Augh! Para akong paulit ulit na inuntog sa pader pagkatapos kong mangopya ng sagot. This is worst than the actual practice. At least noong sinubukan kong galawin ang finance ng mga kompanya ko it was not this hard. Oh my God I am so pathetic and hopeless.
Mas lalo akong nainis ng maramdaman ko ang pagdampi ng tatlong pares ng palad sa balikat ko.
"Hahaha welcome sa grupo Nicky!" Pinaghahampas pa nila ang likod sa tuwa.
Augh what have I gotten myself into again. I face palmed at pinag patuloy ang mag magmukmok sa upuan ko.
"Back off scorpion boys, kami ang naunang nakahanap kay Chumchum so pag mamay ari namin siya."
Nakadagdag pa sa inis ko ang matinis na boses ni Beverly. Maarte niyang hinawakan ang manggas ng damit ko at hinila ako papalayo kila Ace.
"Hoy hoy hoy bride of Chucky para malaman niyo, kasali na sa gang si Nicky kaya sa oras na gagalawin niyo siya kami ang makakalaban niyo." Hinila naman ako pabalik ni Miky sakanila.
Augh I'm not into this childish play today, bagsak ako sa quiz ano kayang magyayari panigurado pag nalaman nila Jacob na nangopya ako sa unang quiz ko sa university pagtatawanan lang nila ako.
"Hands of scorpion boy." Muli akong hinila ni Beverly pabalik sakanila at isinuot saakin ang bag niya. Kasunod at ipinakarga saakin nila Alyssa at Mikha ang mga libro nilang hawak.
Kinuha naman ni Bernard ang mga hawak kong libro at ihinagis kung saan. Muli akong hinila ni Miky papunta sa kanila pero this time hinila din ako ni Beverly. Paulit ulit nila akong pinag agawan hanggang umabot sa puntong ginawa na nila akong lubid ng tug of war ng magkabilang grupo.
Maliban kay Blaire na walang pakialam saamin, lahat na sila ay pinaghilaan ako. I felt a pang on my shoulder, alam ko na agad kung ano iyon pero nanatili lang tikom ang bibig ko. Patay ako kay Pietro nito bubungangahan nanaman niya ako pagkauwi ko.
Nag umpisa sa ngisi hanggang palakas na ng palakas ang tawa ko. Sabi ko na eh, wala talaga akong mapapala kapag mapapasama ako sa mga tulad nila. Normal na buhay lang naman ang gusto ko, lord anong mahirap intindihin doon?
Eto na ba ang karma ko sa pagpatay ng maraming tao?
Sa huli, nahila ako nila Ace papunta sa side nila at itinago ako sa likod nilang tatlo.
"Chumchum pag hindi ka pumunta dito ngayon alam mo na kung anong mangyayari sayo." Nagdabog si Alyssa at tinignan ako ng makahulugan. I shook my shoulder at nagiwas ng tingin.
"Diyan ka lang Nicky, as long as kasama mo kami hindi ka mabubully ng mga gorgons na mga to." Pft gusto kong matawa dahil sa childish side na ipinapakita nila Ace.
"Excuse me? Kami? Gorgons? Hahaha may sira ba ang mata mo Ace? Hindi mo ba nakikita yang muka ni Nicky, mas masahol nga siya sa gargola eh. Tignan mo naman yang pulbos ng muka niya at pulbos ng leeg niya hindi pantay!"
Ehem, inayos ko ang naka tabinging eye glasses ko. Pft napansin ko din kanina ang hindi pantay na pagkakalagay ni Anna sakin ng make up, haha sabagay labag sa loob niya ang pinapagawa ako sakanya. Kung ako din naman ang pinilit na magtrabaho panigurado hindi ko din pagbubutihin.
"We... mas maganda nga si Nicky sayo eh." Pang aasar na singit ni Bernard sa usapan.
"Y-you! Fine! Now that we've come to this, tignan lang natin kung sino ang matapang. Mikha, call the Lucchese family headquarters." Mukang batang inagawan ng lollipop si Beverly dahil sa mga inasta niya.
Nag dial na nga si Mikha ng number sa phone at inabot kay Beverly. Oh talaga ba?
Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa balikat. Pagkatingin ko sa damit ko ay unti unti ng nakukulayan ng pula ang dating yellow na suot ko. Nakita din ni Blaire pero wala siyang kibo kaya hindi ko nalang din ginawang big deal since sugat lang naman ito galing sa saksak, malayo sa bituka. Pasimple kong hinugot ang jacket ko sa bag at isinuot ito para takpan ang balikat ko.
"Natalo ka sa laban kaya mag susumbong ka sa Daddy mo? Pathetic." Napunta ang tingin ng lahat kay Blaire. Tumayo na siya at kinuha ang mga gamit niya.
"Magsumbong ka kung gusto mo. Good luck with that."
Tignan mo tong lalaking to, kalalaking tao ang galing umirap. Hinila na ako nila Ace palabas sa loob ng classroom.
"Siguraduhin mo lang hindi mo kami masasalubong sa loob at labas ng campus Nicky, alam mo na kung anong mangyayari sayo." Ngingit ni Beverly at binangga ako ng magtapat kami sa labas.
Although hindi ganun kalakas, nasaktan pa din ako ng kaunti dahil sa tingin ko ay tuluyan nang bumukas yung tahi ko kagabi.
Alam ko yung mga ganitong klase ng tao gaya ni Beverly eh, mga ayaw tumanggap ng pagkatalo. Since alam niyang hindi niya kayang kabanggahin sila Blaire, she will pick on me na sa tingin niya ay mahina at walang kalaban laban. Haha well that's what I've been waiting for anyway. Nagsasawa nadin naman na ako sa mga pranks nila.
Gusto ko din mabugbog at mapahiya. Again, I am not a masochist okay? Gusto ko lang masubukan since ako lagi ang nambubully.
"Nicky sasama ka ba o hindi?" Bumalik ang diwa ko ng marinig ko ang boses ni Bernard. Medyo nakalayo na sila ng mapansin ata nilang hindi ako nakasunod sakanila.
"Sino ba kasing nagsabi na sasama ako sainyo?" Tinaasan ko sila ng kilay. Wala na kaming kalase ngayon dahil major subject lang ang schedule namin ngayong araw. Balak ko na sana umuwi at isa pa kailangan kong mag shopping para sa mga gamit ko.
"Halika na Nicky kasama ka na namin at isa pa baka masalubong mo sila Beverly sige ka." Gusto kong matawa dahil sinusubukan nila akong takutin which is not affecting me at all.
"Who says na kasama siya sa gang?" Natahimik ule kaming lahat ng sumingit si Blaire.
"See? Ayaw ng boss niyo." Gusto kong matawa dahil sa mga ityura ng muka ng tatlo. Para silang binigyan ng award tapos binawi. Naglakad ako sa opposite direction ng pupuntahan nila Ace para makatakas na ako sakanila. Mga kalalaking tao pero napaka clingy.
"Teka teka, nangopya ka samin kanina ah!" May pahabol pang pagmamaktol si Miky pero hindi ko na pinansin. Saka nalang nila ako singilin sa pinakopya nila saakin kung perfect namin ang quiz.
Tuluyan na akong lumabas sa campus at nag drive papuntang pinaka malapit sa butika. At dahil bawal ang mag park sa harap, minabuti kong nagparada ng ilang metro mula sa drug store at naglakas nalang papunta.
Bumili ako ng mga disinfectants at pangbalot sa sugat ko. Habang nag aantay, narinig ko ang sapan ng babae at lalaki sa tabi ko. It's not like I'm eavesdropping okay? Masyado lang talagang enhanced ang hearing sense ko at di sinasadyang marinig ang usapan ng dalawa. Muka silang magkarelasyon at halatang may pinag aawayan ang mga it.
"Sabi ko naman kasi sayo itigil mo na yang trabahong yan! Sinasabi ko sayo papatayin mo talaga ako sa konsomisyon." Mahina lang pero halata ang gigil sa boses ng babae.
"Wag dito babe maraming makakarinig ng usaan natin."
"Wala akong pakia alam. Pag sinabi kong tumigil ka na sa pagbibenta ng droga, tumigil ka na! Tignan mo kung anong nangyari sayo, nabaril ka sa paa pero hindi ka makapunta sa kahit na anong hospital dahil wanted ka na!" Tumingin saakin ang lalaki at ngumiti pero binale wala ko lang at nagkumwaring walang narinig.
"Hindi mo maintindihan babe, hindi mo kasi kilala ang boss namin. Kapag nalaman niyang may titiwalag sa grupo sigurado hahabulin nila tayo."
"Ako ang iharap mo sa Widowed Rose na yan. Wala akong pakialam kung miyembro pa ng Isis o kahit na anong organisasyon pa ang babaeng yan. Babe tayo ang pinapahamak niya eh."
Parang napantig ang tenga ko ng masama ang pangalan ko sa usapan nilang dalawa. Oho, someone's using my name at idinawit pa nila ang pangalan ko sa ipinagbabawal na gamot. Hmm in a small country like Philippines may naglakas loob dungisan ang pangalan ko. I like this person, should I pay her a visit?
"Thank you." Nginitian ko ang babaeng nag abot ng mga pinamili ko. Mabilis akong bumalik sa sasakyan ko at iniwan ang lahat ng pinamili ko. Ibinaba ko ang upuan sa back sit ng kotye ko at tumambad saakin ang isang 45 ACP, Mk14, Mp5 at Mp7 na baril. Hmmm pinakialaman ni Pietro ang sasakayan ko. I only put 8 types of daggers here now, meron ng mga baril.
Kumuha ako ng dalawa lang na kutsilyo saka bumalik sa parmasya pero hindi ko na naabutan ang magkasintahan.
"Miss matagal na bang naka alis yung dalawang bumibili kanina dito?" Tumayo ako sa kinatatayuan ng dalawa kanina.
"Ay opo Ma'am naglakad lang po sila kanina papunta doong direksyon."
Di na ako nag aksaya pa ng oras at tumakpo papunta sa lugar na itinuro niya. Mamaya na tong sugat ko, mag sasaliksik lang ako tungkol sa impostor.