SYNESTHEA'S POV Maaga akong kumilos para makasabay ko si Voughn sa pag pasok sa school. Sinabi ko na kay Mama na h'wag muna siyang paalisin at sasabay ako sa kaniya pagpasok. Sabi sa akin ni Mama na umuwi dahil ng madaling araw si Voughn, mukhang ang alam lang din ni Mama ay nag punta siya kay Calyx. Hindi ko na rin sinabi sa kanya ang nalaman ko at ayokong magalit pa siya kay Voughn. Napakunot ang noo ni Kuya ng makita na akong pababa ng hagdan. Nakain pa lang siya ngayon, kina Voughn na rin ako kakain kaya hindi na ako bumaba para kumain kanina. "You're early, Synesthea." Tumango ako at hinalikan siya sa pisngi bago kinuha ang susi ng kotse ko. "Hey, hey, where are you going this early in the morning?" Napatingin naman ako sa kanya. Nakapamewang na siyang nakatingin sa akin. "Kin

