THIRD PERSON'S POV Isa isa silang nag babaan, agad naman hinila ni Andrei si Synesthea para mas matignan nilang maigi ang magandang dagat. Buong resort ay nirentahan nina Vincent, kaibigan din niya ang may ari kaya walang problema. "Synesthea, mag-bitbit ka!" Malakas na sigaw ni Vincent sa papalayong sina Synesthea at Andrei. Nang hindi man lang lumingon ang dalawa ay napailing na lang siya at binitbit na rin ang ilan na gamit na kapatid. "I'll help." Medyo nagulat si Vincent dahil sa sinabi ni Voughn pero nginisian niya lang ito at hinayaan na bitbitin ang gamit ni Synesthea. Agad silang pumasok sa mansion doon na bahay ng kaibigan ni Vincent na tinitirhan lamang kapag mag babakasyon sila. Nag kanya kanya silang hanap ng sariling kwarto at saktong sakto lang iyon sa lahat ng tao ngay

