Ayaw mo ha, gumapang ako sa pwesto niya at pilit na siniksik ang katawan ko sa yakap niya.
"What the hell are you doing? Hindi ka ba nahihiya Nicky? I'm f*****g naked can you please at least give me space?"
"Nilalamig nga ako, tyaka madilim naman sa loob wala naman akong nakikita. Huwag kang mag alala hindi kita pagsasamantalahan." I hist at mas lalo pang dumikit sakanya.
Akma na sana siyang lalayo kaya humarap ako sakanya at ikinawit ang mga hita ko sa beywang niya. "Move or else sasabihin ko sa mga kaibigan mo ang nangyari ngayon."
I warned him at umepekto naman dahil tumigil siya sa pagpalag. What's wrong with him? Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagod o dahil sa mga galos na natanggap ko pero mas mabilis akong nakatulog kesa sa normal.
---
"Mga kabataan talaga ngayon wala ng pinipiling lugar."
"Nasaan magulang ng mga ito, i-report ba natin sa barangay?"
Nagising akong dahil sa dami ng yapak na naglalabas pasok sa loob ng container van. Pag mulat ko ng mga mata ko ay bumulaga sakin ang muka ng mga trabahador sa paligid. Dahan dahan akong kumalas mula sa yakap ni Blaire na hanggang ngayon ay mahimbing paring natutulog.
Tinawag ko ang pangalan niya habang dahan dahang inuuga.
"Come on Nicky." He murmured at tumalikod lang sakin saka nagpatuloy sa pagtulog.
Mas lalong lumakas ang bulong bulungan ng mga tao sa paligid ng makita nila ang lagay naming dalawa ni Blaire. Tad tad kami ng pasa sa buong katawan. Hindi halata saakin dahil sa mga tattoo ko sa katawan pero, kabaliktaran kay Blaire. Yung mga pasa pasa niya conincidentally looked like hickeys.
Malakas kong sinapok ang ulo ni Blaire at agad naman itong napaupo at masamang tumingin sakin. Galit, inis pagkatapos ay natulala. Sinundan ko ang direksyon ng mata niya at dumapo iyon sa katawan kong tadtad ng tattoo. Oh, I think nabura ang make up na ginamit ko kagabi noong magbabad kami sa tubig.
Pero hindi yon ang importante ngayon. Nginuso ko ang likoran niya at mabilis naman niyang nilingon, ngayon lang niya napansin ang dami ng mga taong nanonood samin ngayon sa loob.
Nakatingin silang lahat samin na parang kaming mga hayop sa loob ng zoo.
"Aalis ba kayo o tutunganga nalang kayo diyan? Baka gusto niya ireport pa namin kayo sa barangay?"
Mabilis naming inayos ang sarili namin ni Blaire at walang lingong tumakbo papalayo sa kinaroroonan naming dalawa.
"Stop staring." Tumigil kami sa pagtakbo para habulin ang hininga naming dalawa. Dumaan kami sa eskinita ng mga bahay bahay at pasimpleng nag nakaw ng mga damit na naka sampay sa labas.
"Totoo ba to?" Lumapit siya sakin at bininat ang balat ko sa leeg. I shrugged at nagpatuloy na sa paglalakad. Naupo ako sa bench habang si Blaire ay abala sa pakikipag usap sa mga tao sa paligid. Mabilis din siyang natapos at tumakbo papalapit sakin.
"So?"
"Hey is this the reason why you don't want to join our swimming class?" Tinuro niya ang balat ko.
"And what the hell happened to your face?"
"Sa tingin mo pagkatapos mo kong idamay sa problema mo at iwan kasama ng mga manyakis kagabi hindi ako magagalusan?" Alam kong ang mga pasa sa muka ko mula sa huli kong mission ang tinutukoy niya pero I concealed the truth. And besides it is somewhat true naman na nagalusan din ako kagabi.
"I never thought you were a chaterbox Blaire. Don't you have other important things to say?" Tumigil ako sa paglalakad at nagpawewang sakanya.
"We're in Pwerto Prinsesa Port." Napakamot siya sa ulo.
"Do you have ways to contact your friends para sunduin tayo?"
"No, wag mong silang tatawagan."
I sighed dahil napaka walang kwenta ng kasama ko. Inayos ko ang buhok kong buhol buhol bago lumapit sa isa sa mga taong nakitang kong may hawag na smartphone.
"Hi sir, mind if I borrow your phone? Makikisuyo lang sana ako ng tawag, don't worry I will pay you handsomely." I smiled pero duman ang ilang segundo pero hindi parin sumumbat sakin ang nilapitan ko.
