Dahan-dahan akong pinahiga ni Alfe sa katre at inalalayan ang aking ulo na ilapag sa unang gawa sa duldol. Hindi naghihiwalay ang mga mata namin sa isa’t isa. Puno ng pagmamahal ang mga titig namin at pagnanasa. “Hindi mo pagsisisihan na sumama ka sa akin, Moi. Mamahalin kita nang buong puso…” usal niya habang hinay-hinay na tinatanggal ang mga butones ng aking suot na blusa. Hinayaan ko siyang gawin sa gusto niya sa katawan ko. Pag-aari na ako ni Alfe ngayon at buong puso kong ibibigay nang paulit-ulit ang sarili sa kanya. Hindi ako makasagot dahil naiiyak na ako. Alam kong malulungkot ako dahil hahanapin ako nina Mom at Dad. Summer will be very sad also, for sure. But if this escape will make me free from my Lolo’s hand, I am very happy to leave with Alfe. Hindi ko kailanman pagsis

