THIRD PERSON'S POV Inilipat ni Vincent si Synesthea sa VIP room at papunta na rin ang magulang nila ngayon sa hospital. "Voughn." Napatingin si Voughn ng tawagin siya ni Vincent. Nakaupo lamang ito sa sofa at hinihintay na magkamalay si Synesthea. "Why?" "I think she said something to Synesthea." Nanatiling nakatingin si Voughn kay Vincent. Alam niyang si Chen ang tinutukoy nito dahil ng kumalma na siya at nang ginagamot na ang sugat niya ay kinuwento na niya kina Vincent kung ano ang nangyari. "And if it's true, sisiguraduhin ko na pananagutan ni Chen ang ginawa niya. Kung noon ay pinalampas ko dahil ayaw ni Synesthea pero ngayon sa ayaw at sa gusto niya ako mismo gagawa ng sarili kong batas para parusahan siya." Napatingin naman si Wade ng marinig ang pinag uusapan nila. "What

