Masaya ka na, Lo? Masaya ka na nakikita akong nahihirapan at nasasaktan? Gusto kong sabihin iyon sa harapan niya habang sinalubong kaming pababa ng sasakyan. Ang lapad ng kanyang ngiti na tila ba, isang karangalan sa kanya ang masaktan ako ng ganito. “Good! Good girl…” Tinapik-tapik niya pa ang aking ulo habang kinukuyom ko ang aking kamao sa loob ng bulsa ng aking palda. Nanginginig ang buong kalamnan ko sa galit at gusto ko siyang sinigawan. Ngunit wala, ni isang katagang lumalabas sa aking bibig kundi ang pigil na hikbi. “I am so proud of you, Hermoine…” Inangat ko ang miserable kong mukha sa kanya. Hindi na tao ang nakikita ko, demonyo na! “You let a Villarica kneel to a Solarte.” Hayop! Hayop! “Though, you are not a real Solarte but at least…” “Lolo, tama na po.” Si Summer

