KABANATA 10

1737 Words
HAZE “Kanina pa malalim ang iniisip mo. Ano bang problema?” Tanong ni Piper sa akin, naka tambay nanaman siya ngayon sa opisina ko kasama si Kuya Salvius na akala mo mga walang trabahong nag hihintay sakanila. “Wala.” Reklamo ko at sumandal sa aking swivel chair habang hinihilot ang aking sintido. “Walang iniisip pero stress? Fúcker.” Tumatawang sambit ni Piper. “Confused lang yan sa nararamdaman niya kay Nieve.” Pag paparinig ni Kuya Salvius. Hindi pa man ako nagsasalita ay alam na agad niya kung ano ang problema ko. Sabagay ay palagi ko siyang kasama, at bukod pa roon ay magaling talaga siyang mag observe sa mga tao. “Bakit? Ano ba sila ni Nieve?” Takang tanong ni Piper. “Ceo at Secretary.” Tumatawang sambit ni Kuya Salvius kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Tama naman ako? Bakit? Ano ba kayo?” Tanong ni Kuya Salvius habang ang kabiyang dalawang kilay ay nag tataas baba. Halatang nang aasar. Hindi naman ako nakasagot dahilan para mapangisi si Piper. “See? Hindi mo alam.” Mayabang na sambit ni Kuya Salvius. Walang linaw kung anong meron sa amin ni Aurora. Kung ano ang namamagitan sa amin. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin na, me and Aurora are f**k buddies dahil lalo akong sasamain sa dalawang ito. “Boss and Employee.” Tumatawang dagdag pa ni Kuya Salvius. “Pag yan umiyak.” Biro ni Piper na mas lalong ikinasama ng timpa ko. Kapag talaga silang dalawa ang nag sama ay walang minuto, oras, at araw na hindi nila ako mapipikon. “Ako nanaman ginagawa niyong bunot.” Inis na reklamo ko. “Syempre, ikaw lang naman ang pwedeng asarin dito.” Nakangiting sambit ni Piper. “Ano ba kasing nararamdaman mo kay Nieve?” Tanong ni Piper. I know na willing sila both tulungan ako ngunit paano nila ako matutulungan kung mismong yung sarili ko hindi masagot mga binabato nilang tanong? Na kahit ako naguguluhan at hindi alam ang tunay na nararamdaman ko. “Hindi ko alam.” Tipid na sambit ko at saka nag kibit balikat. Halos malaglag si Piper sa kinauupuan niya dahil sa sagot ko. “What a great answer Haze.” Napapa iling niyang sambit habang si Kuya Salvius naman ay napa buntong hininga. “I told you Piper, magtatawag ka muna ng santo bago makuha ang gusto mong sagot.” Napapa iling na sambit ni Kuya Salvius. “Pwede mo naman siguro iexplain kung ano yang nararamdaman mo?” Pangungulit ni Piper. “Hindi ko nga alam. Madalas mabilis t***k ng dibdib ko.” Tipid kong sambit at nag iwas ng tingin. “Puro ka kase kape.” Puna naman ni Kuya Salvius. “Palpitate? I don't think so.” Nakangiting sambit ni Piper kaya napa ismid nalang ako sakanya. “Ewan ko, hindi ko talaga alam.” Bagot kong sambit saka sumandal sa aking swivel chair. “Isang tanong isang sagot ha?” Taas kilay na sambit ni Piper. “Pwede ba akong humindi?” Reklamo ko ngunit mabilis silang umiling pareho. “Wala naman pala akong karapatan humindi, tinanong niyo pa ko.” Kamot ulong sambit ko. “Kapag kasama mo siya, ano yung nararamdaman mo?” Seryosong tanong ni Piper. “Hot seat.” Nakangising sambit ni Kuya Salvius, mukhang nag eenjoy sa pang gigisa ni Piper sa akin. “Be honest ha?” Pagbabanta ni Piper. Hindi rin naman ako makakapag sinungaling sakanila dahil kabisado nila ako kung nag sisinungaling