Mad VOUGHN'S POV Agad akong naalimpungatan ng may naramdaman na umupo sa gilid ng kama ko at hinawakan ang buhok ko. Inis kong inalis ang kamay ni Synesthea sa buhok ko at sinubsub ang mukha sa unan. Masyado pa akong inaantok at masyado ring masakit ang ulo ko sa dami ng alak na nainom ko. "Stop it, Synesthea." Inis kong sabi ng hinawakan niyang muli ang buhok ko. Bumangon na ako at hinawakan ang kamay niya at inis siyang tinignan pero napalitan ng gulat ang expression ko ng imbes na si Synesthea ay si Chen ang nakikita ko. Lasing pa rin ba ako at kung ano ano na ang nakikita ko. "Chen?" Pag kukumpirma ko. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o ano dahil paano naman makakapunta si Chen sa kwarto ko. Ngumiti naman siya at bahagyang binawi ang kamay niya, napatingin ako doon at agad nam

