KABANATA 9

1990 Words
GENEVIEVE “At bakit mukhang mainit nanaman ang timpla ng mood mo?” Puna ni Gianna sa akin. “Napaka gulo kasi ni Haze.” Reklamo ko. “Ano bang nangyari?” Takang tanong niya habang titig na titig sa akin. “Dapat kasi ang plan is mag interview tayo ngayon ng bagong dadagdag sa atin, kaso nakalimutan niya. Pinapa move yung sched kasi may inentertain daw siyang bago. Edi ayon, ubligado nanaman akong mag adjust ng napagka haba haba niyang schedule dahil nagalaw lahat.” Iritableng sambit ko. Tumango lang si Gianna habang titig na titig pa rin sa akin. “May dumi ba ako sa mukha?” Takang tanong ko dahil kanina pa siya naka titig sa akin. “W-wala?” Lutang niyang sambit at saka ako inabutan ng isang maliit na salamin. “Haze Denzel!” Inis kong sigaw matapos makita na gulong gulo na pala ang lisptick ko. That fúcking jérk. Kuhang kuha nanaman niya ang inis at pagka pika ko. “Halata ngang inis ka, nagulo lipstick mo e.” Tumatawang sambit ni Gianna at mukhang nakapag process na siya. “Gága.” Namumulang sambit ko at saka nag iwas ng tingin kay Gianna. “Sus, nahiya ka pa. Alam naman namin ni Kuya Salvius na may namamagitan na sainyo. Mga in denial.” Biro pa niya na mas ikinapula ng aking mukha. “Yiii, nahihiya siya.” Tumatawang sambit ni Gianna. “Nang aasar ka kasi.” Reklamo ko habang naka nguso at inaayos ang aking lipstick na nasira. “Rate nga gaano kasarap humalik ang isang Haze Denzel Dawson?” Tumatawang biro ni Gianna kaya napa irap ako. “Hindi pa ba halata sa lipstick kong nasira? Intense e, may gigil.” Tumatawang biro ko dahilan para bahagya siyang mapa tili na ikinatawa ko. “Hi.” Biglang sambit ni Kuya Salvius dahilan para mapabaling kami sakaniya. “Good morning, ladies.” Nakangiti niyang sambit. “Hi Kuya.” Sabay naming sambit ni Gianna. “Pinapasabi ni Haze, tuloy na raw natin yung interview. May dragon daw kasing sumugod sakanya at binugahan siya ng apoy, namamaga nga ang labi e.” Nakangising sambit nu Kuya Salvius sabay kindat sa akin dahilan para muli nanaman akong namula. Malakas na tumawa si Gianna, “Dumugo ba Kuya?” Biro niya na ikinatawa ni Kuya Salvius. “Oo e, mukhang nasunog nung dragon na galit.” Tumatawa niyang sambit. “O sya, sumunod na kayo ha? Si Nieve raw ang mag iinterview.” Dagdag ni Kuya Salvius bago siya tuluyang magpaalam para umalis. “Matapos akong pikunin, magbabago isip, tapos sa'kin ipapasa responsibilidad niya. May sapak talaga sa utak yang Haze na yan.” Inis kong sambit kay Gianna na ngayon ay natatawa pa rin sa nangyari. “Dragon pala e.” Pang aasar niya kaya mas napa irap ako. “Berat.” Reklamo ko habang napapa iling. Nang makarating kami sa private office kung saan gaganapin ang interview ay nandoon na si Haze at Kuya Salvius. “Tagal ah.” Biro ni Kuya Salvius. “Nag ayos pa kasi yung dragon na bumuga ng apoy.” Pag paparinig ni Gianna dahilan para mahampas ko siya sa kaniyang braso na ikinatawa ni Kuya Salvius habang si Haze ay nag iwas ng tingin. Alam kasi niyang sasamain siya sa'kin kapag nakita rin siya sa pang aasar ng dalawa. “Anyway, before tayo mag proceed sa meeting, I have an important announcement.” Pag iiba ni Haze sa topic. “What is it?” Tanong ni Gianna na ngayon ay naka upo na sa kaniyang pwesto. “Gianna is promoted as our very own PR Director.” Nakangiting sambit ni Haze. “Gágo.” Depensa agad ni Gianna na ikinatawa naming tatlo. “Totoo yan, it's either tatanggapin mo o wag ka na raw mag trabaho dito.” Mapang asar na sambit ni Kuya Salvius kaya sinamaan siya ng tingin ni Gianna. “Congrats.” Nakangiti kong sambit at nakipag apir sakanya bago