ba ako o nag sasabi ng totoo. “Hindi ko ma-explain… parang comfortable pero nakakakaba. Parang gusto ko siyang makita lagi. Natutuwa akong napipikon ko siya.” Seryosong sambit ko kaya napatango tango naman silang dalawa ni Piper. “May times ba na gusto mo siyang tanungin kung ano kayo?” Sambit ni Piper. I was caught off guard kasi oo, madalas gusto kong tanungin kahit aware akong f**k buddies lang kami. “Actually meron, maraming beses. Pero lagi kong kinakain yung tanong bago ko masabi.” Sambit ko at nag iwas ng tingin. “Kapag sweet siya, ano ang naiisip mo?” Tanong ni Kuya Salvius. “What the héll?” Reklamo ko. I fúcking knew it, pinupulis lang nila ako para umamin sa kung ano talaga namamagitan samin ni Aurora. “Minsan naiisip ko na baka yun nga, may meaning… pero sinasabihan ko agad sarili ko na ‘wag maging assuming. Na walang meaning yon, na normal lang yon.” Pag amin ko. “Ano ba talaga kayo?” Nakangising sambit ni Kuya Salvius. “Set up, tss.” Inis kong sambit at wala ng nagawa kundi ang umamin. “f**k buddies.” Pag amin ko. “Gagó ka.” Gulat na sambit ni Piper habang si Kuya Salvius ay napapa iling. “Hindi kasi ako marunong mag-interpret ng emotions ko, alam niyo yan. Parang mixed signals sa utak ko. Magulo, hindi ko naiintindihan.” Pag amin ko. “We get it.” Tumatangong sambit ni Piper. “Kung sanay ka nang mag-isa, bakit parang ayaw mo nang bumalik sa dati nung dumating siya?” Natatawang sambit ni Kuya Salvius. “Matagal na akong comfortable sa pagiging mag-isa, sanay ako. At akala ko, okay ako doon, simple, quiet, walang complications, walang kulay ang buhay. Pero nung dumating siya, biglang nag-iba. Hindi ko in-expect na may taong makakapagpabago ng routine ko. Parang may warmth na hindi ko hinahanap pero hinahanap-hanap ko bigla. At ayoko man aminin… hindi ko na ata gustong bumalik sa dati. Pero hindi ko rin alam paano mag-adjust sa bago.” Pag amin ko. “Kung hindi ka marunong magmahal, bakit parang siya yung exception?” Seryosong sambit ni Piper. “I neverr said I don't know how to love, it's just that… Hindi ko alam ang pakiramdam ng magmahal.” Sagot ko kay Piper. Halata naman ang pagkalito sakanya kaya wala akong nagawa kundi ang mag paliwanag lalo. “Hindi ko talaga alam paano magmahal. Hindi ako lumaki na expressive, hindi ako sanay sa affection. Pero sa kanya… parang nagso-soften ako. Parang unti-unti kong naiintindihan yung concept ng love, pero still, magulo pa rin at hindi ko pa kaya i-label. She feels different. Hindi ko siya tinatrato katulad ng iba. Hindi ko siya kayang i-ignore. Hindi ko siya kayang mawala. Siguro hindi pa ako marunong magmahal… pero kung may taong makakapagturo sa’kin, siya ‘yun.” Sambit ko. “Cringe.” Inis na sambit ni Piper sabay hampas kay Kuya Salvius. “Tatanong ka ng ganyan tapos mag rereklamo ka, amats ka ba?” Inis na sambit ni Kuya Salvius na dahilan para mapanguso si Piper. “Ano bang mas nakakatakot para sa’yo? Ang magmahal, o ang magmahal at masaktan?” Tanong ni Piper. At talagang ayaw nila ako tantanan sa mga tanong na yan. “Honestly, both.” Tipid kong sambit. “Nakakatakot mahalin ang isang tao kasi kailangan mong ibaba yung guard mo. Kailangan mong maging vulnerable. Pero mas nakakatakot magmahal at masaktan, kasi doon ako may history. Sanay akong hindi umaasa, hindi nagbubukas, kasi ayoko ng disappointment.” Sambit ko at nag iwas ng tingin. “Pero kapag siya na… parang worth it yung risk, kahit ayaw ko pang umamin. And yes, alam kong contradicting. Pero hindi naman simple ang emotions, ‘di ba?” Dagdag ko. “Urong sulong.” Diretsong sambit ni Kuya Salvius. “Hindi ko alam.” Reklamo ko at bahagyang napakamot sa aking ulo. “Eto eto, kung hindi love ang nararamdaman mo, ano sa tingin mo ‘yon?” Excited na tanong ni Piper. “Hindi ko alam. Siguro attachment? Maybe care? Maybe something deeper na ayaw ko pang pangalanan. Kasi kapag sinabi kong love… parang sobrang bigat, parang may expectations agad. Pero kung hindi siya love, bakit masakit kapag siya nasasaktan? Bakit ako affected sa mood niya? Bakit siya yung gusto kong pakinggan after a long day? Hindi ko alam. Pero whatever it is… hindi siya ‘wala.’ pero hindi rin siya ‘meron.’” Seryoso kong sambit. “Aware ka sa nararamdaman mo, you're just confused kung love ba yan, kung attachment, kung care, o kung normal lang yan.” Seryosong sambit ni Kuya Salvius. “Alam mo Haze, okay lang na hindi mo alam. Okay lang na naguguluhan ka. Okay lang na natatakot ka. Hindi ka mahina. Hindi ka defective. Simpleng tao ka lang na may feelings na hindi pa naiintindihan.” Seryosong sambit ni Piper. Ayan na siya, Piper and her words. Hindi nanaman mapipigil ‘to. “May mga tao talagang hindi lumaki sa environment na expressive, just like you. May mga taong nasaktan noon kaya gumawa ng sariling armor. May mga taong nasanay nang maging strong kasi walang ibang sasalo. At may mga taong natuto nang mag-isa kasi ‘yon lang ang familiar sa kanila.” Dagdag niya pa. “Pero here’s the truth you don’t often hear. Listen carefully ha?” Sambit ni Piper kaya wala akong nagawa kundi ang tumango nalang. “Hindi ibig sabihin na sanay ka mag-isa… ay hindi ka na pwedeng mahalin. Hindi ibig sabihin na takot ka… ay hindi ka deserving ma-experience ang love. Hindi rin ibig sabihin na hindi mo alam paano magmahal… ay hindi mo na matututunan.” Sambit ni Piper. “Love is not something you’re supposed to be perfect at. Love is something you learn day by day, slowly, gently, at sariling pacing mo.” Seryosong singit naman ni Kuya Salvius. “And the fact na nararamdaman mo yung confusion, yung panic, yung pag-iwas, yung jealousy, yung fear, yung worry, ibig sabihin may something na. Hindi ka magre-react ng ganyan kung wala.” Nakangiting sambit ni Piper. Ayokong tanggapin na may something na, hindi pa ako handa. “Pero you know what? Hindi ka pwedeng mag stay sa ‘hindi ko alam.’” Tumatangong sambit ni Piper. “Life doesn’t wait. People don’t wait forever.” Sambit niya. “Kung hahayaan mong maghintay, mapapagod yan, baka mahuli ka?” Natatawang sambit ni Piper. “Hindi mo kailangang magmadali, yes, pero kailangan mo ring kumilos kahit pa-konti-konti. Kasi kapag hindi, darating yung araw na mare-realize mo na hindi ka naman talaga walang naramdaman, natakot ka lang aminin.” Seryosong sambit niya. “At minsan, pag nawala yung tao, saka mo lang malalaman na, “Hindi pala ako takot magmahal… takot pala akong mahalin.”” Sambit ni Piper dahilan para matahimik ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD