Chapter 22: Joana Richardson [2]

1823 Words
Nilingon ko si Marinela and she only mouthed 'sorry'. I have watched these kinds of scenes as mga drama eh, tutal I am assuming a bitchy-rich character for my mission this week, I think I should do some practice. "I want this one." Nagtawanan silang lahat bukod sa broker na umaasikaso saakin. "Sinasabi ko sayo Marinela sinasayang lang niya ang oras mo eh." "Baby I change my mind, I want this sone." Muling hinawi ako patabi ng babae at hinila ang asawa niya papalapit sa itinuro ko. "Eto po ang pinaka best choice para sainyo Mr. at Mrs. kasama na ang kotye at bahay dito. dalawang palapag lang ang bahay pero sobrang lawak ng ariarian. this is 550 Million." Excited na bulalas ni Ella. Naupo ako sa stool na nasa tabi ko habang si Marinel ay nakatayo naman sa tabi ko. I smiled at her ng nakakaloko at ginantihan din niya ako ngiti. "550 Million? Hahaha baby tayo palang naman ang titira sa bahay eh, why not go with 100 Million for now then we'll expand the house after madagdagan ang pamilya?"  "No! I wan't this one!" Sige ate ipilit mo pa. Gusto kong matawa dahil sa ityura ng lalaki. Binilang ko kung ilang beses nag twitch ang muka ng lalaki. Tagaktak din ang pawis niya kahit na malamig sa loob. Makahulugan niyang tinignan si Ella para tumulong itong kumbinishin ang sawa. "Ah- Oo maam k-kung ako po tatanungin mas maganda yung bahay na 100 Million para sainyong dalawa." Dali daling sulsol niya. "Bakit? Ikaw ba ang titira? Who asked for your opinion?" Nagsimula ng tumaas ang boses niya. Nagmistula itong batang inagawan ng lollipop. "Bibilhin mo ba o hindi? Kasi kung hindi ako na ang kukuha." Tumayo na ako at pinagpag ang damit ko. "Y-you! Baby! You will buy this or we're done!!!" "Miss wag mo na patulan tong mahirap na to, panigurado hindi rin naman niya mabibili yan." Tinignan nila akong tatlo mula ulo hanggang paa. Pagkatapos nito ay medyo tumahan ang babae. Wow ha, muka ba talaga akong pulubi? "Okay fine, what you said made sense. Muka naman siyang mahirap." Walang nagawa yung isa ay lumipat sa ibang miniatures. "It's final eto na ang bibilhin namin." They settled in a 175 Million house. Naging mabilis ang proseso nila sa pag pirma at pag aayos ng requirement. Matagal na silang natapos pero hindi pa din sila umaalis at patuloy na pinanood ang bawat galaw ko. Pinag iisipan ko kung bibilhin ko ba ang pinaka mahal nilang bahay o hindi. Although nababastusan ako sa isang broker nila, mabait naman ang umaasikaso saakin kaya I decided not to leave. "Umalis ka nalang miss kung hindi ka rin naman pipili." Rinig ko pa ang pang aasar ni Ella pero hindi ko siya pinansin. "Malaki ba ang commission mo kapag nakabenta ka ngayon?" I looked at Marinel at sinagot naman niya ako ng tango. "Okay I'll buy your most expensive offer and I am looking for a limousine." Kinindatan ko siya. "Hahahahaha" "Hahahahaha" "Hahahahaha" Umalingaw ngaw sa buong office ang tatlong malalakas na tawa. Hindi ko nalang sila pinag tuunan ng pansin at sinenyasan si Marinel na ihanda na ang mga papeles. "Hindi mo kailangang mag paapekto sa mga sinasabi nila you know. If kailangan mo ng matutuluyan, I have an apartment. We can divide yung payment, napansin ko kasi muka ka palang estudyante eh." "Signature over printed name." Tinuro niya ang panda kung saan dapat ako mag fi-fill up. "I'll let you keep my files pero you need to promise me that these will be well hidden and won't be accessed by others." Nag iba ang mood ko ay seryoso ko siyang kinausap. Isa-isa kong sinulat ang letra ng mga pangalan ko, NICKY LUCCHESE followed by my signature.  "Promise me." Malamig ko siyang tinignan sa mata.  "O-Opo M-Ma'am pasensya na po kayo k-kung may nagawa akong h-hindi maganda." Agad niyang niligpit ang mga papeles at ikinarga sa mini vault na nasa tabi niya. "You better keep that promise, I will not enjoy it if masasama ang muka mo sa listahan ng familia." Bumulong ako at walang alin langang nagpatango tango siya. "Ano na? Hindi ka pa din mag babayad?" "See baby? I knew she was bluffing mabuti nalang hindi ka pumatol sa trip ng hibang na yan." Masama ang tingin saakin ng lalaki. So what? I don't have a wallet or bag na dala. Walang kagamit gamit na nakakabit sa katawan ko maliban sa isang mini dagger na ginawa kong pantali ng buhok at ang black card ko na nakaipit sa garter ng short ko. Where was it? I'm sure inipit ko lang dito somewhere eh. I rummage my body mula sa bra ko pababa sa shorts ko para hanapin ang card dahil wala ito sa naglagyan ko. "Wag ka na magkaila miss, aminin mo na na wala kang pambayad." "Mga bata talaga ngayon, anong sinasabi ko sayo Marinel? Nagsayang ka lang ng bondpaper." Pinagtatawanan na nila ako pero hindi ko sila pinandin. Tumalon talon ako para wagwagin ang katawan ko. Natigilan silang tatlo ng may nahulog sa sahig. It is a black shiny card with a silver and gold lining. Hindi tanga ang mga nakakita sa card para hindi malaman kung ano ang sinisimbulo nito. Supremacy and unimaginable wealth. "There it is, here swipe it. I'll also leave you a million as a tip for your great service." I was saying these words while grinning sa tatlo taong natuod sa kinauupuan nila. "Y-You! You must have stolen that card! I-rereport kita sa mga pulis." Hinablot ng asawa ng lalaki ang card na hawak ni Marinel at saka lumayo saaming dalawa. "Oo, tatawag na akong pulis ngayon h-humanda ka!" Nag labas ng phone si Ella at nag pindot pindot ng kung anu anong numero. Sinubukang makiusap ni Marinel na ibalik ang card at mag usap kami ng maayos pero hindi sila paawat. Niyakap na ng babae ang card sa dibdib niya at nag tago sa likod ng asawa niya. Are they even husband and wife? Para silang magkalaguyo. Hayst magyayabang lang dapat ako pero bakit umabot naman sa ganito? Like what the f**k halatang saakin yung card saan naman nila nakuha ang ideyang ninakaw ko yan? "You should try to read the name on that card bago mo angkinin." Sinalampak ko ang sarili ko sa swivel chair at nilibang ko ng kaunti ang sarili ko. Ayaw kong sanang marinig ng iba ang pangalan ko eh,but there's nothing I could do. If I punch that woman's face right now, I swear magiging gulo lang ito. "If you think you can carry that card for the rest of your life then fine take it, I have lots of it anyway."  Dahan dahang binaliktad ng babae ang card para makita ang pangalang nakalagay sa black card na hawak niya.  N. P. LUCCHESE Nagpabalik balik ang tingin ng tatlong tandem saakin at sa card.  "L-Lucchese? Miss are you from that family?" Sa isang iglap, ang mga taong masama ang tingin at puro pang uuyam ang binibigay saakin kanina ay tila biglang nag iba. What the heck?  "Miss alam kong sayo itong card na ito, p-pinulot ko lang para pagpagan ng likabok na kumapit." Iniwan niya yung card sa mesang nasa tabi ko at dali daling nagpunta sa likod ng lalaking kasama niya. "Baby nakabili naman na tayo ng gusto natin pwede na tayong umalis diba?" Aligaga silang naglakad papuntang exit. "Pagkatapos ng mga ginawa niyo, who said that you can leave just like that?" Inabot ko ang cutter sa mesa at ibinato sa pinto dahilan para matigilan sila. Agad akong naalarma ng humarap silang dalawa saakin at tumakbo papalapit. Mistulang lalabanan nila akong dalawa kaya ihinanda ko ang sarili ko. Akmang sisipain ko na sana ang babaeng naunang nakalapit saakin pero pinigilan ko ang sarili ko ng biglang lumuhod ang babae sa harapan ko habang pinag kikiskis ang mga palad niya. "M-Miss pasensya ka na, hindi na mauulit gagawin ko ang lahat ng gusto mo palabasin mo lang kami sa office na to ng buhay." Nakisama din ang lalaki sa pagluhod. "How about you?" Tinaasan ko ng kilay si Ella na dahan dahang tumatakas papalayo saamin. Mas mabilis pa sa alas tres na tumakbo papalapit si Ella at nakiluhod gaya ng dalawa sa harapan ko. I smiled ng pumasok isip ko ang scene sa dramang napanood ko. Should I try that one? "Fine, if you slap yourselves ten times, bow to me three times and say 'I am a dog', I'll let you off." Did I go to far? Ganito ginagawa ng mga antagonist sa bawat panood diba? Walang alin langang ginawa ni Ella ang sinabi ko. Sampong malalakas na sampal ang ibinigay niya sa sarili niya at saka yumuko saakin ng tatlong beses bago tinawag ang sariling aso. Pft cute. Hindi ko mapigilang matawa dahil sa ityura niya. "You're too much! Why would I do tha--"  "Baby!" Nagsimulang magbunganga ang babae pero pinigilan siya ng kasama niyang lalaki.  "I will not do that!" Halow magkamatis ang muka ng babae dahil sa galit. Tinaasan ko sila ng kilay dahil nagagawa pa din niyang magmatigas. "Fine, you what's your name." Tinuro ko ang lalaki. "D-David Soho." Oh? David Soho? From the womanizer son of Soho Corp.  "Okay David, slap her ten times and you won't have to slap yourself hehe. Slap her as hard as you can of course." I grinned  Let's see, mahal mo o dignidad.  Isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa buong office. Oh hohoho, this is so fun to watch. If kasama ko sila Jocob I think they will enjoy this too. "B-Baby-" Halos lumuwa na ang mata ng babae dahil sa gulat habang hawak niya ang pisngi niya. Another loud sound of slapping was heard in the office. Gaya ng sinabi ko, sampong beses ang ginawa ni David. Good good muli akong natawa dahil sa muka ng babaeng akala mo kung sinong maganda kanina ay halos magmuka ng baboy ngayon. Her face got swollen beyond recognition. "Now miss nagawa ko na ang sinabi mo so were done here." Tinulungan niya ang kasama niyang makatayo. "Were done? I don't think so, ang sinabi ko slap her ten times and you won't need to slap her. Pero diba sinabi ko din kanina you hae to bow three times and call yourselves a dog?" I laughed "This is too much." Kumunot na ang noo niya at seryosong tumingin saakin kaya nag seryoso na din ako. "Do it or I'll make you do it. But I'm telling you, I may not be able to control my strength and di mapigilang ibaon ang ulo niyo sa lupa." I warned. Agad nama silang natakot at gaya ng sinabi ko, yumuko sila. "I am a dog" "I am a dog" Halata ang pang gagalaiti nilang dalawa at dali daling lumabas ng building. I shrugged at humarap kay Marinel. "Get the house ready before 10PM, I'll move there as soon as possible."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD