Inilipat ko ang sasakyan ko malapit kila Blaire na abala sa pagpiga ng mga impormasyon mula sa mga galamay ng lalaking tinatawag nilang Fowler.
Pagkatapos nilang mag sawa ay iniwan na nila ang mga lalaki sa lugar.
Nag antay ako ng ilang minuto para masiguradong malayo na sila sa lugar bago ako bumaba ng sasakyan ko, saka muling lumapit sa sakanila.
"Well done Scorpion gang, you really deserve your reputation." Naiiling ako habang pinagmamasdan ang malalang lagay ng mga lalaking nasa harapan ko. Sa tingin ko ay nawala na ang bisa ng pill na ginamit nila. At ngayon lang nila naramdaman ang mga sakit sa katawan na natanggap nila.
Puno ng malalaking bukol at pasa sa muka. Bitak din ang mga labi, ilong at tenga nila. ang iba din sa tingin ko ay nabalian na ng mga buto sa paa, kamay at ribs.
Nilagpasan ko lang sila at pumunta sa dalawang lalaking nakahiwalay. Gaya ng iba ay puno rin ng galos ang mga ito.
"Hey, I know you're wide awake. Stop pretending at umayos kayo." Binigyan ko sila ng tag isang sipa. Mas mabilis pa sa alas tres na tumayo ang dalawa at magalang na yumuko saakin.
"M-miss pasensya ka na talaga."
"Maawa ka saamin may mga pamilya pa kaming papakainin." Gusto kong matawa dahil para silang mga dagang na corner ng pusa.
"Stop doing that, hindi naman ako masamang tao. You made it sound like I'm a gangster." I joked although totoo naman, I am not a gangster. I was an assassin.
"Sinabi niyong may pamilya kayong kailangang buhayin? How about you work for me." I offered pero hindi sila sumagot sa alok ko. I quite like these two.
"Mamili kayo, iiwan ko kayo dito para damputin ng mga pulis o sasama kayo saakin? Bibigyan ko kayo ng trabaho."
"Ah miss, nadala na kasi kami ngayon eh. Hindi na namin uuliting sumama sa ganitong klaseng trabaho. Hindi kasi to bagay saaming dalawa." Unang nagsalita ang lalaking matangkad.
"Napilitan lang naman kaming sumama sa kanila dahil malaki ang bayad na inalok saamin. Ang sabi maging look out lang kami tapos wala ng ibang gagawin. Wala namang nagsabi na away pala sa gang ang pinapasok namin."
Bakas ang paghahalo ng takot at hiya sa kanilang dalawa.
"Alam ko, that's why I am offering you a decent job. If you follow me I promise that you will be paid handsomely without doing anything shady." Gusto ko silang tulungan. They didn't treat me badly kanina and they tried to help me. Also, they remind me of my family in the organization.
I have the power to make their lives better so, why not help diba? And besides, I need people for my next plan.
"Kung gusto niyo you may follow me, if not then stay here and rot to death." I giggled before leaving the area at bumalik na kung saan ko iniwan ang sasakyan ko.
Ilang segundo lang at narinig ko na ang pagbukas sara ng magkabilaang pinto ng sasakyan ko sa likod. I smiled at nag drive na pauwi sa mansion. Nakapasok na ako sa private property ng Lucchese family ng mapansin kong balisa ang dalawa sa likod ko.
"Anong problema?" Binagalan ko ang pag drive ko para makita kung anong ginagawa nilang dalawa sa likod ko.
I turned on the light sa likod at bakas ang takot sa mga muka nila habang hawak hawak ang duguang damit ko kaninang umaga at ang kutyilyong ginamit ko.
"M-miss..."
"Wag kayong mag alala hindi saakin ang dugong yan." I tried to console them pero parang mas lalo ata silang natakot. Anong problema nila? Mga gangster talaga sa Pinas kakaiba.
"Miss n-nagkamali ka ata ng nilikohang kanto. P-pag mamay ari to ng sikat na m-mafia na pamilya eh." Nag aalanganin na sabi nung isa hays, inalokan ko sila ng trabaho at dinala sa pamamahay ko tapos hindi ko pa din sila kilala? Oh my God Nicky.
"Tell me your names."
"Ricardo Perez." Unang sumagot ang lalaking matangkad. Siya yung magalang saakin at naka kwentuhan ko kanina.
"Cholo B-bueno." Pakilala naman ng isa.
What is wrong with them? Okay naman silang kausap kanina a?
"M-miss hindi ka dapat pumasok dito, hindi biro y-yung mga may ari ng teritoryoing ito." Inulit ni Ricardo ang sinabi niya kanina pero hindi ko siya pinansin. Binilisan ko nalang ang patakbo ko ng sasakyan hanggang maaninang ko na ang ilaw na nagmumula sa mansyon.
Gabi na at alam kong nag aabang nanaman ang tarandadong Pietro saakin. Malayo pa ako ay nakikita ko na ang nakakainis na pagmumuka niya kasama ng lima niyang alipores.
"M-miss parang awa mo na iliko mo na ang sasakyan habang maaga pa. Ayaw ko pang m-mamatay b-baka madamay pa b-buong pamilya k-ko. Baka pasabugan nila tayo, o kaya makatapak tayong landmine d-dito."
"Chill ka lang Cholo." I laughed sa uutal utal na lalaki sa likod ko. Mas lalo nanaman akong natawa dahil si Ricardo ay parang natuod na sa kinauupuan niya. Seriously? Bomba? Landmine? Sino naman ang nagkalat ng mga kalokohang yan.
"I'll take those." Hinablot ko sa kanila ang damit kong duguan maging ang dagger ko. I don't like it when others touches my things. But since bago palang sila at hindi pa nila ako kilala, I'll let this slide.
Pinagbuksan ako ng gate ng mga guwardya at tuluyan ko nang pinasok ang sasakyan. Sinalubong naman ako nila Pietro at sabay sabay saaking yumuko.
Sinenyasan ko sila Ricardo at Cholo na parang mga batang unang beses magpapatuli. Tagaktak ang mga pawis at umuugong ang sipon sa mga muka nila. Kulang nalang ay maiihi sila sa mga salawal nila dahil sa takot.
"Ano pang inaantay niyo baba na?" I really wanted to laugh pero nag sisimula na akong maawa sa kanila. Well I can understand them, sino naman ang mga tao around this area ang hindi nakakaalam na lungga ng mga criminal at member ng mafia ang nakatira dito.
"Miss h-halika na p-pupwede pa tayong u-umalis." Hinihila nila ako sa braso at pilit na pinapasakay sa sasakyan ko.
"How dare you!" Nag situnugan ang malalakas na tunog ng pagkasa ng maraming baril sa paligid. Sa isang iglap ay nakatutuk na ang mga baril sa dalawa.
"M-mga boss baka naman pwede nating pag usapan to, m-mukang baguhan lang p-po kasi siya sa lugar. Baka nagkamali l-lang po siya ng l-lugar na nilikuha." Sinubukan akong ipagtanggol ni Cholo kahit na nanginginig na ito sa takot. Napataas ako ng kilay dahil sa inasta niya sa harapan nila. I can't help but smile to the two dahil kahit alam nilang wala silang laban ay sinubukan pa din nilang akong ipagtanggol.
"Drop your guns, gusto niyo bang mag mop sa sahig ng ihi?" I joked at sinunod naman nilang lahat. Nalilito namang tinignan nila akong dalawa.
"I forgot to introduce myself, my name is Nicky." Hinila ko sila paharap para makita nila Pietro ang mga muka nila.
"Starting today dito na sila magtatrabaho. Okay?"
"Nick-" Hindi pa natutuloy ni Ricardo ang sasabin niya ay isang malutong na sampal ang inabot niya kay Pietro.
"It's madam for you. Kinakausap mo ang kaisa-isahang Lucchese sa pamamahay niya, magpakita ka ng respeto." Malamig niyang sabi.
"Madam nag aantay sa loob ang doctor mo, kailangan na nating linisin ang sugat mo dahil mukang bumukas ule. Diba sinabi ko naman na iingatan mo ang sarili mo? Hindi ka na bata Nicky."
Nilagpasan ko lang si Pietro dahil eto nanaman siya sa tuloy tuloy na pagbubunganga niya. Hindi ko din pinansin sila Jimmy sa gilid na maasim ang mga muka at panay ang busangot saakin.
"You two, follow me." Itinuro ko sila Ricardo at sineyasang sundan ako. Para silang mga batang naligaw sa amusement park. Tahimik lang silang naka buntot saakin. Naka yuko at walang lakas ng loob ng ilibot ang paningin.
Dumiretyo ako sa kwarto ko kung saan nag aantay na saakin ang mga maglilinis ng sugat ko. Maliban sa dalawang doctor, si Pietro, Ricardo at Cholo lang ang tao sa loob. Nagsimula na nilang linisin ang sugat ko. I removed my upper clothes maging ang bra ko.
I don't mind, hindi rin naman mag lalakas ng loob na makipag titigan saakin ang dalawa. At ganun din si Pietro.
"Let me introduce myself again, my name is Nicky Lucchese. From now on you will be my bodyguard. May tututol ba?" I raised a brow pero walang umimik sa kanila.
"Madam marami namang mas magaling na miyembro-"
"Hindi kita kausap Pietro."
Tumahimik ang buong kwarto ng ilang segundo, then I'll take that as a yes already.
"I only have one rule, you are not allowed to mention my name to anyone. Outside this mansion, I am Nicky Pasamonte naintindihan niyo?" I asked again and they answered with a nod.
"Kung wala na kayong tanong then you may leave. You can ask Pietro para sa daily schedules ko, uniform niyo, sahod at kung ano pang kakailanganin niyo."
I am very satisfied as I watch their backs leave the room. Now, the only thing left is a plan. I covered my face with a pillow dahil hindi ko mapigilan ang ngiti ko sa muka. I am so excited nagsisimula nang manginig ang mga kamay ko sa saya.