ako tuluyang maupo sa aking pwesto. I am happy and beyond proud sa naging achievement ni Gianna. “Libre oh, libre.” Pag paparinig ni Kuya Salvius habang nag hihintay kami sa applicant na papasok. “Oo na, mamaya.” Reklamo ni Gianna habang nakangiti at tuwang tuwa sa naging balita. Nang may pumasok na applicant ay agad kaming nag seryosong tatlo, si Haze naman ay tahimik lang at naka hawak sa hita ko. “Kamay mo.” Puna ko kay Haze dahil nag lalaro nanaman ang kaniyang kamay sa hita ko at baka may makakita pa sa amin. “Denzel.” Seryosong suway ko kay Haze sa mahinang boses. Mabuti nalang at sinasapo rin ni Kuya Salvius at Gianna ang ibang mga tanong kaya hindi lang puro ako ang nag sasalita. Ambag ni Haze sa interview? Presensya niyang nakakatakot lang. Hindi nag tagal ay natapos na ang interview. Ang hinahanap namin ngayon ay ang kukumpleto sa opisina namin ni Gianna which is ang Marketing Manager. “Kulang pa kami isa sa office, paano niyo nasabing kumpleto na?” Takang tanong ko. Marketing Manager lang naman ang hinanap namin ngayon? “Hindi na kasi need hanapin ang isa pang pupuno sa office niyo.” Natatawang sambit ni Kuya Salvius. “HELLO EVERYONE! IT'S BEEN A FÚCKING LONG LONG TIME!” Sigaw ng isang hindi pamilyar na babae na kakapasok lang sa private office. “Piper Sage Akari.” Seryosong sambit ni Haze. “It's been a while, Salvius, Haze.” Natatawa niyang sambit. “Who's these two pretty girls?” Gulat niyang sambit matapos kaming mapansin. “Introduce yourself. Hindi nangangagat yan.” Tumatawang sambit ni Kuya Salvius. “Genevieve Aurora Malton, secretary.” Pormal at seryosong sambit ko saka nakipag kamay kay Piper. “Gianna Ainsley Harini. PR Director.” Magalang at puno ng confidence na sambit ni Gianna. “Naks, PR Director na.” Biro pa ni Kuya Salvius na ikinatawa namin. “Piper Sage Akari. The Vice President of Digital Strategy.” Nakangiting sambit ni Piper. “Sino ang kukumpleto sa apat na tao office na binuo ko?” Excited na sambit ni Piper. “Pag uusapan palang, pero Marketing Manager mauupo ron.” Sambit ni Haze. “If you're wondering who I am, kababata ako ni Salvius at Haze. Kaedaran ko si Salvius pero huwag niyo na akong tawagin na Ate.” Nakangiti niyang sambit. “Kasama na ako sa ililibre mo Gianna ha?” Biro pa niya kaya napangiti ako. I like her, hindi siya nahihiya at marunong siyang makisama. She reminded me of Gianna nung unang pasok ko sa company. “Oo naman.” Natatawang sambit ni Gianna. “Ang daming nagbago, nawala lang ako saglit e.” Reklamo niya. “Saglit ba yung tatlong taon?” Taas kilay na sambit ni Kuya Salvius. Now, me and Gianna are curious bakit siya nawala ng tatlong taon. “Yang mga mukha niyong curious, I'll tell you about it sa susunod.” Tumatawang puna ni Piper sa amin kaya nagkatinginan kami ni Gianna. Habang papalabas kami ng private office ay tila ba may sinisipat at hinahanap si Piper. “Wala. Wala siya.” Sambit ni Haze. “Thank God.” Seryosong sambit ni Piper. “Kung bakit naman kasi babalik ka ng hindi ka pa okay.” Puna ni Kuya Salvius. Wala akong nagegets pero mukhang nakakakutob ako. Mukhang may past. “Okay na ako, ayoko lang siyang makita at baka mag back to zero ako.” Nakangusong sambit ni Piper. “Edi hindi ka pa nga okay.” Puna naman ni Haze. “Kumain nalang tayo.” Pag singit ni Gianna dahil pareho naming ramdam na gigisahin na si Piper ng dalawang lalaki na kasama namin. “Mag order nalang ba tayo o lalabas tayo?” Tanong ko. “Labas tayo, mag sawa naman ba kayo sa opisina.” Sabi ni Piper habang nakanguso. “Gusto mo lang kamo lumibot.” Pag paparinig ni Kuya Salvius. “Malamang, hello? Kauuwi ko lang Pilipinas?” Sarkastikong sambit ni Piper na ikinatawa ko. “Pinag samang ugali ni Gianna at Aurora.” Bulong ni Haze na hindi naman nakatakas sa pandinig ko. “What did you just say?” Taas kilay kong sambit at marahan na kinurot sa tagliran si Haze. “Wala. Sa'kin ka sumabay, hayaan mo yang tatlo na magsama sama.” Sambit ni Haze kaya napa irap ako. “Tantanan mo nga yang kaka solo kay Nieve. Mag iisang sasakyan tayo tutal ay lima lang naman tayo.” Nakangising sambit ni Piper dahilan para mapa ismid si Haze. Wala pa rin naman siyang nagawa dahil um-agree kaming lahat. “Si Salvius ang driver, si Nieve sa unahan.” Pag paparinig ni Piper. “Alam mo, napaka kontrabida mo.” Tumatawang sambit ni Kuya Salvius dahil halata namang inaasar ni Piper si Haze. “Pag ikaw ginantihan niyan, baka mag tawag ka nalang ng mga santo hindi pa effective kasi anak ni satan yan.” Tumatawang sambit ni Kuya Salvius dahilan para mapahagikgik din kami ni Gianna. “Saan ba tayo pupunta?” Pag iiba ni Haze ng topic. “Hindi siya makakaganti, wala naman pala dito yon e.” Biro ni Piper at mukhang walang balak tigilan si Haze. “Kaka uwi mo lang, ako nanaman bunot mo.” Reklamo ni Haze. “Kailan ba kita hindi naging bunot?” Tumatawang sambit ni Piper. “Makikita niyo na paano bugnutin yan si Haze, nandito na ako e.” Tumatawang sambit ni Piper. “Sus, may pampakalma naman yan.” Pag paparinig ni Gianna. “Pampakalma e binugahan nga siya ng apoy kanina?” Nakangising sambit ni Kuya Salvius. “Hoy anong bugahan yan?” Takang sambit ni Piper ngunit may ngisi na rin sa kaniyang labi. Ang bilis naman pumick-up ni Piper ng mga biruan, gets na niya agad. “Si Haze nagpapa under? Holy shít, what chapter did I freakíng miss?” Tanong ni Piper at tila mistulang gulatna gulat kahit naglalaro na sa kaniyang labi ang ngiti. “Whole chapter Piper Sage.” Inis na sambit ni Haze na ikinatawa naming tatlo. He's losing his temper na, and I am starting to enjoy this. “Nandito na tayo.” Sambit ni Kuya Salvius matapos niyang i-park ang sasakyan sa hindi ako pamilyar na lugar. “Tarantadó ka Salvius, bakit dito?” Inis na sambit ni Piper. “Karma.” Pag paparinig ni Haze habang may ngisi na ngayon sa kaniyang labi. “Anong meron?” Bulong ko kay Haze. “Pag mamay-ari ng kaibigan namin na ex fling niya yan.” Bulong niya pabalik kaya napatango tango nalang ako. “Pag nandyan yon, sasamain kayo sa'kin dalawa.” Pag babanta ni Piper. “Bakit ba takot na takot kang makita yang multo mo?” Takang tanong ni Gianna. “Paano, siya kasi nang iwan, siya nang ghost.” Tumatawang sambit ni Kuya Salvius at saka inakbayan si Piper. “Pumasok na tayo.” Sambit ko habang napapa iling. Malakas din ang trip ni Kuya Salvius, hindi mo malaman kung kampi ba siya kay Piper o kalaban din. Nang makapasok kami ay halos pag pawisan ng malapot si Piper sa sobrang kaba. “Here's the menu sir, ma'am.” Nakangiting sambit ng waiter kaya tumango ako saka tinanggap ang menu. “Mamili na kayo.” Kampanteng sambit ni Gianna, mukhang ineenjoy ang nangyayari. “Jetlag pa ata ako, uwi na ko.” Sambit ni Piper at akmang tatayo ng mabilis namin siyang hawakan ni Gianna sa magkabilang kamay. “Walang uuwi, gusto mo malibre diba?” Tumatawang sambit ni Gianna. “Biro lang yon, antok pa ko. Jetlag guys.” Reklamo ni Piper na mukha ng iiyak anytime soon. “Gagawa ng kalokohan tapos takot mahuli. Wala siya dito, wala siya sa Pinas.” Pag amin ni Haze dahilan para mapahinga ng maluwag si Piper. “Pwede naman pala kasing ganon, tinatakot pa ko.” Reklamo ni Piper.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD