HAZE
“Kasi iba yung pain kapag hindi mo nasabi. Iba yung regret kapag hindi ka nag-try. Iba yung guilt kapag narealize mong nasanay ka na pala sa kanya… too late.” Tumatawa niyang sambit. Tahimik lang akong nakikinig kasi at some point, tama siya.
“Allow yourself to feel. Even if hindi mo pa kaya i-label.” Dagdag niya.
“Hindi mo kailangang sabihin agad na “love.”
Start with, “I care.” “I like talking to you.” “I feel safe with you.” “I’m not used to this, pero gusto ko i-try.” “Natataranta ako, pero nandito lang ako.”” Natatawa niyang sambit. Mukhang iniimagine pa talaga na sinasabi ko yon kay Aurora.
“Small honesty is still honesty.” Pag singit ni Kuya Salvius.
“Lower your walls, kahit one brick at a time. Hindi kailangang biglaan. Pero kailangan sincere. Let someone see you, not perfectly, but honestly.” Seryoso niyang sambit.
“Stop punishing yourself for being scared. Fear means may value. Fear means you care. Fear means you’re growing. And growth is never comfortable.” Dagdag pa niyang sambit.
Talagang seryoso siya mag advice sa akin. Ganap na ganap talaga.
“If someone is patient with you, don’t take it for granted. People don’t wait forever. Hindi lahat mag-stay kahit hindi mo ma-define nararamdaman mo. Kung may taong nananatili, gumawa ka rin ng effort, kahit maliit. Kasi love is not one-sided. Love is not passive. Love is a choice you make every day.” Nakangiti niyang sambit.
“You deserve love that doesn’t rush you… pero hindi rin kayo stagnant. Love that grows with you. Love that understands your fear. Love that is patient, but not blindly waiting forever. Love that makes you feel safe, not pressured. Love that teaches, not forces.” Seryosong sambit ni Kuya Salvius.
“You deserve someone who looks at you and says, “I know you’re scared. I’ll walk with you.” Hindi mo kailangang maging perfect para mahalin. Kailangan mo lang maging totoo.” Kibit balikat na sambit ni Kuya Salvius.
“What if si Nieve na?” Tumatawang sambit ni Piper.
“Huwag mong batiin, mang kukulam ka.” Biro ni Kuya Salvius na ikinatawa namin pareho.
“Lumayas na nga kayo dito, para namang wala kayong mga trabaho na aasikasuhin.” Napapa iling kong sambit habang tinataboy taboy sila.
Mag po focus nalang din ako sa mga gawain ko.
“Where are you?” Seryosong tanong ko kay Genevieve sa telepono.
“Nasa office.” Tipid niyang sambit.
“Coffee.” Sambit ko at pinatayan siya ng tawag. Matapos ang pinag usapan namin nila Piper ay para akong natauhan, nakaramdam ako ng takot at hindi ko matanggap ang mga binibigay nilang salita.
Hindi ba dapat ay kabahan ako dahil baka tama sila? Ngunit bakit tila kinakabahan ako hindi dahil baka tama sila, kundi dahil hindi ko kayang tanggapin pa sa sistema ko ang lahat.
I was lost. Parang may kung anong nag pupush sa akin para iwasan ang mga nangyayari.
“Here.” Sambit ni Genevieve dahilan para mapalingon ako sakanya at pansamantalang ma distract sa aking iniisip.
“May ginagawa ka pa ba?” Tanong ko sakanya.
“Mhm, pero if may ipapagawa ka ay kaya ko naman. Hindi ako tight sched unlike you.” Seryosong sambit niya.
Wala pa man ay ramdam ko na agad ang parehong tensyon sa pagitan namin. Tensyon na hindi init ng damdamin, kundi init ng dugo. Mukhang nakakaramdam si Genevieve.
“Do this work for me.” Malamig kong sambit bago inabot sakanya ang tambak na mga papers.
Hindi siya nag salita at tumango nalang.
Sa mga nakalipas na araw, nag iiba na ang trato namin sa isa’t isa. I am starting to distance myself, bumabalik nanaman ako sa dating ako, yung dating wala pang Genevieve na pumapasok sa buhay ko.
“Bakit ba ang bigat-bigat ko?” Mahinang sambit ko sa aking sarili.
Parang may parte ng pagkatao ko na nanigas na, matagal nang hindi nakakaramdam. At minsan… natatakot akong baka hindi ko na kayang bumalik sa dating ako, yung batang masiyahin, masigla, maingay.
Siguro kasi I grew up with nothing… no warmth, no love, no comfort. Maaga kong natutunan na kailangan kong tumayo sa sarili kong paa. Hindi dahil malakas ako, kundi dahil wala namang ibang tatayo para sa’kin.
Walang nanay na aakap. Walang tatay na gagabay. May tahanan na nagpaparamdam sa akin na safe ako ngunit hindi ko naman iyon talaga maramdaman. Lumaki akong parang may kulang… pero pilit ko iyong kinukumpleto mag-isa dahil wala naman ng tutulong sa akin. Wala ng kukumpleto.
Noong bata pa ako… I was a jolly, happy, maingay na bata. Palagi akong tumatawa, palaging masaya, palaging puno ng energy. Gusto kong mapansin. Gusto kong may makinig sa mga kwento ko, kahit simpleng kwento lang. Ngunit walang gustong makinig, wala akong mapag sabihan bukod kay Kuya Salvius.
Minsan naiisip ko… na siguro kaya ganito ako ngayon, cold, tahimik, heartless… kasi bata pa lang ako, natutunan ko na walang sumasalo sa akin. Nang mawala ang mga magulang ko ay natuto akong tumayo mag isa, pagkatapos nun, parang wala nang ibang tutulong sa’kin, kinailangan din umalis ni Kuya Salvius para mapatunayan ang kaniyang sarili sakaniyang pamilya. Wala nang mag-aalaga sa'kin, wala nang magpapatuloy ng init na dapat meron sa bata. Kaya natutunan kong mamuhay sa sarili kong paraan, buhatin at tulungan ang sarili… na walang umaasa sa kahit sino.
Hindi ako sanay magpakita ng emotions. Hindi ko alam paano ipakita na may nararamdaman ako. Kahit galit ako, hindi ko kayang ipakita. Kahit lungkot… pilit ko lang itinatago. Ang nakikita lang nila ay ang pagiging seryoso ko, pagiging malamig, nakakatakot, at walang buhay na pagkatao. Minsan naiisip ko… baka hindi talaga ako marunong magmahal, kasi hindi ko alam paano. Hindi ko alam kung paano maramdaman yung warmth na normal sa ibang tao. Hindi ako naturuan, walang nagpakilala sa akin ng salitang pagmamahal.
Minsan, kapag nag-iisa ako, nararamdaman ko yung kulang. Yung mga bagay na dapat madama ng bata, yakap, “I love you,” simpleng pagtanong kung okay ka lang, wala sa buhay ko noon. Una’t huling rinig ko sa magulang ko na mahal nila ako, na proud sila sa akin, na swerte sila sa akin, nung naaksidente pa. Kung kailan kamatayan na, saka ko lang narinig. Kaya kahit lumaki ako at naging malakas, yung parte ng puso ko na natuto lang mag survive sa pang araw araw, pero walang buhay, walang kulay.
Alam kong naiiba ako sa ibang bata. Sila masaya sa simpleng attention ng parents nila. Ako? Kailangan ko pa gumawa ng ingay, kailangan ko pa magpatawa, kailangan ko pang magpakita ng sobra para lang mapansin. Kahit ganoon, madalas kulang pa rin. Hindi nila alam… hindi nila napapansin yung tunay na gusto ko.
The very first time na ilalabas nila ako, na magiging affectionate sila sa akin, na bibigyan nila ako ng oras ay agad naman din binawi sa akin. “Deserve ko ba ang lahat ng ito?” Tanong ko sa aking sarili.
Ano bang ginawa ko sa past life ko para maranasan ko ang mga ganito? Hindi man lang ako napag bigyan na sabay sabay kaming kumain tatlo, na mag uusap kami tungkol sa akin, na mabibigyan na nila ako mg atensyon.
Siguro iyon talaga ang dahilan kung bakit naging ganito ako ngayon. Cold. Reserved. Hindi expressive. Minsan naiisip ko… baka hindi ko pa rin kayang maging malambot sa kahit sino, kasi takot akong masaktan ulit. Takot akong mawalan ulit ng tao sa buhay ko. Takot akong mag-open up kasi baka hindi nila intindihin yung sugat na dala ko mula pagkabata.
Kuya Salvius and Piper became my comfort zone, my escape. Pero alam ko rin sa sarili ko na hindi dapat ako magpakampante na andyan sila palagi, na tutulungan nila ako palagi.
Kahit sa trabaho o sa harap ng ibang tao, ramdam ko ang kawalan. Kapag may nagtanong kung kumain na ako o kung okay lang ako, automatic akong nagbabalat. Hindi ko alam paano sagutin. Hindi ko alam paano ipakita na may nararamdaman ako. Kaya minsan, nagpapanggap na lang akong maayos kahit ang puso ko ay bumubugbog sa loob.
Kapag may taong lumalapit sa akin, nagiging alert ako. Automatic akong nagdi-distance. Si Genevieve lang ang bukod tangi, ngunit hindi rin naman nagtagal. Hindi dahil ayaw ko sa kanila… kundi dahil hindi ko alam paano i-handle ang attention o care na hindi ko naranasan noon. Minsan gusto kong sumagot ng, “Thank you, I appreciate it”, pero natatakot akong mag-open up. Natatakot akong baka matapos din ito gaya ng pagkawala ng magulang ko noon.
“Bakit ganito? Bakit hindi ko kayang pakiramdaman yung simpleng concern ng tao sa akin?” At pagkatapos nun, napapaisip ako… baka kasi masyado akong nasanay na walang sumasalo sa akin. Siguro kaya, kahit may mga nagmamalasakit, mas madali para sa akin ang maging cold. Kasi ang pagiging cold… parang armor ko, walls. Safe. Hindi ako masasaktan as long as hindi natitibag, hindi nasisira, walang pumapasok.
May mga araw na gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak, gusto kong humingi ng tulong. Pero paulit-ulit kong natutunan na huwag umasa, huwag magpakita ng kahinaan. Kaya ngayon, kahit may tao na nagmamalasakit, mas madali sa akin na iwasan sila kaysa ipakita ang kahinaan. Mas madali na lang maging malamig at matigas, kahit alam kong masakit sa loob.
I tend to push people away when everything is heavy and too much.
At minsan… sa gabi, kapag wala talagang makakausap, bumabalik yung batang ako. Yung jolly, maingay, masigla. Ramdam ko ulit na may kulang… yung pagkukulang ng yakap, atensyon, at pagmamahal. Yung hindi ko naranasan noon, pero gusto kong maramdaman ngayon. At doon ko naiisip… kahit paano, may hope pa rin pala ako na someday, matutunan kong maramdaman yung love. Ngunit hindi sa ngayon.
Minsan naiisip ko rin… baka hindi ko pa rin kayang maging bukas sa iba. Pero may parte sa loob ko na gusto… na kahit kaunti lang, maramdaman yung normal. Yung simpleng pagtanggap, pag-intindi, care na madalas nakukuha ng ibang tao sa pamilya nila. Gusto kong maramdaman na hindi ako nag-iisa, na may tao na safe ako sa tabi niya.
Pero paano kaya kung may nagpakita ng love sa akin noon? Kung naramdaman ko yung pagmamahal noon? Siguro hindi ganito ang puso ko ngayon. Pero hindi na pwedeng balikan ang nakaraan. Kaya kahit takot, may hope pa rin ako na maramdaman ko rin yung warmth, care, at love na dapat matanggap ng batang ako noon.
Kaya kahit tahimik ako, kahit cold ako, kahit hindi expressive… may parte sa puso ko na naghihintay. Naghihintay sa tamang tao… sa taong hindi matatakot sa silence ko, sa taong hindi maglalakad palayo kapag hindi ko alam paano ipakita ang nararamdaman ko. Yung magpapakita sa’kin na may lugar ako sa mundo nila, kahit hindi ko alam paano magmahal o mahalin.