Chapter 7: Skin disease

1495 Words
"Mauuna na ako, thank you for the food." Palihim kong tinignan ang muka ni Nicky. Akala ko di na maalis yang nakakabiwsit na ngiti nito sa muka, pero kagabi that was the first time I saw her with other emotion. Something that doesn't seem fake. "Huy Jimmy okay ka lang?" Siniko ako ni Jane at natatawang inabot sakin ang bag ko. She knew, from the moment na pumasok siya sa vault kagabi. She already knew I was hiding behind the divider. I have a feeling na di normal si Nicky. I should warn the others about her. Something tells me that she is dangerous. Nang masiguro kong nakaalis na si Nicky, tinawag ko ang sila Anna at iba pa. "Sino sainyo ang nag utos sa Tres Sorority?" Walang paligoy ligoy pang tanong ko sakanila. Kilala ko na ang ugali ng bawat isa sa kanila pero minabuti ko pa ring mag tanong sakanila dahil this matter is no joke. "Hello? Since when did Papa's organization started backing some cheap sorority group? Obviously walang nag utos sakanila." Si Jane ang sumagot at isinilampak ang sarili sa sofa habang abala ito sa pag pindot sa cellphone niya. "Si Beverly ay anak ng beteranong miyembro ng organisasyon. We never acknowledge their sorority as part of the organization." Kibit balikat na sabi ni Jose. "No one acknowledged them but no one also rejected them so they assumed that they are under the protection of the organization."  Napabuntong hininga ako sahil sa sitwasyon. Sa sobrang abala namin sa mga malalaking problema sa mafia, nakaligtaan naming tignan ang mga maliliit na bagay gaya nito. "Jose, threaten those 3 at sabihin mong wag nilang idamay ang organisasyon natin sa mga kalokohan nila kundi mananagot sila." "Bakit? Didn't you enjoy the show yesterday?" Natatawang sumbat ni Jose ngunit natigilan ito ng makitang seryoso ako. "I believe Nicky is not Normal. We need to be careful around her." I answered honestly. "I agree, tinanong niyo ako kahapon kung saan galing ang bitak ng bibig ko? It was Nicky's doing. Not only that." Itinaas ni Bane ang damit nito at ipinakita samin ang dalawang malalaking pasa sa katawan niya. Nangingitim ang mga ito. "s**t, Bane sigurado ka bang okay ka lang? Para kang nabalian ribs."  "We entered her room without permission and she acted agressively. Hindi din ako nakawala at ito ang inabot ko sakanya." Dagdag pa ni Anna at ipinakita ang leeg niya. Di man gaanong halata dahil sa mga tattoo niya pero may bakas ng pasang hugis ng kamay. Tinignan ko ang mga pasang tinamo nilang dalawa at makikita kung gaano kalakas ang pwersang ginamit ni Nicky. This is not good, this shows na hindi siya takot saamin. "Sa tingin niyo wala ba talaga siyang alam tungkol sa mafia?"  Natahimik kaming lahat sa tanong ni Jose dahil alam naming lahat na malaki ang posibilidad. Ano  ba talagang pakay mo Nicky? I don't belive that having a degree is your goal in coming back. --- So they were not as stupid as I thought them to be after all, well done. Napangisi ako habang masayang pinagmamasdan ang langit. Nasa bubong ako ng mansion ngayon at mahinahong nakikinig sa mga pinag uusapan ng lima. Sabay-sabay silang lumabas ng mansyon at tuluy-tuloy pa rin sa pag uusap. Hindi ko na marinig ang mga sinasabi ng mga ito dahil masyado na silang malayo sakin. Papalapit silang lahat sa sasakyang ibinigay ko sakanila. Nakapag tataka lang, alam kong malalaki ang income ng mga to pero bakit di sila maka bili ng sari sarili nilang mga sasakyan? Tumalon na ako mula sa bubong para bumaba at pumasok na din sa univerisity.  Pag dating ko ay agad akong dumiretyo sa locker ko para magpalit ng damit dahil nakalimutan kong PE nga pala ang klase namin ngayon. What the f**k? Hindi na ako nakailag pa dahil pagkabukas ko ng locker ko ay sabay sabay na sumabog ang fart bomb. "Blegh-Hahahahaha" I gagged at saka malakas na natawa dahil sa sobrang baho ng paligid. Nangilid ang luha ko dahil sa sobrang baho ng locker ko at kamuntik ko ng maisuka ang kinain kong almusal. Napalayo naman sakin ang mga estudyanteng malapit sakin. Halata ang awa sa pagmumuka ng lahat pero ni isa ay walang pumaharap para tanungin kung okay lang ba ako. Sabagay, if I were them I would do the same. Pinunasan ko ang nangingilid na luha ko at mabilis na kunuha ang PE uniform ko. Luckily hindi kumapit ang amoy sa damit at pansamantala lang ang itinagal ng amoy sa paligid. Hmm Tres Sorority is really interesting. Anyway di ko naman sila papatulan, wag lang nilang sasagadin ang pasensya ko. And besides they're quite entertaining. Napailing nalang ako at dumiretyo na sa aquatics area ng university. "Ugh swimming class at 7AM? Seryoso?" Rinig kong pagmamaktol ni Jane at napaupo sa gilid. "Okay class, alam kong marami na sainyo ang marunong nang lumangoy pero dahil parte ito ng curriculum, you still need to do the practicums okay?" Tumayo na ang prof namin at pinag linya silang lahat. Ako naman ay nanatili lang sa mga bench at masayang pinagmasdan silang lahat. Hays finally, makakapag pahinga ako mula sa mga lectures, sulat sulat at kung anu-ano pa. I love PE. "Hey Chumchum anong pang ginagawa mo diyan?" Pagtataray ni Beverly sakin. Napunta naman ang atensyon ng lahat saakin at gaya ni Beverly ay inaantay din nila akong makisama sakanila. Nginitian ko lang silang lahat at saka ibinaling ang tingin sa professor namin na kanina pa wala sa ulirat matapos makita ang mga kaklase kong nakasuot ng swimming attire. "Oh oo nga pala ngayon ko lang n-naalala. According to the dean, she has a contagious skin diseas-- Oh I was not suppose to tell you this pero parang ganun na nga. Hindi allowed si miss Pasamonte na lumangoy sa PE class natin." Napaubo ng malakas si Bane at di makapaniwalang tumingin sakin kasama ng iba. They all sneered at me as if I can hear them saying shameless. Nag iwas naman ako ng tingin sakanila pero di ko naitago ang ngiti ko sa lahat.  That damned Pietro sa dinami dami ng sakin na pwedeng sabihin niya, contagious skin disease pa talaga? Anyway I ordered him to do that dahil matatanggal ang make up ko sa katawan. "You won't be swimming in the pool, but at least try doing dry-land swimming." Lumapit sakin si sir and he was about to pat my shoulder pero nag alanganin ito. I almost burst out laughing dahil sa inasta nito. This is very silly. Pero this is also good, walang mag lalakas loob na hawakan ako. Matapos ang ilang mga paalala, nagsimula na din kami sa mga kanya kanya naming gagawin. While the others are enjoying the water, ginagawa ko din ang dapat kong gawin sa lupa. Okay don't get me wrong, ginagawa ko ang maayos ang parte ko no.  Habang abala ako sa pagsasagawa sa ibat-ibang posisyon ng paglalangoy, natigilan ako dahil may tatlong pares ng basang paa ang tumigil sa harapan. "Chumchum, get my towel sa locker ko. I think naiwan ko doon" Sinundot sundot ako ni Alyssa gamit ang paa nito. "Eww bakit di mo sinabi na may skin disease ka? Ikaw pa naman nag buhat ng mga gamit namin kahapon. Paano nalang pag nahawa na kami? OMG pano pag nahawa talaga tayo Beverly??? " "Kailangan nating magpa- derma agad agad pagkatapos neto." Tumigil ako sa ginagawa ko at naupo sa exercising mat ko. "Hindi ba kayo nag aalala? Sa pagkaka alala ko, ang sabi ng doctor ko ay nakakahawa ang sakit ko just by touching once or twice." Humawak ako sa baba ko at umastang parang nag iisip. "Now that you said that, bakit parang nangangati nga ang buong katawan ko?" Nag aalalang sabi naman ni Mikha. Stupid, that might be a reaction from the pool's chlorine. I chuckled dahil sa mga reaksyon nilang tatlo. Tatayo na sana ako para kunin ang sinasabing tuwalya ni Alyssa pero di ko inasahan ang malakas na pagsipa sakin ni Beverly sa likod. I was able to avert mysel from falling pero I ended up shoving the person right next to me. Nahulog siya sa pool and unluckily, nahulog siya 4ft area.  "Blaire!" Nag silapitan ang lahat sa kinaroroonan namin. Nag antay kami saglit pero ilang segundo na ang napapalipas pero di parin gumalaw ang lalaking tinawag nilang Blaire. He might have banged his head nung mahulog siya. "Anong nangyayari dito?" Tumalon na sa tubig ang prof naming kararating lang at mabilis na inahon ang lalaki. "I saw Nicky push him." Maarteng sabi ni Beverly at tumingin sakin as if she's saying that I should shut up. Nalipat naman ang tingin sakin ng prof namin. "Diba sinabihan ko naman na kayo kanina? What are you 5 year old kids?" Mabilis naman na nakarating ang school nurse at binigyan ng pangunahing lunas ang lalaki. Why are they overreacting? Nahulog lang naman siya, its not like he is ganna die or something.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD