VOUGHN'S POV Maaga akong nagising dahil ang rinig ko mula kay Andrei ay maaga ang interview nina Wade at Synesthea. Hinihintay ko na lang na bumaba si Synesthea at para makausap ko na rin siya, hinintay ko siya kagabi bumaba pero hindi na siya bumaba. Sinubukan ko rin pasukin ang kwarto nila pero naka lock iyon na mas kinainis ko. Sinet up na ng mga reporter ang mga camera at si Andrei naman ay nirereview ang mga tatanungin kina Synesthea at Wade, gusto kong tumingin pero baka ano na naman ang masabi noong Andrei. Nakapulupot din sa kanya ang boyfriend niya kaya hindi man lang ako makasilip dahil noong sinubukan kong lumapit ay nakatitig agad sa akin ang boyfriend ni Andrei na parang may gagawin akong masama, as if. "What happen to him?" Napatingin ako sa hagdan ng mag salita si Andrei

