Nagising akong may bitak ang labi at nabalot na parang mummy. Isa isa kong hinatak ang mga naka kabit sa katawan ko pero natigilan ako ng mapansin ko ang limang nakanganga sa gilid. Hunugot ko ang huling karayom ng suwerong nakatusok sa kamay ko at nginitian lang sila.
"Ouch-ouch" Nakangiti kong pag iinarte kuno bago bumangon mula sa higaan ko. I looked at the clock at nakita kong ilang oras nalang ay malelate na kami.
"Where are you going madam?" Bumukas ang pinto at pumasok si Pietro dala ang almusal ko.
"To school duh?" Pinagpatuloy ko ang pagkalkal sa damitan ko kung ano ang pwedeng maisusuot ko ngayon.
"Pietro prepare my money I'll go shopping later."
"You're not going anywhere."
Natigilan ako dahil sa sinumbat niya sakin. Natawa ako ng malaks sa sinabi niya. Pinunasan ko ang gilid ng mata ko dahil nangingilid ang luha ko kakatawa.
"Since when did you care about me?" Naupo ako sa gilid ng higaan at inilahad ang palad ko sa harap ni Pietro. Alam naman na niya agad ang hinihingi ko at inabot sakin ang eye glass ko. Mas maayos na ito ngayon at mas tama ang grado dahil hindi na nakakahilo kumpara sa gamit ko kahapon.
"Wala kang alam Nicky, wag mo naman sana bastosin si Pietro." Mahinahong sabi ni Jimmy sa gilid.
"Yeah right, wala akong alam." I glanced at Pietro at smirked. Kinuha ko ang inaabot ni Pietrong black card at agad din akong lumabas sa kuwarto.
"Madam mabuti naman po walang nangyari sayo." Lumapit sakin ang ilang mga katulong sa loob ng mansyon at nakipag usap sakin saglit bago nagsibalikan sa mga trabaho nila. Binati din ako ng iba ng lumabas ako para kunin ang sasakyan ko.
I checked my car at bagong linis ito sa labas at loob, good. Agad akong pumasok at nakahinga ng malalim dahil wala pa ang prof namin. Good, I'm just in time.
"Na miss mo ba ako?" I wiggled my eyebrows at siniko sa tagaliran si Blaire. Hays ka boring talgang seatmate nitong taong to, parang bloke ng yelo ayaw pa tinag.
"Pst! Nicky! Pucha okay ka na?" Kahit di ko pa lingunin ang sumisitsit saakin ay alam kong nang si Ace yon. Lumipat ng upuan si Bernard at Miky malapit saamin ni Blaire para makipag asaran pa.
"Nicky, the immortal cat."
"I'm not as weak as this pussy." Tinuro ko si Blaire at naghagikgikan kami nila Bernard.
"Simula ngayon Nicky welcome ka sa grupo namin, tiba-tiba ka eh. Gusto mo ba sumali sa gang?" Excited na alok saakin ni Miky.
Tumingin muna ako kay Blaire para pagmasdan ang reaksyon niya mula sa alok ng mga kaibigan niya pero as usual, boring. Wala kang makikita ni isang twitch man lang sa kilay niya.
"Nah I'm good, ayaw kong masama sa gulo niyo. Who wants to be stabbed by a knife everyday? Baliw lang ang sasama sainyo." Kaya nga ako pumunta ng Pinas para mamuhay ng normal, kapag sumali ako sakanila para akong namulot ng malaking bato at ipinukpok sa ulo ko.
I looked at the empty seats in the room, who these punks need to be lectured. Ang lakas naman ng loob nilang mag absent. I'll lecture them when I get home.
"Yung mga lima bang Lucchese hinahanap mo? Eto lang babala ko sayo Nicky ha, pagtripan mo na lahat wag lang yang mga yan. I will never get close to anyone from Lucchese family if I were you. Those Lucchese bastards are murderers, we all hate them. Malas nga namin we ended in the same class with those bastards-"
"Watch your mouth Ace." Singit ni Blaire at inirapan kaming lahat.
Oh? May galit siya sa mga Lucchese? Haha ano kayang magiging reaksyon nya kapag nalaman niyang isa din akong Lucchese hahaha I think it would be very priceless.
"Simula ngayon Nicky kasali ka na sa gang." Inakbayan ako ni Bernard.
"No"
"No" Nagkatinginan kaming dalawa ni Blaire dahil sabay kami ng sinabi.
"We can be friends pero, I will not join the gang. Ayaw ko pang mamatay no at isa pa, ano namang makukuha ko sainyo aside from attracting murderers and scary peoples? No thanks."
"Ayaw mo talaga?" Seryosong sabi ni Miky.
"Ayaw ko nga."
"Seryosong ayaw mo talaga?" Inilapit naman ni Ace ang upuan niya saamin.
"Oo nga seryosong seryoso ako. Paulit- ulit?"
"Sasabihin mo benefits ng papaging kasali mo sa gang namin Nicky, pag sasali ka ma-eenjoy mo lahat ng benefits ng pagsama saamin. Lahat ng pagmamay ari ng gang sayo na din. Marami din tayong pwedeng gawin kapag magkakasama tayong lima. Pag friends limited lang ang pwede mong gawin saamin." Bernard grinned which made me look at them with disgust.
"Mga dugyot kayo." Niyakap ko ang sarili ko at natatawang lumayo ng kaunti sakanila.
"H-hoy Nicky! Ikaw ang dugyot anong iniisip mo? Kababaeng mong tao ang baboy ng isip mo." Binatukan ako ni Miky.
"Seryoso nga ayaw mo talaga?"
"Oo nga ang kulet?" I sighed at umayos na ng upo ng makita kong pumasok na sa klase ang prof namin.
"Sinabi mo yan ah, wag mong pag sisihan." Napailing nalang ako dahil sa sobrang kakulitan nila Ace. Haha who would want to join their petty gang.
"Okay class bring out your exam book and in 2 minutes we'll be starting your first quiz."
What? Nagpalinga linga ako sa paligid ng magsilabasan sila ng kanilang mga exam book. What may quiz ngayon? Bakit hindi ako nainform?
"Yan napapala mo kapag natutulog ka sa klase, dimwit." Mahina lang pero rinig ko ang pangungutya saakin ni Blaire. Nakatulog ba talaga ako? Shet, unang quiz ko bagsak pano na yan wala na ata akong ginawang tama simula ng tumapak ako sa lupa ng bansang ito.
"Okay good for 1 hour lang ang quiz na ito guys ha, get one test paper then pasa niyo sa likod. I'll be back to collect the papers." Umalis na ang prof at iniwan ang lahat na busy sa pagsagot sa quiz.
Mag sasampong minuto na ata pero hanggang ngayon ay hindi ko pa sinisimulan ang quiz ko. What the f**k? I am Widowed Rose, an assassin who survived more than thousands of missions. Akala ko sa labanan ako mamatay, sa quiz ng accounting lang pala. Putangina I've never been in a situation like this before, sitwasyong feeling ko wala akong takas. Gago wala akong alam dito.
I felt a slight movement from Blaire. I saw him threw a piece of paper kila Ace. Pagkapulot nila ng papel na ay agad silang nagsulat ng sagot sa exam book nila.
Tinignan ako ni Ace at iwinagay ang papel nilang mayroon ng sagot. Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga aksyong ginawa nila. I looked at Blaire pero hindi lang niya ako pinansin. These bastards!!!
"Ano gusto mo ma zero o sumali sa gang? Bahala ka 20% ng grade natin to." Sobrang hinang bulong sakit ni Bernard.
Oh lord, bakit parang nagiging marupok ako.
"Shameless, sobrang shameless. Lahat kayo shame on you." Pinagmasdan ko silang nagkokopyahan at saka ang papel kong kanina panag blangko. Oh God, I can't resist the temptation. So eto ang sinasabi nilang part ng benefits kanina?
Umayos ka Nicky! Ano bang pinunta mo dito? Diba mag aral? Bakit ka mangongopya? Tinapiktapik ko ang magkabilang pisngi ko at nag concentrate sa questionnaire na hawak ko.
What the f**k ano tong mga to?
Okay, mag che-cheat ako pero ngayon lang. Ayaw kong bumagsak, sa next quiz mag rereview na talaga ako. Exemtion ngayon kasi first time ko. I tried to persuade myself.
Walang hiya sino bang niloloko ko? I rested my head sa mesa ko.
"Yohoo Nicky, sasali ka na ba?" Mapang asar na sabi ni Miky at Ace sa tabi ko.
Urgh, why can't I do things right? Aside from assassination, are there other things that I can do? Wala pang isang buwan I'm already going against my principles and goals what the f**k.
"Sige I'm in you shameless motherfuckers."