Nasa harapan kami ngayon ng unang gate papasok sa teritoryo ng mga Lucchese. Itinigil ni Ricardo ang sasakyan at nag tanong, "M-Miss pwede b-ba dito nalang kami sa gate mag aantay sayo i-ikaw nalang pumasok sa lugar niyo?"
"Oo nga Miss Joana paano pag nalaman nilang hindi pala Nicky ang totoo mong pangalan? Pano pag i-m******e nila tayong tatlo doon?"
Nabigyan ko ng tig isang malalakas na batok sa ulo ang dalawa dahil sa inis.
"Akala ko noong una biktima lang talaga kayo ng gang na nasalihan niyo noong una ko kayong nakilala. Mukang naiintindihan ko na ngayon, sadyang wala lang talaga laman ang kokote ninyong dalawa."
"Una sa lahat, ang sabi ko ang pangalan ko ay Nicky. Si Joana ang peke at hindi si Nicky naintindihan niyo? At isa pa isang kilometro pa ang layo ng unang gate sa main gate tapos palalakarin niyo ako?" Do I even have to explain this to them?
"So totoo ka ngang Lucchese?!" Halos pasigaw na na sabi ni Ricardo saakin.
"Ibig ba sabihin nito nakapatay ka na din tao" Si Cholo naman ay nag salita ng pabulong.
"Kapag hindi mo pa inapakan yang gas ng sasakyan sinisigurado ko sainyo, kayo ang una at pangalang mapapatay ko ora-mismo."
Mas mabilis pa sa alas tres na pinaharurot ni Ricardo ang sasakyan. Hmm seems like threatening their lives is better than explaining to them. Ilang minuto lang ay nakapasok na kami sa loob ng main gate.
Sapat na din ang minutong iyon para makapag palit ako ng damit. They should not see me wearing a Wilson University's uniform. Muli kong isinuot ang eye glass ko paired with a beanie para takpan ang buhok ko.
Matapos kong magpalit, kahit na takot ay sinikap pa rin akong pinag buksan ni Cholo ng pinto saka dali daling pumasok din sa loob ng sasakyan.
I raised a brow ng mapansin kong ang lima ang sumalubong saakin sa labas imbes na si Pietro. Pansin ko din na mas mahigpit ang security nila sa buong paligid kumapara noong umalis ako dito noong nakaraan.
"What the f**k was that Nicky? Kalahating bilyon ang ginastos mo sa loob ng dalwang araw lang?!" Hawak hawak ni Jane ang mga papeles at ipinakita sakin ang suma total na lumabas mula sa card na binigay saakin ni Pietro.
"Where the hell did you even spend that amount of money? We've been searching for you sa university pero ni isang hibla ng buhok mo ay wala kaming nakita"
"Kung alam mo lang, halos baliktarin na ni Pietro ang buong syudad dahil sayo-"
"That's enough Jane"
Kinamot ko ang tenga ko dahil sa kakadakdak ni Jane, mabuti nalang ay inawat siya ni Jimmy bago pa man ako mawalan ng pasensya.
"I need to talk to Pietro." Hindi ko sila pinansin at nilagpasan lang para pumasok sa loob ng mansion pero hinarangan nila ako.
"Wala si Pietro sa loob, and you are not allowed to come in."
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Jimmy.
"You don't have the final say here. This is my property, my name is written on the title of this land and mansion so I have the right to come in and out." Binigyan ko siya ng tipid na ngiti pero ihinarang niya ang kamay niya sa harapan ko para pigilan akong makapasok.
"You're not fooling me, alam kong nasa loob si Pietro. I need to talk to him now." Inuubos nila ang pasensya ko.
"Let her in." Mahina lang ang boses pero alam kong si Pietro yon.
"Don't blame us, binalaan ka na naming wag pumasok." Sarkastikong sabi ni Jane at nauna nang pumasok sa loob.
Agad namang sumunod sila Jimmy sa utos kaya dali dali na din akong pumasok sa loob. I knew it, there's something wrong. I saw a tiny blood stain sa siko at damit ni Anna at Jane kanina. The place also reeks with blood.
Pagkarating ko sa sala, bumungad saakin ang magulong mansyon. Nagkabali-baligtad ang mga furniture, butas butas din ang kongkretong diding, bagsak ang chandelier sa gitna at nagkalat din ang mga lalaking naka itim na wala ng buhay.
Ang dating puting carpet ay naging pula na dahil ginamit nilang pantakip sa ibang mga katawa.
Nilingon ko ang limang nasa likod ko at nasaktohan ko silang naka tingin din saakin. They were stopping me to come in para hindi makita ang lahat ng kaguluhang ito? Bullshit, the moment na nalaman nila ang apilyido ko, they should have expected na these kind of things are already normal to me.
"My, my you're getting rusty Pietro tsk, tsk,tsk." Natatawa kong sabi at ibinalik ang tingin ko sa lalaking naka upo sa sulok.
"Madam" Habang hawak niya ang balikat na tuloy tuloy ang pag agos ng dugo, pinilit ni Pietro'ng tumayo mula sa pagkakaupo niya sa hagdan.
"I thought the mansion will be a safer place dahil doble-doble ang security pero mukang nagkamali ata ako. You're really useless Pietro, 10 years ago hindi mo na protektahan ang amo mo and now pati ba naman tong natitirang legacy niya sisiran mo?"
Napayuko lang si Pietro at piling hindi makipagtalo saakin.
"Sumosobra ka naman na ata." Sumingit sa usapan si Jose at hata ang pagkainis sakanya.
"Yeah sino ka para pagsabihan si Pietro ng ganyan? Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon namin ngayon?" Hindi na din napigilang mag taas ang boses ni Jane na kanina pa nanggigigil sa inis.
"I know that you take every thing as a joke Nicky pero sinabihan na kita noong unang araw mo palang dito, bastusin mo na ang lahat wag lang si Pietro." Lumapit si Jimmy kay Pietro para alalayan dahil mukang anong oras man ngayon ay babagsak na siya sa sahig.
"It seems like you are not as innocent as we thought seeing na wala ka man lang reaksyon sa harap ng maraming bangkay."
Muli akong natawa ng malakas dahil sa sinabi ni Anna.
"Kumpara sainyong lima malayong mas inosente ako, am I right? Jane the psychopath, Bane Wrecker, Jose- Black Mamba, Jimmy the gossiper, and Anna the freak?" Pagkasabi ko nun ay bigla silang naalarma lahat at nagsikasahan ng kanya kanya nilang baril. Sabay sabay nila akong tinutukan sa muka which made me laugh harder.
"Pietro, they're so like you. Walang dudang ikaw ang nagpalaki sa kanilang lahat, a dog who bites the hand of those who fed them." Inapakan ko ang gabundok na mga bangkay para makapunta sa nag iisang sofa na hindi nasira.
Kunot noong nakatingin silang lahat saakin.
"Who are you? Pano mo nalaman ang mga pangalan namin" Madiin na tanong saakin ni Bane pero hindi ko sila pinansin.
"Pietro we need to talk." Nginitian ko siya Pietro. Agad naman siyang sumunod at akmang pupunta sa kinauupuan ko pero pinigilan siya nila Jimmy.
"There's no need to listen to her bullshits, Pietro. Are you sure na siya ba talaga ang anak ni Papa? This girl could be a spy from another mafia."
"Now Pietro!" Nauubos na ang pasensya ko sa mga ito.
"Nicky sumosobra ka na!-"
"Enough! Get out everone. Didn't you hear her? May pag uusapan kami." Agad namang natahimik ang lima.
"We'll stay here in case na may gawin siya sayo Pietro." Nag sama sama silang lahat sa isang sulok at hindi inalis saakin ang mga mata nila ni isang segundo.
Naglakad na papalipit saakin si Pietro at tumayo sa harapan ko, "Madam"
"Your injury is not a problem, malayo yan sa bituka." Panimula ko. Nginuso ko ang upuan sa harap ko at agad din naman niyang naintindihan ang ibig kong sabihin.
"First of all you don't need to find me everytime na nawawala ako Pietro, hindi na ako bata. Give me your phone. I'll put my contact. You don't need to call me like your babysitting me; just call me when there's an emergency." I tapped my number on his contacts at muling ibinalik sakanya ang cellphone niya.
"Understood, madam."
"Good."
"Now, I want you to look for someone. I'll the name and other details to you. Ang gusto ko lang na gawin mo ay ilipat mo siya sa hospital na nasa pag mamay ari natin. Have him--"
"Para lang diyan Nicky? Mas importante ba yang mga nonsense mong sinasabi kaysa sa kalusugan ni Pietro? Hindi mo ba nakikita na namumutla na siya sa dami ng dugong nawala sakanya? He needs immediate medication." Madilim ang mukang sabi ni Jane.
Namumuro na tong babaeng to a even si Jose at Jimmy. Can't they be more like Anna and Bane? Hindi sila gaanong nag sasalita. Masyado silang nakakarindi.
Namulot ako ng matulis na bubog mula sa basag na chandelier sa tabi ko at mabilis na ihinagis sa kinaroroonan nilang lima. Tumusok sa kahoy na pinto ang bubog at habang ang dugo sa pisngi ni Jane ay nag unahang pumatak.
Gulat na gulat silang lahat at walang nakapag salita ni isa sa kanila.
"The next time na may sumingit sainyo kapag nag sasalita ako hindi na sa pinto babaon ang ihahagis ko." I made it sound like a joke pero alam kong alam nila na kaya kong totohanin ang mga sinabi ko.
"Where was I again?"
"You were asking me to transfer the boy to another hospital, madam." Mahinang sumbat saakin ni Pietro.
"Oh yes, give him our best doctors. Tell them that anyone who could wake up the boy will get a big sum of reward from me. And lastly, bigyan mo siya ng taga bantay. You need to make sure that the boy won't be in any danger."
Lumapit ako sa kanya at bumulong, "Fail me and you know what will happen to you Pietro."
Nginitian ko siya at ngumiti din siya ng pilit pabalik saakin.
"That's all, now go and get treated. Babalikan kita after two days Pietro, you better do those before I come back."