Chapter 10: Did you kill her?

1282 Words
Abala sa kanya kanyang mga ginagawa ang lahat ng nasa loob ng mansyon. Nagmamadali ang lahat dahil sa oras na dumating si Nicky ay di na malayang magagawa ng mga ito ang kanilang tungkulin sa mafia. Walang tiwala sila Jimmy, Jane, Anna, Jose at Bane kay Nicky. Kahit na ilang beses pa silang sabihan ni Pietro na maasahan nila si Nicky ay may pag dududa pa rin ang mga ito sakanya.  Napukaw ang atensyon ng lahat ang isang malakas na hampas sa pintuan ng mansyon. "Ah! S-sir si Madam!" Natatarantang tumakbo ang isa sa mga katulong sa kinaroroonan nila Jimmy. Padabog na tumayo si Jane at sinundan ang katulong pabalik sa kinaroroonan ni Nicky.  "Wala pang isang linggo simula nang dumating si Nicky pero tignan mo kung anong klaseng kaguluhan na ang ginagawa niya sa loob ng mansyon Jimmy." Naiiling na sabi ni Bane bago bumalik sa trabaho. "Guys, si Nicky lagot tayo kay Pietro." Halos takasan na ng kulay ang muka ni Jane na bumalik sa mga kasama nito. Naalarma naman ang iba at mabilis na pumunta sa kinaroroonan ng komosyon. Naabutan nila ang dalagang nakasubsob sa sahig at lumalangoy sa sariling dugo. "May malalim siyang sugat, natahi pero bumukas siguro ule ng bumagsak siya." Ihiniga ni Anna si Nicky ng maayos at inalisan ng suot na jacket at damit. Sinubukan nilang pigilan ang pag dugo pero tuloy tuloy pa rin ito sa pag agos. Nagsimula ng magkagulo ang lahat ng tao sa mansyon. Maging sila Jimmy at nag sisimula ng mataranta. Ibinilin ni Pietro ang kaligtasan ni Nicky sa kanila. Alam nilang anak ni Papa si Nicky kaya naman ay sobra sobra ang pagpapahalaga ni Pietro sakanya. "We're done, Pietro's ganna kill us." Napabalik balik ng lakad si Jane. "Anong nangyari dito? Did you kill her?" Gulat na gulat naman si Jose na kararating lang sa mansyon. "We need to move her, call Pietro now."  Sumunod agad ang apat sa utos ni Jimmy. Walang naglakas loob na tumingin sakanya dahil sa nakakatakot nitong ekspresyon ngayon. Pantay pantay man ang posisyon nilang lima sa mafia ngunit di maipagkakaila nila Anna, Jane, Jose at Bane na mas malayong mas malakas si Jimmy sakanila. Lumapit si Jimmy sa duguang dalaga at dahan dahan itong binuhat papasok sa masterbedroom. Tinawagan na din nila ang lahat ng doctor ng pamilya para bigyan ng lunas si Nicky. "How is she?" Nag aalangan na tanong ni Anna sa doctor.  "Di maganda ang lagay niya she's been stabbed 4-5 hours ago and she lost a lot of blood. Natahi ang sugat niya at nabigyan ng pangunahing lunas pero bumukas uli. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw tumigi--" Marahas na bumukas ang pinto at iniluwa ang galit na galit na si Pietro. Umalingawngaw sa loob ng kuwarto ang limang malulutong na sampal. "Diba sinabi ko sainyo na wag niyo siyang pababayaan?!" Nanlilisik ang muka ni Pietro. Kasunod na pumasok sa loob ng kuwarto ang dalawang doctor na may hawak na malalaking aparatus.  "She needs blood, her bloodtype is AB negative." Lumapit ang unang tumingin kay Nicky sa kararating na mga doctor para tumulong. "We know, and she has hemophilia. Ms. Nicky has been our patient since she was six, so please move aside." Naglabas ang mga ito ng mga pakete ng dugo at nag simula ng saksakan si Nicky. Habang ginagamot si Nicky, lumabas naman si Pietro kasama iba pa sa kuwarto. Tahimik ang lahat at walang naglakas loob na gumawa ng ingay. "Anong nangyari?" Tanong ni Pietro pero ni isa sakanila ay walang nakasagot. "See? Hindi niyo alam. I gaved you 5 people one job at yun ay ang protektahan si Nicky. Five people para sa isang trabaho pero hindi niyo parin magawa ng maayos?And you all f*****g expect to be the leader of the organization?" "Sa tinginin niyo hindi ko alam kung pano niya siya itrato kapag hindi ako nakatingin?" Maslalong napayuko ang lima dahil sa mga sinabi ni Pietro. "Didn't I already introduce her to you? Answer me!!!" "Siya ang kaisa-isahang anak  ni Papa." Si Bane ang unang nag salita. "And aside from that?" Sunod na tanong ni Pietro. Natahimik muli ang lima. "See? Hindi niyo siya kilala--" "That's the reason Pietro, hindi namin siya kilala. You know it, hindi namin siya and kilala at wala kaming tiwala sakanya." Si Jimmy na ang sumunod na sumagot. Naubos na din ang pasensya nito.  "Why the hell would we care for someone na kakikilala lang namin?" "Because I said so." Madiin na sumbat ni Pietro. "Ipaintindi mo naman samin Pietro, this is not like you." Umupo si Pietro sa couch at napahilot sa sentido. "Iniwan ni Papa ang mafia sa kamay ni Nicky pero may malaki akong kasalanang nagawa na alam kong hinding hindi ako mapapatawad ni Nicky." "Akala ko ba wala siyang alam tungkol sa mafia?" Naguguluhang tanong ni Bane. "She knows a little." Sinenyasan ni Pietro ang lima para umupo. "Pero hindi niya alam ang tungkol sainyo." "I did something to her that night. It was the biggest mistake I have done my whole life. Something happened kaya pinalaki ko kayong lima para iwan sainyo ang mafia pero di ko lubos inakala na babalik si Nicky." "So ganun nalang? You're ditching us after all the hard work that we have done for the familia?!" Di makapaniwalang tanong ni Jane. "All of these was originally hers in the first place Jane." Seryosong sumbat naman ni Jose at pinakalama si Jane sa tabi niya. "Yan ang unang balak ko ng makita ko si Nicky but she refused to take ger posisyon in the mafia kaya walang pagbabagong mangyayari sa organisasyon. And besides hindi ko din alam if she has what it takes to be a leader. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa loob ng sampong taon." Natahimik muli ang lahat. "So please at least ang kaligtasan lang niya ang masigurado niyo." "P-Pauulit ulit mong nabanggit Pietro, ano bang nagawa mo sakanya?" Nabaling ang tingin ng lahat kay Anna. "It is not for you to know. Pray that nothing will happen to the madam or else." Tumayo na si Pietro at iniwan ang lima.  "She f*****g tricked us, alam niya ang tungkol sa mafia." Nagpipigil ng galit na sabi ni Jane. "Yes Jane pero di mo ba narinig? She lost contact for more than 10 years now." Pinatahan naman siya ni Jose. "Oo pero that is not the point. She's acting like a white lotus in front of us all this time. That woman is a green tea. Hinding hindi niya ako makukuha sa pangiti ngiti niya." "We've taken her rightful place, isn't that enough para naman igalang natin siya Jane?" Singit naman ni Anna sakanila. "Siya ang tumanggi Anna, its her faulth." Tumahimik muli ang paligid. Wala mang nagsasabi pero alam nilang lima na tama ang sinabi ni Jane.  "Where the hell did she even get that wound?" "I'll investigate about it." Tumayo na si Jose at kinuha ang computer nito. Tumagal ng ilang minuto bago natapos ni Jose ang pag trace sa mga dinaanan ni Nicky paglabas nito ng University. "Nasama sa labanan sa hotel kung saan siya madalas mag parking." "Nakita mo ung sinong sumaksak sakanya?" Lumapit si Bane sa kinaroroonan ni Jose. "Hindi ko nakita dahil nasa blind spot sila ng CCTV pero kung titignan mo, etong mga taong to ang may gawa." Itinuro niya ang mahigit kumulang kinseng tao sa gilid. "Investigate kung sino sila and dispatch our men para iligpit silang lahat." Walang emosyong sabi ni Jimmy at pumasok sa kinaroroonan ni Nicky. Agad namang ginawa ng apat ang kani kanilang parte ng trabaho at sinunod ang utos ni Jimmy. Kailangan nilang matapos to para mabawasan ang galit ni Pietro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD