Chapter 46: Who are you? [5]

1237 Words
"Yang asawa mo kumain ng mahigit dalawang kilong paninda kong letchon pero wala naman palang pambayad!" "Kumain siya ng apple nan aka display sa tindahan ko!" "Inagaw niya selpon ng anak ko mabuti nalang at nakita ko edi natangay na sana niya!" Asawa? Kailan ako nagkaroon ng asawa? Kumunot ang noo ni Blaire at di napigilang kinutusan sa ulo ang babae sa tabi niya. "Nicky!" Nang gigigil niyang hinila papaharap si Nicky at hinawakan sa leeg upang gabayan siyang yumuko at himingi ng tawad sa mga naperwisyo. "Pasensya na po talaga kayo, hindi po niya alam ang kalakaran sa mga local na area. Ahh mga sir, pwede po bang ilista niyo ang utang ni Nicky at bayaran nalang po namin ng pautay-utay? Dito lang naman po ako kay sir magtatrabaho e" Itinuro ni Blaire ang may ari ng bagsakang pinasukan niya. "Siguro nagtanan kayo no?" "Jusko mga kabataan talaga oo, walang awa sa mga magulang" "Tignan niyo nga ang babata niyo pa." Pag rereklamo nila isa-isa. Pasimpleng kinurot ni Blaire si Nicky sa tagiliran. Nicky dahil may gana pa itong matawa sa sitwasyon nilang ito. "Sige ako nalang ang magiging guarantor ni Blaire sa mga utang niya sainyo." Pumaharap ang bagong amo ni Blaire. Saka lang sila natigilan sa mga reklamo nila. "Babalik kami sa loob ng tatlong araw." Agad nilang nilista ang lahat ng mababayaran kay Blaire at saka isa-isang nagsialisan. Ng makaalis silang lahat, di na mapigilan ni Blaire ang inis kay Nicky lalo na ng makita ang listahan ng babayaran nila. "Nicky!!! Papatayin talaga kita! Imbes na kakailnganin ko lang mag ipon ng tatlong libo, nagkautang ka pa ng apat na libo? Akala ko ba aalis ka na?" Hinawakan ni Blaire ang braso niya. "Hindi maganda ang nananakit ng asawa iho, sinabi mo nalang sana sakin na dalawa pala kayo. Pwede ko naman siyang gawing taga linis ng isda dito pansamantala. Tawagin niyo nalang akong Tata Ebong gaya ng iba dito" Inawat niya si Blaire. Hindi makapaniwala si Blaire dahil kanina pa nila pinagpipilit na asawa niya ang halimaw na babae sa harapan niya. "Pwede kayong tumirang dalawa sa dating lugar na inalok ko saiyo Blaire, kailangan niyo lang linisan ng kaunti dahil imbakan yon." "Salamat po Tay Ebong, hayaan niyo po pagbalik naming sa Maynila babalikan kita dito para bayaran ang naitulong mo samin." Nakipag kamay si Nicky sa matanda. Hindi naman makapaniwala si Blaire dahil sa mga pinagsasabi ni Nicky. Ang dati nitong tatlong libong goal na iipunin ay na triple ng wala sa oras. Muli siyang nagpasalamat sa matanda at hinila si Nicky sa lumang warehouse na pansamantala nilang matutuluyan. "Nicky!" "What?" Natatawang sumbat niya kay Blaire. Mas lalong nairita ang binata dahil tila walang konsensya si Nicky. Nagagawa pa rin matawa sa sitwasyon nilang dalawa. Napahilamos nalang ito sa muka gamit ang mga palad niya. Wala na siyang magagawa sa pag uugali ni Nicky talaga na atang may sapak ang babaeng to. "Mag tatrabaho tayo sa bagsakan ng isda ni Tata Ebong okay? Kargador ako at ikaw naman ay maglilinis ng isda. Magiipon tayo ng sampong libo para makalipad tayo pabalik sa Maynila bago ang school trip okay?" Inabot ni Blaire ang apron kay Nicky. Walang naming angal na tinanggap ni Nicky at isinuot. Ihinatid muna ni Blaire si Nicky sa imbakan ng isda kung saan siya magtatrabaho. "Bear with me okay? Wag kang gagawa ng kahit na anong kalokohan Nicky mabait si Tatay Ebong wag kang pasaway." Nagmistulang anim na taong gulang na bata si Nicky dahil sa mga paulit ulit na paalala sakanya ni Blaire. "After ng work ko susunduin din kita para sabay tayong uuwi okay?" "What if maki tawag ka nalang kay Tay Ebong? At tawagan mo na sila Ace para sunduin tayo? Pinapahirapan mo lang sarili mo e." Hindi maintindihan ni Nicky kung bakit kailangan pa nilang gawin ang mga ito kung pwede naman silang magpasundo nalang sa mga kaibigan. "No." Tumalikod na si Blaire at walang lingong iniwan si Nicky. "What's wrong with him? I was just suggesting di niya naman kailangang umasta ng ganyan pwede naman niyang sabihin e." Nagkibitbalikat nalang si Nicky at pumasok sa imbakan. -- "At sino ka naman?" Nakapamewang sa harapan ko ngayon ang isang matabang ale na may hawak na fish scaler at matulis na kutsilyo. Sa bawat galaw niya ay umaalog ang malalaki niyang s**o pati ang triple chin niya. I covered my mouth gamit ang braso ko dahil sobrang lansa ng paligid. Di gaya sa lansa ng dugo ng tao, mas masangsang ang amoy ng isda dito. "Ohhh nandito ka na pala, halika halika at ipapakilala kita sa mga magiging kasamahan mo iha." Mabilis na naglakad papalapit sakin si Tay Ebong at hinila ako papalapit sa mga babaeng nag lilinis ng isda. "Eto nga pala si Nicky, asawa siya nung bagong kargador natin kaya ipinasok ko na din bilang kasamahan niyo. Turuan niyo siya kung anong gagawin." Di ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang lahat ng nasa paligid ko. This is somewhat the normal life that I wanted. Even though this is this just temporary, I am really glad dahil at least ay mararanasan ko. "Thank you Tay Ebong I'll my best not to disappoint you." Umalis na ang matanda at naiwan ako sa mga kasamahan ko sa paglilinis ng isda. "Thank you Tay Ebong I'll do my best not to disappoint you... daming arte o ayan kutyilyo gamitin mo para pambutan sa tyan ng isda." Ginaya ako nung matabang ale kanina saka ibinato sa harapan ko ang kutsilyo. Sumakto ito sa isang palanggana ng isda na may tubig pa kaya tumalsik sa pagmumuka ko ang tubig na ubod ng lansa. "May pa tattoo tattoo ka pang nalalaman akala mo naman kung siga, wala din naman palang perang pang hulog sa kumakalam na tiyan."Umupo na silang lahat at nagsimulang gawin ang kanya kanya nilang trabaho. Kahit na sinabihan sila ng may ari na turuan ako sa mga gagawin, wala ni isa sakanila ang nagpresintang gawin iyon. Kaya naman ay pinanood ko nalang ang mga ginagawa nila mula sa umpisa hanggang sa final na product at ginaya nalang sila. "Bilisan mo ng mag umpisa Nicky kasi nakabase ang bayad mo sa isdang malilinis mo. Tatlong piso kada tilapiang malilinis mo ang bayad." Sinundot ako ng matandang babaeng nasa tabi ko. Wala akong ibang nagawa kundi magmadali na din dahil base sa bilis ng paglilinis ng mga kasama ko, baka maubusan ako ng trabaho kung tatanga tanga ako. Pero malupit ang reyalidad. Naka ilang balde ng isdang nalinis ang mga kasamahan ko. Tinignan ko ang balde sa tabi ko ay napabuntong hininga sa kaisa-isahang isdang nalinis ko. Mas lalo akong na depress dahil kaunti nalang ang natitira sa mga isdang malilinisan. "Mukang di ka sanay sa hirap a, bakit ka ba nandito? Ah, nga pala tawagin mo nalang akong Lita." Pakilala nung maangas na matabang ale sakin kanina. "Pag pasensyahan mo na si Lita ganyan talaga yan sa mga baguhan dito. Muka lang siga pero mabait." Natatawa namang sabi sakin nung isa. Malapit ng mag uwian pero isa palang na isda ang nalinis ko. Lumapit sila sakin at pinagtawanan ang nagiisang isda sa tabi ko. "Nako anong ginawa mo sa isda?" Natatawang sabi ni Lita at pinulot ang isdang durog-durog na at halos hindi na makilala ang ityura. I pouted dahil sobrang pinaghirapan kong linisan ang isdang yan. I never thought life without money would be this hard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD