She's back SYNESTHEA'S POV Kapag palit ko ng dress ay agad kong sinilip ang kwarto ni Voughn at nakitang mahimbing itong natutulog. Malaki kong binuksan ang pintuan at pumasok. Naupo ako sa tabi niya at pinanood ko siyang mahimbing na natutulog, kahit natutulog ay halata mong masungit siya. "Wake up, hubby." Bahagya siyang gumalaw pero hindi siya nag salita kaya hinawakan ko siya para alugin. "Stop it, Synesthea." Napanguso naman ako at humiga sa tabi niya. Naramdaman niya iyon kaya bahagya siyang napadilat at tinignan ako. Umiling lang siya at tinalikuran ako. Niyakap ko siya sa likod at sinubsub ang mukha sa likod niya. Hindi naman siya umangal at hinayaan lang ako. Pumikit ako at dinama ang sariling yakap kay Voughn, hindi ko alam pero may kakaiba akong pakiramdam. May takot na n

