KABANATA 3

1864 Words
GENEVIEVE “Dang it girl! How can you manage to finish all of it?” Gulat at manghang sambit ni Gianna sa akin. “What? Like it's hard?” Natatawang biro ko habang ginagaya pa ang maarteng boses ni Elle Woods sa Legally Blonde na movie. “Hala! Pinapanood mo rin yan?” Mas ikinagulat na sambit ni Gianna kaya bahagya akong natawa. “You never failed to surprise me huh?” Biro pa niya. “Pero wait! In all serious talk, how can you do that? Imagine ilang trabaho agad ibinagsak sa'yo for the whole day tapos natapos mo siya hindi pa lumulubog ang araw?” Amazed na sambit ni Gianna habang nagkakalakad papalapit sa desk ko. “Hindi naman mahirap e.” Kibit balikat at painosenteng sambit ko. Ang una ko kasing ginawa ay nag-focus ako sa planning. Bago ako mag start, in-assess ko agad yung mga workload at pinrioritize kung ano ang pinaka-urgent at kung ano ang pwedeng pagsabay sabay na gawin. For example, habang nagpi-print ng report, pwede ko ring sagutin yung emails na quick responses lang naman ang need. Sa ganitong paraan, hindi nasasayang ang bawat minuto. “Time management.” Natatawang tugon ko kay Gianna habang kumakain ng tinapay. Break time kasi namin, wala na rin naman binigay na gawain sa akin si Haze as of the moment kaya sinusulit ko na. Habang ginagawa ko ang mga trabahong binagsak ni Haze ay ginagamitan ko ito ng focus at multitasking. Hindi ko sinabay-sabay ang lahat, pero efficient na step by step approach ang ginawa ko. Sa printing ng report, na-set up ko agad ang printer para habang nagpi-print, may oras na akong mag-check at mag-organize ng emails. Ganun din sa 200 pages na documents, pinrint, ini-scan, at na-file ko in batches para mabilis, organize at smooth ang trabaho. Pinaka-importante, attention sa details. Kahit super tight ang timing, sinisigurado kong walang errors sa report at maayos ang formatting. Sa emails at files, careful din ako sa organization para hindi na kailangan ng redo. For sure ay gigisahin lang ako ni Haze kapag nagkamali ako. Kaya sa bawat step, nanatili akong calm at confident, dahil alam kong kung maayos ang strategy, kaya kong matapos lahat nang maayos sa time frame. And syempre, kahit parang imposible sa umpisa, na-manage ko lahat nang smooth, confident, at graceful. Very easy, very basic. Lahat ng tasks, reports, emails, documents, at files ay natapos ko on time, organized, at accurate. Parang magic nga, pero ang secret lang talaga ay planning, prioritization, focus, batching, at confidence. “Tángina sana may duplicate mo, mag aavail ako kahit habang buhay ko na pagbayaran oh.” Reklamo ni Gianna kaya mas lalo akong natawa. “Sirà, time management lang talaga yan. Walang oras na dapat masayang, lahat dapat gamit.” Biro ko pa. Hindi nag tagal ay natapos na ang break time kaya naman bumalik na rin si Gianna sa kaniyang ginagawa. Medyo magaan pa naman ang workload niya kaya kung minsan na may hindi siya alam o hirap siya ay tinutulungan ko siya. “Hi.” Pambating bungad ni Salvius pagkapasok sa office namin. “Good afternoon, Sir.” Sabay naming sambit ni Gianna. “Balita ko binagsakan ka na ng maraming workload ni Haze ah?” Biro ni Salvius sa akin. “She's already done, walang mintis, walang mali.” Tumatawang sambit ni Gianna dahilan para mapataas ang kilay ni Salvius. “Really?” He said while he looked amused. “Mhm.” Tugon ko. “Mukhang may katapat na yang alaga mo Kuya Salvius.” Tumatawang sambit ni Gianna na ngayon ay natigil nanaman sa kaniyang ginagawa. Ang bilis talaga makuha ng attention netong babae na ito, kaya hindi natatapos sa gawain dahil yung attention kung saan saan agad naibabaling. “She's not easy to scare.” Dagdag pa ni Gianna. “Yeah, she's feisty.” Nakangising sambit ni Salvius. Naguguluhan ako, kung makapag usap sila ay akala mo naman wala ako dito. “Hay nako.” Sambit ko sa aking isipan. “By the way Genevieve, may meeting mamaya so inaasahan namin na mag oovertime ka agad ngayon.” Nakangiting sambit ni Salvius habang nag tataas baba ang kaniyang kilay. “Ikaw din Gianna.” Tumatawang sambit niya kaya napanguso agad si Gianna. “Wala nanamang takas, may bayad overtime ha?” Reklamo niya kaya bahagya akong napangiti. “Meron syempre. And besides, tayo lang naman mag memeeting.” Sambit ni Salvius. “Tungkol saan?” Taka kong tanong. Hindi ko na mapigilan ang pagka kuryosa ko. “Sa magiging uniform niyo, sa id, sa lahat ng ganap niyo.” Sambit ni Salvius. “Anong meron?” Takang sambit namin ni Gianna. “Magkakaroon na kasi ng uniform per department, per position para ma recognize kung saang dept kayo o kung ano ang position niyo.” Kibit balikat na sambit ni Salvius. “Para nanaman akong bagong salta neto.” Pag paparinig ni Gianna na ikinatawa namin ni Salvius. “Makisabay ka nalang, alam mo namang maarte si Haze.” Biro ni Salvius. “Anyway Genevieve, you can call me Kuya Salvius kapag tayo tayo lang magkakasama, instead na Sir. Too formal.” Reklamo niya at bahagyang naupo sa desk ni Gianna. Mukhang makikipag daldalan ito sa amin dahil naghahanap na ng sarili niyang pwesto. Tumango naman ako bilang tugon, “Ilan taon na ba kayo?” Tanong ko. Umaarya na talaga ang pagiging kuryosa ko. “Twenty Five.” Sambit ni Gianna. Ohh, kaedaran ko lang siya. “Twenty Nine.” Natatawang sambit ni Salvius. “Kuya nga.” Biro ko na ikinatawa ni Gianna. Ang gaan ng pakiramdam ko sakanila, I feel secured and safe. Wag na si Haze, masyadong heartless yon, walang buhay. Hindi naman nag tagal ay dumating na rin si Haze sa office namin kaya agad na nag seryoso si Kuya Salvius at Gianna. Daig pa namin ang maamong tupa ngayon na andito si Haze. Bilis mag shift ng mood, kung kanina maingay, magulo, puro tawanan, ngayon naman ay halos hindi kami makabasag pinggan sa sobrang hinhin kumilos at sa sobrang tahimik. “Should we start?” Tanong ni Kuya Salvius kaya tumango lang si Haze. “First, xongratulations Genevieve for being officially part of our team. As a secretary, you are one of the key people that represent the image of the company. You will work closely with executives, clients, and guests, so it’s important that you always look professional and carry yourself with confidence. In this orientation, we’ll discuss everything you need to know, from dress code, working hours, salary, and company rules, up to your daily responsibilities.” Nakangiting sambit ni Kuya Salvius. Tumayo saglit si Haze upang sagutin ang tawag sa kaniyang phone kung kaya’t sinenyasan nalang niya si Kuya Salvius na ipagpatuloy pa rin kahit wala siya. “Anong ganap ko rito Kuya?” Reklamo ni Gianna. “Walaa actually, damay ka lang para hindi lonely si Genevieve tutal dalawa palang naman kayo.” Natatawang sambit ni Kuya Salvius kaya napatawa na rin ako. “Sirauló talaga kayo ‘no.” Reklamo ni Gianna ngunit wala na rin naman siyang magawa pa. “Our company implements a corporate formal dress code from Monday to Friday, while Saturday has a more relaxed dress policy depending on the occasion or scheduled events.” Seryosong sambit ni Kuya Salvius habang may pinipindot sa kaniyang laptop. “From Monday to Friday, your outfit should always be professional, clean, and well-fitted. Each day has a specific tone or style guideline to maintain consistency and a polished office look.” Dagdag niya at ipinaskil sa screen ng tv ang mga pictures. “Monday and Tuesday : Power Suit Days. Start the week strong by wearing a full formal outfit, blazer, blouse, and slacks or a pencil skirt. Choose solid, neutral colors such as black, beige, or gray. Shoes should be closed-toe heels or formal loafers. Always look neat, confident, and sharp.” “Wednesday : Smart Chic Day. You may wear a sleeveless vest suit or a stylish but still formal set. This is your chance to look classy yet comfortable. Stick to soft colors or light tones that still look office-appropriate.” “Thursday : Executive Day. Go back to a full corporate look. Meetings and presentations usually happen on Thursdays, so this is when you must look your most polished. A blazer, crisp blouse, and fitted trousers or skirt are required.” “Friday : Business Casual Day. You can tone down the look a little. A simple blouse or button-down shirt paired with slacks or a skirt is fine. You don’t need a blazer unless there’s a formal meeting. Just avoid casual jeans, t-shirts, or slippers. Remember, even casual Fridays should still look elegant.” “And last, Saturday : Semi-Formal or Event-Based Attire. On Saturdays, you may wear semi-formal, smart casual, or event-appropriate clothing depending on the company’s schedule. For example, if there’s a company seminar or community event, you can wear something neat but more relaxed. Dresses, tailored pants, or blouses are all acceptable as long as they are modest and clean. This gives everyone comfort and flexibility while still maintaining professionalism.” Mahabang paliwanag ni Kuya Salvius. “Sino nag implement niyan?” Biro ni Gianna na halatang gulat din. Malakas ang loob bumoses dahil lumabas ng opisina si Haze parta makipag usap. “Hindi na dapat tinatanong yan.” Biro ni Kuya Salvius dahilan para mapa iling ako. Haze and his high standard. “Sunday is officially our rest day and family day. The company believes in maintaining a healthy work-life balance. Walang pasok ang lahat ng regular employees tuwing Sunday unless may special company event or emergency work order. Use this day to rest, spend time with your family, attend to personal matters, or simply recharge for the coming week.” Seryosong sambit ni Kuya Salvius. Wow, may ganito pala ang Dawson Corp. “However, if ever you are required to work on a Sunday for a company function, you will receive overtime pay or compensatory time off, depending on HR’s approval.” Dagdag niya pa. “If you're wondering bakit may ganito, simply because gusto rin namin ng pahinga lalo na at pang patàyan ang gawain ni Haze. Baka kung walang ganito ay mga nakaratày o buról na tayo.” Biro ni Kuya Salvius na ikinahagikgik namin ni Gianna. “Every day, employees must wear their company ID visibly while inside the office. It serves as both identification and access pass. Kung wala kang ID, kailangan kang magpa-issue ng temporary pass sa HR bago makapasok sa main area.” Sambit ni Kuya Salvius. “Pinalitan na rin pala yung ID niyo, naka based na rin sa position niyo. So may dalawa kayong ID, ibibigay ko mamaya, paki double check kung may mga mali para maayos agad.” Sambit niya kaya sabay kaming tumango ni Gianna. “Bibigyan ko na kayo clue, malulula lang kayo sa salary niyo.” Tumatawang sambit ni Kuya Salvius. “Ay gàgo irereveal?” Gulat na sambit ni Gianna. “Oo, tiwala e.” Makahulugang sambit ni Kuya Salvius na hindi na namin pinag tuunan ni Gianna ng pansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD