GENEVIEVE
“AAAAAAAAAAAAA!” Tili ko matapos akong tawagan ng Dawson Corp.
“”Anong nangyari anak?” Gulat na sambit ni Tatay matapos akong pasukin sa aking kwarto dahil sa pag sigaw ko.
Mabilis akong bumangon sa aking kinahihigaan at agad na tumakbo papalapit kay Tatay.
“Nakuha ako sa trabaho Nay, Tay!” Tuwang tuwa na sambit ko habang nagtatatalon. Sobrang saya ko dahil sa halos mahigit kumulang isang libo katao ang nag applyu sa Dawson Corp ay ako ang pinaka maswerte, at pinaka mapalad na natanggap at nakakuha ng trabaho sa posisyong secretary.
“Ayun! Congrats anak ko.” Nakangiting sambit ni Nanay na ngayon ay naka gayak na sa kaniyang uniporme na pang teacher.
“Saktong sakto ang balita mo bago ako pumasok sa eskwelahan.” Natatawa niyang sambit at marahan akong niyakap.
“Kailan daw ang simula mo anak?” Masayang sambit ni Tatay.
“Ngayon din po.” Kamot ulong sambit ko kaya bahagya silang sabay na natawa ni Nanay.
“Edi dapat gumayak ka na.” Napapa iling na sambit ni Tatay at marahan akong tinutulak pabalik sa aking silid.
“Sige po, salamat Tay, Nay!” Sigaw ko bago isara ang pintuan sa aking silid.
Nag hanap na agad ako ng aking pormal na damit dahil supposedly may uniform akong dapat isuot pero since kakahire lang nila sa akin ay mamaya ko palang din ito makukuha. For sure ay high end na classy, elegant na maiksi ang isusuo. “Hay nako tipikal na mga sinusuot ng mga secretary sa kumpanya.” Napapairap kong sambit sa aking isipan.
Nang matapos akong maligo ay gumayak na rin agad ako at kumain habang si Nanay ay nag hahanda na rin paalis.
“Sabay na tayo Nieve.” Nakangiting sambit ni Nanay.
Nieve o niyebe ang tawag sa akin ng pamilya ko. Halos lahat din ng mga kaibigan at mahahalagang tao sa buhay ko ay yan din ang ipinang tatawag sa akin.
I look at myself sa reflection ng salamin namin. Naka-dark navy blue blazer ako na may structured fit, hindi siya sobrang hapit pero sakto lang para mag-mukhang sleek. May two silver buttons sa harap, tapos medyo naka rolled up nang kaunti yung sleeves kaya lumalabas yung striped cuff ng inner shirt ko. Ang ganda kasi nagbibigay siya ng laid-back pero polished na dating.
Sa loob ng blazer, naka-blue button-down shirt ako na may white pinstripes. Yung pattern niya simple pero classy, nagdadagdag siya ng konting texture sa outfit ko. Naka-tuck in din siya nang maayos sa trousers ko para mas neat tingnan, and the collar sits nicely under the blazer.
Yung pants ko naman ay high-waisted wide-leg slacks in a dark navy or black shade na match sa blazer. Super flattering siya kasi nagbibigay ng long-leg effect, tapos flowy siya sa baba kaya comfortable kahit buong araw sa office. Yung tela niya mukhang makapal pero soft, perfect for professional settings kasi hindi siya madaling mag-gusot.
Sa pang ibaba naman ay naka-black closed-toe flats ako. Walang design o strap, plain lang, pero very elegant and minimalistic. Ang sarap isuot kasi kahit maglakad ako buong araw, hindi nakakangalay. Plus, bagay na bagay siya sa outfit, simple pero sophisticated.
Yung buhok ko nakalugay, mahaba at medyo wavy, para may konting softness sa structured outfit ko. Parang binabalance niya yung formal vibe ng blazer at slacks.
Sayang nga lang at wala pa akong ID, ang ganda na sana ng outfit ko. Complete package.
Nang makarating ako sa company ay huminto muna ako sa harap ng entrance at huminga ng malalim.
“Galingan mo Nieve.” Bulong ko sa aking sarili bago tuluyang pumasok.
The lobby is very big and very elegant. The floors are polished marble and the walls are decorated with modern art in metallic details. Giant crystal chandeliers hang from the ceiling at the soft lights spread across the entire space. Reception counters are very organized at may assistants na naka-smart suits, moving gracefully habang tinutulungan at ina-assist ang mga clients or visitors. Employees walk fast at focused sa kanilang work. The air is quiet pero may energy na parang every movement and glance matters.
“Welcome to Dawson Corp, Ms. Malton.” Nakangiting sambit ni Salvius.
“Good morning, Sir Salvius.” Magalang at nakangiti kong tugon sakanya.
“Wala pa si Haze, ililibot muna kita.” Natatawa niyang sambit. He looks really approachable, mabait din siya at mukhang mas matanda sa amin ng ilang taon.
Tango lang ang itinugon ko kay Salvius at sinundan siya sa kaniyang paglalakad.
Inside the building, ang bawat floor ay may special purpose. Research and development floors are full of advanced technology, prototypes, and innovative machines. Marketing floors are buzzing with ideas, strategy sessions, at discussions. International business floors connect constantly with offices around the world, with nonstop video calls at communication. Executive floors are ultra-modern at luxurious, parang penthouses na may panoramic views ng city. Conference rooms are equipped with high-tech screens, video links for global meetings, at private spaces for top-level negotiations. Elevators are fast, silent, at may restricted access para sa top executives.
The employees of Dawson Corp are disciplined, skilled, and ambitious. Everyone dresses professionally and moves with precision and confidence. Lahat ng tao ay aware na excellence is expected sa lahat ng oras. Conversations are professional and focused. The energy inside the building is intense, highly organized, and full of ambition. You can feel na bawat tao works hard to contribute sa success ng kumpanya.
“Eto yung private room mo. Office.” Sanbit ni Salvius at marahang binuksan ang pintuan sa harapan namin.
Shocks ang laki, ang ganda.
“Nandyan na si Haze, goodluck.” Bulong niya sa akin bago ako tapikin sa aking braso.
“Good morning, Sir.” Seryoso at magalang kong pagbati kay Haze na tinignan lang ako saglit bago nag tuloy tuloy sa pag lalakad.
Ang aga aga, ang sama na agad ng ugali. Napaka snob.
The CEO, Haze Denzel Dawson, changes everything when he enters a room. His tall height, confident walk, at deep gray eyes make him immediately noticeable. People instinctively straighten up, whispers stop, as the air becomes tense. He is the living embodiment of Dawson Corp, powerful, intelligent, and untouchable. His presence can be felt even in small details of the building. His decisions can affect global markets, industries, and partnerships. Every step he takes gives a sense na he is always in control.
Dawson Corp is more than just a company. It is a global empire, isang symbol ng power, ambition, and luxury. Walking inside, every visitor feels the magnitude, prestige, and influence of the place. Every detail, from polished marble floors, reflective glass walls, chandeliers, artworks, to disciplined employees, reflects success at authority. It is a place where only the best survive and thrive. Influence, reputation, and achievement are considered as important as profit.
Even the smallest details in Dawson Corp send a message. The lighting, furniture, silence between employees, soft hum of conversations, at high-tech security all remind you na Dawson Corp values control, precision, at perfection. Walking through it is awe-inspiring, humbling, and sometimes intimidating. Dawson Corp is truly a symbol of global influence, unmatched luxury, at ultimate success.
Nang matapos ko libutin ang buong kumpanya ay saktong ipinatawag naman ako ni Haze.
“Type and print a 20-page report in 45 minutes, with correct formatting, no errors, and complete details. I'll check it after you finish.” Walang emosyon ngunit seryosong sambit ni Haze.
Holy shít, 45 fúcking minutes? Seryoso ba ‘tong gágo na ‘to?
“Alright.” Tipid kong sambit dahilan para mapalingon siya sa akin.
“Also, answer and organize 100+ emails within one hour.” Dagdag pa niya.
“Print, scan, and file 200 pages of documents before lunch, and last, organize all files and folders before the end of the day.” Seryoso niyang sambit.
Tarantádo rin pala ‘to e. Now I get it kung bakit walang tumatagal sakanya. Sa hinaba haba ng 24 hours, pasensya ko pala talaga ang iiksi sakanya.
“Noted.” Tipid kong sambit at saka bumalik sa aking office.
“Jusko.” Reklamo ko pagkapasok sa kwarto.
“Hi!” Natatawang bungad sa akin ng hindi ko kakilalang babae.
“Gianna.” Sambit niya.
“Gianna Ainsley Harini.” Nakangiti niyang sambit saka inilahad ang kaniyang kanang kamay na agad ko rin namang tinanggap.
“Genevieve Aurora Malton.” Sambit ko habang pinaprocess ang nangyari.
“I am a PR manager and a corporate spokesperson.” Natatawa niyang sambit.
“Magka room tayo, actually may tatlo pang ka-room natin kaso hindi pa nahahanap ang tamang tao.” Biro niya kaya napangiti ako.
“Maraming pinapagawa sa'yo hano?” Natatawa niyang sambit kaya nakanguso akong tumango.
“Normal lang yan, sinusubok ka lang ni Boss. Alam mo ba, sa lahat ng naging secretary, ikaw lang ang agad agad na dinala dito. Usually binibigyan nila ng ibang room yung mga bagong hired na secretary e.” Kibit balikat na sambit ni Gianna.
“Bakit?” Takang tanong ko.
“Kasi nga tinetest palang, pero sa'yo, mukhang pasok ka sa standard, kuhang kuha mo e.” Tumatawang sambit niya.
“Ha? Alin?” Takang tanong ko.
“Malalaman mo rin yan sa mga susunod na araw.” Biro niya at naupo na sa kaniyang table.
“Best friend na tayo dito ha?” Tumatawa niyang sambit kaya tumango nalang ako at sinimulan na ang napagkarami raming gawain.
First day na first day, tambak agad. Oa talaga yang Haze na yan.