"50,000? 100? 500?" I raised a brow pero napahalakhak lang ang lalaki sa sinabi ko.
"Miss magkano ka?" He licked his lips at hinawakan ako sa balikat. What the heck? Wala na bang matinong tao sa Plipinas? Ibinaba niya ang hawak niya sa braso ko hanggang napunta sa bewang ko. Ibabalibag ko na sana siya ng bigla pumagitna samin si Blaire.
Ng hindi pumalag ang lalaki ay hinila na niya ako pabalik sa kinauupuan namin kanina.
"You don't need to help me you know." I crossed my arms.
"Hindi ikaw tinulungan ko kundi siya okay? Who knows kung ano pang gawin mo sakanya at makulong pa tayo dito. Mag isip ka nga Nicky."
I realized na tama nga naman ang sinabi niya.
"Anong balak natin? Wala tayong pera or kahit na anong gadget na dala. Wala akong memorized na number sa contacts ng phone ko ni isa. Just call your friends already bakit ba napakatigas ng ulo mo." Sinipa ko ang paa ni Blaire dahil prenteng prente siyang naka upo.
"How come wala kang alam ni isang number sa mga contact mo Nicky? That's f*****g impossible."
I shrugged, "Simple, sila ang laging may kailangan sakin. I don't need to call them, sila ang kusang lumalapit, ako man or sila ang may kailangan."
"How conceited, how about you call your parents?"
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya, "I wish I could do that pero, there's no phone in the afterlife."
Natahimik kaming pareho at ilang minutong di nag imikan.
"How about you, why don't you call your parents." I observed his reaction, nakakatuwang pagmasdan dahil lalong naglapit ang kilay nito.
"I still don't trust you."
"Well, the feeling is mutual. If that's the case should we go on separate ways?" Tumayo na ako at nagpapag ng damit. I don't wanna be stuck with this stone-faced person, palaging biyernes santo ang pagmumuka.
"Pray that we won't see each other again" I waved my hands at naglakad na papalayo. Walang magandang nangyayari kapag kasama ko ang lalaking yan. My goal is to have a normal life and I will stick on that.
---
"That hellcat, talagang iiwan niya ako." Pinanood ni Blaire ang likod ni Nicky na papalayo ng papalayo sakanya.
Hanggang ngayon ay di pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari magdamag. Di siya sigurado sa katauhan ng dalaga ngunit alam niyang hindi siya pangkaraniwan. Kailangan niyang balaan ang mga kasama nito sa gang para mag ingat kay Nicky, who knows baka may pakay siya sakanila kaya mabilis siyang napalapit sakanila.
She could kill someone in an instant if she wanted to. Naalala ni Blaire kung pano pumatay si Nicky, maging siya ay hindi sigurado sa magiging kinalabasan ng laban kung silang dalawa ang mag papatayan. Hindi rin siya makapaniwalang nag susuot siya ng make up at napaka kapal na concealers this whole time. The moment na natanggal ang lahat ng mga ginamit niyang pangtakip sa katawan, hindi niya lubos inakala na ang mukang kengkoy na babaeng nakilala niya sa loob ng klase ay mala diyosa sa ganda. Hindi niya tinatanggi at hanggang ngayon ay gulat na gulat pa din siya sa nadiskubre.
Napag pasyahan niy Blaire na magtabaho muna sa port ng isa hanggang tatlong araw para makaipon ng pera pauwi sa Maynila. Naglibot libot siya s alugar kung saan maari siyang makahanap ng kahit na anong klase ng trabaho. Sa huli, nakapasok siya sa isang bagsakan ng isa at napili bilang kargador. Mabait ang may ari at pinayagan itong mag umpisa na ng trabaho ngayong araw mismo at inalok din ng matutuluyan sa lumang warehouse.
"Thank you so much sir, kapag nakabalik po ako saamin babalikan po kita." Nakipag kamay si Blaire sa may ari.
"Blaireeeeeee!!! Joke lang sinabi ko kanina sasama ako sayo hahahaha!!!"
Napasapok sa ulo ang binata ng makita ang muka ng taong pinaka ayaw niyang makita muna ngayon. Si Nicky tumatawang, tumatakbo papalapit sakanya habang hinahabol ng mahigit sampong katao. Mabilis na nakatakbo si Nicky at nagtago sa likod ni Blaire.
"Kasabwat mo rin ba yan?!" Tinutok ng lalaking nagmimistulang matador ang hawak nitong malaking kutsilyo.
"Nicky what did you do this time?"