Panandalian lang ang naging kasiyahan ko ng mag sink in sa kokote ko ang mga bagay na ginawa ko buong araw, maging ang mga binabalak kong gawin nitong mga susunod week na to.
"If you are done, leave me." Nagsindi ako ng sigarilyo at naglakad papuntang terrace ng kwarto ko.
What was I thinking? Naupo ako sa harang ng terrace dahil maganda ang panahon ngayon at mahangin dito sa taas. Sobrang tahimik din ng paligid which made me think that today I killed 3 people, again. Ayaw ko mang aminin pero I enjoyed killing them.
Nicky naasan ang normal diyan? Natawa nalang ako dahil maging ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. I came here in the Philippines to live a normal life. Normal, hahaha sino bang niloloko ko. Sa mga nakaraang araw na pananalagi ko dito, ni isa ay walang naging normal.
I keep on denying what I want pero parang nagkakatotoo na ang sinabi saakin nila Jacob at Ruby. I am not trying to change, I am just bored that's why I came up with many excuses to find my own entertainment.
I shook my head para matauhan mula sa pag o-overthink ko. Tutal nandito naman na ako, paninindigan ko nalang ang mga salita ko na magbabago na ako. We have made a lot of money already, it is enough para mag start ng sari sariling honest na business ang mga pamilya ko sa oraganization.
One last time, I need to see that impostor and then I am out. This thing is not a joke, sinisiraan niya ang pangalan ko at ng organisasyon namin. This kind of shady business will only make us more enemies and I won't let that happen. Especially, nasa harapan ko lang ang pekeng Widowed Rose na yan. All I have to do is snap her neck.
"There's no need for you to walk quietly Pietro, I can sense you." Humithit pa ako ng dalawang beses sa sigarilyo ko bago itinusok sa ash tray na nasa tabi ko.
"Madam nahanda ko na lahat ng kakailanganin ng mga bagong tauhang dinala mo. Eto ang kontrata, iniwan kong blangko ang sahod nila para ikaw na ang magsusulat ng napag usapan niyo."
"Nasaan na sila? Tell them to come in." Inabot ko ang papeles at ballpen kay Pietro.
"At isa pa Pietro, tell the person na nagtatago sa rooftop na umalis sa paningin ko ng kusa o ako ang kakaladkad sa kanya." Tumingin ako sa taas at kumaway sa lalaking kanina pa nagmamasid sa mga galaw ko. Jimmy Suarez, you're stating to get on my nerve too, nginitian ko ang anino ng nakakaloko bago pumasok sa loob at isinara ng pinto sa terrace.
"Kung sa tingin mo ay hindi pa malala ang ginawa mo saakin 8 years ago Pietro at kung may balak ka pang dagdagan ang atraso mo saakin well, kailangan mong pag isipan ng mabuti yan dahil baka mapuno ako. Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin."
"Nicky-"
"Get out." The longer he stays by my side, the more na kumukulo ang urge kong iligpit si Pietro. But now is not the time.
Pagkalabas ni Pietro ay siya namang pasok ni Ricardo at Cholo.
"M-madam." Sabay silang bumati at mukang takot na takot pang yumuko saakin. Para silang mga pusang binasa saka pinahanginan sa tapat ng aircon.
"No need to call me Madam, can call me Nicky if you want." Well, I don't mind.
"Come on say my name." Inantay ko sila pero ni isa ay walang bumanggit ng pangalan ko. I face palmed dahil alam ko nalang kung anong nagyari while they are not with me kanina.
"Okay just do what you want hindi ko kayo pipilitin. Come closer and let's talk about your salary. I promised you kanina na babayaran ko kayo handsomely and I intend to keep that promise. This is your contract, you can write whatever amount you want would suffice." Nagkatinginan silang dalawa bago lumapit saakin at nag sulat ng amount.
"A-ano lang po ba ang magiging trabaho namin."
"Ricardo chill lang kayo, as I sad bodyguard ko kayo. It's not like magpapaligpit ako ng tao sainyo or something." I joked pero parang hindi nakatulong dahil mas lalong bumakas ang takot sa mga muka nila.
Ays they are helpless, tinignan ko ang sampong libong pisong sinulat nila sa papel at napailing. Dinagdagan ko ng tigisang zero sa dulo ng mga numerong sinulat nila at saka inabot ang tig isa nilang kopya.
"Nicky- este Madam sobra naman ata masyado to." Ibinalik ni Cholo saakin ang papel pero pinigilan ko siya.
"Una palang yan, if you'll do a great job I'll add another zero to that."
"Thank you talaga Madam"
"Thank you po, wag kang mag alala gagawin namin ang lahat para masunod ang lahat ng gusto mo."
"Good! Then you may leave maaga pa tayo bukas." Nakipag kamayan pa sila saakin bago lumabas ng kwarto ko.
After that, naiwan nanaman akong nalulunod sa katahimikan sa kwarto ko.
I need a good plan. Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa dating office ni Papa kung saan nakatago ang armory na iniwan niya saakin. Muli akong pumasok sa vault and I took my time para muling libutin ang loob.
These assets, wala akong pakialam sa mga ito. Wala akong pake kahit na ilang bilyon pa ang halaga ng mga gamit at ari-ariang nakapangalan saakin dito. When I was I child, all I wanted was Papa's love and attention which he never gave me until the day he died. Tapos ngayon makikita ko ito? Everything was properly transferred, as if inasahan na niyang mangyayari sakanya iyon.
Pero ang hindi ko lang maintindihan, bakit niya iniwan saakin ang mga ito. From the very start he was expecting me to became the next boss . Maraming customized na gamit na natambak dito which is carved with my name.
Huh! Hindi na ako ang Nicky na kilala niya. He wants me to inherit the familia? Over my dead body.
Since these are mine then I have the right to use these. But I will never sit in this place. The moment Papa died, he became the last Lucchese bloodline to rule the mafia organization.
Pinulot ko ang gintong baril na una kong tinignan noong unang pumasok ako dito. Although wala akong mahanap na tulad sa string na madalas kong gamit, I find these gun beautiful.
Ibinalik ko ang lock ng vault at agad lumabas papuntang garahe. I need to clean the car before Pietro and the other maid does.
Pagkababa ko, naabutan ko si Pietro at Cholo na nililinis ang sasakyan.
"Who told you to clean the car?" I did not expect them to be here at this hour.
"Ah Madam Nicky naalala ko kasi kanina na madumi yung kotye mo kaya napag pasyahan namin na linisin nalang muna." Ikinarga ni Ricardo sa garbage bag ang duguang damit ko.
"Nakita ba ni Pietro to?"
"Hindi pa Madam, kailangan po ba muna naming mag report kay Sir Pietro bago galawin ang mga gamit mo?"
Nakahinga ako ng malalim ng sa sinabi ni Cholo.
"No need, simula ngayon wag na wag niyo nang hahayaang may ibang maki alam sa sasakyan ko kahit si Pietro pa o mga galamay niya ang mag sabi okay?" Tumango sila bilang sumbat at saka binigyan ako ng daan para makapasok sa loob ng sasakyan.
Malinis na ang loob nito at walang bakas ng kahit na isang pata ng dugo sa loob. I checked the compartment kung saan naka tago ang mga armas na nilagay ni Pietro at halatang hindi nagalaw, good.
I still need to test these two bago ko sila tuluyang pagkatiwalaan. Only then will I disclose some of my secrets to them. I placed the gun sa baba ng upuan nang parehong hindi naka tingin saakin ang dalawa.
I have thought of the perfect plan para sa impostor ko. I can do it in just a day pero, that would be boring para sa last mission na gagawin ko. To make it memorable 3-7 days will do. I just hope that this fake Widowed Rose will meet my standards.