VOUGHN'S POV Dumiretso kami sa bahay nina Vincent. Habang nasa byahe kami ay hindi mapakali ang mata ko at lagiging napupunta kay Synesthea. "Ang famous mo na, Synesthea-girl." Tumawa naman si Synesthea at tinignan ang pinapakita ni Miskie. "Let's take a picture." Sabi ni Synesthea at ibinibigay kay Vincent ang cellphone na nasa passenger seat para lahat kami ay nakita. Umiling lang naman si Vincent pero kinuhanan pa rin kami ng litrato, nakatingin lang ako kay Synesthea habang nakangiti ito sa repleksyon ng camera. "I will post this on my ig." Sina Calyx at Miskie naman ay napatingin sa cellphone ni Synesthea at pinanood si Synesthea doon. "Alright, I already follow all of you. I deleted my old account so this is my new ig account." Wala sa sarili kong kinuha ang cellphone ko. I have

