate one.

But love has its limit if it's too much.

"If it's hurt you so much, what kind of love is this?"

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CHAPTER 1   SYNESTHEA'S POV   Nagising ako sa malakas na tunog ng aking cellphone. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at dumapa. Sabado ngayon at walang pasok, ngayon pa lang ako makakapagpahinga tapos may iistorbo sa akin. Bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Inis akong umupo at hinagis ang unan ko.   Miskie Lokaret Calling...   Naka 20 missed call na siya. Agad ko itong sinagot at nagkusot pa ng mata. Antok na antok pa ako dahil din kay Miskie dahil kinukulet niya ako ng kinukulet.   "Synesthea-girl ano na? Nandito na kami sa Mall ni Hillary-girl. Where na you? Natutunaw na kami dito sa kakatingin sa amin ng mga tao palibhasa ngayon lang nakakita ng anghel na bumaba sa lupa." Napailing ako ng biglang tumawa si Miskie. Ang loka-loka kong best-friend.   "Bakit kasi nandyan kayo sa Mall?" irita kong tanong.   "Hoy, Synesthea-girl ikaw yung nagyaya sa amin kagabi!" Agad akong napabalikwas ng bangon. s**t! Oo nga pala mag-shoshopping nga pala kami ngayon nila Miskie at Hillary.   "Sorry Miskie, nakalimutan kong may lakad pala tayo. Don't worry 30 minutes nandiyan na ako bye bye mwuah pasabi kay Hillary maghintay siya at baka mainis yun at umalis ng bigla." Narinig ko pa siyang sumagot pero ineend call ko na agad.   Agad kong ginawa ang daily routine ko. Kapag katapos mabilisang make-up lang ang ginawa ko but still I'm  parin with pr without make-up.   Bumaba na ako ng hagdan at kita ko sila Mom and Dad na nagkakape habang ang magaling kong kuya ay nagpipindot ng cellphone. Tumikhim ako para mapansin nila ako.   "Good morning mom and dad at sa kuya kong mukha ng cellphone." Tumawa pa ako at mabilis silang hinalikan sa pisngi. Agad akong naupo sa katapat na upuan ni Kuya pero si kuya wapakels nagpupudpud parin ng daliri sa kakacellphone.   "May lakad ka ba my princess?" Napanguso naman ako ng tawagin ako ni Dad na my princess. Nagbabasa siya ng dyaryo habang sumisimsim ng kape.   "Yes, Dad. Magsho-shopping kami ng mga kaibigan ko." masaya kong sabi.   "Lagi naman nag-sho-shopping si Synesthea kaya h'wag na po kayong magtaka kung saan 'yan pupunta, mukha na nga 'yang mall eh." Agad kong sinamaan ng tingin si Kuya.   Sa dyosa kong 'to, mukha akong Mall? Kung mukha akong Mall siya naman mukhang gadgets.   "Ikaw Vincent saan ang punta mo?" tanong ni Mom habang hinahalo ang kape niya.   "Magkikita kami ng mga kaibigan ko." Agad nagliwanag ang mukha ko. Gusto kong makilala ang mga kaibigan ni Kuya pero ayaw naman niyang ipakilala sa akin. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong ipakilala. Hindi naman niya ako ikinakahiya dahil maganda naman ako, minsan hindi ko maintindihan si Kuya.   "Kailan mo ba ako ipapakilala sa mga kaibigan mo?" Tanong ko habang binabalatan ko yung hotdog. Ganito ako kumain ng hotdog, pake niyo ba?   "Mamaya." nakangiti nitong sabi. Agad akong napangiti kasi alam ko na ang ibig niyang sabihin. Wala kasi sina Dad mamaya dahil may imemeet na client sa Cebu kaya pwedeng-pwede namin gawin kung ano ang gusto naming gawin.   "Vincent h'wag kayong masyadong magulo dito sa bahay at baka makabasag na naman 'yung kaibigan mo." Natawa kaming lahat. Nung last time kasi na dinala ni Kuya yung kaibigan niya dito ay nakabasag ng Vase sayang nga hindi ko nakita kasi nagshoshopping ako nun, kinuwento lang ni Mom sa akin.   "Yeah." tanging sagot ni Kuya.   "Kuya hatid mo na ako sa Mall, siguradong G na G na sa akin sila Miskie." Sabi ko nang matapos ko ng kainin ang isang pirasong tinapay. Kinuha na naman ni Kuya ang susi niya at nagpaalam na kami kina Mom and Dad.   ***   "Synesthea-girl akala ko ba 30 minutes lang? Bakit inabot ka ng isang oras?" tanong ni Miskie nang makapasok na kami sa Mall. Kaming tatlo ni Miskie at Hillary ay mahilig mag-shopping halos lagi nga kaming nasa Mall, kapag bakasyon, walang pasok at uwian nasa Mall kami at nagshoshopping.   "Natraffic kasi." pagsisinungaling ko. Hindi naman kasi ako hahayaan nina Mom and Dad na umalis ng hindi kumakain kaya siyempre kumain na ako ng tinapay at nakipagkwentuhan kaya medyo natagalan ako.   "Lagi naman yan ang dahilan mo." Napapout ako kay Hillary. Lagi naman niya akong inilalaglag. Tumawa naman si Miskie.   "Oo nga, Synesthea-girl. Atsaka maluwag ang kalsada ngayon." Tumatawang sabi ni Miskie habang nakikipag-apir pa kay Hillary.   "Magsisinungaling na nga lang hindi pa ginalingan." Iiling-iling na sabi ni Hillary.   "Hindi pa ba kayo nasanay sakin?" Nagpapacute ko pang tanong sa kanila. Sabay silang napalingon sa akin.   "Sanay na sanay na!" Chorus nilang sigaw kaya lalo akong napapout.   Nagsimula na kaming mag-lakad at usual pinagtitinginan na naman kami ng mga tao. Ngayon nga lang kasi sila nakakita ng Anghel na bumaba sa lupa. Ang pretty pretty kasi namin. Nahuhuli pa namin ang iba na pinipicture-an kami kaya kami todo ngiti naman. Natalo pa namin ang mga artista, sila kailangan pa nilang ipakita ang talent skills nila para sumikat pero kami isang ngiti lang sikat na agad. Bongga!   "Hillary-girl gutom ka na? " tanong ni Miskie kay Hillary. Alam kasi nilang nakakain na ako kaya siguro si Hillary na lang ang tinanong niya.   "Medyo. Kanina pa tayo paikot-ikot dito." Yeah. Minsan ganito kami, paikot-ikot lang pero hindi bibili kumbaga nag wiwindow shopping lang kami. Atsaka binabalandara kami namin ang pretty faces namin kaya paikot-ikot kami sa Mall.   "Tara kain muna tayo then bili na tayo ng bags balita ko kasi may bagong bags ngayon na tinitinda." Updated na updated talaga itong bruhan 'to.   "Saan tayo kakain?" Tanong ko habang nagpapalinga-linga habang naghahanap ng magandang makakainan.   "Synesthea-girl dahil masyado kang pa-VIP ikaw ang manlilibre sa amin ni Hillary-girl." Napairap na lang ako. Ano pa bang magagawa ko? Minsan iniisip ko kung kaibigan ko ba siya pineperahan lang ako nitong si Miskie. Si Hillary naman tahimik lang, hindi ko rin alam kung paano ko 'to naging kaibigan, napakatahimik naman pero nagsasalita namin kahit minsan.   "Lagi naman." mataray kong sabi. Pumasok kami sa restaurant na pinili ni Hillary. Tamang-tama at wala masyadong tao at tahimik.   Umupo kami sa malapit sa may glass window. Agad may lumapit sa amin at kinuha ang order namin. Ilang minuto lang din ang nilapag na ang inorder namin. Ang inorder ko lang ay 4 season na juice at burger tutal na kakain na rin ako sa bahay. Si Miskie at Hillary parehas ng order beef steak paborito nilang dalawa. Nag-order din kami ng pizza.   Habang kumakain kami natigilan kami ng may marinig kaming tilian at hagikgikan. Landi landi naman ng mga 'to. Ang mga langgam talaga ngayon, pakalat kalat, napaka-kakati.   "Ang pogi nila!"   "Artistahin "   "Lapitan natin, girl."   "Kill me now. s**t! Ang wafu"   "Pogi, ano pangalan niyo?"   "Shitt!! "   "Nalaglag panty ko."   "Ang gagwapo "   "Magpakilala tayo."   "Ang gwapo nung nasa gitna, yieee"   "Calyx Chase Demir!!! Love you! s**t!"   "Voughn Royer, itanan mo ako!"   "Voughn Royer wahhhh!"   "Hunter Hayes Ferrer s**t!!"   "Hunter Hayes, ngiti mo pa lang hinuhubaran mo na ako shittt!!!!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook